You are on page 1of 9

“KORUPSYON SA PILIPINAS”

Pangatlong Markahan

Bilang Bahagi ng Pangangailan

Ng Asignaturang Aral. Pan. 10

“Mga Isyung Politikal At Pangkapayapaan”

Thesis

Ipinasa kay:

G. Henry J. Branzuela, LPT

Ipinasa nila:

Rhealene Shane S. Flores

Hecel Mae Pepito

Champaigne Claire Ursal

Disyembre 2017
UNANG YUGTO

1. PAGKILALA SA ISYU/SULIRANIN/PAGLALAHAD NG TESIS

Kaliwa’t kanan ang mga alegasyon ngayon ng korupsyon sa ilang mga ahensya ng
pamahalaan. Kapanalig, ito ay napalaking dagok lalo na sa mga kawani nito na dumaan
ng maraming mga taon ng pagsasanay at pag-aaral upang iangat ang propesyonalismo sa
public service.
Kapanalig, maraming mga bayani sa hanay ng gobyerno, at kadalasan, hindi sila ang mga
pinuno. Ang mga public servants natin na tahimik na nagtatrabaho kahit pa walang credit
o papuring tinatanggap ang siyang mga unang nagiging biktima ng korupsyon. Bumababa
ang morale ng isang ahensya kapag lumalala ang korapsyon, morale na kay tagal at
kayhirap nilang inaangat.
Maraming mga ahensya ng gobyerno ang dumaan sa malawakang reporma nitong mga
nakaraang taon. Isa nga dito ang Civil Service Commision (CSC), ang ahensya na
nangunguna sa pag-tataas ng kapasidad ng mga government employees. Ang mga
reporma na ito ay masasayang kung lalawig pa ang insidente ng korupsyon. May mga
ilang survey ang Asian Development Bank sa Asya na nagsasabi na ang korupsyon ay isa
sa mga salik na humaharang sa economic development ng maraming mga bansa.
Ang ating bansa, kapanalig, ay rank 101 sa 175 na bansa sa Corruption Perceptions Index
(CPI) nitong 2016. Pang 95 tayo noong 2015, habang noong 2014, pang 85 tayo. Unti
unting bumaba ang ranking natin. Kailangan nating kumilos.
Ang patuloy na pagbaba nito ay may malaking epekto sa ekonomiya. Mababawasan ang
mga mamumuhunan at maaring tumulak paalis sa mga natitira.
Mawawalan din tayo ng tiwala sa ating mga institusyon. Kung ang ating mga ahensya ay
lipol ng mga mandarambong at mandaraya, saan pa tayo pupunta para sa mga regular na
pampublikong serbisyo?
Nagiging kultura rin kapanalig, ang korupsyon. Kung kurap ang mga pinuno, tinuturuan
din tayo nitong magkurap. Halimbawa, walang maglalangis kungdi tatanggap ng langis.
Ang patuloy na paggawa nito ay nag-re-reinforce o nagpapatibay ng korupsyon dahil
nagiging mutually beneficial ang mga kurap na transaksyon.
Kailangan nating iwaksi ang korapsyon sa lipunan. Malayo na sana ang ating narating.
Tumaas na ang persepsyon ng international community sa patuloy na paglilinis ng
korupsyon sa ating lipunan. Kung hahayaan nating lumaki pa ito uli, sayang ang ating
nabubuong imahe.
Ang paglawig ng korupsyon ay paglawig din ng pagkasira ng dignidad ng tao.
Halimbawa, habang kumukurap ang isang ahensya, bumababa din ang morale ng hanay
nito, nawawalan ng kumpiyansa ito sa pagtugon at pagsulong sa kaganapan ng
organisasyon. Ang taong unting nabubulok ng kurapsyon ay hindi rin tunay na buhay:
hungkag ang kaligayahan, at hindi maabot ang kaganapan ng kanyang pagkatao. Ang
pagwaksi ng korapsyon ay pagkilala ng pagmamahal ng Diyos at ng kaharian ng Diyos sa
ating buhay. Ayon nga sa Gaudium et Spes: We cannot live fully in the truth unless we
freely acknowledge God’s love and entrust themselves to our Creator.
2. PAGLALAHAD NG MGA USAPIN SA ISYU O PAKSA

Kamusta na kaya ang Pilipinas? Nakawala na ba siya sa rehas ng kasakiman o


nandoon pa din siya gumagawa ng paraan para makawala sa rehas ng kasakiman na
naging isang pangmatagalang bangungot?

