You are on page 1of 11

Limang Uri Ng Dulang Pangtanghalan

1) Senakulo(Cenaculo) - isinadulang buhay ni Hesukristo.

2) Tibag - isang pagsasadula kung saan tinitibag ang bundok upang hanapin ang krus
na kinamatayan ni Hesus.

3) Panunuluyan - ipinapakita rito ang mag-asawang Birheng Maria at San Jose sa


paghahanap ng kanilang matutuluyan.

4) Comedia o Moro-moro - isang uri ito ng maikling dula na may dramatikong elemento
na nakasulat sa orihinal na Kastila na may elemtong panrelihiyon, may sukat na pito o
walo okaya sa labing-apat na pantig.

5) Sarsuwela - ang sarsuwelay walang tiyak na anyo, ang pagkantay malaya at


imahitibo.

Ang Senakulo ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga


dinanas ni Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus. Hango ang nasabing
tradisyon sa Bibliya at iba pang tekstong apokripa. Kadalasang ginaganap ito sa
lansangan o kayay sa bakuran ng simbahan. Ang magkakaibigan, magkakamag-anak,
at magkakababayan ay magkikita-kita upang panoorin at palakasin ang loob ng mga
tauhan sa dula. Ang mga kasuotan ng mga gumaganap ay ginagad sa suot ng mga
kawal na Romano at iba pang personalidad at kasaysayan at may matitingkad na kulay.
Ang mga manonood naman ay may baong sariling upuan at pagkain upang hindi sila
mainip sa panonood. Karaniwan ding makikita ang ibat ibang tindahan na nakapaligid
sa pinagdarausan ng senakulo. Hindi man atentibo sa panonood ang ilang tao ay
madali pa ring masundan ang takbo ng pagsasadula sapagkat pamilyar ang bawat mga
eksena.

Ito ay tumutukoy sa paghahanap ng krus, sa kalagitnaan ng ikalawang pandaigdigang


digmaan (WORLD WAR II). Ito ay itinaguyod ng mga Kastila noong pagdating nila sa
Pilipinas, niyakap ito ng mga katutubo sa ilang bahagi ng Luzon. Lumaganap din ito sa
ibat ibang rehiyon ng Visayas at Mindanao, sa pamamagitan ng pagpapakalap ng
Kristyanismo. Ito ay patuloy na lumaganap at ginagamit bilang tradisyon sa
kasalukuyan.

Ang Panunuluyan [pang+tu+tuloy+an] ay dulang itinatanghal sa lansangan at


nagpapamalas ng paghahanap ng pansamantalang tirahan nina Maria at Jose doon sa
Bethlehem. Ang mga bahay ang mistulang dinudulugan ng mag-asawa, na humihingi ng
silid upang makapagpahinga, lalot kagampan si Maria. Sari-saring adaptasyon ang
binuo hinggil dito, mulang iskrip hanggang kasuotan. Karaniwang ginagawang
makatotohanan ang pagsasadula at palamuti sa mga bahay. Bawat bahay na dalawin
nina Maria at Jose ay naghahandog ng pagkain, kakanin, kendi, at iba pang bagay sa
mga taong nanonood. Magwawakas ang dula sa harap ng simbahan o kapilya, at doon
isisilang ni Maria si Hesus na nakatakda namang maging tagapagligtas ng daigdig.

Ang moro-moro o comedia ay isang adaptasyon mula sa dula sa Europa na comedia de


capa y espada. Ang moro-moro, ay natatangi sapagkat walang ibang bansa na nakaisip
at nakapagsagawa ng nasabing palabas na katulad nang sa Pilipinas. Ang Pilipinas
lamang ang nawili sa paggawa ng moro-moro na ang obrang ito ay tuluyan nang
itinuring na kasama sa buhay ng mga Pilipino sa halos dalawang siglo. Ang moro-moro
ay pinaniniwalaang nag-ugat mula sa sagupaan sa pagitan ng mga Kristiyano at
Pilipinong Muslim. Ang makasaysayang laban na ito ay nagsimula noong ika-16 na siglo
nang ang mga Kristiyanong Malay, mga Pilipino sa Luzon at Visayas ay sumama sa
pakikidigma ng mga Espanyol laban sa mga Pilipinong Muslim na nasa Timog.

