You are on page 1of 17

PAGBASA AT

PAGSULAT TUNGO
SA PANANALIKSIK

MARIA TERESA L. ADOBAS

Instruktor
Gabay ng Mag-aaral kung Paano Gamitin ang Modyul:

1. Ang paksang-aralin ng modyul na ito ay nakahanay batay sa kinalalabasan ng pagkatuto


ng mga mag-aaral na kailangang makamit mula sa umpisa hanggang sa katapusan ng
paksa.
2. Sa maluwag na oras maaaring magtrabaho o gawin ng mga mag-aaral ang mga ibinigay
na gawain ngunit kinakailangang tapusin sa napagsang-ayunang oras o panahon na
ibinigay.
3. Kinakailangang sagutan ng mga mag-aaral ang panimulang pagtataya na inihanda bago
pumunta sa paksang-aralin.
4. May mga pagsasanay na inihanda bago ang paksang-aralin na dapat sagutan ng mga mag-
aaral.
5. Basahin at unawaing maigi ang nilalaman ng bawat paksang-aralin upang makamit ang
inaasahang pagkatuto.
6. Pagkatapos ng bawat paksang-aralin ay may inihandang pagtataya o paglalapat upang
sukatin kung gaano kalawak ang naintindihan at natutunan ng mga mag-aaral kung kaya
dapat nilang sagutan ang mga ito.
7. Maging handa sapagkat baka may pagkakataon na ang asignaturang ito ay maaaring
gumamit ng teknolohiya sa pamamagitan ng online platform.
8. Kailangang sagutan din ang panghuling pagtataya hulihang bahagi ng modyul.
9. Ang mga mag-aaral ay pwedeng magtanong sa guro upang malinawan hinggil sa modyul
sa pamamagitan ng facebook messenger, gmail o kahit anong bagay na maaaring
makatulong sa mga mag-aaral.
TALAAN NG NILALAMAN

Pamagat na Pahina

Course Overview
Gabay ng Mag-aaral

Talaan ng Nilalaman

Panimulang Pagtataya
MODYUL 1: MGA KAALAMAN, PRINSIPYO AT KONSEPTO SA PAGBASA
Aralin 1: Mga Uri at Anyo ng Teksto
Aralin 2: Pagkakaiba at Pagkakatulad ng mga Register
Aralin 3: Pagdulog sa Pag-unawa ng mga Teksto sa Iba’t ibang
Disiplina
Aralin4: Mga Hulwarang Organisasyon ng Teksto
MODYUL 2: MGA SANLIGAN SA PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Aralin 1: Mga Elemento


Aralin 2: Proseso sa Pagsulat
Aralin 3: Mga Bahagi ng Teksto
Aralin 4: Apat na Pangunahing Paraan ng Pagpapahayag

MODYUL 3: PANANALIKSIK
Aralin 1: Kahulugan, Layunin, at Kahalagahan ng Pananaliksik
Aralin 2: Katangian ng Pananaliksik
Aralin 3: Etika ng Mananaliksik
Aralin 4: Mga Hakbang at Kasanayan sa Pagsulat ng
Sulating Pananaliksik
Panimulang Pagtataya

Pangalan: __________________________________________________________ Petsa: ____________ Iskor: _________

Panuto: Unawaing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap/sitwasyon at piliin ang tamang
sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ito’y isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at


nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.
a. Pagsusulat c. Pagbabasa
b. Panunuod d. Pakikinig
2. isang gawaing nag-uugat mula sa pagtamo ng kasanayan (skill-getting) hanggang ang mga
kasanayang ito ay aktwal na magagamit (skill-using).
a. Pagsusulat c. Pagbabasa
b. Panunuod d. Pakikinig
3. Ang pagkilala sa materyales at ang layunin sa pagbasa ng teksto.
a. Sikolohikal na Proseso c. Interaktibong Proseso
b. Pisyolohikal na Proseso d. Metakognitibong Proseso
4. Nakapipili ng mahalagang ideya sa tekstong binabasa.
a. Sikolohikal na Proseso c. Interaktibong Proseso
b. Pisyolohikal na Proseso d. Metakognitibong Proseso
5. Hindi lamang ang pagpapahayag ng sariling ideya, kundi pag-unawa rin sa ideya ng iba.
a. Sikolohikal na Proseso c. Interaktibong Proseso
b. Pisyolohikal na Proseso d. Metakognitibong Proseso
6. Nagkukuwento sa isang pangyayari.
a. Naglalarawan c. Naglalahad
b. Nagsasalaysay d. Nangangatuwiran
7. Mapaniwala o mapasang-ayon ang karamihan sa kanyang paninindigan.
a. Naglalarawan c. Naglalahad
b. Nagsasalaysay d. Nangangatuwiran
8. Nagsasaad ng isang katotohanan, palagay o opinyon.
a. Naglalarawan c. Naglalahad
b. Nagsasalaysay d. Nangangatuwiran
9. Nagpapakita ng anyo o hugis, katangian, at kulay.
a. Naglalarawan c. Naglalahad
b. Nagsasalaysay d. Nangangatuwiran
10. Bumabasa ang tao dahil sa iba’t ibang kadahilanan, alin sa mga ito ang hindi kasama?
a. May nagbabasa upang maaliw o malibang, mabawasan ang pagkainip at pagkabagot
na nararamdaman.
b. May nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang nangyayari sa paligid, ayaw niyang
mapag-iwanan ng takbo ng panahon.
c. May nagbabasa upang kumuha ng dagdag kaalaman o karunungan.
d. May nagbabasa upang hindi mapag-iwanan ng iba.
11. Para umunlad ang kakayahan sa pagbasa, may mga layunin dapat sundin maliban sa:
a. Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasa.
b. Makapag-isip ng matagalan para makasagot.
c. Maihanda ang mga tiyak na kagamitan sa masaklaw at masidhing pagbasa.
d. Makilala ang mga paksang pinag-aaralan upang matamo ang impormaasyon.
12. Mahalaga ang pagsulat dahil:
a. Sa pamamagitan ng pagsulat nagagawa ng tao na makalikha ng masining na
komposisyon at makapagpahayag maging ng pinakamasakit na damdamin o sukdol
ng katuwaan.
b. Sa pagsulat maaaring ang tao ay makapag-sip ng mga masamang bagay sa kanyang
kapwa.
c. Makakaangat sa ibang tao gamit ang pagsusulat.
d. Kayang makipagsabayan sa karamihan.
13. Kailangang may isang bagay na magsisilbing daan upang tayo’y sumulat.
a. Paghugis c. Pag-asinta
b. Pagtipon d. Pagrebisa
14. Maaari na nating sulatin ang burador na maaari ring maging batayan sa pangangalap ng
mga kagamitan.
a. Paghugis c. Pag-asinta
b. Pagtipon d. Pagrebisa