Ang Pilipinas ay dumaranas ng talamak at malawakang korupsiyon sa pamahalaan nito.


Nagsimula ito sa mga naunang namuno sa bansa at hanggang ngayon ay hindi pa din
nawawala kumbaga ito ay isang tatu na mahirap ng tanggalin pa.

May iba't ibang uri ng korupsiyon sa Pilipinas. Ang pitong mga korupsiyon na
isinasagawa sa Pilipinas ang pagtakas sa pagbabayad ng buwis, mga ghost projects at
payroll, pagtakas o pag-iwas sa subasta sa publiko ng pagkakaloob ng mga kontrata,
pagpasa ng mga kontrata, nepotismo at paboristismo, pangingikil, at panunuhol. Una ay
ang pagtakas sa pagbabayad ng buwis. Ito ay talamak partikular na sa pribadong sektor
dahil sa pagtanggi ng mga nagnenegosyong pribado na dapat na ideklara ang kanilang
taunang kinita at magbayad ng mga angkop na buwis sa pamahalaan. Pangalawa ay ang
mga ghost projects at pasahod. ito ay ginagawa ng mga matataas na opisyal ng
pamahalaan kung saan ang mga hindi umiiral na proyekto ay pinpondohan ng
pamahalaan samantalang ang mga hindi umiiral na tauhan ng pamahalaan o mga
pensiyonado ay binabayaran ng mga sahod at allowance. Ang katiwaliang ito ay talamak
sa mga ahensiya ng pamahalaan na nasasangkot sa pormulasyon at pagpapatupad ng mga
programa at proyekto partikular na sa imprastruktura at sa pagbibigay ng mga sahod, mga
allowance at mga benepisyong pensiyon. Pangatalo ay ang pag-iwas sa subasta sa
publiko ng pagkakaloob ng mga kontrata. Ang paglisan ng mga mga opisina ng
pamahalaan partikular na ang mga komite ng mga subasta at pagkakaloob ng mga
kontrata sa pamamagitan ng subasta sa publiko o pagkakaloob ng mga kontrata sa mga
pinaborang mga negosyo o kontraktor na makapagbibigay sa kanila ng mga personal na
benepisyo. Upang legal na maiwasan ang pagsusubasta sa publiko ng mga kontrata, ang
mga ahensiya ng pamahalaan ng bumibili ay magsasagawa ng isang pira-pirasong
stratehiya ng pagbili kung saaan ang maliit na halaga ng mga suplay at materyal ay
bibilhin sa isang tuloy tuloy na proseo. Sa kasong ito, ang mga kasunduan sa pagitan ng
bumibili at suplayer ay ginagawa kung saan ang isang persentage ng halagang presyo ay
ibibigay sa namimili na minsang nagreresulta sa sobrang presyo at pagbili ng mga
mababang uring mga suplay at materyal. Pang-apat ay ang nepotismo at paboritismo.
Ang mga matataas na opisyal ay maaaring maglagay o humirang mga kamag-anak at
kaibigan sa mga posisyon ng pamahlaan kahit pa hindi kwalipikado. Ito ay isa sa mga
ugat ng kawalang kaigihan at pagdami ng mga empleyado sa byurokrasya. Panglima ay
pagpasa ng mga kontrata mula sa isang knotraktor sa isa pa. Sa pagtatayo ng mga
proyekto ng imprastruktura, ang mga kontraktor ay may kasanayan ng pagpasa ng mga
trabaho mula sa isang kontraktor tungo sa isa pa. Sa prosesong ito, ang isang persentahe
ng halaga ng proyekto ay napapanatili ng bawat kontraktor at subkontraktor na
nagreresulta sa paggamit ng mga mababang uring materyal o hindi natapos na proyekto.
Pang-anim ang pangingikil na ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan laban sa kanilang
mga kliyente sa pamamagitan ng paghingi ng salapi, mahahalagang mga bagay o mga
serbisyo mula sa mga ordinaryong mamamayan na nakikipagtransaksiyon sa kanila o sa
kanilang opisina. Ito ay talamak sa mga ahensiyang nag-iisyu ng mga clearance at ibang
mga dokumento, mga nasasangkot sa pagrerecruit ng mga tauhan o mga nagsasagawa ng
mga serbisyon na direktang pumapabor sa mga ordinaryong mamamayan. Pangpito ay
ang suhol o lagay Ang sistemang lagay o suhol na akto na ang mga mamamayan ay
nanunuhol o naglalagay sa mga opisyal ng pamahalaan ay tumatagal dahil sa
byurokratikong red tape. Ang labis na mga kailangang papeles, matagal na pagpoproseso
ng mga dokumento, hindi epektibo at hindi maiging pangangasiwa ng mga tauhan at
kawalan ng propesyonalismo sa paglilingkod sa publiko ay nagtutulak sa mga
ordinaryong mamamayan na maglagay para sa mabilis na pagpoproseso at pag-iisyu ng
mga personal na dokumento. Ang karaniwang paraan nito ang pagaalok ng malaking
halaga ng salapi sa isang opisyal ng pamahalaan na makakatulong sa pag-iisyu ng mga
nais na dokumento sa mga ahensiyang nag-iisyu ng mga lisensiya, permit, mga clearance
at mga ahensiyang nagpapasya sa mga partikular na isyu. Ang isa pang paraan nito ang
paggamit ng mga fixer kung saan ang mga tao ay nagbabayad sa ilang mga indbidwal na
maaari o hindi maaaring mga empleyado ng pamahalaan na magproseso o magtamo ng
mga kinakailangang dokumento para sa kanila.

