You are on page 1of 5

ARALIN 2: KATANGIAN NG PANANALIKSIK

Gawain

Panuto: Makipag-usap ka sa isang kaibigan o kakilala at magpalitang-kuro kayo hinggil sa paksa


ng makabuluhang pakikipag-usap sa mga katangian ng pananaliksik na kadalasang napapansin o
inyong naipakita/nalaman noong nasa sekondarya pa lamang kayo.

1. _____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
________
2. _____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
________
3. _____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
________
4. _____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
________

Pagsusuri

➢ Para sa iyo, makabuluhan bang malaman ang mga katangian ng pananaliksik?


Bakit?
➢ Sa mga pananaliksik na inyong nabasa, kakikitaan pa rin ba ito ng mga wastong
pamaraan kung saan naipakita ang mga katangian ng pananaliksik? Maglahad
ng isang titulo ng pananaliksik na inyong nabasa at patunayan kung sumunod
bai to sa katangian ng pananaliksik.

Pagbibigay-Diwa
KATANGIAN NG PANANALIKSIK

Mula pa lamang sa mga depinisyong inilahad na sa unang bahagi ng liksyong ito ay


mahahango na natin ang mga sumusunod na katangian ng mabuting pananaliksik na binigyan ng
sapat na pagpapaliwanag sa mga kasunod na talataan:
a. Ang pananaliksik ay sistematik
May sinusunod itong proseso o magkakasunud-sunod na mga hakbang
tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng sularanin, o ano pa mang
nilalayon sa pananaliksik.
b. Ang pananaliksik ay kontrolado
Lahat ng mga varyabol na sinusuri ay kanilangang mapanatiling constant.
Sa madaling salita, hindi dapat baguhin, nang sa gayon, ano mang pagbabagong
magaganap sa sabjek na pinag-aaralan ay maiuugnay sa eksperimental na
varyabol. Ito ay kailangan lalung-lalo na sa mga eksperimental na pananaliksik.
c. Ang pananaliksik ay empirical
Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit
sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap. Halimbawa, kapag sinabi ng
isang tao na mayroong limang tao sa loob ng isang silid, magiging katanggap-
tanggap ang datos na iyon kapag naobservahan nga at naverifay ng ibang tao ang
limang tao sa loob ng silid na iyon. Samakatwid, ang bilang ng tao ay isang loob
ng silid na iyon. Samakatwid, ang bilang ng tao ay isang datos na empirical. Ngunit
kapag sinasabing may limang multo sa loob ng isang silid, maaring sang-ayunan
iyon ng isa o dalawa. Ibig sabihin, ang iba ay maaring tumutol sa sabihing wala
naming multo o kaya’y hindi naman lima ang multo ay halimbawa ng mga d-
empirikal na datos.
d. Ang pananaliksik ay mapanuri
Sa pananaliksik, nag mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang
kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon
sa mga datos na kanyang nakalap. Kadalasan pa, gumagamit ang mga
mananaliksik ng mga navalideyt nang pamamaraang pang-estadistika sa
pagsusuri ng datos upang masabing analitikal ang pananaliksik.
e. Ang pananaliksik ay objektiv, lohikal at walang pagkiling
Lahat ng tuklas o findings at mga kongklusyon ay kailangang lohikal na
nakabatay sa mga empirical na datos at walang pagtatangkang ginawa upang
baguhin ang resulta ng pananaliksik. Walang puwang rito ang mga pansariling
pagkiling.
f. Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga kwantiteytiv o istatistikal na metodo
Ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerical at masuri
sa pamamagitan ng istatistikal sa tritment upang matukoy ang kanilang gamit at
kahalagahan. Halimbawa, ang pagsasaad ng siyamnapung bahagdan (porsyento),
isa sa sampung mag-aaral (ratio) at limang tanong bawat respondente
(distribusyon) ay ilang mga halimbawa ng kwantiteytiv na datos, kumpara sa mga
pahayag na tulad ng marami, ilan, humigit-kumulang na walang malinaw na
istatistikal na halaga.

g. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda


Maliban sa historical na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng
mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng
ibang mananliksik. Idagdag pa na ang mga datos ay kailangang nagmula sa mga
praymari sorses o mga hanguang first-hand.

h. Ang pananaliksik ay isang akyureyt na investigasyon, observasyon at


deskripsyon
Bawat aktividad na pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang
tumpak o akyureyt nang ang tuklas ay humantong sa formulasyon ng mga
syentifikong paglalahat. Samakatuwid, lahat ng kongklusyon ay kailangang
nakabatay sa mga aktwal na evidensiya.

i. Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali


Upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangang
pagtiyagaan ang bawat hakbang nito. Ang pananaliksik na minadali at ginawa
nang walang pag-iingat ay kadalasang humahantong sa mga hindi matitibay na
kongklusyon at paglalahat.

j. Ang pananaliksik ay pinagsisikapan


Walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap. Kailangan
itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging matagumpay.

k. Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang


Kailangan ang tapang ng isang mananaliksik sapagkat maaaring
makaranas siya ng mga hazards at discomforts sa kanyang pananaliksik. May mga
pagkakataon ding maaari siyang dumanas ng di-pagsang-ayon ng publiko at
lipunan. Maaari ring magkaroon ng di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga
kasamang mananaliksik.

l. Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat


Lahat ng datos na nakalap ay kailangang maingat na maitala. Ang maliit
na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas ng pananaliksik.
Kailangan din itong maiulat sa pasulat na paraan sa anyo ng isang papel-
pampananaliksik (halimbawa: pamanahong papel, tisis, at disertasyon) para sa
angkop na dokumentasyon, at kadalasan, sa pasalitang paraan o ang tinatawag na
oral presentation o defense.

Ang pananaliksik ay maingat na pagtitipon at pagpili ng mga makabuluhang datos at


pagkilala sa pinagkunan ng datos at pinagmulan ng anumang ideya.
Ang pananaliksik ay nangangahulugan ng matiyaga, maingat at di madaliang paggawa.
Hindi agad magbibigay ng wala sa panahong interpretasyon ang isang mananaliksik upang
mabigyang –daan ang maayos na pagsusuring mga datos tungo sa mabuting kongklusyon.
Ang pananaliksik ay nangangailangan ng kaalamang higit sa karaniwang kaalaman sa
isang bagay. Alam ng mananaliksik kung anu-ano ang mga bagay na alam na tungkol sa kanyang
paksa sapagkat maingat niyang sinasaliksik ang mga literaturang may kaugnayan dito.
Ang pananaliksik ay nangangahulugan ng tamang obserbasyon at pagpapakahulugan.
Gumagamit siya ng angkop at napapanahong mga kagamitan upang mapabuti ang pagtatala at
pagsusuri ng mga datos.
Ang pananaliksik ay nangangahulugan ng maingat na pagtatala at pagsulat ng ulat.
Ang ulat ay kailangan ilahad nang kumpleto upang kung sakaling kailanganin ay maaaring muling
isagawa sa layuning mapatotohanan ang nagging resulta ng pag-aaral.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mananaliksik