Teksto 1
c.
d. Sa pelikula man o sa telebisyon, iba’t ibang uri ng dokumentaryo ang ating napapanood na
tumatalakay sa iba’t ibang paksa o isyu. Sa paglipas ng panahon, ang mga dokumentaryo ay nagsilbing
e.
instrumento o midyum upang maimulat ang kamalayan ng mamamayan sa mga suliranin at isyung
f.
panlipunan na kinahaharap sa araw-araw. Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan, korapsyon,
g. sa edukasyon, suliraning pang-ekonomiya at mga katiwalian. Nagsisilbi rin itong tinig ng
problema
taong-bayan
h. upang maiparating sa kinauukulan ang mga kakulangang dapat maaksyunan. Higit pa rito,
ang mga
i. nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko ay nagigising upang harapin ang hindi
mapasusubaliang katotohanan.
Kaya naman, bilang kabataan, ano kaya ang iyong magagawa upang ikaw ay makatulong kahit
sa simpleng pamamaraan sa iyong kapwa? Sa paanong paraan mo maipararating ang hinaing ng iyong
kapwa mag-aaral at ng inyong komunidad sa barangay. Nasa iyo ang natatanging kasagutan.

15. Ayon sa akda, paano naging mabisang instrumento ang mga dokumentaryo upang
magising ang kamalayan ng bawat indibidwal?
a. Naimumulat nito ang isipan ng mga tao sa mga isyung panlipunan.
b. Sadyang nakalilibang lang talaga itong panoorin.
c. Masyadong nag-iisip ng problema ang mga tao.
d. Nagagabayan tayo nito para umasenso at yumaman.
16. Ano ang kahulugan ng pahayag na ‘hindi mapasusubalian’ ayon sa pagkakagamit sa akda?
a. walang masyadong iniisip c. hindi mapasisinungalingan
b. walang katotohanan d. hindi angkop sa sitwasyon
17. ‘Nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko.’ Ano ang mahihinuha sa pahayag?
a. Puro pangangampanya lamang ang mga politiko.
b. Kakaunti lamang ang suliraning umiiral.
c. Hindi lubusang nagagampanan ng mga politiko ang kanilang tungkulin.
d. Wala namang dapat masyadong ipag-alala.
18. Ayon sa akda, ang pangunahing misyon sa paglikha ng mga dokumentaryo ay upang
matugunan ng nararapat na aksiyon ang mga isyung panlipunan
a. maipalabas lamang sa madla ang mga ito
b. panoorin ang dokumentaryo at masiyahan
c. aksiyunan lamang ang mga pangunahing problema
d. lahat ng sagot
19. Bilang isa sa mga kabataan, ano ang dapat na maging implikasyon sa iyo ng mga pahayag
sa huling talata?
a. Maaari kang makatulong sa iyong kapwa kahit sa simpleng pamamaraan.
b. Pamunuan ang lahat ng mga welga sa pamayanan.
c. Maging isang lider upang maging sikat.
d. Ang isang kabataan ay wala pang gaanong magagawa.
20. Ang layunin ng pagsulat ay magpahayag ng maguni-guni, makulay, matayutay,
matalinghaga, masimbolo na mga pangyayari na batay.
a. Pagsulat na Impormatibo c. Pagsulat na Mapanghikayat
b. Pagsulat na Deskriptibo d. Pagsulat na Malikhain
21. May tiyak na layunin ang pananaliksik maliban sa:
a. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomena.
b. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga
umiiral na metodo at informasyon.
c. Makatuklas ng nakikilalang substances at elements.
d. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadevelop ng mga bagong instrumento o
produkto.
22. Lahat ng mga varyabol na sinusuri ay kanilangang mapanatiling constant.
a. Ang pananaliksik ay sistematik.
b. Ang pananaliksik ay empirikal.
c. Ang pananaliksik ay lohikal, objektib at walang pagkiling.
d. Ang pananaliksik ay kontrolado.
23. Kapag sinabi ng isang tao na mayroong limang tao sa loob ng isang silid, magiging
katanggap-tanggap ang datos na iyon kapag naobservahan nga at naverifay ng ibang tao
