You are on page 1of 11

KORAPSYONG PRIBADO-SA-PRIBADO

 Hindi kinakailangan konektado sa pamahalaan upang masangkot sa korapsyon.


 Maaring mangyari ang korapsyon kahit sa pagitan ng dalawang nagmumula sa pribadong
sector.
 Nangyayari ang pribado-sa-pribadong korapsyon kapag ginamit ng isang opisyal o
empleyado ng isang kumpanya ang kanyang kapangyarihan upang impluwensyahan ang
pagganap sa isang tungkulin sa kumpanya, at ginamit ang kapangyarihang upang iyon na
makakuha ng personal na kapakinabangan na may masamang epekto sa kumpanya.
PRIBADO-SA-PRIBADONG KORAPSYON SA IBA`T
IBANG PORMA AT SITWASYON
1. PURCHASING AT PROCUREMENT – regaling pera o pang-aaliw na ibinibigay ng sales
representative ng isang kumpanya sa purchasing manager ng isang pang kumpanya upang
makakuha ng produkto o serbisyo.
2. PAUTANG O IBA PANG SERBISYONG PINANSYAL – kabayaran ng isang kumpanya sa bank manager
o loan officer upang makuha ang approval sa pautang.
3. PAG-EEMPLEYO AT PAGBIBIGAY NG PROMOSYON – regaling ibinibigay sa personnel director ng
kumpanya upang masiguro ang pagka-empleyo o promosyon ng nagbibigay nito.
4. AUDITS – kabayarang ibinibigay sa mga auditor ng isang accounting firm ng kumpanyang ino-
audit upang hindi na nila pansinin ang ilang iregularidad.
5. PUBLISIDAD AT PROMOSYON – kabayaran ng isang kumpanya sa mga mamamahayag upang
pumanig ang mga ito sa kumpanya o upang hindi ilabas ng mga ito ang mga negatibong isyu
laban sa kumpanya.
Mga sanhi ng korapsyon

 Hindi nagaganap ang korapsyon ng walang dahilan.


 Magpapasya lamang ang isang tao na masangkot sa korapsyon kung malaki ang
kapakinabangan at maliit ang tansang mahuli.
 Kung gayon, ang opisyal ng pamahalaan na hindi sapat ang sahod upang suportahan
ang kanyang pamilya ay matutukosong tumanggap g suhol o lagay upang
madagdagan ang kanyang kita lalo na kung naniniwala siyang maliit ang posibilidad
na mahuli siya.
 Ayon kay Robert Klitgaard, kilalang eksperto sa anti-korapsyon, mayroong prmula
kung paanong nagaganap ang korapsyon:
C=M+D-A
C ay Corruption o Korapsyon
M ay monopoly o Monopolyo
D ay Discretion o Kalayaang pumili
A ay Accountability o Pananagutan
 Ayon sa prmula, ang isang sitwasyon ay malamang na humantong sa korapsyon kapag
ang isang tao ay mayroong monopoly sa isang produkto, bilihin o serbisyo, nabibigyan
siya ng ekslusibong kalayaang mamili o magdesisyon kung sino ang makatatanggap
nito, at wala na siyang pananagutan kung paano siya nagpasya matapos niyang gawin
ang pagpapasyang yaon.
MGA SALIK NA NAG-AAMBAG SA
TUMBASANG M+D-A
 Salik na nag- ambag sa tumabas ang M + D – A:

1. Hindi malinaw, kumplikado at madalas na nagbabagong batas at regulasyon.


2. Kawalan ng transparency at accountability
3. Kawalan ng kumpetisyon
4. Mababang pasahod sa pampublikong sector
5. Kulang pabago- bago at hindi patas na pagpapatupad ng batas at regulasyon

 Sa gayon sa pagtasa kung paano bibigyang solusyon ang isang problemang kaugnay
ng korapsyon kailangan nating isaalang-alang kung paano maiiasan ang monopoly
ng taong humihingi ng lagay, kung paano natin malilimittahan ang kalayaang
magpasya ng nanghihigi ng lagay at kung paano natin mapapanagot ang taong
nagnghihingi ng lagay.
II. KONSEPTO NG “BAYANI”