Ang Sarsuwela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang
limang kabanata, at nagpapakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa
mga kwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Ito rin ay tinatawag na zarzuela,
sarsuela, dulang inawitan, dulang hinonihan, drama-lirico at operetta.

ANG MAKULAY NA MUNDO NG DULA


Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.
Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa
pamamagitan ng panonood.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa


totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang
kaisipan.

DULANG PILIPINO
KASAYSAYAN NG DULANG PILIPINO
Bago natin talakayin ang kasaysayan ng dulang Pilipino, makabubuti sigurong alamin
muna natin ang kahulugan ng dula o drama. Ito ay nag- ugat sa salitang Griyego na
ayon sa diksyonaryo, ang ibig sabihin ay pampanitikang komposisyon na nagkukuwento
sa pamamagitan ng wika at galaw ng mga aktor. Ayon sa mga mananalaysay, ang dula
o drama ay maaaring ipaliwanag sa dalawang paraan.

Sa isang dako, ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga
unang taon ng pangungupkop ng mga Amerikano. Idinagdag pa ni Tiongson na ang
drama ay binubuo ng tanghalan, ibat-ibang kasuotan, skripto, characterization, at
internal conflict. Ito ang pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon sa banyagang
kahulugan. Sa kabilang dako, ayon sa mga aklat, ang drama ay drama kahit wala ang
mga sangkap na nabanggit. Ito ang dramang Pilipino. Ayon pa rin kay Tiongson,
memises ang pangunahing sangkap ng dulang Pilipino. Memises ay ang pagbibigay
buhay ng aktor sa mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ito rin
ang malaking pagkakaiba ng banyaga sa Pilipinong dula.

Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinapakita
ang mga katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap
at pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino. Dito rin mamamalas ang ibat-
ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan. Samakatuwid, ang tunay na
dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at
nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino. Higit sa lahat, itoy
nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino.

Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katututbong Pilipino


bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga
katutuboy likas na mahiligin sa mga awit, sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng mga
unang anyo ng dula. Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng tula. Ang mga katutubo rin
ay mayaman sa epikong bayan na kalimitay isinasalaysay sa pamammagitan ng pag-
awit. Ang mga awit, sayaw, at ritwal ay karaniwang ginaganap para sa pagdiriwang ng
kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan, pakikipagdigmaan,
kasawian, pananagumpay, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, atbp. Bago dumating
ang mga dayuhang mananakop, ay mayroon ng ilang anyo ng dula ang mga
katutubong pilipino.

MGA URI NG DULANG PILIPINO


Mga Katutubong Mga Dula sa Panahon ng
Dula Kastila Dula sa Panahon ng mga Amerikano
Moro-Moro
Senakulo
Karagatan
Duplo
Salubong
Paglakad ng Estrella at ng
Birhen
Pinetencia
Carillo
Puteje
Bikal at Balak Juego de Prenda
Karilyo Bulaklakan Sarsuwela
Bayok at Pananapatan Dula sa Makabagong Panahon
Embayoka Moriones
Kasayatan Dalit Alay (Flores de Mayo) Dulang Pantanghalan na may ibat
Dallot Pangangaluluwa ibang tema
Pamanhikan Panunuluyan
Dung-aw Tibag
Hugas Kalawang Santakrusan Dulang Musikal
Dalling-Daling Papuri/Putong
Ayon sa mga manunulat, ang matatawag na tunay na uri ng dula ay nagsisimula sa
mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano. Bagaman may mga dulang
napanood at pinaglibangan ang mga katutubong Pilipino bago sumapit ang panahong
ito, ang mga tunay na dulang sinasabing nagtataglay ng pinakamalalim na pangarap ng
isang bansa, naglalarawan ng sariling kaugalian, naglalahad ng buhay ng katutubong
tulad ng nasa lona at nagpapakilala ng papupunyagi ng mga tao ng isang bayan upang
mabuhay, ay wala noon. Ang pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas nagbigay
panibagong sangkap sa mga katutubong dula. Ang mga dulang kagaya ng komedya ay
kinasangkapan ng mga Kastila upang mapalaganap ang Katolisismo sa kapuluan.

Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ng


ating tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay ng katauhan sa mga Pilipino. Sa paglipas
ng mga taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng
mga mandudula: ang aliwin ang mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang
buhay ang mga pangyayari sa buhay Pilipino.

Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag


na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay
na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa
isang iskrip.
Sangkap ng dula
Tagpuan panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad
sa dula
Tauhan ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot
ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at
nagpapadama sa dula
Sulyap sa suliranin bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang
suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin;
maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga
pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula
Saglit na kasiglahan saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa
suliraning nararanasan
Tunggalian ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan
laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring
magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula
Kasukdulan climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa
sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin
o kayay sa pinakakasukdulan ang tunggalian
Kakalasan ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos
sa mga tunggalian
Kalutasan sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga
suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong
mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood
Elemento ng Dula
1. Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot) ito ang pinakakaluluwa ng isang
dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip;
walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula.
Ito ay ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at sitwasyon sa
pamamagitan ng mga karakter (aktor) na gumagalaw sa tanghalan.
2. Gumaganap o aktor/ Karakter ang mga aktor o gumaganap ang
nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila
ang nagpapakita ng ibat ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa
dula. Ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang
mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama
sa dula.
3. Dayalogo ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang
maipakita at maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at
makapangyarihan ang dula kung may mga malalakas at nakatatagos na mga
linyang binibitiwan ng mga aktor.
4. Tanghalan anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay
tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng
isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang
klase.
5. Tagadirehe o direktor ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip;
siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng
damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga
tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
6. Manonood hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung
hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang
layunin ng dulay maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong
makasaksi o makanood.
7. TEMA ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang
palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon at
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa
tanghalan. Naililitaw ang tunay na emosyon ng mga aktor sa tulong ng paglinaw
ng tema ng dula.
Eksena at tagpo
Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang
ang tagpo namay ang pagpapalit o ang ibat ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga
pangyayari sa dula.
PAGTATANGHAL NG DULA
AKROSTIK na pinakabatayan habang ikay nasa tanghalan.

S seen before heard ( makita muna bago marinig)


T talk in projection ( magsalita na may tamang tindig)
A act realistically ( Umarte nang totoo)
G give your all ( Ibigay ang lahat)
E exaggerate ( Eksaherado)
PAG-ARTE
Pagpasok dito kailangang maipakita ng aktor na siya ay mula sa tiyak na lugar na
may tiyak na layunin at nasa tiyak na pag-iisip dahil ang unang impresyon na kanyang
ibibigay sa mga manonood ay ang kanyang susi sa papel na kanyang gagampanan.
Kailangang maisaisip at maisapuso niya ang kanyang katauhan bago pa man siya
papasok. Mahalaga ring mapagplanuhang mabuti ang paraan kung paano niya gustong
lumantad lalo na ang kanyang tindig. Dapat na nasisigurong ang lahat ay maayos tulad
ng make-up, kasuotan at mga kagamitan upang hindi mabagabag. Habang hinihintay
ang pagpasok, tiyaking hindi lumalabas ang anino sa entablado at huwag ding
harangan ang labasan.
Kapag dalawa o mahigit ang papasok, dapat ang isa ay nagsasalita at iyon ang ang
taong huling lalabas upang hindi na niya kailangan pang lumingon sa kanyang mga
kausap.

Diin at Balanse sa Entablado ang direktor ang magtuturo sa tamang posisyon sa


entablado ngunit ang actor ay maaring tumulong sa pamamagitan ng pagtatanda sa
kanyang dapat na posisyon. Kapag natatakpan ang ibang tauhan, ang taong nasa likod
ang kikilos upang isaayos ang posisyon. Iwasan na matakpan ang iba. Bawat tauhan
ay mahalaga at bahagi ng kabuuang larawan ng entablado gaano man ka liit ng linyang
bibitawan o kahit na extra lamang.

Posisyon at Paggalaw walang kilos o galaw ang dapat na gawin na walang


dahilan. Ang bawat kilos o galaw ay may kahulugan. Ang pag-upo o pagtayo ay dapat
naaayon pa rin sa papel na ginagampanan. Ang dalawang mag-uusap ay kailangang
magtinginan paminsan-minsan. Tingnan nang diretso ang bagay na pupulutin, ang lugar
na pupuntahan o ang taong kakausapin. Huwag na huwag tumalikod sa mga
manonood.