ang limang tao sa loob ng silid na iyon.
a. Ang pananaliksik ay sistematik.
b. Ang pananaliksik ay emperikal.
c. Ang pananaliksik ay lohikal, objektib at walang pagkiling.
d. Ang pananaliksik ay kontrolado.
24. Kailangan niyang timbang-timbangin ang katwiran ng mga informasyon upang kanyang
mapagpasyahan kung alin sa mga iyon ang kanyang mapakikinabangan sa kanyang
pananaliksik.
a. Kritikal c. Analitikal
b. Sintopikal d. Empirikal
25. May mga katangiang dapat taglayin ang isang mananaliksik, alin sa mga ito?
a. Masipag, matiyaga, maingat, mapagmatyag, bukas ang isipan at mapanuri
b. Masipag, matiyaga, walang pagkiling, mapagmatyag at mapanuri
c. Masipag, walang pagkiling, bukas ang isipan, mahaba ang pasensiya at mapanuri
d. Masipag, matiyaga, maingat, sistematik at mapanuri
26. Isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtatalakay ng paksa ng
panaliksik.
a. Panimula o Introduksyon c. Kahalagahan ng Pag-aaral
b. Abstrak d. Layunin ng Pag-aaral
27. Tinutukoy din dito ang mga ispesifik na suliranin na nasa anyong patanong.
a. Panimula o Introduksyon c. Kahalagahan ng Pag-aaral
b. Abstrak d. Layunin ng Pag-aaral
28. Ang pamamaraang deskriptibo o palarawan gamit ang sarbey ang gagamitin sa pag- aaral
na ito upang makakalap ng mga impormasyon tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng
wika ng Southern Leyte.
a. Instrumento ng Pananaliksik c. Desinyo ng Pananaliksik
b. Pamamaraan ng Pananaliksik d. Tritment ng mga Datos
29. Karamihan ng mga gurong nagtuturo ng Sayans sa mga pampublikong mataas na paaralan
sa lalawigan ng Abra ay hindi kwalifayd,
a. Lagom c. Rekomendasyon
b. Konklusyon d. Buod
30. Huwag gumawa ng mga deduction, inference, at interpretasyon dahil mauulit lamang ang
mga iyon sa kongklusyon.
a. Lagom c. Rekomendasyon
b. Konklusyon d. Buod
MODYUL 1: MGA KAALAMAN, PRINSIPYO AT KONSEPTO SA PAGBASA

Pampaksang Layunin:

a. Nakakilala sa uri ng teksto.


b. Napapahalagahan ang mga pag-aaral ukol sa pag-unawa ng mga babasahin.

Introduksyon
Sa kasalukuyan, ang daigdig ay punung-punong ng mga babasahin saan ka man dumako
o anumang oras ay marami kang mababasa sa paligid.

Pinapansin ba natin ang mga ito? Binabasa ba at binibigyan ng wastong interpretasyon o


pagpapakahulugan. Batid natin na ang bawat isa ay abala sa maraming gawain sa araw-araw,
tuloy nakakaligtaan natin ang isa pang mahalagang kasanayan ang pagbasa. Batid n’yo ba na ang
pagbasa ay ikatlo sa may pinakamalaking bahagdang inilalaman ng tao sa kanyang gawain sa
isang buong araw. Sa apat na makrong kasanayan, matapos tayong matutong makinig (may 45%)
at magsalita (may 30%) ang ikatlong dapat nating matutunan ay ang pagbasa (may 16%) at
panghuli, ang pagsulat (may 9%).

Ang kakayahan sa pagbasa ay sinasabing daan tungo sa kaalaman at katalinuhan ng isang


tao. Ang talino ay natatanging puhunan ng tao sa pakikipagsapalaran niya sa buhay sapagkat
nahahasa ang kakayahang umunawa at mag-interpreta ng mga bagay-bagay mula sa nakalimbag
na sagisag upang magamit niya sa kabutihan at kaunlaran. Kaya’t malaki ang naitutulong ng
pagbabasa sa ikauunlad ng isang tao gayundin ng isang bansa.

ARALIN 1: MGA URI AT ANYO NG TEKSTO

Gawain
Mahilig ka bang magbasa? Ilista ang dalawang pinakapaborito mong libro. Kung
hindi libro ang hilig basahin, ilista ang anumang uri ng akda, materyales, o genre ng panitikan na
nagging pinakapaborito mo. Isulat ang mga ito at ang mga hinihinging impormasyon sa
talahanayan.

