You are on page 1of 4

Ang mga Babae sa Buhay ni Pepe

POSTS ARCHIVE
Hindi maikakailang malaki ang naging kontribusyon ni Dr. Jose Rizal sa pagpapausbong
ng damdam ing nasyonalismo ng mga Pilipino noong kanyang panahon. Sa pamamagitan ng
kanyang pluma at angking talino, nagawa niyang maipagtanggol ang Pilipinas laban sa mga
mapang-alipustang banyaga. Ngunit hindi lamang damdaming nasyonalismo ang nagawang
paningasin ni Pepe – maging ang puso ng maraming dilag ay nagawa rin niyang paliyabin sa
pamamagitan ng kanyang nag-aapoy na pagmamahal at angking karisma. Maliban sa inang si
Teodora Alonzo at sa kanyang Inang Bayan, maraming babae pa ang inibig ng ating pambansang
bayani sa loob o labas man ng bansa.

1) Si JuliaJulia
Nakilala ni Rizal ang labing-apat na taong gulang na si Julia sa isang ilog sa Los Baños
noong siya’y labinlimang taong gulang pa lamang. Sabay silang nanguha noon ng paru-paro sa
tabing-ilog at doo’y pinagsaluhan nila ang kaunting panahon ng saya at tuwa. Ang pakiramdam na
ito’y naging panandalian lamang; isa lamang matamis na pagtatangi ng isang binatilyo sa isang
dalagita ang naganap sa kanilang pagsasama. Ayon sa tala, hindi pa tuluyang nahulog ang puso ni
Pepe kay Julia nang mga panahong ito. Sa wikang Ingles, maaaring ito’y infatuation pa lamang.

2) Segunda Katigbak
Mula naman sa Lipa, Batangas si Segunda Katigbak na noon ay labinimageg-apat na taong
gulang nang makilala ni Rizal. Tuwing Huwebes at Linggo bumibisita noon si Rizal sa Colegio
de la Concordia kung saan namamalagi ang kapatid niyang si Olympia at si Segunda. Sa
panahong ito, tuluyan nang nahulog ang loob ni Rizal kay Segunda. Ngunit sa kabila nito,
pagkasawi muli sa pag-ibig ang naranasan ni Rizal. Si Segunda ay nakatakda nang ikasal kay
Manuel Luz kahit na hindi ito nais ni Segunda. Hindi nagawang ipagtapat ni Rizal ang kanyang
pag-ibig para kay Segunda. Tila baga siya’y nawalan ng tapang at lakas ng loob noong mga
panahong iyon, hanggang sa tuluyan nang mawala si Segunda Katigbak.

3) Binibining L.
Isang misteryosang dilag naman itong si Binibining L. Hindi malaman ng mga historyador
kung ano ang ibig sabihin ng L sa pangalan ng dilag na ito. Pagkatapos ng pagkasawi kay
Segunda, ibinaling ni Rizal ang kanyang atensyon sa dalagang ito. Dalawang magkasunod na gabi
bumisita itong si Rizal kay Bb. L. dahil na rin sa nadama niyang sakit sa piling ni Segunda. Ngunit
maagang natapos ang pagbisitang ito ni Rizal sa pagtutol na rin ng kanyang ama.

4) Leonor imageValenzuela
Nakilala naman ni Rizal itong si Leonor o Orang Valenzuela noong siya’y nag-aaral pa sa
Unibersidad ng Santo Tomas. Katabi ng tinutuluyan ni Rizal ang bahay ng mga Valenzuela at
palagi silang namamalagi ng kanyang mga kaibigan doon. Unti-unting nahulog ang loob ni Orang
kay Rizal dahil sa angking talino ni Jose. Binibigyan ni Rizal si Orang noon ng mga liham na
nakasulat sa tintang maaaninag lamang kung itatapat sa lampara. Ngunit para kay Rizal, higit na
mainam kung ituring niya lamang na kaibigan si Orang kaysa ituring niya itong kasintahan. Ang
desisyong ito ay bunsod na rin ng espesiyal na pagtangi ni Rizal sa isa pang Leonor, si Leonor
Rivera.

