Professional Documents
Culture Documents
4. Kasakiman- dahil sa kasakiman ng ilang mga Pilipino ay mas pinipili pa nilang ibenta ang
kanilang mga sarili sa mga taong may kaya sa buhay o makapangyarihan. Minsan
kinukulang ng mga tao ang Kung anong meron sila kaya gusto nilang yumaman kadalasan
pa minsan ay hinahatak nila ang mga tao na umangat na sa buhay para bumagsak sila.
6. Kawalang disiplina- sa panahon ngayon hindi na sila natatakot sa mga batas opsiyonal na
lang sakinila kung sundin nila o hindi. Kailangan natin maging disiplinado at sumunod sa
mga batas o patakaran na ipairal ng my awtoridad.
KULTURANG POPULAR
1. Aeta
Ang kanilang tradisyonal na kasuotan ay napakasimple. Ang mga kabataang babae ay
nagsusuot ng pambalot na palda. Ang matatandang babae ay nagsusuot ng “bark cloth”,
dumadaan ito sa pagitan ng mga binti, at nakakabit sa isang tali sa baywang habang ang
matatandang lalaki ay nagsusuot ng “loincloths”. Ngayon, karamihan sa mga Aeta ay nakipag-
ugnayan sa mga nasa mababang lupain at gumagamit na ng mga damit, pantalon at sandals na
gomma na karaniwang ginagamit ng mga nasa mababang lupain (Blogger, 2012).
https://
kwekudee-tripdownmemorylane.blogspot.com/2012/10/aeta-people-one-of-first-natives-of.html?
m=1&fbclid=IwAR1WtcsmT58_T0egCoovlORkWX22FLR4BaB9jQfMyC5axYcWBNrGxd-WdVcEOPLE: ONE OF THE FIRST
AFRICAN NATIVES OF ASIA AND THE ORIGINAL INHABITANTS OF PHILIPPINES (kwekudee-
tripdownmemorylane.blogspot.com)
2. Ifugao
Ang katutubong damit ng mga lalaki ay tinatawag na ’’wanno” o bahag/g-string. Mayroon
itong anim na iba’t ibang uri. Ang tradisyonal na kasuotan naman ng mga babae ay tinatawag na
’’tapis’’ o mas kilala bilang palda o pambalot. Mayroon naman itong limang iba’t ibang uri.
Depende ito sa katayuan sa lipunan o kung saang munisipalidad ito galing (Mayol,2021).
Ang larawan ay kay Mayol,E. (2021).Some Traditional Clothes Indigenous People in PH
Wear.CDN Life. Som https://cebudailynews.inquirer.net/396515/some-traditional-clothes-indigenous-people-in-
ph-wear?fbclid=IwAR1z_wwF-TerlqvJNnkt24xMhVLbSoCyPLklE65gDWinQKQgBdm6be6dC_w#:~:text=Ifugao
%20Traditional%20Clothing&text=The%20male%20traditional%20clothing%20of%20the%20Ifugaos%20are
%20called%20%E2%80%9CWanno,known%20as%20a%20wraparound%20skirte traditional clothes indigenous
people in PH wear | Cebu Daily News (inquirer.net)
3. Kalinga
Sa Kalinga, ginamat ang tawag sa isang hugis pahaba na habi na karaniwang may sukat
na 4 hanggang 5 talampakanang haba at 3 hanggang 3.5 pulgada ang lapad. Ito ay para sa
kababaihan at isinusuot bilang palda sa pamamagitanng pag-ikot nito sa baywang at pagkakabit
nito sa dulo. Maaaring may mga kuwintas na isinama sa makukulay na disenyo ng ginamat.
Noong unang panahon, ang mga babae ay nagsusuot lamang ng ginamat ng walang anumang
pang-itaas na damit. Sa ngayon ang mga babae sa kalinga ay nagsusuot ng blusa. Ang mga
isinusuot naman ng mga lalaki ay tinatawag na g-string o bahag na ginagamit para itago ang nasa
mababang bahagi ng kanilang katawan. Ito ay katulad ng ginamat ngunit ito ay mas makitid at
mas mahaba.
Ang mga larawan ay kay Isle, J. (2018). Pictures and Description of Kalinga Costumes.
Blogspot.com. THE CLAMOR OF KALINGA: Pictures and Descriptions o
https://theclamorofkalinga.blogspot.com/2018/09/descriptions-of-kalinga-costumes.html?
m=1&fbclid=IwAR3OfWf1rJ89guAWx8wBcdcjloZRrMVkS5dGLypY0Rp5xhZSBypMj99SxPwf
Kalinga Costumes
4. Kankana-ey
Ayon sa Wikiwand (n.d) ang mga kankana-ey ay nagkakaiba sa kanilang pananamit. Ang
tradisyonal na damit naman ng mga babae ay titatawag na palingay o tapis. Ang mga kababaihan
na mababa kung magsalita ay may kombinasyon ng mga kulay puti, itim at pula. Ang disenyo ng
pantaas na damit ay criss-crossed style ng puti, itim at pula. Ang pang ibaba naman ay
kombinasyon ng stripes ng itim at saka kaunting putting istayl. Ang kanialng palda o tapis ay
tinatawag na bakget at gating. Ang mga kalalakihan naman ay nagsusuot ng bahag at tinatawag
itong wanes.