Unang Libro Ikalawang Libro

Titulo

May-akda

Wika

Maikling Buod
Pagsusuri

➢ Ano ang iyong napansin sa inihandang gawain?


➢ Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang pagbabasa sa pang-araw-araw na
pamumuhay?

Pagbibigay-Diwa

MGA URI AT ANYO NG TEKSTO


Mga Uri ng Teksto

1. Narativ (pagsasalaysay) – maanyong paraan ng pagpapahayag na nag-uugnay ng mga


pangyayari at may layuning magkuwento. Ito ay tekstong nagkukuwento ng
pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Ang isang tekato kung ito ay naglalahad ng mga
impormasyong tumutugon sa mga tanong na paano at kalian.
2. Deskriptiv (paglalarawan) – naglalayong ilarawan ang pisikal na katangian ng mga
pangunahing tauhan at ang ilang mga bagay. Nagtataglay ng mga impormasyong may
kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, bagay, lugar, tumutugon sa tanong na ano?
Impresiystek na nagpapakita ng pansariling pananaw lamang ng sumulat. Obyektibong
pananaw sa tulong ng mga tiyak na datos, mga ilustasyon at dayagram.
3. Ekspositori (paglalahad) – paglalahad sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng mga
konsepto at mga palagay batay sa pansariling haka-haka, opinyon o pananaw. Ito ay
tiyakang naglalahad ng mga payak na pagpapaliwanag ng mga kosepto, mga iniisip at mga
palagay sa sariling pananaw. Ito ay naglalahad ng mga impormasyon tungkol sap ag-
aanalays ng mga tiyak na kosepto. Tinutugon nito ang tanong na paano.
4. Argumentativ (pangangatuwiran) – ang isang teksto na kung ito ay naglalahad ng
proposisyon upang makahikayat at magpaliwanag. Ito’y nagpapakita ng mga proposisyon
sa umiiral na kaugnayan sa pagitan ng konsepto o iba pang proposisyon ang ganitong uri
ng teksto at tumutugon sa tanong na bakit. Isang uri ng akdang naglalayong mapatunayan
ang katotohanan ng ipinapahayag at ipatanggap sa bumabasa ang katotohanang iyon.
5. Prosidyural (proseso) – ay nagpapaliwanag kung paano ang paggawa ng isang bagay,
layunin nitong magbatid ng wastong hakbang na dapat isagawa sa pagsulat. Kailangang
malawak ang kaalaman ng tao sa paksang kanyang tatalakayin, kailangang maayos din
ang pagkakasunod-sunood ng mga hakbang na dapat isagawa o sundin.
6. Persweysiv (panghihikayat) – naglalahad ng mga sapat na katibayan o patunay upang ang
isang paksa ay maging kapani-paniwala. Tekstong naglalahad ng mga konsepto upang
makahikayat maaaring masaya, malungkot, mapanlibak at iba pa.
7. Informativ – naglalayong alisin o linawin ang mga agam-agam na bumabalot sa isipan ng
bumabasa hinggil sa paksang tinatalakay. Uri ng teksto na nagbibigay ng mahalagang
impormasyon at nagpabatid, nagbibigay ng kaalaman.
8. Referensyal - ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga tiyak na pinaghanguan ng
mga inilalahad na kaalaman. Ang mga kaalamang hinango mula sa iba ay malinaw na
tinitiyak at inilalahad.

Mga Anyo ng Teksto

Agham Panlipunan
Ang Agham Panlipunan ay ang pag-aaral ng tao at ang pag-uugnay ng tao sa ibang pangkat
na may ibang kultura.

May apat na pangunahing subdubisyon ang Agham Panlipunan, na ang bawat subdibisyon
ay may sub-subdibisyon. Tunghayan ang sumusunod na talahanayan:
Subdibisyon ng Agham Panlipunan

Sosyal na Bisnes/ Pangangalakal Pag-aaral sa mga Oryentasyong


Oryentasyon Sinaunag Tao Pulitikal

• Sosyolohiya • Ekonomiks • Antropolohiya • Abogasya


• Paglilingkod • Pagtutuos – • Arkeolohiya • Kasaysayan
Panlipunan Akawnting • Agham
• Sikolohiya • Administrasyong Pulitika
Pangangalakal

Kasaysayan

Isang disiplina ang kasaysayan. Ito ay mga tala ng lumipas, ng mga pagbabagong naganap
sa bawat panahon ng isang bansa. Nagsisilbing tulay ang kasaysayan sapagkat nagagawa nitong
pag-ugnayin ang nakaraan sa kasalukuyan patungo sa hinaharap.
Sa pag-aaral ng kasaysayn ng isang bansa, dapat na may alam sa heograpiya nito. Ang
tungkol sa klima, mga likas na yaman, katubigan, kalupaan, ay may malaking epekto sa
pamumuhay, mga kaugalian at kaasalan ng mga tao.
Pulitika

Ang Pulitika ay isang sangay ng Agham Panlipunan. Ang Agham Panlipunan ay isang uri
ng pananaliksik na tumutukoy sa pagtuklas ng mga katotohanan at karunungan na hindi
nagsasaalang-alang sa praktikal na kapakinabangan mula rito kundi para sa sariling
kapakinabangan.

