You are on page 1of 4

KASAYSAYAN NG DULANG FILIPINO SA PANAHON NG

KATUTUBO AT KASTILA

-DIZON, Mikaela Jasmine -MALLARI, Jane

 Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katututbong


Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop.
 Ayon kay Casanova, ang mga katutubo’y likas na mahiligin sa mga awit, sayaw at
tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula. Ang mga unang awitin ay
nasa anyo ng tula.
 Ang mga awit, sayaw, at ritwal ay karaniwang ginaganap para sa pagdiriwang ng
kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan, pakikipagdigmaan,
kasawian, pananagumpay, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, atbp. Bago dumating
ang mga dayuhang mananakop, ay mayroon ng ilang anyo ng dula ang mga
katutubong pilipino.
 ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa
kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan ng mga
Pilipino. Higit sa lahat, ito’y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga
mamamayang Pilipino
 Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ng
ating tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay ng katauhan sa mga Pilipino.

1. Bikal at Balak

Ang bikal ay maaaring awitin ng dalawang babae o dalawang lalaki. ang mga mang-aawit ay
magkahiwalay na nakaupo sa magkabilang panig ng silid, habang nasa gitna ang mga manonood. Sa mga
berso ng awit ay nagtatalo ang dalawa at hinahalungkat ang mga kasiraan o kapangitan ng bawat isa. Sa
ganitong pagkakataon, lalong nag-iinit ang pagtatalo dahil ang mga manonood ay may kanya-kanyang
kakampi.

Ang balak naman ay ang pagsusuyuan ng isang dalaga’t binata sa pamamagitan ng awit na
umiindayog at matalinghaga. May mga pagkakataong gumagamit ang dalawa ng kudyapi. Sa
pamamagitan ng tugtugin ng kudyapi ay naipararating ng bawat isa ang kani-kanilang niloloob at
damdamin.

2. Bayok o Embayoka

Ito’y isang pagtatalong patula ng mga Maranaw na nilalahukan ng isang lalaki at isang babae na
binabayaran ng salapi o kasangkapan pagkatapos ng palabas. Ang mga kasali rito ay dapat na mahusay
sa berso sapagkat ang kunting pagkakamali sa pagkakamit o pagpili ng salita ay maaaring humantong sa
mainitang sagutan. Sa ganitong pagkakataon, ito ay maaaring maging dahilan ng pag-aaway ng mga
pami-pamilya.
3. Kasayatan

Kadalasan, ang bayok ay sinusundan ng isang laro ng panyo na tinatawag na kasayatan. Ito ay sinasalihan
ng mga dalaga’t binata at nahahati sa dalawang pangkat. Magkahiwalay ang mga babae’t lalaki sa
magkabilang dulo ng tanghalan. Magsisimula ang sayaw pagkatapos ng talumpati ng Sultan ng lugar o
dili kaya’y ng may-ari ng bahay na pinagdarausan ng pagdiriwang. Magkahiwalay ang mga babae’t lalaki
sa magkabilang dulo ng tanghalan. Magsisimula ang sayaw pagkatapos ng talumpati ng Sultan ng lugar o
dili kaya’y ng may-ari ng bahay na pinagdarausan ng pagdiriwang.

Ang maybahay ay hihingi ng pahintulot na pasimulan na ang sayaw. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng
patula. Pagkatapos sumagot ng mga panauhin ay sisimulan niya ang pakikipag-usap sa mga binata
habang sumasayaw sa paligid ng mga iyon. Ipapatong niya sa balikat ng isang binata ang isang panyo.
Pagkatapos ay tutungo naman siya sa grupo ng mga babae at ipapatong ang isa pang panyo sa isa sa
kanila. Ang sayaw ay sinasaliwan ng mga instrumentong kudyapi, kulintang, agong at kubing. Ang
kanilang mga kilos ay waring naglalarawan ng kanilang mga ninuno.

4. Dallot

Sa mga Ilokano ito’y awit ng pag-ibig. Ang lalaki ay tutula at nagpapahayag ng pag-ibig at ito’y sasagutin
ng babae nang patula. Pagkatapos ay aawitin nila ang tula sa saliw ng kutibeng, gitara ng mga Ilokano.
Ito’y itinatanghal kapag may binyag, kasalan o handaan.

Habang nag-aawitan ang dalaga’t binata ay pinapasa ang oasi, isang uri ng alak. Kapag ang babae
ay tinanggap ang pag-ibig na iniluluhog ay ihahayag at itatakda ng mga magulang ang kasal.

Ang pagbabayo ng palay ay mahalagang bahagi habang itinatakda ang kasal. Ito ay ginagawa sa
saliw ng awit na Pamulinawen habang ang mga tao’y nagsasayawan.

Gayundin, ang pagbibigay ng datos (dowry) ay bahagi ng kasalan.

5. Dung-Aw

Ang tradisyong Dung-aw ng mga Ilokano ay isang tulang panambitan na binibigkas sa piling ng bangkay
ng anak, asawa o magulang. Ang berso ay nagsasalaysay ng paghihinagpis ng naulila at paghingi ng
kapatawaran sa nagawang kasalanan o pagkakamali sa namatay.

6. Hugas-Kalawang

Isang tradisyon ng mga taga-gitnang Luzon. Isinasagawa ito pagkaraan ng pagtatanim ng palay, ang mga
magsasaka ay gumawa ng damara sa tumana o sa taniman. Naghahandog ng premyo ang may-ari ng
lupa para sa pinakamabilis magtanim. Pagkatapos ng pagtatanim, sila ay naghuhugas ng kamay at
susundan ito ng kainan at magkakasayahan habang nagkakantahan, nagsasayawan, nagkukuwentuhan
at nagtutuk-suhan.