Ayon kay David Barrows, ang mga kalalakihan ay nagpapahaba ng buhok at nagpapatubo
ng bigote. Kung sila ay nagluluksa, ang mga kalalakihan ay nagsusuot ng amoso. Kung sila ay
nagtatanim, hindi sila nagsusuot ng pang-itaas na damit at kung nasa bahay lng naman sila ay
nagsusuot ng kaba.
Ang mga larawan sa ibaba ay galing sa facebook page ng Habing Katutubo
https://web.facebook.com/photo/?fbid=792146099582595&set=a.126071806190031&__tn__=
%3C
5. Ibaloy
Ang mga babaeng ibaloy ay nagsusuot ng kambal o blusa, at divet o palda. Ang kanilang
pananamit ay nagpapahiwatig ng panlipunang uri na kanilang kinabibilangan
(AbuenaObra.wordpress.com, n.d). Ang mayayamang babae o baknang ay nagsusuot ng
makukulay na kambal at divet na may itim na kulay na umuusbong. Ang mga abiteg o mahihira na
babae ay nagsusuot ng itim na at puting kambal at divet (Anonymous,n.d). sa unang bahagi ng
kasaysayan ng ibaloy, ang mga babae ay hidi nagsusuot ng mga damit at silay hubad
(Leano,1950). Dahil sa walang magagamit na damit, kinailangan ng mga babae na pumunta sa
mambatek para magkaroon ng batek o tattoo. Bukod sa paniniwalang ang mga tattoo ay
nakakapagpagaling ng sakit, ito din ay ginamit upang takpan ang hubad na balat ng mga babaeng
ibaloy (Anonymous,n.d).
7. T'boli
Ang mga t’boli ay naninirahan sa timog-kanlurang Mindanao, partikular sa kabundukan ng
katimugang Cotabato. Nagsusuot ang mga kababaihan ng mga damit na kulay itim o navy blue na
mahahaba ang manggas, katamtamang sikip, nasa baywang ang haba, at walang kuwelyo. Ang
suot nilang pang-ibaba ay isang tubular skirt na ang haba ay nasa bukong-bukong. Tuwing may
espesyal na okasyon sila ay nakasuot ng pin-striped linen skirt. Mahilig din sialang magsuot ng
alahas tulad nd kuwintas, hikaw, at pulseras (Talavera,2013). Mayroon din silang inilalagay sa
kanilang ulo na tinatawag na kayab na itinatali nila sa kanilang maluwag na buhok, s’long kinibang
na isinusuot kapag sila ay nagtratrabaho sa bukid, at bagat s’long na gawa sa beads at buhok ng
kabayo na binurlas na ginagamit lamang nila tuwing may okasyon o kapag ikakasal na ang mga
babae (Talavera,2013).
Ang mga larawan ay galing sa ResearchGate.net na sinulat ni Ma. Jezia P. Talavera (PDF) The T'boli: Songs, Stories and
Society (researchgate.net) https://www.researchgate.net/publication/304347631_The_T'boli_Songs_Stories_and_Society?
fbclid=IwAR0EMO49eEpaoUXRt59ZDW9Btxpu_PSOo2URu-FySGt1p7U4-k0lfS88xTA
8.Tausug
Ang mga lalaking Tausug ay nagsusuot ng masikip at lapat na damit pang-itaas at
pang-ibaba. Mayroon din silang pamigkis na nakalibot sa baywang na tinernohan ng turban.
Ang kanilang mga kasuotan ay gawa sa telang koton na kanilang hinabi. Kadalasan ang mga
lalaki ay nagpapakalbo o nagpapagupit ng maikli bilang aydentidad ng katayuan nila sa buhay.
Ang mga babae ay nagsusuot ng ternong sarong na kagaya ng sa mga malay. Nagsusuot din
sila ng mga tansong alahas at iba pang aksesorya sa kanilang blusa at ginagamit din bilang
kuwintas at porselas (Studocu, 2022).
9. Badjao
Ang karaniwang kasuotan ng mga badjao ay “patadyong”. Ito ay may maraming gamit.
Sadya itong malaki upang kumasya sa parehong babae at lalaking magsusuot. Ang ibang babae
ay nagsusuot ng maluwang na manggas na hanggang balakang ang haba. (Scribd, n.d.).