Agham, Teknolohiya at Matematika

Agham
Isang disiplina na nangangailangan ng komprehensibong kinalabasan ng isang bagay na
sinubok mula sa pagmamasid, pangangalap ng mga datos, pagkaklasipika sa mga datos na nakuha
tungo sa pagbuo ng hipotesis at kongklusyon.

Sinasabi rin na may pilosopiya sa agham. Ito ang masiglang pag-aaral para sa mga
pilosopo at mga siyentipiko. Madalas na binabanggit at binibigyang-kahulugan ng mga pilosopo
ang iba’t ibang uri ng eksperimento (tulad sa pilosopiya ng pisika at pilosopiya ng sikolohiya).
Ngunit hindi ito nakakapagtak, layunin ng mga sangay na ito ng pilosopiya na unawain sa
pampilosopiyang anta sang mga eksperimentong ito. Sa mga pag-aaral na ito, hindi nagsasagawa
ng eksperimento, nagbubuo ng mga teorya ng agham ang mga pilosopo sa kanilang kakayahan
bilang mga pilosopo. Hindi dapat ituring na katulad ng sinusuri nitong agham ang pilosopiya ng
agham.
Teknolohiya

Bunsod nang malaking pagbabago sa mundong ating ginagalawan, umusbong ang salitang
teknolohiya. Teknolohiya ang nagbunsod na maging moderno ang mga bagay na makakatulong
upang maging magaan ang pag-aaral, pakikipagtransaksyon, pakikipagkomunikasyon,
paglilibang at marami pang iba.
Biglang bumulusok ang computer na nagpalawak ng gamit nito. Sinundan ng cellphone at
e-mail, internet, texting blog at iba pang terminolohiya na ikinapit sa salitang teknolohiya. Maging
pag-aaral man ay naging webcast na, kung saan computer na ang nagbibigay ng mga aralin na
aasistahin na lamang ng isang aide na marunong mag-operate ng computer para sa webcast.

Matematika
Ang kasalukuyang Matematika ang makabagong paraan ng pagkwenta. Noong araw,
halos lahat ng bagay ay isinasaulo ng mga mag-aaral. Kahit hindi maintindihan ang aralin sa
matematika ay nakukuha ito sa drill o pagsasanay na medaling

Sa bagong matematika ay kailangang malaman kung paano nakuha ang sagot sa problema.
Sa pamamagitan din ng bagong matematika, ay nakapagkukwenta kahit hindi isulat sa papel.
Nakikita nila ito sa kanilang pag-iisip.

Narito ang ilang simbolo na tutumbasan ng kahulugan sa Ingles at salin sa Filipino.

Mga Sagisag

Sagisag Kahulugan sa Ingles Filipino


(Salin)

+ plus; addition isama sa; at


pagsama-
Sama
- Less; take away alisin; bawasan;
Subtraction pagbabawas
X times; multiplication paramihin;
pagpaparami
÷ divided by; division hatiin sa; paghati
= equals; is equals to katumbas ay; ay
katumbas ng
/ not equal di-katumbas
> greater than marami sa
< lesser than element kaunti sa laman
≠ not element di-laman
C subset maliit na tangkas
c/ not subset di-maliit na tangkas
↔ equivalent magkasindami
Not equivalent di-magkasindami
U union pagsasama
~ subtract alisin o awasin
Humanidades (Humanities)

Nagmula sa humanus (homo, homonium na tumutulong sa tao). Ang katawagan o


terminong Humanidades ay tumutukoy sa mga sining na biswal katulad ng musika, sayaw,
arkitektura, pintura, eskultura, teatro, o dula at panitikan. Napakahalaga ng sining sa buhay ng
tao. Sa pamamagitan nito’y naipapahayag niya ang kanyang nadarama. Ito ang sangay ng
karunungang may kinalaman sa kaisipan, damdamin at pakikipag-ugnayan ng tao.

Ang sining katulad ng pag-ibig ay mahirap bigyang katuturan. Pandaigdig ito at sumisibol
sa alinmang pook na pinagtitipunan ng tao, maging noong unang panahon hanggang sa
kasalukuyang lipunan. Sa alinmang panahon o bansa ay laging may sining. May kinalaman ito sa
mga komunikasyon ng mga ideya at damdamin sa pamamagitan ng pandama katulad ng kulay,
tunog, marmol, tanso, pelikula at mga pananalita.
Saan man pumunta ang isang tao, sa isang lungsod man o sa isang lalawigan, maging sa
ating bansa o sa ibayong dagat ay tiyak na mamalas niya ang iba’t ibang gusali katulad ng tahanan,
simbahan, paaralan, tindahan at marami pang iba. Maaaring maging kaakit-akit sa kanyang
paningin ang mga ito, ang iba naman ay tila ba nag-aanyaya habang ang iba naman ay walang
panghalina. Maaaring pag-ukulan niya ng paghanga ang iba at sa pagmamasid niya sa mga
naturang gusali ay madama niya na pinagtutuunan niya ng pansin ang arkitektura na siyang
pinakamatanda at pinakamahalaga sa larangan ng sining.

