You are on page 1of 8

Modyul 4

Mga Suliraning Panlipunan

Aralin 1: Korapsyon, Konsepto ng Bayani
Aralin 2: Konsepto ng Kahirapan, Pabahay, Pangkalusugan
Aralin 3: Malawakang pagkawasak ng/sa kalikasan, Climate change atbp

Ipakikita ng bahaging ito ng pag-aaral ang paggamit ng wikang Pilipino sa konteksto

ng mga napapanahong usapin sa loob at labas ng bansa tulad ng korapsyon sa gobyerno,
kahirapan, kalusugan at iba pa. Sa ganitong paraan , ang aklat na ito ay magsisilbing daluyan
ng kaalaman at malayang kaisipan na mahalaga sa pagbuo ng isang magandang lipunan at
bansa.
Ang ayos ng pagtatalakay ay idinesenyo sa paraan ng mahigpit na madaling
mauunawaan ng bawat mag-aaral ang bawat konteksto ng mga usapin; pagbibigay ng
depinisyon, pagpapaliwanag at pagbibigay ng halimbawa.

Sa modyul na ito, inaasahan ang mag-aaral na maipamalas ang mga sumusunod:

1. nakapagsasagawa ng mga makabuluhang kaisipan gamit ang mga estratehiya na akma sa
kontekstong Pilipino;
2. nakabubuo ng isang ganting-galaw patungkol sa mga artikulong ibinalangkas;
TALAS

Pangalan: ___________________________________________________ Baitang & Kurso: _______________

Guro: ________________________________________________________ Marka: __________________________

Panuto: Bigyang pagpapakahulugan ang isinasaad sa larawan. (10 puntos)

_____________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________
ARALIN 1
Korapsyon, Konsepto ng Bayani

Tutok

Unawain at basahin ang pagpapalalim ng araling ito.

Korapsyon
Ang Pilipinas ay dumaranas ng talamak at malawakang korapsyon sa pamahalaan. Kabilang
sa mga paraan ng korapsyon na isinasagawa ay ang mga graft, panunuhol, paglustay ng salapi, mga
kasunduan sa likurang-pintuan, nepostismo, padrino.
Ano ang korapsyon?
Mula sa kanyang denotasyon, ito’y nangangahulugang pagmamalabis, pagkapahamak,
katiwalian. Ang korapsyon ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan. Madalas na
binibigyang-kahulugan ang korapsyon bilang “maling paggamit ng posisyon para sa pansariling
kapakinabangan.”
Ayon kay Ronaldo B. Tolentino, “Ang wika at sining biswal sa korapsyon ay likha sa
pangunahin ng kulturang nagpapalaganapnito. May Vested Interest kung bakit ganitoang katawagan
sa kalakaran sa korapsyon, ang mga kulay at imahen nito sa mga tarpaulin na nagpapahayag ng
aspekto pampublikong antas ng korapsyon na ang publisidad para sa publikong serbisyo ay
indikasyon din ng mas nakatagong korapsyon pampubliko.”
Ayon sa Ibon Media 2008, anim na malaking korapsyon sa ilalim ni Gloria Arroyo ay may
multi-bilyong kabawasan sa pondo ng bayan have collectively cost the Filipino people some P7.3
billion pesos. (https://www.cenpeg.org)
Mga Pinaghalawan ng Korapsyon

• Mula sa kalikasan – Galamay

• Mula sa pang-araw-araw na bagay – luto
• Mula sa krimen – Colorum
• Mula sa syensya – buwaya
• Mula sa sports – game fixing
• Mula sa trabaho – backer
• Mula sa edukasyon – grades for sale
• Mula sa pagsusugal – balato

Sa dalas ng korapsyon sa bansa, nakabuo na nang salitaan ang mga Pilipino upang tukuyin ang mga
tiwaling transaksyon. Ang mga karaniwang termino ay ang sumusunod:

• Areglo – pagsasaayos ng isang sitwasyon sa paraang madali ngunit hindi katanggap-

tanggap.
• Ayos – katulad ng areglo
• Backer – maimpluwensyang tao
• Barya-barya – maliit na paglalagay
• Kumisyon – kabayaran sa transaksyong illegal
• Lagay – maari ring suhol
• Lakad – pagsasaayos sa isang usapan
• Lutong Makaw - pagdedesisyong pinaboran ang isang panig ng walang batayan
• Rebate – katulad ng komisyon
• SOP (Standard Operating Procedure) – ang awtomatikong porsyento o kabayaran na
ibinigay sa opisyal
• Suhol – maari ring lagay
• Tongpat o Patong – halagang idinagdag sa tunay na halaga ng isang produkto
• Padulas – perang pambayad upang bumilis ang transaksyon.
• Pang merienda – maliit na lagay

Dalawang Uri ng Korapsyon

1. Petty o maliit na korapsyon
2. Grand o malakihang korapsyon karaniwang nasasangkop sa maliitang
korapsyon ang mga mababang opisyal ng pamahalaan na hindi nabibigyan ng
sapat na sahod upang makapamuhay ng matiwasay.

