You are on page 1of 12

ANO ANO ANG ELEMENTO

NG DULANG PANTANGHALAN
Tagpuan.
Ito ay sumasaklaw sa panahon at lugar/
pook na pinangyarihan ng aksyon.
Kadalasang inilalarawan ito ng manunulat
upang makatulong sa produksyon. Ang
kaligiran ay mahalaga upang makita ng
mambabasa ang pinagganapan ng
kuwento.

Tauhan.
Sila ang gumaganap at sa buhay nila umiinog
ang mga pangyayari sa kuwento. Sila ang
nagsasagawa ng kilos na ipinahihiwatig ng
kanilang mga dayalogo.
Sa kanilang pagsasalita lumilitaw ang mga butil
ng kaisipang ibig palutangin ng sumulat at sa
kanilang mga kilos naipadarama ang
damdamin at saloobin. Inuuri ang mga tauhan
ng dula batay sa kanilang tungkulin sa
paglinang ng kwento.

MGA URI NG TAUHAN


Dramatis personae mga tauhan ng
drama na binubuo ng protagonista at
antagonista
Bayani ng trahedya (tragic hero) ang
protagonista sa dulang trahedya

Confidant/confidante sa kanya ibinubunyag


ng pangunahing tauhan ang kanyang
pinakapribadong pag-iisip at damdamin.

Foil isang maliit na karakter na may


kakaiba o taliwas na personalidad na
ang layunin ng manunulat at mabigyangtuon ang pagkakaiba nito sa ibang
tauhan

Ang Tauhang Lapad


(plain character)
ay uri ng tauhan sa anumang
anyo ng panitikan na hindi
nagbabago ang katuahan sa
loob ng kwento. Ibig sabihin mula
umpisa ng dula hanggang wakas,
ang kanyang pagkatao ay
ganoon pa rin.

Samantalang, ang tauhang


bilog (round character) naman
ay kabaligtaran ng tauhang
lapad. Nagbabago ang
katauhan ng isang t auhang
bilog sa loob ng kwento.

Banghay.
Ito ang basehan ng kayarian ng isang
dula. Pinapanood ang mga kilos o
aksyon na sadyang pinag-ugnayugnay upang mabuo ito. Masining na
pagkakasunud-sunod ng
magkakaugnay na pangyayari.
Hinahati-hati ang buong banghay sa
mga yugto o bahagi at ang bawat
yugto ay sa mga tagpo o eksena.

Gaano man kahaba o kaikli ang


isang dula, dapat itong magtaglay
ng paglalahad, suliranin, gusot at
ang kawakasan. Ang suliranin o ang
gusot ay ang pagtaas na ng aksyon
na kinakailangan malutas sa
pagtutunggalian ng mga tauhan.
Ang huling bahagi ng dula ay ang
resolusyon at wakas na bunga ng
tunggalian ng mga tauhan o pwersa
sa kapaligiran.

Diyalogo at Kilos.

Ang dramatikong diyalogo ay masining,


pili at pinatindi batay sa sitwayon. Hindi
dapat kaligtaan ang pagiging natural
sa pagsasalita. Ang pagsasalita ay may
sariling katangiantinig, bigkas, diin,
bilis, lawak. Ang galaw ng kalamnan ng
mukha, ng mga bisig, balikat, kamay at
katawan hanggang paa mula
pagpasok hanggang paglabas ng
tanghalan ay mahalaga.

May mga pagkakataong


imiinumungkahi ng manunulat
ang mga galaw sa bawat
mahahalagang dayalog na higit
na makapagpapalutang ng
mensaheng nais ihatid.

Epektong Teknikal-

paggamit ng mga kaalamang


teknikal upang lalong
mapagbuti ang pagtatanghal
ng isang dula. Kasama rito ang
tamang pag-illaw, tunog at
musika.

BASAHIN NATIN!
Ito Pala ang Inyo
ni
Federico D. Sebastian.
-Tukuyin natin ang mga litaw na
elemento.

You might also like