Ang arkitektura ay isang bahagi ng sining na biswal na nakikita ng mga tao. Ang biswal na
sining ay hindi lamang ang mga may kinalaman sa eskultura at pagpipinta kundi sinsaklaw din
nito ang mga kasangkapang inilalagay sa mga pook dalanginan, tahanan, paaralan, at iba’t ibang
gusali. Sa pamamagitan ng nalikhang sining ng mga eskultor at pintor, maipapahayag nila ang
kanilang adhikain, pangarap,, pag-asa at pangamba sa panahon ng pamamalagi nila sa daigdig.

Ang sining na biswal ay higit pa sa arkitektura, eskultura at pintura. Nakadarama tayo ng


kasiyahan maging sa paggamit ng mga karaniwang bagay sa ating buhay. Ang disenyo ng silyang
ginagamit ng isang tao halos araw-araw ay maaaring magbigay sa kanya ng kasiyahan bukod pa
sa kaginhawaang nadarama niya kung siya’y nakaupo rito.
Ang isa pang uri ng sining ay ang musika. Isang sining ito na pinagsama-sama at inayos
ang mga tunog ng iba’t ibang tono upang makalikha ng isang katha sa musika na nagpapahayag
ng iba’t ibang kaisipan at damdamin. Pangunahing layunin ng musika ang mang-aliw. Kung wala
sa tamang tono ang musika o napakalakas ng tunog nito na nakakasakit sa tainga, bigo ang layunin
nitong makapagbigay-aliw. Bilang isang sining, ang kagandahan nito’y nakasalalay sa mga tunog.
Ang musika’y isa sa mahalagang sining ng kabihasnan. Kaugnay ito ng damdamin at may
katangiang makaimpluwensiya ng tuwiran sa tao.
Kapag nakinig ng musika sa radyo ang isang tao o kaya’y nakilahok sa pag-awit ang isang
grupo, siya’y nagkakaroon ng pakikipag-ugnayan sa musika. Maaaring maging popular ang isang
awitin sa isang panahon at lumipas ang popularidad nito pagkatapos ng ilang taon. May mga
awitin namang hindi nawawala sa katanyagan kahit na ilang dekada at paulit-ulit na inaawit at
pinatutugtog sa mga radyo at telebisyon.
Ang sayaw ay isang sining na karaniwang ginagawa ng tao noon pa mang unang panahon.
Ito’y gumagamit ng katawan bilang tagapagpahayag ng nasa kaisipan at damdamin. Salamin ito
ng buhay sa lipunan. Sa pamamagitan nito’y naiibsan ang dinadalang alalahanin ng isang tao.
Nagsupling ito sa pagmamahal ng isang tao sa makahuluagang pag-imbay na maaaring
magpahayag ng iba’t ibang damdamin tulad ng kaligayahan, kalungkutan, poot, paghihimagsik,
paghihirap ng kalooban at iba pa.
Ang teatro ay isang lugar na pinagtatanghalan ng mga dula sa paaralan at palatuntunang
pampamayanan. Maging sa loob ng mga silid-aralan ay maaaring magpasadula ang guro ng
mahalagang tagpo sa paksang araling tinalakay. Maaari rin na ang magtanghal ay samahang
panduluan. Iba’t ibang uri ng dula ang maaaring itanghal katulad ng komedya, trahedya,
melodrama, sarswela at iba pa. Sinisikap ng mga gumaganap sa dula na maipahatid nang
matagumpay sa mga nanonood ang mensahe ng sumulat ng dula. Ang dula ay isang akdang bahagi
ng panitikan, isang kasiya-siyang karanasan ng tao ang manood ng dula. Nadarama niyang siya’y
kasali sa mga sitwasyong makatotohanan sa buhay na napapanood niya sa tanghalan.

Ang pelikula ay isang palabas na karagdagan sa iba’t ibang panooring panteatro.


Maraming nakakapanood nito sa araw-araw at nakapagdudulot ito ng kasiyahan sa mga tao.
Naghahandog din ng mga dula sa mga tagapakinig ang radyo at napupukaw nito ang kanilang
imahinasyon. Ang telebisyon man ay naghahandog din ng mga sining ng pagganap sa
pamamagitan ng mgadulang ipinapalabas dito.

Literatura

Ang Maikling-Kwento
Ito’y isang maikling kathang maaaring hango sa tunay na buhay o maaari namang likha
ng mayamang guni-guni ng may akda, kakaunti lamang ang mga tauhan at nag-iiwan ng isang
kakintalan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig. Natatapos itong basahin sa isang upuan
lamang.

Mga Uri ng Maikling-kwento


1. Salaysay – Ang uring ito’y walang katangiang nangingibabaw, timbang na timbang ang
mga bahagi, hindi nagmamalabis bagama’t masaklaw, maluwang ang pagsasalaysay at
hindi apurahan.

2. Kwento ng Katatawanan – May kabagalan at ilang paglihis sa balangkas ang galaw ng mga
pangyayari sa kwentong ito.

3. Kwento ng Tauhan – Ang tauhan o mga tauhan sa kwento ang binibigyan diin.

4. Kwento ng Madulang Pangyayari – Kapansin-pansin ang pangyayari sa ganitong uri ng


kwento. Ang pangyayari’y lubhang mahalaga at nagbubunga ng isang bigla at kakaibang
pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan sa kwento.

