You are on page 1of 1

Ugat ng Kasadlakan

Sa Pilipinas, kahirapan ang pinaka malaking problema o isyu na hindi mabigyan ng solusyon na
kinakaharap ng bansa. Dahil nga isang sa pinaka malaking problema ng bansa, maraming mga tao ang
nakakaranas nito. Sila ang mga walang maayos na tirahan, kakulangan sa makakain, damit, pangunahing
pangangailangan at mga taong nakakaranas ng matinding diskriminasyon galing sa iba. Bakit nga ba
dagsa ang mga taong nakakaranas nito? Ito ang maaari o pisibleng dahilan ng pagiging mahirap.

Pinanganak kang mahirap, isa itong dahilan at pinagmulan ng kahirapan. Maraming mga Pilipino
ang nakakaranas parin nito. May kasabihan nga tayo na hindi kasalanan kung pinanganak ka ng mahirap,
magiging kasalanan mo ito kung namatay ka ng mahirap.

Posible ding dahilan ang hindi pag susumikap o ang pagiging palaasa sa ibang tao. Isang
halimbawa nito ay ang mga badjao. Sila ang mga taong palaboy laboy sa kalsada at humihingi ng limos.
Limos na kung saan ay pampatanggal lang ng gutom. Mga tambay isa ring halimbawa nito, mga taong
hindi tinutulungang paunlarin ang sarili at mas pinipiling walang gawin o mas kilala natin sa tawag na
“Katamaran”.

Ang pagkakaroon o pagkakalulong sa bisyo ay maaaring kabilang sa pinagmulan ng pagiging


mahirap. Maraming Pilipino ang nalululong dito. Ang bisyo ay isang bagay na mahirap ng talikuran kung
nakasanayan mo ito. Oo nakakatanggal nga ito ng istres o pagkabagot sa sarili subalit masama ang
epekto nito sa kalusugan at sa buong pamilya. Nagagastos at nauubos mo ang perang pinagtrabahuhan
mo dahil sa bisyo, at ang resulta nito ay wala kang pambili ng pangunahing pangangailangan ng sarili
mong pamilya.

Gayon din marahil na isama ang kawalan o kakulangan sa pagpalano. Isa rin itong karanasan ng
bawat Pilipino. Mga maagang nag-asawa at inuuna ang mga gusto kaysa sa sa pangangailangan ay mga
halimbawa nito. May mga tao na mas inuuna ang pag-aasawa kaysa sa pagkakaroon ng trabaho, at ang
resulta nito ay kakulangan ng pagkukunan ng pangangailangan.

Ang mga ito ang ang posibleng dahilan o pinagmulan ng kahirapan. Bago natin sisihin ang
gobyerno o mga taong na namumuno dito, tingnan at tanungin muna natin ang ating sarili. May ginawa
na ba tayo? Gumawa ba tayo ng paraan upang mapaunlad natin ang ating sarili? Kung hindi
masulusyunan ng ating gobyerno ang kahirapan ng bansa, ikaw na mismo ang gumawa ng paraan upang
mapaunlad ang iyong sarili. Kung lahat ng tao ay ganoon ang layunin wala ng tao ang makakaranas ng
masalimuot na pamumuhay.

You might also like