You are on page 1of 28

Bagama’t madalas hindi nabibigyan ng atensyon,

mahalaga ang gampaning papel ng mga small and


medium-sized enterprises(SMEs) sa bansa. Ayon sa
datos ng Department of Trade and Industry (DTI)
noong 2009, binubuo ng SME ang 99.6 porsyento ng
lahat ng mga negosyo; nag-eempleyo sa 63.2 porsyento
ng kabuuang lakas-paggawa; at bumubuo sa 35.7
porsyento ng kabuuang kita at halagang nadaragdag sa
bansa.
Gayumpaman, hindi pa
nawawari ng mga SME ang
kanilang kabuuang
potensyal upang mapaunlad
ang ekonomiya. Maraming
mga salik ang nakasasama
sa klima ng pagnenegosyo
ng mga SME, at isa sa mga
pinakamalaking salik ang
korupsyon. Ayon pa nga sa
isang pag-aaral ng World
Economic Forum,
pinakaproblematikong
salik sa pagnenegosyo sa
Pilipinas ang korupsyon.
Madalas na binibigyang kahulugan ang
korupsyon bilang “maling paggamit ng posisyon
para sa pansariling kapakinabangan.”
Nagiging korap ang mga inihalal at/o
pampublikong opisyal sa oras na gamitin nila
ang oportunidad na dala ng kanilang posisyon
upang makalamang sa pamamagitan ng paglilipat
ng pera o assets ng pamahalaan patungo sa
kanilang mga bulsa.
Mahahati sa dalawang uri ang korupsyon:
1) petty o maliitang korupsyon
2) grand o malakihang korupsyon
Karaniwang nasasangkot sa maliitang
korupsyon ang mga mababang opisyal ng pamahalaan
na hindi nabibigyan ng sapat na sahod upang
makapamuhay nang matiwasay. Kaya naman kailangan
nilang dumepende sa maliliit na suhol o lagay
upang madagdagan ang kanilang kita. Ito ang
karaniwang uri ng korupsyon na madalas kaharapin
ng mga SME.
Sa malakihang korupsyon, sangkot naman ang
mga matataas na opisyal ng pamahalaan na
ginagamit ang kanilang posisyon upang kumita sa
malalakihang kontrata at proyekto na pinamuhunan
ng pamahalaan o mga pribadong ahensya.
Panunuhol – Ang pagbibigay ng benepisyo upang
maimpluwensyahan ang kilos o desisyon ng isang
tao. Ang benepisyo ay hindi kinakailangan pera.
Maari itong maging espesyal na pabor, regalo,
pang-aaliw, pagbibigay-trabaho, pautang, o iba
pang maibibigay upang makapang-udyok.
Pangingikil – Paggamit ng pananakot, paninira, o
iba pang pagbabanta upang mapuwersang
makipagtulungan ang isang tao. Maaring gumamit
ang isang public prosecutor ng pagbabanta ng
kriminal na prosecution bilang batayan ng
pangingikil. Sangkot din dito halimbawa ang mga
bumberong tumatangging patayin ang apoy sa isang
gusali hangga’t walang kabayaran.
Kickbacks – iligal na kabayaran sa isang taong
may awtoridad na magpasya o mang-impluwensya sa
mapipiling bigyan ng isang kontrata o
transaksyon. Karaniwang pinapatungan ang presyo
ng transaksyon upang magsilbing kickback sa
taong nakapagbigay ng espesyal na pabor sa isang
partikular na indibidwal o kumpanya.
State Capture- Isang sitwasyon kung saan
magbabayad ang makapangyarihang indibidwal o
grupo sa mga opisyal ng pamahalaan upang maipasa
ang mga batas o regulasyon na makapagbibigay ng
hindi patas na kalamangan sa nasabing indibidwal
o grupo.
Hindi kinakailangang konektado sa pamahalaan
upang masangkot sa korupsyon. Maaring mangyari
ang korupsyon kahit sa pagitan ng dalawang
nagmumula sa pribadong sektor. Nangyayari ang
pribado-sa-pribadong korupsyon kapag ginagamit ng
isang opisyal o empleyado ng isang kumpanya ang
kanyang kapangyarihan upang impluwensyahan ang
pagganap sa isang tungkulin sa kumpanya, at
ginagamit ang kapangyarihang iyon upang makakuha
ng personal na kapakinabangan na may masamang
epekto sa kumpanya.
Maaring mangyari ang pribado-sa-pribadong
korupsyon sa iba’t ibang porma at sitwasyon.
Karaniwang halimbawa nito ang sumusunod:
Purchasing at Procurement – regalong pera o pang-
aaliw na ibinibigay ng sales representative ng
isang kumpanya sa purchasing manager ng isa pang
kumpanya upang makakuha ng produkto o serbisyo.

