You are on page 1of 4

ARALIN 3: PAGDULOG SA PAG-UNAWA NG MGA TEKSTO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Gawain

Panuto: Magsulat ng maikling buod, synopsis, o deskripsyon ng isang aklat o anomang uri ng
babasahin na sa tingin mo ay makapagpapasimula ng interes sa pagbasa.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Pagsusuri

➢ Sa pagpili ng paksa na inyong babasahin, anong genre ang tumatak sa inyong


isipan na kadalasan ninyong ginagamit o binabasa? Bakit?
➢ Nakatutulong ba sa isang babasahin o teksto ang malaking pang-unawa?
Patunayan.

Pagbibigay-Diwa

PAGDULOG SA PAG-UNAWA NG MGA TEKSTO SA IBA’T IBANG DISIPLINA


Sikolohikal na Proseso ng Pagbasa
➢ Ito ay ang kakayahan ng tao na mag-imbak ng impormasyon, kaisipan at pati na rin ang
kanyang nabasa, nakita, nasulat at naramdaman. Ang mga gabay na ito ay nakatatak na sa
kanyang isipan.

Interaktibong Proseso ng Pagbasa

➢ Sa pagbasa, kailangan ang interaksyon ng mag-aaral o mambabasa at ng teksto sa


pamamagitan ng interpretasyon, pagpapalawak, pagatalakay sa mga alternatibong
posibilidad at iba pang konklusyon. Kadalasan, natatapos ang pagbasa sa malikhaing
produksyon sa pagsasalita o pagsusulat. Sa pamamagitan din nito, maaaring pagkatapos
na magbasa ang isang bata o mag-aaral, maganyak siyang magsulat ng kwento, dula, tula,
programa sa radyo o ang sarili niyang pagwawakas para sa mga kwento at mga dula na
malimit niyang basahin.
➢ Konsepto ng interaktibong pagbasa ang ugnayan ng awtor at ng mambabasa. Anong
kaisipan, kaalaman o impormasyon ang ibig niyang tukuyin o ilahad sa teksto at paano
naman ito inuunawa, tinatanggap o maaaring inilapat niya sa aktwal na naranasan niya.
Metakognitibong Proseso ng Pagbasa
➢ Isang paraan ng mahusay at mabisang paraan ng pagbabasa ng kung saan nauunawaan
niya ang nais iparating na impormasyon ng materyal na binabasa. Malaking tulong ito
para humusay ang kakayahan nilang umunawa at bumuo ng mga ideya.

Mga Elemento ng Metakognitiv na Pagbasa

Kaalaman at pagkabatid kung papaano makokontrol ang proseso ng pag-iisip. Bahagi ng


metakomprehensyon na binubuo ng dalawang aspeto, ang pagkakaroon ng kamalayan kung
kailan hindi mauunawaan ang isang bagay at ang pagkaalam sa istratehiyang dapat gamitin upang
malunasan ang kakulangan sa pag-unawa.
Ang metakognisyon ay ang proseso ng pagkakakilalan kung ano ang ating alam at kung
paano natin nalalaman ito.
Ang metakognisyon ay may dalawang dimension:
1. Ang kaalaman ukol sa sariling kaugnayan sa mga kailangan sa pagsasagawa ng gawaing
pagbasa

2. Pagmomonitor sa sarili.

Ang pagbasa ay isang makrong kasanayan kinapapalooban ng maraming kasanayan.


Ang mga tiyak na kasanayang ito ay napapaloob sa limang dimensyon o panukatan sa pagbasa.