Linya at Palatandaan Dapat kabisado o saulado ang linyang bibigkasin.Kailangan


ding malinaw, buo at malakas ang boses ng mga actor sa pag-uusap. Ang pag-aadlib
ay para lamang sa kagipitan upang maiwasan ang katahimikan. Kapag nakalimutan ng
isang aktor ang linya at nawawala ang ibang impormasyon, ang ibang aktor ay mag-
aadlib na hindi pinahahalata ang pagkakamali sa pamamagitan ng pagpapakita pa rin
ng pagkanatural ng usapan.Kailangang magkaroon ng palatandaan kung saan papasok
o magsisimula sa pagsasalita at huwag itong kalimutan.

GALAW NG KATAWAN AT MGA ALITUNTUNIN


Tindig Ito ay mahalaga hindi lamang sa kalusugan kundi pati sa personal na hitsura.
Paglakad panatilihin ang magandang tindig sa paglalakad. Kailangang nakataas ang
balikat, diretso ang katawan at diretso rin ang pagtingin.

Pag-upo panatilihin ang tuwid na pag-upo. Ang mga kamay ay nakalukbay


(relax). Ang kamay na naka gapos ay nagpapahirap sa paghinga at ito ay
nagpapamukhang kabado. Tandaan na ikaw ay unang huhusgahan sa iyong katauhan
sa entablado, susunod na lamang ang sa kung ano ang iyong sasabihin.
Pagtawid at Pagbalik
Ang gitnang bahagi na entablado ay tinatawag na center, ang harapan ay
downstage at ang likurang bahagi ay upstage
Pagtawid ibig sabihin ay ang paggalaw mula sa isang posisyon tungo sa ibang
posisyon.
(A) (B) (C)
Up Right Stage Up Center Stage Up Left Stage

(D) (E) (F)


Right Center Stage Center Stage Left Center Stage

(G) (H) (I)


Down Right Stage Down Center Stage Left Center Stage

Pagbagsak ang pagbagsak ng aktor tulad ng pagkamatay o pagkahimatay ng


tauhan.
Kumpas ito ang paggalaw ng anumang bahagi ng katawan to naghahatid ng
mensahe tulad ng pagtaas o pagbaba ng kilay. Ang pagbabago ng ugali ay unang
maipapakita ng mata pagkatapos ay ng bibig, sunod ay sa mukha, pagkatapos ay sa
katawan at ang huli ay sa pamamagitan ng kilos ng barso, kamay at mga daliri.
Mga Kawani ng Produksyon
Direktok: Ang kanyang pangunahing layunin ay makabuo ng magandang pagtatanghal.
Kailangan niyang madiskubri ang saysay ay kahulugan ng buong dula. Siya rin ang
magpapaliwanag ang dulang isinulat ng tagabuo ng iskrip at ang pipili ng babagay na
artistang gaganap sa papel ng mga tauhan sa dula. Sa kanya nakasalalay ang
tagumpay at kabiguan ng dula.
Katulong ng Direktor: Siya ay papalit sa direktor kung ito ay wala at magsisilbing
tagapag ugnay sa iba pang kawani ng produksyon.
Tagapagdikta Siya ay hahawak ng isang prompt book at mamarkahan niya ang
mga bagay na kailangang tandaan ng mga actor tulad ng kumpas, mga tunog,
pagbukas o pagpatay ng ilaw at iba pa.
Tagadisenyo ng Tanghalan magdidisenyo ng lugar na gaganapan ng dula, ng mga
kasuotan at mga mga ilaw sa tanghalan.
Direktor Teknikal siya ang magmanipula sa lahat ng mga ilaw, musika, mga espesyal
na tunog at iba pang may kaugnayan sa kuryente. Siya ay makikipagtulungan din sa
mga paghahandang ginagawa ng tagadisenyo ng Tagpuan.
Tagapamahala ng Entablado Sinisiguro niya na maayos ang buong entablado na
pagtatanghalan. Siya rin ang mamamahala sa likod ng entablado sa posibleng
kagipitang mangyayari.
Tagapamahala ng Tanghalan Ang mag-aayos ng mga upuan ng mga manonood.