Napakaraming uri ng korupsiyon na maaaring gawin ng kahit sinong nakaupo sa mataas


na posisyon ng walang ibang taong nakakaalam kundi siya at ang kanyang
katransaksiyon. Walang ibang nakakakita at nakakarinig sa kanilang palalim na palalim
na pag-uusap. Walang laban ang mga taong nasa ilalim nila, ang mga taong nasasakupan
nila.

Bakit nga kaya hindi mawala wala ang korupsiyon sa Pilipinas? Marahil gawa din ng
iba't ibang intensiyon ng mga namumuno. Ang iba'y gusto mangamkam ng pera. Ang iba
naman ay gusto ng kapangyarihan. May iba namang gusto talagang umunlad at
makabangon sa hirap ang bansa. Ano kaya ang mas titimbang? Ang kasakiman ba o ang
kabutihan?

Sa panahon ngayon, dalawa ang ninanais ng mga tao, ang kayamanan o pera at
kapangyarihan. Hindi na nakakapagtaka kung bakit ganto na ang nangyari sa bansang
Pilipinas. Dahil sa sariling kagustuhan at kapakanan, madaming tao ang naaapakan at
nakakawawa. Sa pang-angat niya ay pagbasak ng taong nasa likod niya. Sabi nga nila,
pagtutulungan at pagmamalasakit daw ang susi sa maunlad na nasyon. Kung ito nga ang
susi bakit hirap na hirap pa din makawala ang Pilipinas sa rehas na ito? Uulitin ko, dahil
ito sa sariling kapakanan lang ang iniisip. Gusto nating lahat makabangon sa hirap na
ating nadaranasan ngayon pero bakit patuloy pa din natin ginagawa ang mga bagay na
alam natin na mas makakapagpahirap sa ating pagbangon. Ito ang problema sa mga
Pilipino, basta nakukuha niya ang mga gusto niya ay masaya na siya, hindi man lang
iniisip ang kapakanan ng iba. Lagi na lang sarili ang pinagtutuunan ng pansin. Paano na
din kaya ang iba?