6) Leonor Rivera
May mga nagsasabing kababata ni Rizal itong si Leonor. May mga nagsasabi ring sila ay
malayong magpinsan. Magkagayunman, noong mga bata pa sila ay hindi gaanong napapansin ni
Rizal si Leonor. Ngunit nang magdalaga ang dilag, napansin ni Rizal na unti-unti nang
bumubulaklak ang dati’y tila kampupot lamang na si Leonor. Nang nagkaimagekamabutihan na
ang dalawa, napagpasiyahan nila na Taimis ang itawag kay Leonor Rivera upang makatakas sa
mga matang maaaring kumondena sa kanilang dalawa. Nang mga panahong ito, unti-unting
umusbong si Rizal bilang manunulat at nasyonalista. At noong 1882, inilihim ni Rizal kay Leonor
ang kanyang pag-alis patungong Europa, na lubha namang ikinasakit ng damdamin ng dalaga.
Kung noong una’y suportado ng mga magulang ni Leonor ang pag-iibigan ng dalawa, bigla nila
itong tinutulan dahil sa pagiging kilalang pilibustero ng binata ng mga panahong iyon. Marami pa
ang naganap na nagbunsod sa masakit na paghihiwalay ng dalawa. Dahil sa pagharang ng mga
magulang ni Leonor sa mga sulat ni Rizal para sa dalaga, ipinagpalagay ni Leonor na kinalimutan
na siya ni Rizal – na siyang nagtulak kay Leonor upang magpakasal sa isang Ingles na pinili ng
kanyang mga magulang, si Henry Kipping. Tumagal ang relasyon nina Rizal at Leonor Rivera
nang 11 taon.

7) Consuelo Ortiga y Perez


Anak si imageConsuelo ni Don Pablo Ortiga y Rey, alkalde ng Maynila noon. Nagkita sila
ni Rizal sa Madrid kung saan balot pa rin si Rizal ng pagdadalamhati dahil sa pagpapakasal ni
Leonor Rivera sa ibang lalaki. Sa Madrid, hindi lamang si Rizal ang humanga kay Consuelo.
Maging sina Eduardo de Lete, Antonio at Maximino Paterno ay nahulog din sa kanya. Nagkaroon
ng kasunduan sina Rizal at Lete upang malaman kung sino ang pipiliin ni Consuelo sa kanilang
dalawa. Sa pagtatapos ng kanilang kasunduan, si Lete ang nakabihag ng puso ni Consuelo.
Inihandog ni Rizal kay Consuelo ang tulang A la Señorita C. O. y R., isa sa mga magagandang
tulang naisulat ni Rizal. Sa kabila ng panibagong pagkabigong ito, si Leonor pa rin ang nasa isip
ni Rizal.

8) Usui Seikoimage
Sa pagdaan ni Rizal sa bansang Hapon patungong Europa noong 1888, kanyang nakilala si
Usui Seiko, 23 taong gulang. O-Sei-San ang tawag ni Rizal sa kanya. Mula si O-Sei-San sa
pamilya ng mga samurai. Muntik nang pakasalan ni Rizal si O-Sei-San dahil sa magandang
trabahong inilaan sa kanya roon. Ngunit nanaig ang damdaming makabayan ni Rizal kaya’t hindi
na ito naisakatuparan.

9) Gertrudimagee Beckett
Nang makarating si Rizal sa London, namalagi siya sa tahanan ni Charles Beckett. Si
Gertrude o ‘Gettie’ ang panganay na anak ni Charles. Tuwing umaga, bilang kaugalian na ng mga
Ingles, hinahatiran ni Gettie si Rizal ng kanyang almusal. At dahil nga sa angking kakaibang
karisma ni Rizal, nahulog ang loob ni Gettie kay Rizal. Ngunit kagaya ng nangyari sa kanilang
ugnayan ni Consuelo, higit na pinili ni Rizal ang sariling bayan at si Leonor.
10) Nelly Bousteadimage
Tulad ng kanyang mga naunang dilag mula sa Europa, hindi rin nagtagal ang relasyon ni
Rizal kay Nelly Boustead, isang Pranses. Hindi pumayag si Rizal sa pakiusap ni Nelly na maging
isang Protestante. Hindi rin nais ng ina ni Nelly na magkaroon ng manugang na doktor na hindi
binabayaran ng sapat ng kanyang mga kliyente. Naghiwalay ang dalawa ngunit nanatili pa rin ang
kanilang pagkakaibigan.