DULA
Ang mundo ay isang teatro - Shakespeare 2 Free powerpoint template:
www.brainybetty.com

DulaIto ay nahango sa salitangGriyego na drama nanangangahulugang gawino ikilos.

DulaIto ay isang pampanitikangpanggagaya sa buhayupang maipamalas


satanghalan5. Ang dula ayon kay: AristotleIto ay isang imitasyono panggagagad
ngbuhay.

Ang dula ayon kay: RubelIto ay isa sa maramingparaan ng pagkukwento.

Ang dula ayon kay: SaucoIto ay isang uri ng sining na maylayuning magbigay ng
makabuluhangmensahe sa manonoodsa pamamagitan ng kilos ng katawan,dayalogo at
iba pang aspekto nito.

Ang dula ayon kay:Schiller at Madame De StaeleIto ay isang uri ng akdangmay


malaking bisa sa diwaat ugali ng isang bayan.

Kahalagahan ng Dula:Gaya ng ibang panitikan,karamihan sa mga dulangitinatanghal ay


hango satotoong buhay.

Kahalagahan ng Dula: Inaangkin nito ang lahat ngkatangiang umiiral sa buhaygaya ng


mga tao at mgasuliranin.

Kahalagahan ng Dula:Inilalarawan nito ang mgadamdamin at pananaw ng mgatao sa


partikular na bahagi ngkasaysayan ng bayan.

Mga Sangkap ng Dula Simula Gitna Wakas Kasukdulan KalutasanTauhan Tagpuan


Tunggalian Kakalasan Sulyap sa Suliranin Saglit na Kasiglahan

Mga Sangkap ng DulaTauhanAng mga kumikilos atnagbibigay buhay sadula. Mga


Sangkap ng DulaTagpuanAng panahon at pookkung saan naganap angmga
pangyayaringisinasaad.

Mga Sangkap ng DulaSulyap sa SuliraninPagpapakilala sa problemang kwento.


Pagsasalungatanng mga tauhan, o kayaysuliranin ng tauhan na sariliniyang likha o
gawa. Mga Sangkap ng DulaSaglit na KasiglaanIto ay ang saglit napaglayo o pagtakas
ngmga tauhan sa suliraningnararanasan.

Mga Sangkap ng DulaTunggalianMaaaring sa pagitan ng mgatauhan, tauhan laban sa


kanyangpaligid, at tauhan laban sa kanyangsarili; maaaring magkaroon ng higitsa isa o
patung-patong natunggalian
Mga Sangkap ng DulaKasukdulanSa puntong ito nasusubok angkatatagan ng tauhan.
Ditopinakamatindi at pinakamabugsoang damdamin o angpinakakasukdulan ng
tunggalian.

Mga Sangkap ng DulaKakalasanAng unti-unting pagtukoysa kalutasan sa mgasuliranin


at pag-ayos samga tunggalian.

Mga Sangkap ng DulaKalutasanDito nawawaksi atnatatapos ang mgasuliranin at


tunggaliansa dula. Mga Elemento ng Dula Iskrip o Banghay Gumaganap o aktor/
Karakter Dayalogo Tanghalan Tagadirehe o Direktor Manonood Tema 22 Free
powerpoint template: www.brainybetty.com

Mga Elemento ng DulaIskrip o BanghayIto ang pinakakaluluwa ngisang dula. Sa


iskripnakikita ang banghay ngisang dula.

Mga Elemento ng DulaAktor o KarakterAng nagsisilbing tauhanng dula at


nagsasabuhaysa mga tauhan sa iskrip.

Mga Elemento ng DulaDayalogoAng mga bitaw na linya ng mgaaktor na siyang sandata


upangmaipakita at maipadama angmga emosyon

Mga Elemento ng DulaTanghalanAng anumang pook napinagpasyahang


pagtanghalanng isang dula.

Mga Elemento ng Dula Tagadirehe o direktorSiya ang nag-i-interpret sa iskripmula sa


pagpasya sa itsura ngtagpuan, ng damit ng mga tauhanhanggang sa paraan ng
pagganapat pagbigkas ng mga tauhan. Mga Elemento ng Dula ManonoodSaksi sa
isang pagtatanghal.Hindi maituturing na dula angisang binansagang pagtanghalkung
hindi ito napanood ng ibangtao.