1. Pang-unawang Literal – pagkuha ito ng pangunahin, literal at tuwirang kahulugan ng


salita o pagkuha ng kahulugan ayon sa pagkakagamit sa pangungusap, pagkuha ng mga
ideya at impormasyong maliwanag na sinabi ng babasahin.
2. Interpretasyon – pang-unawang ganap sa mga kaisipang may-akda kalakip ang mga
karagdagang kahulugan, pagkuha ng malalim na kahulugan.
3. Mapanuring Pagbasa – dito nagaganap ang pagkilatis sa kahalagahan ng mga kaisipan at
ng kabisaan ng paglalahad, pagbibigay halaga sa katumpakan ng pagbabasa.
4. Aplikasyon ng mga Kaisipang Nakuha – nagkakaroon dito ng pagsasanib ng mga kaisipang
nabasa at mga karanasan upang magdulot ng bagong pananaw at pagkaunawa.
5. Pagpapahalaga – paglikha ito ng sariling kaisipan ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa
binasang seleksyon, pagdama sa kagandahan ng ipinahiwatig ng nilalaman ng kwento o
mga sulatin.
ARALIN 4: MGA HULWARANG ORGANISASYON NG TEKSTO

Gawain
Panuto: Maglahad ng mga salitang mailalapat mo sa salitang TAGUMPAY. Kumpletuhin ang word
association tsart.

TAGUMPAY

Pagsusuri

➢ Anong mga salita ang iyong nabuo mula sa salitang tagumpay?


➢ Sa iyong palagay, ang mga salitang iyong nahanap ba ay may malaking
ambag sa paksang aralin? Bakit o bakit hindi?

Pagbibigay-Diwa
MGA HULWARANG ORGANISASYON NG TEKSTO

Pagtukoy sa Hulwaran ng Organisasyon

Sa bawat teksong pang-akademiko na isinulat, mahalagang kapag ito ay binasa na,


nakilala ang hulwaran kung paano binuo ang organisasyon ng teksto. Makilala sa kasanayang ito
ang stilo ng awtor. May anim na hulwaran ng organisasyon ng teksto na tinalakay isa-isa sa
naunang mga aralin. Ang mga ito ang definisyon, pag-iisa, pagsusunud-sunod, paghahambing at
pagkokontrast, problema at solusyon at ang hulwarang sanhi at bunga.

Ayon kay badayos (2000), ang hulwaran o istilo sa pagsulta ay isang sistema o kaparaanan
kung paano binubuo at inilalahad ng awtor ang mga impormasyon o ideya sa mga teksto o
babasahin.
Kahalagahan ng Hulwaran ng Organisasyon sa Mambabasa
1. Nasusuri agad ng mambabasa kung anong impormasyon ang maaring kasunod na ilalahad
ng awtor.
2. Nakapagbibigay ng prediksyon sa babasahing teksto at maaaring matiyak kung tama o
mali ang prediksyon.
3. Ang pagkilala sa mga hulwaran ay makatutulong sa lubusang pag-unawa ng isang teksto.
4. Ang mga impormasyong inilahad sa isang sistematikong paraan ng pagbubuo ay madaling
matandaan o maalala.
5. Nakatulong din sa mambabasa upang maalala ang mga impormasyong nabasa.
6. Higit sa lahat, di magtatagal matutuklasan ng isang tagabasa na nagagawa na rin niyang
tularan o gayahin ang hulwaran ng organisasyon o istilo ng isang awtor sa kanyang mga
isinusulat.

Uri at Katangian ng mga Hulwaran o Istilo ng Organisasyon ng Teksto

Uri Katangian
Depinisyon Pagbibigay sa kahulugan ng salita sa pamamagitan ng iba’t
ibang panananaw o maaaring sa pagbibigay ng mga
kasingkahulugan.
Pagsusunod-sunod Pagtatala ng mga bagay o pangyayari sa pamamagitan ng
numerical o kronolohikal na pagkakasunod-sunod.
Paghahambing Pagpapaliwanag sa kung papaano nagkatulad o nagkaiba
ang dalawa o higit pang bagay.
Sanhi at Bunga Pagtatala sa mga dahilan ng/ ng mga nagging resulta.
Problema at Solusyon Paglalahad ng problema at talaan ng mga solusyon para sa
problema. Ito ay maaari rin sa pamamagitan ng tanong at
sagot.

You might also like