Pautang o Iba pang Serbisyong Pinansyal –


kabayaran ng isang kumpanya sa bank manager o loan
officer upang makuha ang approval sa pautang.
Pag-eempleyo at Pagbibigay ng Promosyon– regalong
ibinibigay sa personnel director ng kumpanya
upang masiguro ang pagka-empleyo o promosyon ng
nagbibigay nito.
Audits – kabayarang ibinibigay sa mga auditor ng
isang accounting firm ng kumpanyang ino-audit
upang hindi na nila pansinin ang ilang
iregularidad.
Publisidad at Promosyon – kabayaran ng isang
kumpanya sa mga mamamahayag upang pumanig ang mga
ito sa kumpanya o upang hindi ilabas ng mga ito
ang mga negatibong isyu laban sa kumpanya.
Tulad ng korupsyon sa pamahalaan, negatibo
ang resulta sa mga SME ng pribado-sa-pribadong
korupsyon. Sa parehong porma, may isang nasa
pinagkakatiwalaang posisyon ng kapangyarihan na
kumikilos nang hindi naayon sa kanyang tungkulin
at responsibilidad upang personal na kumita mula
sa isang transaksyon na nagiging posible dahil sa
kanyang posisyon.
Hindi nagaganap ang korupsyon nang walang
dahilan. Magpapasya lamang ang isang tao na
masangkot sa korupsyon kung malaki ang
kapakinabangan at maliit ang tsansang mahuli.
Kung gayon, ang opisyal ng pamahalaan na hindi
sapat ang sahod upang suportahan ang kanyang
pamilya ay matutuksong tumanggap ng suhol o
lagay upang madagdagan ang kanyang kita laluna
kung naniniwala siyang maliit ang posibilidad
na mahuli siya.
Ayon kay Robert Klitgaard, kilalang eksperto
sa anti-korupsyon, mayroong pormula kung paanong
nagaganap ang korupsyon:
C=M+D–A
C ay Corruption o Korupsyon
M ay Monopoly o Monopolyo
D ay Discretion o kalayaang pumili
A ay Accountability o Pananagutan
Ayon sa pormula, ang isang sitwasyon ay malamang
na humantong sa korupsyon kapag ang isang tao ay
mayroong monopolyo sa isang produkto, bilihin o
serbisyo, nabibigyan siya ng eksklusibong kalayaang
mamili o magdesisyon kung sino ang makatatanggap nito,
at wala na siyang pananagutan kung paano siya nagpasya
matapos niyang gawin ang pagpapasyang yaon.
Maraming mga salik na nag-aambag sa tumbasang
M + D – A. Kabilang dito ang sumusunod:
Hindi malinaw, kumplikado, at madalas na
nagbabagong batas at regulasyon. Ang mga batas o
regulasyong hindi malinaw o hindi nagkakaugnayan
ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga opisyal ng
pamahalaan upang malaya nilang bigyan ng sariling
interpretasyon. Hindi matiyak ng mga negosyante
ang kanilang karapatan at obligasyon, kaya naman
pumapayag sila sa korupsyon upang maiwasan ang
hindi makatarungang desisyon ng mga opisyal ng
pamahalaan.
Kawalan ng transparency at accountability.
Kapag walang nagbabantay sa mga transaksyon, ang
pamantayang ginagamit sa pagpasok sa mga
transaksyong ito ay hindi nasusukat. Ang mga
taong sangkot sa transaksyong ito, kung gayon, ay
hindi na mapapasagot sa kanilang mga naging
aksyon.
Kawalan ng kumpetisyon. Ang mga kumpanyang
may monopolyo sa pagbebenta ng produkto/bilihin o
pagbibigay ng serbisyo ay mayroong malakas na
impluwensya upang masuhulan ang mga opisyal ng
pamahalaan upang ang mga desisyon nito ay mapa-
nigan ang kanilang interes.
Mababang pasahod sa pampublikong sektor.
Kapag ang mga opisyal ng pamahalaan ay hindi
nababayaran ng sapat upang makapamuhay nang
matiwasay, malakas ang tukso ng korupsyon upang
madagdagan ang kanilang kita. Gayundin, sa baba
ng kanilang suweldo, madalas na hindi na nila
inaala- la ang pagkatanggal sa trabaho sa oras na
mahuli silang nasangkot sa korupsyon.
Kulang, pabago-bago, at hindi patas na pag-
papatupad ng batas at regulasyon. Kapag ang batas
ay hindi ipinapatupad nang patas, alam ng mga
taong maari silang manuhol upang maiwasan ang mga
multa at iba pang parusa.
Kung gayon, sa pagtasa
kung paano bibigyang solusyon
ang isang problemang kaugnay
ng korupsyon, kailangan
nating isaalang-alang kung
paano maiiwasan ang monopolyo
ng taong humihingi ng lagay,
kung paano natin
malilimitahan ang kalayaang
magpasya ng nanghihingi ng
lagay, at kung paano natin
mapapanagot ang taong
nanghihingi ng lagay.
Sinumang nagpapatakbo ng negosyo sa Pilipinas
ay nakaranas na ng korupsyon sa anumang paraan.
Ayon sa sarbey kamakailan lamang ng Social Weather
Stations (SWS), 60 porsyento ng mga negosyo ang
naranasan nang mahingian ng suhol ng mga opisyal
ng pamahalaan.
Ang mga SME ay mas madalas maapektuhan ng
korupsyon kumpara sa malalaking kumpanya sapagkat
wala silang sapat na pinagkukunang-yaman upang
maharap ang mga kakulangan at burukrasya sa
pamahalaan.
Ang SME na hindi nagbabayad sa tiwaling tax
official ay maaring maipit sa isang napakalaking
tax assessment na hindi naman maiuugnay sa totoo
nitong kita. Dahil walang kakayahang labanan ang
assessment, napipilitang magsara ang SME hangga’t
hindi nito naibibigay ang hinihingi ng opisyal.
Hindi madaling lumabas sa siklo ng
korupsyon, at mahirap din itong maiwasan.
Kinakailangan ng determinasyon, pagpupunyagi, at
pasensya. Gayumpaman, malaki ang benepisyo ng
pagpapatakbo ng negosyo sa etikal na pamamaraan.
Kasama sa mga benepisyong ito ang sumusunod:
Kompetitibong Bentahe. Ang SME na may
matuwid na reputasyon ay mayroong kalamangan
sapagkat ito ang mas pinipili ng mga mamimili.
Ang matuwid na reputasyon din ang nagpapataas sa
posibilidad na ma- pili bilang suplayer ng mga
malalaking kumpanyang multinasyunal at lokal sa
kanilang supplychain.
Mas murang gastos sa pagnenegosyo. Kahit
maliit na halaga lang, kung paulit-ulit,
magastos ang panunuhol. Ang halagang sa halip
na mapunta sa lagay ay maaaring maimpok at
magamit upang mapalaki at mapaunlad ang
negosyo.
Pag-eempleyo at pagpapanatili ng mga
prinsipyadong empleyado. Ang negosyong may
pamantayang etikal ay makapagbibigay ng mataas
na moral sa mga empleyado; nakikilala rin ang
negosyo bilang magandang lugar upang
pagtrabahuhan.
Kaakit-akit para sa mga Bibili. Sa oras
na mapag-desisyunan ng may-ari ng SME na
ipagbili ang negosyo, ang magandang
reputasyon ay magiging kaakit-akit para sa
mga potensyal na bibili.