Ang tanging tanong na hindi mawala sa isip ko ay "Kailan kaya makakawala sa rehas ng
kasakiman ang Pilipinas?".
Patuloy na sinosolusyunan ng pamahalaan ang isyu ng korapsyon sa bansa bago matapos
ang termino ni Pangulong Benigno Aquino III.
Ito ang ipinahayag ng Malacañang matapos mapabilang ang Pilipinas sa listahan ng Most
Corrupt Countries ng Transparency International.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., patuloy ang
pagpapatatag ng pamahalaan sa mga pampublikong institusyon.
Sa ganito aniya mapapanatili ng mga mga opisyal ng gobyerno ang prinsipyo ng
transparency at Public accountability.
“The government continues to strengthen the public institutions so that civil servants will
imbibe the ethos of transparency and public accountability.” Ani Coloma.
Sa 168 countries ng Corruptions Perceptions Index 2015, nasa aik siyamnapu’t limang
puwesto o 95th ang Pilipinas, kapareho ng bansang Armenia, Mali at Mexico.
Mas mababa ito ng 10 puwesto kumpara noong 2014.
Ayon sa naturang ulat, ang North Korea at Somalia naman ang una sa listahan ng most
corrupt countries na nakasama sa survey.
Ang mga bansang Denmark, Finland, Sweden, New Zealand, Netherlands Norway,
Switzerland, Singapore, Canada at Germany ang nasa top 10 ng hindi corrupt na bansa.

3. PAGLALAHAD NG MGA ARGUMENTO NA PABOR O LABAN SA


ISYU
Isa yan sa madalas nating mapakinggan ngayong panahaon ng kampanya.
Madami ang nagsasabi at nangangako na susugpuin nila ang korapsyon kapag sila ay
nahalal sa puwesto. Too good to be true? tingnan natin ng mabuti.

Ang korupsyon ay nakaugat na sa sistema ng pulitika dito sa Pilipinas. Napakatagal na


panahon na na kaakibat ng salitang “pulitika” ang “korapsyon.” Halos maging
synonyomous na nga ang dalawa. At hindi kaila sa atin na kapag naririnig natin ang
salitang “pulitika” at “gobyerno”, pumapasok at pumapasok pa rin ang salitang
“korapsyon.”

Marami na ang nagtangkang sugpuin ang korupsyon. Mayroon pa ngang PCGG


(Presidential Comission on Good Governance). Marami na rin ang kilusan at mga NGO
na nagsisilbing watchdog against corruption. Pero bakit buhay at andiyan pa rin sa
sistema ang korapsyon?Sa aking opinyon, ang korapsyon kasi ay wala sa macro level, ito
ay nasa micro level. Ang korapsyon ay wala sa malaking sistema kundi matatagpuan sa
indibidwal na tao. Ang bawat isa sa atin ay may “potency” o kakayahan para magkaroon
ng korapsyon. Lahat tayo ay may pananagutan sa sugat sa sistema na ito.Ang simpleng
pagbibigay ng lagay para makalusot at mapabilis ang transaksyon, ang simpleng pagkuha
ng office supplies, ang simpleng paglapastangan sa public property, ito ay maliit na form
ng corruption. Puwede kang maniwala, puwedeng hindi.

Ano ang punto ko? Ang pagsugpo sa korapsyon ay hindi lamang nakasalalay sa iisang
tao. Tayong lahat ay may kakayahan na sumugpo sa korapsyon. Kung lahat tayo ay
magtutulungan, kung lahat ay magbabago sa indibidwal na lebel, kung lahat tayo ay
magiging bantay laban sa korapsyon, mawawala at masusugpo natin ang korapsyon.
Pero may problema. Ang tao kasi ay may “kalayaan” (freedom o free will) at mayroon
siyang pinapangalagaang personal at pansariling interes.

Kaya diyan papasok ang elemento ng sakripisyo at pagbibigay para sa mas ikabubuti ng
marami. Iyan, sa aking opinyon, ang tunay na kahulugan ng demokrasya.

Sa pagpili natin ng kandidato ngayong darating na halalan, isa-alang-alang natin kung


ang hakbang ba niya sa pagsugpo ng korapsyon ay sa macro o sa micro na lebel. Kung
too good to be true o realistic.

4. PAG-AANALISA SA MGA DATOS AT ARGUMENTO SA ISYU


Batid naman nating lahat na ang pilipinas ay dumaranas ng talamak at malawakang
korapsyon sa ating pamahalaan at ito ay nakaugat na sa sistema ng politika dito sa
pilipinas. Napakatagal na panahon nakaakibat ng salitang politika ng korapsyon.

