You are on page 1of 1

TAN, Mary Ann C.

BPS 1-1
2014-01163-MN-0
Ika-16 ng Hunyo, 2014
Isa sa mga makakasaysayang
lugar sa Pilipinas ang masaganang
lungsod ng Vigan. Ito ay isa sa
dalawang lungsod ng lalawigan na
matatagpuan sa kanlurang bahagi ng
baybaying lalawigan ng Ilocos Sur,
Rehiyon ng Ilocos sa Luzon.
Kilala rin ang bayan na ito dahil
sa Century Old Houses na may bahid
ng impluwensyang Asyano, Europeo at
Latino Amerikano na matagumpay na
naalagaan ng mga mamamayan mula
pa noong ika-16 na siglo.
Malaki ang naitutulong ng Vigan sa pagsulong ng turismo ng bansa dahil na rin
sa kamangha-manghang tanawin, arkitekto at delicacies gaya ng Royal bibingka,
empanada, longganisa, basi, tamales at torta. Dahil dito, nabibigyan ng pagkakataong
makapagtrabaho ang mga mamamayang nananahan rito ng sa gayon ay may
maipangtustos sila sa kanilang pang-araw-araw na gastusin. Mayroon din silang
ipinagbibili na mga souvenir gaya ng t-shirt, keychain, banga atbp.
Sadya nga naman talagang kaaya-ayang puntahan ang Vigan. Sasaya ka na,
makakatulong ka pa sa mga Biguenyo at higit sa lahat, matuuto ka pa ng mga bagong
impormasyon na may kinalaman sa kasaysayan ng ating bayan.

You might also like