You are on page 1of 2

Kahirapan sa Pilipinas

Ito ang isa sa mga problema ng ating bansa na hanggang ngayon ay hindi parin
masolusyonan, at lubos na dapat bigyan pansin ang ganitong problema at hanapin ang mga saik kung
bakit ganito ang sitwasyon nga Pilipinas. Isa na sa mga kontribusyutor ng kahirapan ay ang mismong
gobyerno natin dahil kung hindi man corrupt ay walang planong resolbahan ang ganitong problema
dahil halos kalahati ng populasyon ng Pilipinas ay mahihirap at nasa 11 million na pamilya ang
kabilang sa kahirapan.Malaking bagay ito dahil isa tayo sa mga third world countries dito sa mundo,
at mahirapnumasenso ang bansang katulad ng Pilipinas.

Ang kahirapan na ating nararanasan ay nagdudulot ng masamang epekto sa atin lalong-lalo


na sa mga kabataan . Ang iba sa kanila'y hindi na nakapag-aral sa pagkat wala na silang pera
matrikula.Ang iba naman ay nagtatrabaho na kahit bata pa lamang sila.Nagiging kawawa ang mga ito
dahil , imbis nasa skwelahan at papel at ballpen ang hawak, sampaguita at sa lansangan sila makikita.
Malaking epekto ang nagbibigay nito pag dating sa kabataan at maaaring tumagal sa pag asenso ang
ating bansa kung ang nakakaranas ng ganitong problema ay halos mga kabataan. Napakaraming
problema ang naidudulot nito lalong-lalo nasa mga kabataan pa mn din na ang kabataan ang pag-asa
ng bayan. Paano pa tayoaasa sa mga kabataan kung sila mismo ay hindi nakapag-aral.

Ang tanging solusyon nalang ng ating bansa para dito ay nagsisimula sa kabataan, dapat
iimprove ang systema ng edukasyon ng ating bansa at karamihan sa mahihirap ay makapag tapos
dapat ng pag-aaral. Napakalaking bagay g edukasyonpara umasenso ang bansa at buhay ng tao kaya
dapat bigyang pansin ito ng ating gobyerno at hanggat sa maaari ay bawasan ang kahirapan sa
Pilipinas.
Tekstong Impormatibo
(Paglalahad ng Totoong Pangyayari)
11 -HUMSS

Submiited to: Ma'am Lena Aguilar

Submitted by: Maricris A. Bautista

You might also like