image11) Suzanne Jacoby


Nagtungong Brussels sa Belgium si Rizal noong 1889 dahil sa maluhong pamumuhay sa
Paris. Namalagi siya sa tahanan ng dalawang magkapatid na sina Marie at Suzanne Jacoby. At
katulad dati, nahulog ang loob ni Suzanne sa kanya. Ngunit noong Hulyo 1890, umalis si Rizal
patungong Madrid at naiwan si Suzanne na nagdadalamhati.

12) Josephine Bracken


Nagkakilala sina Josephine at Rizal nang dalhin ng una ang kinilalang ama kay Rizal
upang ipagamot noong Pebrero 1895. Dito na nagsimula animageg kanilang malalim na
pagtitinginan. Bagaman tutol ang kinilalang ama, hindi nagawang pigilan ng tadhana ang pag-
iibigan nina Josephine at Rizal. Marami ang nagduda sa katapatan ni Josephine kay Rizal. May
mga nagsasabing kasabwat siya ng mga prayleng noon ay kalaban ni Rizal. Hindi rin naging
maluwat para sa ibang kapatid ni Rizal ang kanilang relasyon dahil hindi raw kapantay ni
Josephine ang katalinuhan ni Rizal. Isang hindi magandang pangyayari ang naganap noong
katapusan ng 1895 - nalaglag ang dinadalang anak ni Josephine. Bunsod nito, nagpasya na lamang
sina Rizal at Josephine na mag-ampon ng batang babaeng nagngangalang Maria Luisa, na kaagad
naman nilang ibinalik sa mga tunay nitong magulang. Si Josephine ang naging kahuli-hulihang
babae sa buhay ni Rizal bago ang kanyang pagkamatay sa Bagumbayan.
Pag-ibig ang nagtulak kay Rizal upang sumulat ng mga nobelang makapagmumulat sa
ating mga kababayan. Pag-ibig din ang kanyang naging sandala’t katuwang sa kanyang paglaki sa
Calamba hanggang siya’y mapadpad sa Biñan at Maynila upang mag-aral. Pag-ibig din ang
kanyang natagpuan nang siya’y lumibot sa daigdig – sa London, Belgium, Espanya, Pransya,
Hapon, at iba pa. At pag-ibig din ang nagpabalik at sumalubong sa kanya sa Perlas ng Silanganan.
Tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig. Hahamakin ninuman, maging ng ating
pambansang bayani, ang lahat para sa bagay na ito – ito ma’y pag-ibig sa ina, kapatid, kapwa, o
maging sa bayan. Sina Concepcion, Julia, Segunda, Bb. L., Orang, Leonor, Consuelo, O-Sei-San,
Gertrude, Nelly, Suzanne, Josephine, at maging si Teodora Alonzo at ang Pilipinas ang nagpatunay
na kahit si Rizal, na kahit ang isang bayani ay umibig, nagmahal, umasa at nasaktan din. Naging
malaking bahagi sila ng buhay ni Jose Rizal at hindi maikakailang ilan sila sa mga naging
inspirasyon ng ating pambansang bayani upang higit na maging matatag, kapaki-pakinabang, at
huwarang Pilipino – sa puso, isip, salita, panulat, at gawa.

MGA SANGGUNIAN:
Lirio, Gerry. “Women first in heart of First Filipino Philippine Daily Inquirer”. (2008),
http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20081230-180569/Women-first-in-
heart-of-First-Filipino. (accessed August 8, 2011).
Trillana, Pablo. The Loves of Rizal and Other Essays. Quezon City: New Day Publishers, 2000.
Zaide, Gregorio at Sonia Zaide. Jose Rizal. Manila: National Bookstore, 1984.
MGA LARAWAN:
Mula sa Inquirer.net
Ipininta ni Fr. Armand A. Tangi, SSP
Kuha ni Joey de Vera
11 notes

You might also like