You are on page 1of 19

Talumpati

Ito ay kabuuan ng mga


kaisipang nais ipahayag
ng isang mananalumpati
sa harap ng publiko.
Ang mga kaisipang ito ay
maaaring magmula sa
pananaliksik, pagbabasa,
pakikipanayam, pagmamasid, at
mga karanasan.
Maaaring isaulo ng bumibigkas
nito ang nilalaman ng talumpati
at maaari rin na biglaan na kung
tawagin sa Ingles ay
extemporaneous.
Ang unang dapat
isaalang-alang sa
pagsulat ng talumpati ay
ang pagpili ng paksa.
Naisasagawa ang
pagtatalumpati dahil sa
sumusunod na layunin:
magturo, magpabatid,
manghikayat manlibang,
pumuri, pumuna at bumatikos.
Ang paksa ng talumpati
ay napapanahon kung
may kaugnayan sa
okasyong ipinagdiriwang.
Tandaan lamang na ang
talumpati ay isinulat upang
bigkasin sa harap ng publiko sa
paraang masining, madaling
masundan, at maunawaan ng
mga tagapakinig.
Pumili ng paksa sa ibaba
ng gagawan ng inyong
talumpati.
1. Pederalismo
2. Hindi Nagbabasang Henerasyon
3. Mundo ng Social Media
4. Kampanya Kontra Droga
5. Malanding Kabataan
6. Pagmumura at Pananalita ni Pres. Duterte
7. Pag-atake ng Pangulo sa Simbahan
8. Next Year Grade 11 na Ako
Ang gagawing talumpati
ay binubuo ng 300-400
salita.
First time akong makaka-attend ng
graduation ng college. Kahit sarili kong
graduation ay hindi ako nakadalo.
Nung panahon ko ay hindi ako naka-
martsa sa entablado. Hindi rin ako
naka-graduate on time.
Seven years after ko pa nakuha ang
diploma ko, pero hindi na ako nag-
martsa. Parang nakakahiya na.
Kaya hanggang ngayon, ay
masamang-masama ang loob ng
aking ina dahil hindi kami
nagkaroon ng Kodak moments.
Pero wala nang Kodak ngayon.
Kaya sinama ko na lang siya
dito. Ayaw niyang maniwala na
ako ang graduation speaker ng
UP Mass Com.
Habang nagma-martsa sa PICC
ang mga miyembro ng UST Arts and
Letters batch 1995, kaming tatlo ng
best friends ko ay naglalasing,
nagdadalamhati na masisira na ang
buhay namin.
Marami salamat sa imbitasyon. Kahit sa
‘min sa TV5 ay parang ayaw nilang
maniwala.

“Bakit ikaw?” Yan din ang tanong ko.


Busy siguro si Boy Abunda.
Para sa inyong lahat: walang
sisihan. At para sa lahat ng mga
aktibista dito, sana ay patapusin
niyo muna akong magsalita bago
kayo umakyat dito at
magwagayway ng banderang
“Serve the People”
Marami sa inyo ang magtatrabaho sa Mass
Media. Marami rin sa inyo ang papasok sa
gobyerno. Malamang marami rin ang
ibebenta ang kaluluwa sa advertising at
gagawa ng mga kopya tungkol sa
shampoo at fried chicken. Ilan sa inyo ay
mangingibang bansa. May porsyento na
mananatiling tambay.
Hindi ko na siguro kailangang sabihin
kung gaano kayo kapalad na
mapabilang sa henerasyon.
Nabubuhay kayo sa mundo na wala ka
nang karapatang maging tanga,
maging mangmang. Dapat may
maglabas ng ganyang slogan sa
advertising, “BAWAL MAGING TANGA.”

You might also like