Kabilang sa mga paraan ng korapsyon na isinasagawa sa pilipinas ang graft, panunuhol,


paglustay ng salapi, mga kasunduan sa likurang pintua, nepotismo, padrino, pagtakas sa
pagbayad ng buwis, ghost project at payroll, pagtakas o pag iwas sa subasta sa publiko ng
pagkakaloob ng mga kontrata, paboristismi, pangingikil at panunuhol.

Kaya maraming ahensya nilikha upang sugpuin ang korapsyon sa pilipinas tulad ng
Office at Ombudsman (OMB), Civil Service Commission (CSC), Commission on Audit
(COA), at sandigang bayan na ang layunin nila'y magsilbing hadlang at sumugpo sa mga
opisyales sa gobyerno at sa mga taong na nanamantala sa kaban ng bayan.

Ang pagsugpo sa korapsyon ay hindi lamang nakasalalay sa isang tao. Tayong lahat ay
may kakayahan na sumugpo sa korapsyon. Kung lahat tayo ay magtutulungan, kung lahat
ay magbabago sa indibidwal na level, kung lahat tayo ay magiging bantay laban sa
korapsyon, mawawala at masusugpuan natin ang korapsyon.

5. PANUKALA AT ALTERNATIBONG SOLUSYON SA PAGLUTAS


SA ISYU

Alinsunod sa aking pananaw at batay sa mga naging pahayag mula noong


sumiklab ang tinaguriang "pork barrel scam" bilang isang “concerned citizen”, heto ang
mga mahalagang paraan o bagay na dapat isipin, isapuso at gawin ng sambayanang
Pilipino laban sa pandarambog, korapsyon, katawalian, kasabwat, epalismo, at
dinastiyang politikal na ang mga sumusunod:

1. Alisin at hangga’t maaari’y tanggalin na ang mga larawan o litrato ng mga kapal na
mukha na pulpol o mokong politikong nagpapansin magpahanggang ngayon sa
anumang uri ng proyekto o programa ng pamahalaan, pahayagan at patalastas
komersyal man o hindi na masyadong maaga o kaya hindi pa napapanahon ang
kampanyahan para sa anumang darating na halalan.

2. Makilahok at lagging maging mapagmasid at magpamatiyag sa anumang hakbang n


gating gobyerno pagdating sa "public budget bidding or hearing" sa pamamagitan ng
pag-aanunsiyo sa pahayagan o anumang uri ng midya kagaya ng dyaryo, radyo,
telebisyon, pelikula, internet, at iba pa.

3. Anyayahin at hikayatin ang taumbayan mula sa simbahan hanggang sa alinmang


sector ng lipunan na isulong at ipasa na agad na tinatawag magna carta for freeeom of
information and right of reply na matagal na matagal nang hinihintay sa ikalabing-
limang kongreso at datin nang ipinangako n gating mahal na pangulo ng naghihirap
na bansang Pilipinas.

4. Yamang likas ng bansang Pilipinas ay ating ipagsanggalang, at ang mga buwis na


pinaghihirapan ng sambayana ay huwag nating hayaang abusuhin ng sinumang
tiwaling opisyal ng pamahalaan maka-lokal man o pambansa

5. Akayin at bantayin ang mga tinatawag na whistleblowers at tsaka state witnesses na


nangangailangan ng husto at karapat-dapat na proteksyon laban sa mga sindikato o
elementong nagnanais silang burahin sa pagtestigo sa anumang korte ng hustiya.

6. Nakasisiguro tayong magwawagi at magwawagi pa muli sa bandang huli sa


magiging kahihinatnan n gating inang bayan sa loob man ng bansa o panig ng mundo.

7. Adhikain at huwag isuko an gating mga paninindigang ipaglaban at ipagtanggol an


gating mga karapatang pantao bilang mga aktibo at mapaghayag na mamamayan..

8. Nakasalalay na ang buong kinabukasan n gating magiging salinlahi sa salinlahi sa


ating mga kamay bilang mga lehitimo at bayaning mamayanan ng ating lupang
sinilangan at hinirang.

