Professional Documents
Culture Documents
Ang Kuratsa ay isang tradisyonal Sayaw ng panliligaw kung saan ang lalaki ay lalapit at
susuyin ang babae sa isang anyo ng isang sayaw. Ito ay nangangahulugan ng ang panliligaw
sa pagitan ng mga tandang at inahing manok. Ang Kuratsa ay mataas na napaboran sa
pamamagitan ng mga Bisaya mga tao, higit sa Waray, ang rehiyon sa silangang bahagi ng
Visayas. Ito ay ipinapakita sa bawat mahalagang okasyon sa komunidas
kaugalian sa panliligaw ngayon noon sa panahon ng mga ninuno natin ang pagtatagpo
ng babae at lalaki ay hindi pinapayagan. gawain ng lalaki sa tahanan ng babae 1. magsibak
ng panggatong 2. mag-igib ng tubig 3. tumulong na magkumpuni ng bahay at kung anu-ano
pang pipagagawa ng mga magulang ng babae. inaabot ng ilang buwan, at minsan taon, ang
paninilbihan nito sa tahanan ng babaing nais ligawan. bigay-kaya 0 dote ito'y maaaring pera
ginto o bagay na mahalaga ang semonya ng kasalan ay dinaraos sa pamumuno
ng BABAYLAN o KATALONAN. sa Visayas , ginagamit sa ligawan ang betel nuto buyo na
ginagawang nganga. antas sa lipunan antas sa lipunan tatlong uri ng tao sa lipunan ng luzon
maginoo
-maaaring ihambing natin sa mayayaman at makapangyarihan sa kasalukuyan. malayang
mamamayan
-maharlika at timawa-
maaari silang ihambing sa gitnang uri ng kasalukuyang panahon sa ating bansa. alipin
dalawang uri ng alipin
aliping namamahay
aliping saguiguilid kalagayang panlipunan ng mga sinaunang Pilipino
Pagdiriwang
Ang Pista ng Pintados, o tinatawag ding Pista ng Pintados-Kasadyaan, ay isang masayang
pagdiriwang na tumatagal ng isang buwan, kung kailan din ginaganap ang "Leyte
Kasadyaan Festival of Festivals", ang "Pintados Festival Ritual Dance Presentation" at ang
"Pagrayhak Grand Parade". Ang mga pagdiriwang ito ay sinasabing nagmula sa Pista ni
Señor Santo Niño tuwing ika-29 ng Hunyo. Ang mga taga-Leyte ay ipinagdiriwang ang
nasabing pista sa isang bukod-tangi at makulay na pamamaraan. Bihasa ang mga Bisaya sa
pagtatato, ang mga lalaki't babae ay mahilig magtato sa kanilang sarili.
Ipinapakita ng Pista ng Pintados ang mayamang kultura ng Leyte at Samar, sa
pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga katutubong sayaw at musika. Ang "Leyte
Kasadyaan Festival of Festivals" naman ay nagpapakita ng bukod-tanging kultura at
makulay na kasaysayan ng probinsiya ng Leyte. Sinimulan ni dating Gobernador Remedios
Loreto-Petilla, ang pagdiriwang ay unang ginanap noong ika-12 ng Mayo, 1996. Ang mga
pista ay hindi laging ginaganap tuwing ika-29 ng Hunyo dahil sa unang tatlong taon ay
nangyari ito sa magkaka-ibang petsa. Noong 1999 lamang ito opisyal na itinakda sa araw ng
Hunyo 29, ang Pista ni Señor Santo NIño de Leyte.
Sinulog Festival - Sumisiklab ang Lungsod Cebu, Cebu tuwing Enero dahil sa
pagdiriwang ng Sinulog. Gaya ng Ati-atihan, ang Sinulog ay tinatampukan ng sagradong
imahen ng Santo Niño, at sa himig ng “Pit Señor! Hala, Bira!” ay yayanigin ng tambol,
palakpak, at hiyawan ng mga tao ang buong lungsod. Ang Sinulog ay binubuo ng halos isang
buwan na paggunita sa mahal na patron ng mga Sebwano, at kabilang dito ang Sinulog
Bazaar, ang timpalak Sinulog, ang sining at pangkulturang pagtatanghal, prusisyon, ang
parada doon sa Ilog Mactan, ang Reyna ng Sinulog, at ang makukulay na kuwitis na
pinasasabog sa himpapawid.
Ang salitang Sinulog ay nagmula sa salitang Cebuano na may ibig sabihin na, "tulad ng agos
ng tubig." Itinutukoy dito ang sulong-urong na lakdaw padyak ng sayaw ng Sinulog. Ang
mga mananayaw ay kadalasang sumasayaw ng pasulong at paurong kasabay sa tiyempo ng
tambol.