Maraming Porma ng Korapsyon. Kabilang dito ang mga sumusunod:

✓ Panunuhol – ang pagbibigay ng benipisyo upang maimpluwensyahan ng kilos at
desisyon ng isang tao.
✓ Paninikil – paggamit ng pananakot, paninira o iba pang pagbabanta upang
mapwersang makipagtulungan sa isang tao.
✓ Kickbacks – iligal na kabayaran sa isang taong may awtoridad na magpasya o mang-
impluwensiya sa mapipiling bigyan sa isang kontrata o transaksyon.
✓ State Capture – isang sitwasyong magbabayad ang makapangyarihang indibidwal p
grupo sa mga opisyal na pamahalaan upang maipasa ang mga batas o regulasyon na
makapagbibigay nang hindi patas na kalamangan sa nasabing indibidwal o grupo.

Korapsyon sa Pribado – sa – Pribado

Kinakailangan konektado sa pamahalaan upang masangkot sa korapsyon. Maaring mangyari
ang korapsyon kahit sa pagitan ng dalawang nagmumula sa pribadong sector. Nangyayari ang
pribado-sa-pribadong korapsyon kapag ginagamit ng isang opisyal o empleyado ng isang kompanya
ang kanyang kapangyarihan upang impluwensyahan ang panggap sa isang tungkulin sa kompanya at
ginagamit ang kapangyarihan upang iyon ay makakuha ng personal na kapakinabangan na may
masamang epekto sa kompanya.
Pribado-sa-pribadong korapsyon sa iba’t ibang porma at sitwasyon. Karaniwang halimbawa
nito ang sumusunod:
✓ Purchasing at Procurement – regaling pera o pang-aaliw na ibinibigay ng sales
representative ng isang kompanya sa purchasing manager ng isa pang kompanya
upang makakuha ng produkto o serbisyo.
✓ Pautang o iba pang Serbisyo Pinansyal – kabayaran ng isang kompanya sa bank
manager o loan officer upang makuha ang approval sa pautang.
✓ Pag-eempleyo at Pagbibigay ng Promosyon – regaling ibinibigay sa personnel
director ng kompanya upang masiguro ang pagka-empleyo o promosyon ng
nagbibigay nito.
✓ Audits – kabayarang ibinibigay sa mga auditor ng isang accounting firm ng
kompanyang ino-audit upang hindi na nila pansinin ang ilang iregularidad.
✓ Publisidad at Promosyon – kabayaran ng isang kompanya sa mga pamamahayag
upang pumanig ang mga ito sa kompanya o upang hindi ilabas ng mga ito ang mga
negatibong isyu laban sa kompanya.

Sanhi ng Korapsyon
Ayon kay Robert Klitgaard, kilalang eksperto sa anti-korapsyon, mayroong pormula kung
paanong nagaganap ag korapsyon

C = M+D-A
C – ay corruption o korapsyon
M – ay monopoly o monopolyo
D – ay ang kalayaang pumili

Mga Salik na Tungkol M+D-A

1. Hindi malinaw, komplikado, at madalas na nagbabagong batas at regulasyon
2. Kawalan ng transparency at accountability
3. Kawalan ng kompetisyon
4. Mababang pasahod sa pampublikong sector
5. Kulang, pabago-bago, at hindi patas na pagpapatupad ng batas at regulasyon

Korapsyon sa iba’t ibang sangay ng Pamahalaan

1. Korapsyon sa Kapulisan at Hukbong Sandatahan
2. Korapsyon sa Hudikatura
3. Korapsyon sa Pamamahayag
4. Korapsyon sa Lehislatibo

Ang Konsepto ng “Bayani”

Ano ang kahulugan ng Bayani?
Ang isang bayani ay hindi lang tumulong sa kanyang sariling kababayan kundi ang
tumutulong sa kapakanan ng kanyang Inang bayan.
Ang bayani ay isang tao na gumawa ng isang dakilang Gawain. Layunin nila na makatulong
sa iba upang maging maayos ang buhay ng kanilang mga kababayan. Sila ang mga taong naaalala
dahil sa laki ng kontribusyon nila upang mabago ang kalagayan ng isang bansa.
National Heroes Committee
➢ Executive Order No. 75
Executive Order No.75 – Creating the National Heroes Committee under the Office
of the President
➢ Article II Section 13 and 17
➢ Article XIV, Sec. 3(2)
Batayan ng isang Bayani
▪ Ang mga may konsepto ng bansa at pagkatapos ay naghahangad at nakikibaka para
sa kalayaan ng bansa.
▪ Ang mga nagtatakda at nagbibigay ng kontribusyon sa isang sistema o buhay para
sa kalayaan at kaayusan ng isang bansa.
▪ Iniisip ng bayani ang hinaharap, lalo na ang mga susunod na henerasyon.
▪ Ang pagpili ng isang bayani ay nagsasangkot hindi lamang sa pagsasalaysay ng
isang kaganapan sa kasaysayan, ngunit sa buong proseso na ginawa ng particular
na tao na isang bayani.