5. Kwento sa Pakikipagsapalaran – Ang kawilihan sa ganitong uri ng kwento ay nasa


balangkas sa halip na sa mga tauhan ng kwento. Ang kawilihan ay nababatay sa
pagsubaybay sa mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan sa kwento.
6. Kwento ng Katutubong Kulay – Ang binibigyang diin sa uring ito’y ang kapaligiran ng
isang pook. Ang tagpuan ang higit na binibigyang-pansin. Inilalarawan ang mga tao sa
isang pook, ang kanilang pamumuhay, mga gawi, mga kaugalian at mga paniniwala.

7. Kwento ng Kababalaghan – Binibigyang kasiyahan sa kwentong ito ang ating pananabik


sa mga bagay na kataka-taka at salungat sa wastong bait at kaisipan. Karaniwang likha
lamang ng mayamang guniguni ng may akda ang ganitong uri ng kwento.

8. Kwento ng Sikolohiko – Inilalarawan ang mga tauhan sa isipan ng mambabasa. Ang


suliranin ng may akda ay maipadadama sa mambabasa, ang damdamin ng isang tao sa
harap ng isang pangyayari.

9. Kwento ng Talino – Ang may akda ay lumilikha ng masuliraning kalagayan sa simula


upang mag-alinlangan ang mambabasa hanggang sa sumapit ang takdang oras ng
paglalahad. Ang umaakit sa mambabasa sa uring ito ng kwento ay ang pagkakabuo ng
balangkas sa halip na ang mga tauhang gumaganap.

10. Kwento ng Katatakutan – Ang damdamin, sa halip na ang kilos ang binibigyan diin sa uring
ito. Pinupukaw ang damdamin ng mambabasa at ang mahalaga ay ang bisa at kaisahan.

Ang Mga Alamat at Kwentong Bayan


Bago pa man dumating ang mga kastila ay may mga alamat at kwentong bayan na ang mga
Pilipino. Ang alamat ay isang kathang pampanitikan na ang pinakadiwa ay mga bagay na
makasaysayan. Tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay o mga bagay. Ang kwentong bayan ay
isang akdang walang may-akda at nagpapalipat-lipat lamang sa bibig ng mga tao.

Halimbawa ng mga Alamat:


Alamat Tungkol sa Tao at sa Makapangyarihan

Alamat ng Makahiya
Alamat ni Mariang Sinukuan
Alamat ng Pinya

Alamat ng Malate
Halimbawa ng Kwentong Bayan:

Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani (Kwentong Bayan ng Kalinga)


Si Juan, Ang Masunurin (Kwentong Bayan ng mga Tagalog)

Ang Nobela
Katulad ng maikling-kwento, ang nobela ay isang akdang tuluyan ngunit higit itong
mahaba kaysa maikling kwento. Kaiba sa maikling-kwento, ito;y maraming tauhan at marami ring
pangyayaring totoo o likhang isip lamang. Nangangailangan ito ng mahabang panahon ng
pagbabasa sapagkat hindi ito mababasa sa isang upuan lamang. May iba’t ibang uri ng nobela gaya
ng nobela ng tauhan, nobelang makabanghay, nobela ng kasaysayan at nobela ng romansa.
Ang Sanaysay
Ang sanaysay ay isang akda na nasa anyo rin ng tuluyan. Ito’y kasama rin sa mga genre ng
panitikang Pilipino. Karaniwan ng nakatuon ito sa isang tanging paksa at naglalayong maglahad
ng mga kuru-kuro o pananaw ng may akda. Dalawa ang uri ng sanaysay: ang maanyo o pormal at
ang Malaya o di-pormal.

Ang maanyo o pormal na sanaysay ay nanganailangan ng mga sumusunod:


1. Maingat na pagpili at paghahanay ng mga salita

2. Maayos at mabisang paglalahad ng mga kaisipan

3. Lubos na kaalaman sa paksa

4. Mahusay at malinaw na pagbuo ng mga pangungusap

Ang Malaya o di-pormal na sanaysay ay higit na madali at magaang sulatinsapagkat simple at


kadalasang natural ang paglalahad ng mga kaisipan. Ito ang kahulugan kung waring pamilyar o
malapit ito sa damdamin ng mga mambabasa. Madali itong maunawaan at parang nakikipag-usap
lamang.

Ang Dula o Drama


Ang dula ay isang anyo ng panitikan na ang layunin ay magpakita sa isang tanghalan sa
pamamagitan ng kilos at galaw.
Ang sining ng dula ay mahalagang hiyas ng alinmang wika. Ito ay nagbibigay kislap sa
alinmang panitikan.

Upang maging kawili-wili ang dula, kailangan ang mga pangyayari, suliranin at paliwanag
ng suliraninay paunlad na inilalahad. Kailangan ng isang dula ang panimula, ang tuluy-tuloy na
paglalahad ng pangyayari at wakas. Ang salita ay nagbibigay-buhay sa mga tauhan. Ito rin ang
lumikha sa dula upang ito’y maging anyo sa panitikan.