Ang hugas-kalawang ay nagtataglay rin ng mimesis sapagkat ang mga gumaganap dito ay mga
magsasaka at may-ari ng lupa.

7. Dalling-Dalling
Ang dalling-daliing ay isang tradisyonal na anyo ng dula ng mga Tausug sa Sulu. Nangangahulugang
“Mahal Ko”, ang dalling-dalling ay isang ritwal na nag-aanyaya sa mga manonood na umawit habang ang
magsing-irog ay sumasayaw.

Ang lalaki’t babae ay nagliligawan sa pamamagitan ng pag-awit ng kanilang mga niloloob. Kadalasan, ang
mga manonood ay kumakanta rin nang may himig na panunudyo

8. Karilyo

Pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong kartong hugis tao sa likod ng isang kumot na putî na
may ilaw m. Ang karilyo ay parang “puppet show” pero gamit ay ilaw at anino, at ang mga puppet ay
ginunting na papel o karton.

9. Pamamanhikan

ang kaugaliang ito ay ginagawa sa halos buong kapuluan. Ang pamanhikan ay ang pagdalaw ng mga
magulang ng binata sa bahay ngmapapangasawang dalaga. Sa mga tagalog,ito ay tinatawag na

Bulong. Sinusundan ito ng Kayare , ang pagkakasundo ng mga magulangng bawat pamilya at ang
pagplano ngkasalang gagawin. Pagkaraan ng tatlong araw,idaraos naman ang Dulog , ang pagkuha
ngpahintulot sa kasal.

KASAYSAYAN NG DULANG FILIPINO SA PANAHON NG KASTILA


Dumating ang mga kastila sa bansa taglay ang 3Gs. Pangunahing layunin ay ihasik ang
kristyanismo, maghanap ng mga ginto at upang lalong makilala sa pamamagitan ng pandaragdag ng
kanilang nasasakop. Halos lahat ng mga dulang ito ay pangtanghalan, pantahanan, at panlansangan.

Narito ang mga sumusunod na dula sa panahon ng kastila;

1. Tibag-ay isang pagtatanghal tuwing buwan ng Mayo, ito ang paghahanap ni Santa Elena sa krus
na pinagpakuan kay Kristo.
2. Senakulo- ay isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ni Hesukristo.
3. Moriones- ay isang taunang pista na ginaganap tuwing mahal na araw. Ang pistang ito ay
sinasariwa ang buhay ni Longinus, isang senturyong Romano. Ang mga kaganapan ng pista ay
nagsisimula ng Lunes Santo at nagtatapos ng Linggo ng Pagkbuhay.
4. Panunuluyan- ay tradisyunal na dula tuwing disperas ng Pasko hinggil sa paghahanap ng
matutuluyan nina Birheng Maria at San Jose sa Herusalem at pagsisilang kay Hesus sa isang
sabsaban.
5. Panubong- ay isang mahabang tula na nagpaparangalsa may kaarawan o kapistahan. Mula ito sa
salitang Tagalog na “pamutong” na ang ibig sabihin ay lalagyan ng putong o korona ang dalagang
may kaarawan. Masasksihan ito sa Quezon at sa Marinduque.
6. Salubong- pagsasadula sa pagkikita ni Kristo at ang kaniyang Ina. Ito ay itinatanghal sa bakuran
ng simbahan. Kung saan may espesyal na archo na may imaheng Birheng Maria na naka belo.
Isang batang babae bilang isang anghel ang hihila sa belo ng Birhen.
7. Pangangaluwa- kilala bilang Todos Los Santos. Ang unang araw ng Nobyembre ay araw na
pagtupad ng mga Pilipino sa pagtupad sa tungkulin nila sa yumao nilang mga mahal sa buhay na
dalawin ang mga libingan ng mga ito.
8. Santacruzan- ay isang relihiyosong makasaysayang pagpapaganda na idinadaos sa mga
maraming lungsod, bayan, at sa buong Pilipinas sa panahon ng buwan ng Mayo.
9. Flores De Mayo- Flores de Maria o Alay ang ibang tawag dito. Ito ay pista ng bulaklak na
ipinagdiriwang ng mga Filipino sa buong buwan ng Mayo bilang pagbibigay parangal kay Birheng
Maria. Bawat isang araw sa buong buwan ng Mayo ay naghahandog ng bulaklak kay Maria.
10. Bulaklakan- Isang magandang sayaw na itinatanghal kasabay ng selebrasyon ng Santacruzan.
Itinatanghal sa harap ng isang pang-prosisyun na altar.
11. Karagatan- ay isang larong patula bilang pang-aliw sa mga naulila ng isang yumao. Sa
katagalugan, ang karagatan ay isang dulang nababatay sa isang alamat tungkol sa singsing ng
isang prinsesa. Ang singsing diumano ay nahulog sa dagat at ang binatang makakakuha nito ay
magiging mapalad sa pag-ibig ng dalaga.
12. Duplo- ay isang larong may kaugnayan sa kamatayan ng isang tao at may layuning aliwin ang
mga naulila. Ito ay patula ngunit hindi nangangailangan ng palagiang sukat at tugma. Ang
halimbawa ng duplo ay may tauhang bilyako at bilyaka.
13. Moro- moro- paglalaban ng mga Muslim at Pilipinong Kristiyano. May magaganda at makukulay
na kasuotan..

You might also like