You are on page 1of 1

Name: Mary Ann C.

Tan
Year and Section: BPS 1-1
Student Number: 2014-01163-MN-0
Date: June 16, 2014
Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga
pulo at mga karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng iba pang mga teritoryo na nasa ganap na
kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas, na binubuo ng mga kalupaan, katubigan, at
himpapawirin nito, kasama ang dagat teritoryal, ang lalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa, ang
mga kalapagang insular, at ang iba pang mga pook submarina nito. Ang mga karagatang
nakapaligid, nakapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging ano man ang lawak at
mga dimensyon ay nag-aanyong bahagi ng panloob na karagatan ng Pilipinas. Ito ang nakasaaad
sa Artikulo blg. 1 ng pamabansang konstitusyon.
Nakatutuwang isipin na may artikulo na ginawa ang konstitusyon na nagtatakda at
naglalayong mapangalagaan at maprotektahan ang teritoryo ng Pilipinas. Hindi naman lingid sa
ating kaalaman na dumarami ang isyu hinggil sa agawan ng teritoryo gaya na lamang ng alitan
ng Pilipinas at China dahil sa Sscarborough Shoal. Kung ating bibigyang pansin ang teritoryong
mainit na pinag-aagawan, masasabi natin na mayaman ang isla hindi lamang sa natural resources
gaya ng mga isda, corales, atbp. Gayundin sa natural gas, mineral at sa langis na makukuha rito.
Bukod pa rito, malaparaiso rin ang kagandahan ng lugar na ito na sadya namang kahali-halina na
makakapag-ambag ng malaki sa turismo ng bansa. Sa kasalukuyan, namataan ng US chopper ang
dalawang Chinese warships malapit sa Scarborough.
Bukod pa rito, isa pang teritoryo ang ipinaglaban ng Pilipinas sa UN, ang Benham Rise.
Kung ating babalikan sa kasaysayan, ika-8 ng Abril, 2009 nang maghain ang Pilipinas ng partial
territorial waters claim kasama ng United Nations Commission on the Limits of the Continental
Shelf hinggil sa nasabing teritoryo. Naglabas rin ang pamahalaan ng patunay gaya ng R.A. 9522
o Archipelagic Baselines Law. Abril noong taong 2012 nang pumayag ang United Nations
Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na maging bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang
Benham Rise.
Sa kabuuhan, nakakadismayang isipin na may mga taong ganid at nangangahas na
umangkin ng teritoryo natin dahil naniniwala ako na ang bawat bahagi ng teritoryo ng Pilipinas
na nakalaan para lamang sa mga Pilipino. Nagpapasalamat ako dahil may kapasidad ang
pamahalaang mapangalagaan ang dapat ay sa ating mamamayan ng Pilipinas.

You might also like