6. KONGKLUSYON
Sa aming naunang pananaliksik. Napagkaalaman ng aming grupo na ang
sinasabing korapsyon ay isang gawaing kawalan ng katapatan. Na kung saan ay nag
pokus ang mga mananaliksik sa korapsyon sa pulitika. Na inaabuso ang kani-kanilang
mga kapangyarihan para sa pansariling kapakanan. Ilan lamang sa aming natuklasan ang
mga pangunahing impormasyon:

 Hindi na matatapos ang korapsyon. Ito lamang ay maaaring mabawasan, kung


tayo ay magtutulungan.

 Ang korapsyon ay naka ugat na sa sistema ng pulitika dito sa pilipinas.


 Ang korapsyon ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit naghihirap ang
mga pilipino.

 Ang korapsyon ay isang malubhang suliranin ng ating bayan. Marami na ang


nagdaang administrasyon ngunit patuloy pa rin ito.

 Tayo ang pumipili ng mga magnanakaw sa atin.

 Marami sa ating mga kababayan na ang pananaw kung bakit hindi umuunlad ang
bansang Pilipinas ay dahil sa korapsyon.

 Ang korapsyon kung hindi ito sa pulitika, maaaring matawag ito kung ikaw ay
walang katapatan at integridad sa iyong ginagagawa. Hindi lamang ito sa
pagnanakaw ng pondo ng bayan ngunit saklaw din nito ang mga maliliit na
pondo o kahit anong pagnanakaw sa kaban ng isang bagay o mga tao.

 Base rin sa aming pananaliksik, Minsan ang korapsyon ay isang bagay na hindi
maiiwasan kahit sa sino mang matapat na pulitiko. At kahit makulong pa ang ilan
sa kanila. Paulit ulit pa rin ang nangyayari.

Nais lamang namin na maihatid sa lahat na, malaman kung ano ba talaga ang nasabing
korapsyon. Na isang isyung paulit-ulit na tinatalakay ngunit nananatiling bulag ang ating
mga kababayan sa paghanap ng paraan at sa pakikipagtulungan. Nais lamang namin na
sila ay mamulat sa nangyayari sa ating bayan. At maipakita na may magagawa pa tayo.

Kahit sa ordinaryong mamamayan ng ating bansa. Nawa‟y namulat namin kayo na kahit
sa isang simpleng boto. Ito ay makakaapekto sa ating kinabukasan. Na tayo rin ang pipili
ng mga taong magnanakaw sa atin. Kaya sa isang boto, sa atin nakasalalay ang mga
magiging mga pulitiko.

Sa mga estudyante, batid namin na wala ito sa mga katayuan sa bayan. Tandaan tayo ang
itinuturing na pag-asa ng bayan. Tayo ay may mga „boses‟ na magsisilbing instrumento
sa pag-abot sa inaasam na pag-unlad.

At Sa mga pulitikong nais lamang ang magnakaw sa kaban ng bayan. Nawa'y kung hindi
man kayo mapanagot sa korapsyon, tandaan na hindi lamang ang batas ang maaaring
manghusga sa inyo. May nakakakita ng katotohanan at siya na ang bahala sa inyo. Pati na
rin sa mga nananatiling tapat, siya na rin ang bahala sa inyo.

7. BIBLIYOGRAPIYA

 Anton Pascual, April 7, 2017, Veritas Editorial, Korupsyon,


https://www.veritas846.ph/korupsyon/
 Juan, Unknown, Juan Republic, Aalisin ko ang korupsyon,
http://juanrepublic.tumblr.com/post/545489249/aalisin-ko-ang-korapsyon
TABLE OF CONTENTS

 PAGKILALA SA ISYU/SULIRANIN/PAGLALAHAD NG TESIS ………………………….PAGE 2

 PAGLALAHAD NG MGA USAPIN SA ISYU O PAKSA……………………….…….PAGE 3,4 & 5

 PAGLALAHAD NG MGA ARGUMENTO NA PABOR O LABAN SA ISYU………....PAGE 5 & 6

 PAG-AANALISA SA MGA DATOS AT ARGUMENTO SA ISYU…………………………PAGE 6

 PANUKALA AT ALTERNATIBONG SOLUSYON SA PAGLUTAS SA ISYU……….PAGE 6 & 7

 KONGKLUSYON………………………………………………………………………….PAGE 6 & 8

 BIBLIYOGRAPIYA…………………………………………………………………………….PAGE 8

You might also like