Mga Elemento ng Dula TemaIto ang pinakapaksa ng isangdula. Bahagi ng Dula Yugto
Tanghal- eksena Bahagi ng Dula Yugto (Act)Kung baga sa nobela ay kabanata.Ito ang
pinakakabanatangpaghahati sa dula. Bahagi ng DulaTanghal-eksena (Scene)Ang
bumubuo sa isang yugto. Ito aymaaaring magbadya ng pagbabagong tagpuan ayon sa
kung saangaganapin ang sususnod napangyayari. Bahagi ng DulaTagpo (Frame)Ito ay
ang paglabas at pagpasok ngkung sinong tauhang gumanap ogaganap sa eksena.

Mga Uri ng Dula Komedya Trahedya Melodrama o Soap Opera Parsa Parodya
Proberbyo 34 Mga Uri ng DulaKomedya Kapag masaya ang tema, walang iyakan at
magaan sa loob, at ang bida ay laging nagtatagumpay

Mga Uri ng DulaTrahedya Kapag malungkot at kung minsan pa ay nauuwi sa isang


matinding pagkabigo at pagkamatay ng bida.
Mga Uri ng DulaMelodrama o Soap OperaKapag magkahalo naman ang lungkot
atsaya, at kung minsan ay eksaheradoang eksena, sumusobra ang pananalitaat ang
damdamin ay pinipiga para lalongmadala ang damdamin ng mga nang silaay maawa o
mapaluha sa nararanasanng bida.

Mga Uri ng DulaParsaKapag puro tawanan at walngsaysay ang kwento, at ang


mgaaksyoon ay puro Slapstick nawalang ibang ginawa kundimagpaluan at
maghampasan atmagbitiw ng mga kabalbalan. Mga Uri ng DulaParodyaKapag
mapanudyo, ginagaya angkakatwang ayos, kilos, pagsasalita atpag-uugali ng tao bilang
isang anyo ngkomentaryo, pamumuna o kaya aypambabatikos na katawa-tawa
ngunitnakakasakit ng damdamin ngpinauukulan.

Mga Uri ng DulaProberbyoKapag ang isang dula ay maypamagat na hango


sabukambibig na salawikain, angkwento ay pinaiikot dito upangmagsilbing huwaran ng
tao sakanyang buhay. Dula bilang Sining at Agham 41 SiningMay sining sapagkat ang
kaisipan atdamdamin ng tao, ang mgapangyayari sa kanyang buhay, angkanyang
pagkilos, kaanyuan,pagsasalita at pag-unlad tagumpayman o kabiguan ay isinusulat
atitinatanghal sa malikhain, maanyo atmakulay na paraan. AghamAng agham ng dula
ay siya namang nagtuturosa atin ng pagyari ng isang akdang pandulaano paghahanda
baga ng akdang tatanghalin,pagpili ng paksa, pagahahanda ng balangkas,paglikha ng
tauhan at pagbibigay ng buhay sapaksang napili na umaalinsunod sa paglalahad,
buhol o kagustuhan at kalutasan okakalasan. - Julian C. Balmaceda

Dula sa Panahon ng mga:KastilaHapon 44 Dula sa Panahon ng mga:Kastila Mga


Dulang Panrelihiyon : Senakulo Panuluyan Salubong Tibag 45

SenakuloIto ay tradisyonal napagsasadula ng mgapangyayari hinggil sa mgadinanas ni


Hesukristo bago atpagkaraang ipako siya sakrus.

PanuluyanDulang itinatanghal salansangan at nagpapamalasng paghahanap


ngpansamantalang tirahan ninaMaria at Jose doon saBethlehem.

SalubongIto ay isang prusisyon naginaganap sa madaling-araw ng Linggo


ngPagkabuhay. TibagPagsasadula ito tungkolsa paghahanap ni ReynaElena sa
nawawalangkrus na pinapakuan kayJesus.

Ang Komedya o Moro-MoroAng banghay nito aynatutungkol sapaglalabanan ng


mgaKristiyano at mga Moro oMuslim.

https://www.slideshare.net/ExoDus012/2-15261537

https://iamcarlitorobin.wordpress.com/tag/elemento-ng-dula/
https://www.slideshare.net/ladychu08/dula-15515688

You might also like