Mga Bayani Noon at Ngayon

NOON
Dr. Jose Rizal – ang pambansang bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga Kastila sa
pamamagitan ng kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo
noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa.
Andres Bonifacio – siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag
ng Kataas-taasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o
Katipunan, isang lihim na lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol
na sumakop sa Pilipinas.
Heneral Antonio Luna – itinuturing na isa sa pinakamatapang at pinakamagaling
na heneral sa panahon ng rebolusyonaryong Pilipino. Isa siya sa
pinakahinahangaang bayani ng Pilipinas.
Apolonario Mabini – siya ay kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng
Rebolusyon. Isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbigay
suporta sa kilusang pang-reporma.
Emilio Aguinaldo – pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa unang laban sa
Espanya noong mga huling taon sa Rebolusyong Pilipino (1896-1898), at
pagkatapos ay sa Digmaang Espanyol – Amerikano (1898), at sa laban sa Estados
Unidos sa panahon ng Digmaang Pilipino Amerikano (1899-1901).
Emilio Jacinto – isa siya sa mga pinakamataas na opisyal ng Rebolusyong Pilipino
at isa sa pinakamataas na opisyal ng katipunan. Kilala siya bilang Utak ng
Katipunan.
Francisco Balagtas Baltazar – siya ay kinikilala bilang “Prinsipe ng Manunulang
Tagalog” at itinuturing na William Shakespeare ng Pilipinas para sa kanyang
kontribusyon at impluwensiya sa panitikang Pilipino.
Gabriela Silang – ang matapang na asawa n glider ng Ilokanong maghihimagsik na
si Diego Silang. Kasunod ng pagkamatay ng kanyang asawa., pinamunuan niya ang
grupo sa himagsikan laban sa mga Kastila.

NGAYON
Ninoy Aquino – siya ay ginawaran ding isang bayani sa kasalukuyang panahon
dahil sa kanyang ginawang paglaban sa dektatorya ni Marcos. Matapang niyang
hinarap ito sa kabila ng panganib sa kanyang buhay sa pagbalik niya sa Pilipinas
upang ipagpatuloy ang kanyang laban.
Corazon Aquino – itinuturing na makabagong bayani ngayon sapagkat binuksan
siya ang pintuan para sa atin na yakapin ang tunay na demokrasya sa Pilipinas.
Efren Penaflorida – tinanghal na bayani na nagkamit ng titulong CNN Hero of the
year. Tumutulong siya sa mga tao lalo na sa mga batang gusting mag-aral pero
hindi makapag-aral dahil sa kahirapan. Nagtutulak siya ng karitong punong-puno
ng mga gamit pang eskwela at pinupuntahan niya ang mga ito para turuang
magbasa at magsulat.
Efren “Bata” Reyes at Manny Pacquiao – itinuturing na mga makabagong bayani
ang mga taong nagbibigay karangalan sa ating bansa dahil sa kanilang magandang
kontribusyon sa larangan ng isports.
Mga OFW’s – ang mga Overseas Filipino Workers na nagsasakripisyo sa ibang
bansa para sa kapakanan ng kanilang pamilya ay itinuturing ding mga makabagong
bayani. Nakakatulong sila hindi lang sa kanilang pamilya kundi maging sa
gobyerno rin. Tumatatag ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kanilang
mga pinapadalang pera o remitanses.
Ang mga Guro – marami sa mga guro ang nagtitiis sa init, pagod at kayod upang
maibigay lang sa estudyante nila ang magandang hinaharap.
TALAKAY

Pangalan: ______________________________________________________ Baitang: ______________________

Guro: ______________________________________________________ Marka: ______________________
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
1. Sa mga suliraning kinakaharap ng mundo o ng bansa, bilang isang indibidwal ano marahil ang
iyong magiging aksyon upang masugpo o maiwasan ang ganitong problema? (15 puntos)
_________________________________________________________________________________________________________

2. Ano ang iyong opinyon hinggil sa umiiral na suliranin sa lipunan? Sino ba ang nararapat na
sisihin? (15 puntos)

You might also like