You are on page 1of 4

Tomas Oppus, Southern Leyte

Isa sa mga kulturang popular na karaniwang ginagawa ng mga mamamayan ng Tomas Oppus ay ang
pagdiriwang ng anibersaryo tuwing Hulyo 25 kung saan ang pangunahing tampok ay ang “Paujog
Festival”.

Ang pangalan ay “Paujog” na lokal na termino na ang ibig sabihin ay kalugin. Isang mabilis na ritmo
ang pagsasayaw ng “Paujog”. Ang paraan ng pagsasayaw ay masalalay sa panlililak sa paa, kumawag ang
baywang ng lalaki at babaeng mananayaw. Ipinakita ng mga mananayaw kung paano pinaalis o palayain
ang masasamang ispirito. Ipinakita rin dito kung ano ang buhay ng mga Tomasians, mula sa pagtatanim
at pag-ani ng kanilang produkto at pangunguha ng isda.
Macrohon, Southern Leyte
Ang “Manhaon Festival” ay nagpapakita ng kasaganaan sa ani ng mga mamamayan ng Macrohon.
Ito ay presentasyon ng mga kultura sa pamamagitan ng pagsasayaw at paghihiyawan gamit ang drum at
beats mula sa instrumentong kawayan na binibiyak.

Ang “Manhaon Festival” ay paraan din sa pagpapakita ng pasasalamat sa Panginoon sa mga biyayang
natanggap at paghingi ng proteksiyon sa mga manlulupig partikular sa mga Moro. Sa pagsasadula ng
Manhaon Festival ipinakita rin dito ang labanan ng mga kristiyano at moro na kung saan nanalo ang mga
Macrohonanon sa labanan sa tulong ng mga sundalong Espanyol at ipinagdiriwang tuwing Oktubre 31
kasabay sa Founding Anniversary ng lungsod ng Macrohon.
Republika ng Pilipinas
SOUTHERN LEYTE STATE UNIVERSITY- COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
San Isidro, Tomas Oppus, Southern Leyte

PROYEKTO
SA
KULTURANG POPULAR

Ipinasa nina:
Maria Teresa Adobas
Genevieve Bestudio
Eva Mae Dapitan
Roselyn Eballar
Aileen Hinaniban
Girlie Mae Macasocol
Lucille Mibulos
Reynante Monter
Ricardo Pejoto
Darlyn Relente
Beberlyn Jasmine Tiusen

You might also like