Kung ating ihahambing sa maikling-kwento ang dula, masasabi natin na ang dula ay higit
na kawili-wili sapagkat ang tunggalian ng mga tauhan ay ating nadarama. Ang layunin ng drama
ya hindi lamang basahin kundi panoorin ng madla.

Ang Pabula

Ang pabula ay mga kwentong ang mga tauhan ay hayop. Ito’y kawili-wiling kwento na
nagpapakita ng mga mabuting aral o ang layunin ay maghatid ng kagandahang asal.

Ang Parabula
Ang parabula ay mga kwentong mula sa Banal na Kasulatan. Ito’y mga kwentong
naglalaman ng mga aral at pangaral ni Hesukristo. Halimbawa nito ay ang kwento ng Alibughang
Anak. Ang Mabuting Samaritano at marami pang iba.
Ang Tula
Katutubong hilig ng mga Pilipino ang pagtula. Katunayan bago pa man dumating ang mga
Kastila sa Pilipinas, may mga tula ng binibigkas ang mga Pilipino tulad ng bugtong, salawikain,
tugmang bayan, at bulong. May mahaba ring tulang pasalaysay na tinatawag na epiko. Itinuturing
ang mga ito na ugat ng mga tula na patuloy pa ring binibigkas ng mga Pilipino hanggang sa
kasalukuyang panahon.
Sa pagdaraan ng mga dantaon, nagbago ang anyo at estilo ng tulang Pilipino. Bunga ito ng
impluwensya ng panitikang dayuhan na pumasok sa ating bansa. Datapwa’t nanatili pa rin ang
kalikasan ng panulaang Pilipino sa kabila ng naturang pagbabago. Patuloy na umuunlad ang tula
hanggang sa magkaroon ng iba’t ibang uri at kaanyuan. May apat na pankalahatang uri ng tula.
Ito ay tulang pandamdamin, tulang pasalaysay, tulang padula, at tulang patnigan. Matutunghayan
sa ibaba ang katuturan at mga halimbawa ng bawat uri:
1. Tulang Pandamdamin o Tulang Liriko – Naglalahad ito ng saloobin, damamin,
imahinasyon at karanasang maaaring sarili ng may-akda o ng ibang tao. Kabilang ditto
ang soneto, elehiya, oda at dalit.

2. Tulang Pasalaysay – Sa uring ito mababasa ang makulay na karanasan o pangyayaring


tungkol sa pag-ibig, kabayaniahn, at kadakilaan ng pangunahing tauhan. Saklaw ng uring
ito ang epiko, awit, kurido, pasyon at balada.

3. Tulang Patnigan – Isang uri ito ng pagtatalong patula na kinapapalooban ng matatalinong


pangangatwiran, talas ng pag-iisip at talimng diwa. Ilang halimbawa nito ay ang duplo,
karagatan, balagtasan, batutian (ng mga Tagalog) at Crisottan (ng mga Kapampangan).

4. Tulang Padula – Nasasaklaw nito ang mga dulang may dayalogo o usapang patula.
Pangunahing halimbawa nito ang komedya o moro-moro, bagama’t may senakulo, tibag,
panuluyan at sarswela na isinasadula sa paraang patula.

Ayon kay Cornell, apat ang sangkap ng tula. Ang mga ito ay:
1. Tungkol sa damdamin

2. Tungkol sa guniguni

3. Tungkol sa kaisipan

4. Tungkol sa pananalita

Batay naman sa istruktura, ang tula ay may sukat, tugma, kagandahan, o kariktan at may
makabuluhang diwa. Ito ang ikinaiba ng tula sa tuluyan.

Pagbasa ng mga Tekstong Profesyunal


Ano ba ang tektong profesyunal?
Masasabi na ang mga tekstong profesyunal ay isinulat ng mga taong profesyunal na
mahusay sa kani-kanilang larangan. Isinulat upang mabasa at mapag-aralan ang mga
impormasyong nakalahad dito.

Layunin ng tekstong profesyunal na maglahad ng mga karagdagang impormasyon, mga


makabagong impormasyon na bunga ng mga napapanahong pag-aaral batay sa mga pananaliksik
na isinasagawa upang makatuklas pa ng mga kaalamang magiging kapaki-pakinabang sa mga
mambabasa.
Hindi lamang mga kasamahan sa propesyon ang target ng mga tekstong ito, higit ang
publikong mambabasa upang magkaroon ng ganap at wastong impormasyon sa mahahalagang
bagay na may kinalaman sa pang-araw –araw na buhay ng isang indibidwal.

Nakapag-aambag din ito ng pag-unlad ng mga kaalaman sa mga taong profesyunal na o di


kaya naman ay bahagi ito ng professional growth nila.

Maituturing na profesyunal ang mga doctor, abogado, guro, inhinyero, arkitekto, dentist,
nars, at marami pang iba.
Karaniwang nagtataglay ang tekstong profesyunal ng mga sumusunod:
1. hindi maligoy ang pagkakalahad

2. komprehensibo ang pagkakalahad

3. maayos at organisado ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya

4. mayaman sa mga impormasyon

5. bunga ng masusing pananaliksik

6. iniuugnay sa mga nagging karanasan ng isang tao o bumabasa o kaya naman ay isang tiyak
na sitwasyon

You might also like