Sa sinundang liksyon, natalakay na ang mga katangian ng pananaliksik. Halos gayon din
ang masasabi sa mananaliksik. Sa pamamagitan ng pagkilala at pag-unawa sa mga katangiang
dapat taglayin ng isang mabuting pananaliksik, mahihinuha na rin natin kung anu-ano ba ang mga
katangiang dapat taglayin ng isang manaliksik. Ngunit para sa pagtalakay na ito, bigyan natin ng
diin ang limang katangiang esenyal upang maging matagumpay ang isang mananaliksik sa
kanyang Gawain. Ang isang mananaliksik, kung gayon, ay kinakailangang maging:
a. Masipag. Kailangan niyang maging masipag sa pangangalap ng mga datos at pagsiisyasat
sa lahat ng anggulo at panig ng pinapaksa na pananaliksik. Hindi maaring doktorin ng
mananaliksik ang resulta ng kanyang pananaliksik. Kung magiging tamad siya,
mahahalata ito sa kakulangan ng kanyang datos, kakulangan ng katibayan para sa
kanyang mga pahayag at mga hindi mapangatwiraang kongklusyon.
b. Matiyaga. Kakambal na ng sipag ang tuyaga. Sa pangangalap kasi ng mga datos,
kailangan maging pasensyoso ang isang mananaliksik. Kapag inaakala niyang pasensyoso
ang isang mananaliksik. Kapag inaakala niyang kumpleto na ang mga datos, maaring
imungkahi pa rin ng kanyang guro/tagapayo ang pagdaragdag sa nauna nang mga
nakalap na datos. Samakatwid, kailangan niyang pagtiyagaan, hindi pa man iminungkahi
ng tagapayo, ang pangangalap ng mga datos mula sa iba’t ibang hanguan tulad ng mga
aklat, magazine, pahayagan, jornal tisis, disertasyon, manuskrito, manifesto, polyeto,
praymer, investigasyon, observasyon at mga website sa internet.

c. Maingat. Sa pagpili at paghimay-himay ng mga makabuluhang datos, kailangang maging


maingat ang isang manaliksik. Lalo na sa dokumentasyon o sa pagkilala sa pinagkunan
ng datos at pinagmulan ng anumang ideya, ang pag-iingat ay kailangan upang maging
kapanipaniwala ang mga resulta ng pananaliksik. Kailangan ding maingat na tiyakin ang
iba’t ibang panig ng paksang sinisiyasat at maingat ng tiyaking may sapat na katibayan o
validasyon ang anumang posisyon o interpretasyong ginawa sa pananaliksik.

d. Sistematik. Ang pananaliksik ay siyang sistematikong Gawain. Samakatwid, kailangang


sundin ng isang mananaliksik ang mga hakbang nito ayon sa pagkakasunud-sunod.
Halimbawa, hindi maaring unahin ang paglalal gom at pagbuo ng mga kongklusyon nang
hindi pa nakapangangalap ng mga datos. Sa pangangalap ng mga datos, kailangan din
niyang maging sistematiko nang hindi maiwaglit ang mga datos sa sandaling kailangan na
niya ng mga ito.

e. Kritikal o mapanuri. Ang pananaliksik ay isang iskolarling Gawain. Pinaglalaanan ito ng


buhos ng isip. Samakatwid, kailangang maging kritikal o mapanuri ang isang
mananaliksik sa pag-ieksamen ng mga informasyon, datos, ideya o opinyon upang
matukoy kung ang mga ito’y valid, mapagkakatiwalaan, lohikal at may batayan. Sa
madaling salita, kailangan niyang timbang-timbangin ang katwiran ng mga informasyon
upang kanyang mapagpasyahan kung alin sa mga iyon ang kanyang mapakikinabangan
sa kanyang pananaliksik.

Paglalapat

A. Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. (5 pts. bawat bilang)

1. Mahalaga bang malaman mo ang mga katangiang dapat taglayin ng isang


mananaliksik? Bakit? Panindigan.
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
________________________

2. Sa mga inilahad na katangian ng pananaliksik, ano pa ang maaari mong maidagdag


kung bibigyan ka ng pagkakataon na punan ito? Ipaliwag kung bakit iyon ang naisipan
mong idagdag.
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
________________________

B. Sa mga katangian ng mananaliksik, magpili ng isang salita at iugnay mo ito sa iyong sarili
bilang isang mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa kursong BSBA. Gawan ito ng isang tula.
Lagyan ng pamagat, binubuo ng tatlong (3) saknong, bawat saknong ay may apat na
taludtod at maaaring malaya ang binuong tula. (20 pts.)

You might also like