Proteksyon mula sa mga multa. Labag sa


batas ang korupsyon. Ang SME na hindi
nakikisangkot dito ay mas naproprotektuhan
mula sa multa, pagka-blacklisted, at
pagkatanggal ng lisensya.
Sa korupsyon, hindi nagiging patas ang
kapaligiran para sa iba pang negosyo, at
nabibigyan ng kalamangan ang ilan habang
natatapakan naman ang iba.
Ang hindi katiyakang kasama ng
pagnenegosyo sa isang lugar na korap ay
malaking hadlang sa pagpasok ng mga investors o
mamumuhunang lokal o banyaga.
Kahit na maliit na halaga lamang ang
napupunta sa korupsyon, nakapag-aambag pa rin
ito sa kapaligiran kung saan hindi sinusunod
ang batas at iregular ang mga transaksyon.
Korupsyon din ang sanhi ng maling
pagbabahagi ng kulang na yaman, na mas
nagpapatindi sa kahirapan. Sa halip na
gamitin ang yaman ng bayan upang maitaas ang
antas ng pamumuhay ng mga mahihirap, o
magtayo ng imprastruktura at magpaunlad ng
teknolohiya, napupunta ang pera ng bayan sa
bulsa ng iilan. Mas makabubuti hindi lamang
sa SME kung hindi maging sa bansa kung
makaiiwas at malalabanan ang korupsyon.
MARAMING SALAMAT

You might also like