 Ang salitang BAYANI ay isang simpleng salita lamang, subalit kung ikakabit ito
sa pangalan ng sinumang tao`y bumibigat ng kusa at patuloy na papatungan ng
mga perpektong responsibilidad.
 Una kapag kinilala kang bayani habang nabubuhay ay kikilos ka ng maayos,
modelo at kapita-pitagan sa lipunang ginagalawan mo, ikalawa nama`
kikilalanin ka at pag aaralan ang lahat ng nangyare sa buhay mo at
magmamarka o kapupulutan ng aral ng karamihan.
KAHULUGAN NG BAYANI

 December 11, 2015- ang bayani ay isang tao na gumagawa ng isang dakilang
gawain. Layunin nila na makatulong sa iba upang maging maayos ang buhay.

 Ang salitang bayani ay ginagamit na pantukoy o pang-uri sa mga taong


naglalaan ng tulog o pagpapahalaga sa kapakanan ng iba.

 Kahulgan ng bayani ay ang mga taong ay galang sa kapwa. Hindi lamang sina
Andres B. ang nagging bayani.

 Ang isang bayani ay taong mayroong kabayanihan, at mayroong kaugnayan sa


pagiging magiting o matapang. –wikipedia
Manila , Philippines – madalas nating naririnig nag salitang bayani kahit saan
tayo magpunta. Maririnig natin ito sa radio, napapanood sa mga pelikula at
nababasa sa mga libro, pahayagan at internet.

 Tinatawag na bayani ang mga pangkaraniwang tao na gumagawa ng isang


bagay na taliwas sa inaasahan ng marami na gagawin nya, o ng isang bagay na
napakahirap gawin o bagay na magdudulot ng malaking sakripisyo at hirap.

 Karaniwan na nating tinatawag na bayani ang mg akababayan nating OFW na


nagtitiyaga sa ibang bansa matulungan lamang ang kanilang pamilya.
SULYAP SA KASAYSAYAN NG ATING PAMBANSANG BAYANI
 Mahalagang matutunan ang mga sinulat at buhay ni Dr. Jose Rizal. (Jose Protacio Rizal Mercado
Alonso Realonda
 Itinuturo ng mga gawa ni Rizal ang Nasyonalismo o ang pagmamahal sa bayan.
 Paano naging pambansang bayani si Rizal?
DALAWANG TAONG PUMILI NG PAMBANSANG BAYANI NG PILIPINAS:
 WILLIAM HOWARD TAFT – pangulo ng unang komisyon ng Estados Unidos ay nagpasiyang
pumili ng isang bayani para sa pilipinas.
 DR. H. OTLEY BEYER – nag “propose” siya ng apat na pagbabasehan nang pagpili ng
pambansang bayani ng Pilipinas:
1. Isang Pilipino
2. Yumao na (namatay na)
3. May matayog na pagmamahal sa bayan (nagpapalita ng nasyonalismo)
4. Mahinahong Damdamin (calm disposition)
LIMANG(5) TAONG PINAGPILIAN
1. M.H. DEL PILAR
2. ANTONIO LUNA
3. GRACIANO LOPEZ-JAENA
4. EMILIO JACINTO
5. JOSE RIZAL
 Ang unang pinili ng mga namimili ay si M.H. DEL PILAR, ngunit
pagkatapos nang malalim na pag-iisip ay gumawa pa sila ng isang
kraytirya:
5. Dapat ay madula ang pagkamatay
 Dahil sa adisyonal na kraytiryang ito, pinili nila si Jose Rizal.
DAHILAN NG PAGPILI KAY RIZAL
 Siya ang kauna-unahang Pilipinong umakit upang ang buong bansa ay
magkaisang maghimagsik sa mga dayuhang mananakop.

 Ang tinaguriang modernong bayani (OFW’s)


 Sa ngayon an gating modernong bayani ay ang ating mga OFW’s dulot ng
kanilang mahalagang kontribusyon sa ekonomiyang matumal at pabulusok
ang direksyon sa pag-unlad.

You might also like