You are on page 1of 4

PAG-UNAWA SA KORAPSYON:

Pamilyar tayong lahat sa korapsyon.kabi-kabila ang paglalantad sa dyaryo at


telebisyon ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno na bagama’t hind kataasan ang
sweldo ,ay nagagawang makapagpatayo ng malalaking bahay,nakakabili ng mga
mamahaling sasakyan at nakapagpapanatili ng malaking deposito sa mga lihim na
bank account. Nakakagugulat at nakakagalit ang mga ganitong balita sapagkat
malinaw na ginagamit ng mga opisyal na ito ang kanilang poder at posisyon upang
mapayaman ang kanilang sarili gamit ang pera ng taumbayan.Gayunpaman,hindi
natin kadalasan inaaaming mayroon din tayong papel sa pagpapalaganap ng
korapsyon .

Halimbawa:

 Pagpapameryenda sa mga tauhan sa isang opisina ng gobyerno na


nagproproseso sa renewal ng iyong permit.
 Pagpapadala ng regalo sa purchasing officer ng isang kumpanya kung saan
nakikipag-bid ka upang maging suplayer
 Pagbibigay ng tip sa opisyal ng custom na magpapalabas ng kargamento mo

Lahat ng ito ay pangkaraniwan na lamang na nangyayari at tila tanggap na ito bilang


normal na bahagi ng pagnenegosyo.Hindi madali ang pagtukoy sa Korapsyon, lalo
na kung ituturing nating kabilang pati mga karaniwang kilos natin ditto.Sa
kabanatang ito ipapaliwanag kung ano ang porma , sanhi at kung ano ang bumubuo
sa korapsyon.

Noong 2018 lumabas sa resulta ng Transparancy International na nasa ika-111 ang


Pilipinas mula sa 180 na bansa sa “Corruption Perception Index (CPI)”2017 na
mayroong CPI na 34,mas mataas kumpara sa naunang taon, ibig sabihin ,mas
lumalala.

BATAS KONTRA KORAPSYON:

 R.A No.3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) R.A.No.6770-sakop ng


mga batas na ito ang lahat ng mga mangagawa sa pampubllikong opisina
maging ang mga kumpanyang hawak ng gobyerno.Ang mga pampublikong
opisyal o mangagawa na inakusang nagkasala ay uusigin ng
Ombudsman.oras na mapatunayan ang katiwalian ang mga sangkot ay
pormal na sasampahan ng kasoat lilitisin sa sandigan bayan.(Ispesyal
nakorteng inilalaan kontra korapsyon).
KAHULUGAN AT PORMA NG KORAPSYON

Madalas binibigyang kahulugan ang korapsyong bilang “maling paggamit ng


posisyon para sa pansariling kapakinabangan”. Naging kora pang mga inihalal at/o
pampublikong opisyal sa oras na gamitin nila ang oportunidad na dala ng kanilang
posisyon upang makalamang sa pamamagitan ng paglilipat ng pera o assets ng
pamahalaan patungo sa kanilang mga bulsa.

Dalawang Uri ng Korapsyon:

 PETTY-Maliitang korapsyon
- kalimitang nasasangkot sa maliitang korapsyon ang mga mababang
opisyal ng pamahalaan na hindi nabibigyan ng sapat na sahod upang
makapamuhay nang matiwasa,kaya naman kailangan nilang dumepende
sa maliliit na suhol o lagay upang madagdagan ang kanilang kita.
 GRAND-Malakihang korapsyon
- sa malakihang korapsyon, sangkot naman ang mga matataas na opisyal
ng pamahalaan na ginagamit ang kanilang posisyon upang kumita sa mga
malalaking kontrata at proyekto na pinamumuhunan ng pamahalaan o
mga pribadong ahensya.

Maraming porma ng korapsyon.kabilang dito ang mga sumusunod:

1. PANUNUHOL (BRIBERY) - (R.A. 6485 Anti-Redtape Act of 2007)


 Pagbibigay ng benepisyo upang maimpluwensyahan ang kilos o desisyon ng
isang tao.
 Fixer ang tawag sa mga taong nagpapasuhol kapalit ang serbisyong ito.
 Ang benepisyo ay hindi kinakailangan ng pera , maari itong maging regalo ,
esesyal na pabor, pang-aliw, pagbibigay trabaho, pautang o iba pang
maibibigay upang makapag-udyok.
 Maari din itong maging pampadulas o maliit na halagang hinihingi ng mga
opisyal ng pamahalaan upang mapabilis ang pagbibigay ng serbidyo na
karapatan mo naman tamasin.
2. PANGINGIKIL - Paggamit ng pananakot , paninira o iba pang pagbabanta
upang mapwersag makipagtulungan ang isang tao.
 Maaring gumamit ang isang public prosecutor ng pagbabanta ng criminal na
prosecution bilang batayan ng pangingkil.
3. KICKBACKS - Iligal na kabayaran sa isang taong may awtoridad na
magpasya o mag-impluwensiya sa mapipiling bigyan ng isang kontrata o
transaksyon.
 Karaniwang pinapatungan ang presyo ng kontrata o transaksyon upang
magsilbing kickback sa taong nakapagbigay ng espesyal na pabor sa isang
partikular na indibidwal o kumpanya.
4. STATE CAPTURE - Isang sitwasyon na magbabayad ang makapangyarihang
indibidwal o
grupo sa mga opisyal ng pamahalaan upang maipasa ang mga batas o
regulasyon na makapagbibigay nang hindi patas na kalamangan sa nasabing
indibidwal o grupo.
5. PANDARAYA(FRAUD) - Isa sa pinakamalaking iskandalo ng pandaraya ang
isyu sa
eleksyon sa pagkapangulo noong 2004.nagkaroon umano ng manipulasyon
sa boto,ang itinuturing na dahilan umano sa likod ng manipulasyong ito ay
sina Dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo at dating Comelec Chairman
Virgillo Garcillano.
 Ito ay tinatawag nilang Hello Garci” maririnig sa record ang usapan sa
telepono nina
Gracillano at Arroyo upang panlunin ang huli sa pagkapangulo noong
eleksyon 2004.
6. PLUNDER - Ang Illgoten Wealth ay bunga ng Korapsyon.lahat ng yaman ,ari-
arian,negosyo na nakuha mula sa maling paraan ay anyo ng korapsyon o
plunder.Isa sa pinakasikat na kaso nito ang kay dating pangulong Ferdinand
Marcos.Dahil sa laki ng yamang nakuha niya mula sa kanyang
panunungkulan.

May mga nagsasabing sa isang bansa tulad ng Pilipinas kung saan mahalaga
ang pagbibigay ng regalo ay mahirap matukoy kung ang isang regalo ay tunay
ngang kusang loob na ibinibigay o talagang isang suhol.Totoong mahilig magregalo
ang mga Pilipino.Hindi lamang tayo nagbibigay ng regalo tuwing may espesyal na
okasyon tulad ng kaarawan,kasalan o binyagan.Nagbibigay din tayo ng regalo bilang
pasasalamat o bilang pasalubong mula sa isang paglalakbay. Gayunpaman, ang
totoong regalo ay dapat na walang kapalit.Kung ibinibigay ang regalo, anuman ang
halaga nito, upang makaimpluwensiya sa pagkilos o pagpapasya ng pinagbibigyan
nito, isa itong suhol.

NEPOTISMO AT KRONYISMO
 Kronyonismo ang tawag sa mga itinatalaga sa posisyon ng Pangulo o
sinumang mataas na posisyon ay kaniyang malapit na kaibigan , at kapag-
anak naman ay Nepotismo,kahit hindi sila kwalipikado sa posisyon.
 Halimbawa:itinalaga ni Pangulong Duterte nang maupo siya ng
gobyerno:Margaux Justiniano “Mocha Uson”bilang Assistant Secretary ng
President Communication Operation Office.isa siya sa mga na para kay
Pangulong Duterte.

KORAPSYONG PRIBADO-SA PRIBADO


Hindi kinakailangang konektado sa pamahalaan upang masangkot sa
korapsyon,Maaaring mangyari ang korapsyon kahit sa pagitan ng dalawang
nagmumula sa pribadong sector.Nangyayari ang pribado-sa-pribadong korapsyon
kapag ginagamit ng isang opisyal o empleyado ng isang kumpanya ang kanyang
kapangyarihan upang impluwensyahan ang pagganap sa isang tungkulin sa
kumpanya,at ginagamit ang kapangyarihan upang iyon na makakuha ng personal na
kapakinabangan na may masamang epekto sa kumpanya.
Maari ring mangyaroi ang pribado-sa-pribadong korapsyon sa ibat-ibang porma at
sitwasyon.

Karaniwang halimbawa nito ang mga sumusunod:

1. Purchasing at Procurement
Regalong pera o pang-aaliw na ibinibigay ng sales representative ng isang
kumpanya sa purchasing manager ng isang pang kumpanya upang
makakuha ng produkto o serbisyo.
2. Pautang o Iba pang Serbisyong Pinansyal
Kabayaran ng isang kumpanya sa isang bank manager o loan officer upang
makuha ang approval sa pautang.
3. Pag-eempleyo at Pagbibigay ng Promosyon
Regalong ibinibigay sa personnel director ng kumpanya upang masiguro ang
pagka-empleyo o promosyon ng nagbibigay nito.
4. Audits
Kabayarang ibinibigay sa mga auditor ng isang accounting firm ng
kumpanyang ino-audit upang hindi na nila pansinin ang ilang iregularidad.
5. Publisidad at Promosyon
Kabayaran ng isang kumpanya sa mga mamamahayag upang pumanig ang
mga ito sa kumpanya o upang hindi ilabas ng mga ito ang mga negatibong
isyu laban sa kumpanya.

Tulad ng korapsyon sa pamahalaan, negatibo ang resulta sa mga SME


(Small & Medium Enterprises) ng pribado-sa pribadong korapsyon.Sa parehong
porma, may isang nasa pinagkakatiwalaang posisyon ng kapangyarihan na
kumikilos nang hindis naaayon sa kanyang tungkulin at responsibilidad upang
personal na kumita mula sa isang transaksyon na nagiging possible dahil sa
kanyang posisyon

You might also like