You are on page 1of 21

MGA

SANGKAP
NG
DULA
SIMULA
Namamalas dito ang tagpuan,
tauhan at sulyap sa suliranin.
TAUHAN
Ang mga kumikilos at
nagbibigay buhay sa
dula.
TAGPUAN
Ang panahon at pook
kung saan naganap ang
mga pangyayaring
isinasaad.
SULYAP SA SULIRANIN
Pagpapakilala sa problema ng
kwento. Pagsasalungatan ng mga
tauhan, o kaya’y suliranin ng
tauahan na sarili niyang likha o
gawa.
GITNA
Matatagpuan ang saglit na
kasiglahan, ang tunggalian,
at ang kasukdulan.
SAGLIT NA KASIGLAHAN

Ito ay ang saglit na paglayo o


pagtakas ng mga tauhan sa
suliraning nararanasan.
TUNGGALIAN
Maaring sa pagitan ng mga tauhan,
tauhan laban sa kanyang paligid at
tauhan laban sa kanyang sarili;
maaari ng magkaroon ng higit sa isa
o patung-patong na tunggalian.
KASUKDULAN
Sa punto g ito nasusubok ang
katatagan ng tauhan. Dito
pinakamatindi at pinakamabugso
ang damdamin o ang
pinakakasukdulan ng tunggalian.
WAKAS
Matatagpuan naman dito
ang kakalasan at kalutasan.
KAKALASAN
Ang unti-unting pagtukoy
sa kalutasan sa mga
suliralin at pag aayos sa
mga tunggalian.
KALUTASAN
Dito nawawaksi at
natatapos ang mga
suliranin at tunggalian
sa dula.
LAYUNIN NG DULA
Ito ay isang katha na ang layunin ay
ilarawan sa tanghalan sa pamamagitan ng
kilos at galaw ang isang kapanapanabik na
bahagi ng buhay.

Ito ay nagbibigay ng kasagutan sa isang


malalim na suliraning naglalarawan ng
kalikasan ng mga tao at nagtatanghal ng
tunggalian ng mga kalooban at damdamin
ng nagsisipagganap.
MGA URI
NG
DULA
TRAHEDYA
Ang tema nito’y mabigat o
nakakasama ng kalooban kaya
nakakaiyak, nakakalunos ang mga
tauhan, karaniwang sila’y
nasasadlak sa kamalasan,
kabiguan,kawalan at maging sa
kamatayan, kaya nagwawakas na
malungkot.
KOMEDYA

Katawa – tawa, magaan sa


loob dalhin ang tema at ang
mga tauhan ay laging
nagtatagumpay sa wakas.
MELODRAMA
Ito’y sadyang namimiga ng luha
sa manonood na parang wala ng
masayang bahagi ng buhay ang
tauhan kundi pawang problema
lamang ang nangyayari sa araw-
araw. Ito’y karaniwang
mapapanood sa de seryeng
palabas.
PARSA
Ang layunin ay magpatawa sa
pamamagitan ng usapan,
kilos at mga pangyayari sa
dula. Kadalasan ang paksa at
layon nito ay malayo sa sukat
mangyari.
SAYNETE
Ang layunin din nito ay
magpatawa. Ang mga
pangyayari, usapan at kilosay
karaniwan lamang.
TRAGIKOMEDYA

Magkahalo ang katatawanan


at kasawian subalit sa huli’y
nagiging malungkot dahil
nasasawi ang bida o ang mga
bida.

You might also like