You are on page 1of 5

Mga Uri ng Dula

A. Dula Ayon sa Pangkalahatang Uring Ibinabase sa Isinisiwalat na Damdamin

A.1. Komedya
> isang uri ng dula na katawa-tawa. Magaan sa loob dalhin ang tema at ang mga tauhan ay laging
nagtatagumpay sa wakas.
Halimbawa: Sa Pula, Sa Puti (Francisco “Soc” Rodrigo)
Plop! Click (Dobu Kacchiri) Kiti-Riki
Dalawang Uri:
(1) Panunuyang Komedya (satiric comedy) halimbawa: Ang Kiri ni Servando Angeles
(2) Maromansang Komedya (romantic comedy)
halimbawa: Ang Anak ng Dagat ni Patricio Mariano

A.2. Trahedya
> Napabibilang sa uring ito ang isang dula kung ang tema nito’y mabigat, nakasasama ng loob, nakaiiyak,
nakalulunos ang mga tauhan, karaniwang nasasadlak sa kamalasan, kabiguan, kawalan at maging sa
kamatayan, kung kaya’t NAGWAWAKAS NA MALUNGKOT.
Halimbawa:
Moses Moses (Rogelio R. Sicat) Sinag ng Karimlan (Dionisio Salazar)
Kahapon, Ngayon, Bukas (Aurelio Tolentino) Anghel (Noel de Leon)
Trahedya sa Balay ni Kadil (Don Pagurasa) Jaguar (Lino Brocka)

A.3. Melodrama o Soap Opera


> Napabibilang sa uring ito ang mga dulang sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang wala ng
masayang bahagi sa buhay ng tahanan kundi pawang problema na lamang ang nangyayari sa araw-araw.
Ito’y karaniwang mapanonood sa mga de seryeng palabas sa telebisyon.
Halimbawa: SariManok (Patrick C. Fernandez) Gulong ng Palad
Flor de Luna Agila Yagit
A.4. Tragikomedya
> Sa mga dulang napabibilang sa uring ito, magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni
Shakespeare na laging may mga tauhang katawa-tawa, subalit sa huli’y nagiging malungkot na dahil
nasasawi o namamatay ang bida o ang mga bida.
(1) dulang may kaunting trahedya hanggang dumating ang maligayang katapusan.
(2) dulang pinaghahalo ang mga yugtong trahedya at komedya
(3) dulang pinaghahalo ang dalamhati ng trahedyang may mga di-akalaing panyayari at bayaning
tauhan.
Halimbawa: Walang Sugat ni Severino Reyes

A.5. Saynete
> Ang paksa nito ay nahihinggil sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo, sa kaniyang
pamumuhay, pangingibig at pakikipagkapwa.

A.6. Parsa
> Mga dula na puro tawanan lamang kahit walang saysay ang kuwento. Ang layunin nito ay ang
magpatawa sa pamamagitan ng kawili-wiling mga pangyayari at mga pananalitang lubhang katawa-tawa.
Halimbawa: Karaniwang Tao (Joey Ayala)

A.7. Parodya
> May tema ng panunudyo, ginagaya ang mga kilos ng kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at pag-uugali
ng tao bilang isang anyo ng komentaryo o pamumuna o kaya’y pambabatikos na katawa-tawa ngunit
nakasasakit ng damdamin ng pinauukulan.

B. Dula Ayon sa Anyo (Kaiklian o Kahabaan ng Dula)

B.1. Iisahing Yugtong Dula o Dula-dulaan


> maiikli na binubuo lamang ng isang yugto
B.2. Tatatluhing Yugtong Dula
> mahaba na binubuo ng tatlong yugto
B.3. Dadalawahing Yugtong Dula
> katamtaman ang haba, hindi gaanong maikli, hindi gaanong mahaba at karaniwang
dadalawahing yugto lamang
sa Pula, Sa Puti
(Francisco “Soc” Rodrigo)

Plop! Click
(Dobu Kacchiri)

Kiti-Riki
Moses Moses
(Rogelio R. Sicat)

Sinag ng Karimlan
(Dionisio Salazar)
Kahapon, Ngayon, Bukas
(Aurelio Tolentino)
Anghel
(Noel de Leon)
Trahedya sa Balay ni Kadil
(Don Pagurasa)

Jaguar
(Lino Brocka)

SariManok
(Patrick C. Fernandez)

Walang Sugat
(Severino Reyes)
Karaniwang Tao
(Joey Ayala)

Gulong ng Palad

Flor de Luna

Yagit
Komedya
melodrama
trahedya
parsa
tragikomedya

You might also like