You are on page 1of 12

Petsa: Nobyembre 16, 2021

Seksiyon at Taon: Grade 10-1


Sesyon: Paglinang A (PANITIKAN)

Kompetensi: F10PB-IIcd-72
Nasusuri ang mga elemento ng tula.

I. Layunin:
1. Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang salitang ginamit sa tula
at nagagamit ito sa makabuluhang pangungusap.
2. Nakikilala ang iba’t ibang element ng tula.
3. Naibabahagi ang ideya, saloobin, at damdamin sa tulang binasa.
4. Nakasusulat ng tulang tradisyonal ng gumagamit ng mga sangkap ng
tula.

II. Paksa:
Ligaya: Kung Lilimutin Mo Ako(If You Forget Me)
Ni: Pablo Neruda
Salin ni: Corazon Lalu-Santos

Sanggunian:
 Punla 10 Binagong Edisyon: Rex Book Store, Inc. Philippines
Kagamitan:
 Laptop, Powerpoint Presentation, Mesendyer, Google Meet, Internet
Estratehiya:
 Say it ti Win it!
 Q&A
 Dugtungang basa
 Talahanayan

III. Pamamaraan:

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


a. Paghahanda
Magandang araw sa inyong lahat! Magandang umaga rin po Bb.
Haduca.
Bago tayo magsimula, hinihiling ko
sa bawat isa na buksan ang inyong
kamera para sa panalangin. Opo ma’am.
Bb. _______, maaari bang ikaw ang
manguna sa pagdarasal?
Panginoon, sinasamba at pinupuri
ka namin, maraming salamat sa
mga biyayang binibigay Mo po sa
amin. Nawa’y gabayan mo po kami
palagi at ilayo sa kapahamakan, ito
lang ang aming samo’t dalangin
mula sa Iyong Anak na si Jesus
Kristo. Amen.

Maraming salamat,Bb. ______.


Panatilihing bukas ang inyong mga
kamera.

Bago tayo pormal na magsimula sa


ating klase nais ko munang
malaman kung sino sa inyong klase
ang kalihim? Ma’am, ako po!

Pakitala mo na lamang anak iyong


mga lumiban at pakisend sa aking Sige po, ma’am!
mesendyer.

Maraming salamat!

b. Pagbabalik-aral
Bago tayo dumako sa ating aralin
ngayong araw, magbalik-aral muna
tayo.

Ano ang pamagat ng akdang Ma’am, tungkol po sa Nimpa ng


tinalakay Ninyo noong nakaraang Lawa.
Linggo?

Tama! Tungkol ito sa Nimpa ng


Lawa.

Anong mga aral ang napulot ninyo


sa akdang inyong tinalakay? Huwag basta-basta nagtitiwala sa
sinasabi ng ibang tao.
Mahusay! Alam kung marami pa
kayong aral na napulot.

Ano naman ang Pandiwa,klas?


Ang pandiwa ay salitang nagsasaad
ng kilos o galaw po, ma’am!

Magaling!

c. Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating aralin
may inihanda akong mga salita na
nais kung maunawaan Ninyo. Pero
bago ang lahat nais ko munang
alalahanin Ninyo ang mga
panuntunan.

Pakibasa ang mga panuntunan.


1. Pindutin ang raise hand
kapag gustong sumagot.
2. Buksan ang mikropono
kapag tinawag ang iyong
pangalan.
3. Magkakaroon ng isang
puntos bawat tamang sagot.
Okay! Ngayon ang gagawin natin ay
“Say it to win it”.

A. B.
1. dinarama a. pag-iisipan 1. Dinarama- pakiramdaman
2. aroma b. kinalimutan 2. Aroma- amoy
3. naglaho c. amoy 3. Naglaho- nawala
4. Kinaligta d. 4. Kinaligta- kinalimutan
5. lilimiing pakiramdaman 5. Lilimiing- pag-iisipan
e. Nawala
f. umalis
g. mabango
Hanapin ang salitang
kasingkahulugan sa hanay A sa
hanay B. Pagkatapus ay gamitin
niyo ito sa isang makabuluhang
pangungusap.
Naintindihan ba klas?
Opo, ma’am!
Mahusay! Bigyan natin sila ng
birtwal na palakpak! Ang mga
salitang ating binigyang kahulugan
ay ating makikita at mababasa sa
akdang ating tatalakayin ngayon.
Naiintindihan ba klas?
Opo, ma’am!
d. Paghahabi ng Layunin
Maglalaro tayo at tatawagin nating
itong Q&A, ako ulit ang inyong
game master,uumpisahan niyo lang
ang inyong mga sagot ng “I Believe”
Maliwanag ba? Opo, ma’am!

1. Ito ay isang akdang Ma’am, I believe ito ay tula!


pampanitikang naglalarawan
ng buhay, hinango sa
guniguni, pinararating sa
ating damdamin at
ipinapahayag?
Magaling!

2. Ito ay ang pare-pareho o Ma’am, I believe ito po ay tugma!


halos magkasintunog na
dulong pantig ng bawat
taludtod?
Tama! Tugma nga.
Ma’am, I believe ito po ay sukat!
3. Ito naman ang bilang ng
pantig sa bawat taludtod ng
saknong?
Napakahusay!

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga


element ng tula.

May ideya na ba kayo klas kung


tungkol saan ang tatalakayin natin Ma’am, tungkol po sa, Tulang Kung
ngayon? Lilimutin Mo Ako at ang mga
elemento ng Tula!
Tama! Ngayong araw tatalakayin
natin ang Tulang Kung Lilimutin
Mo Ako at ang mga elemento ng
Tula!

e. Pagtalakay sa Aralin
Pagtalakay sa Tulang, Ligaya:
Kung Lilimutin Mo Ako gamit ang
estratehiyang Dugtungang pagbasa
klas! Pero bago natin basahin at
unawain ang akda, nais ko munang
ipakilala sa inyo ang May-akda ng
Kung Lilimutin Mo Ako. Opo, ma’am!

 Siya ay isang makatang


Chilean.
 Ipinanganak sa Parral, Chille
noong ika-12 ng Hulyo 1904.
 Ang kanyang tunay na
pangalan ay Ricardo Eliecer
Neftali Reyes Basoalto.
 Maagang sumabak sa
kaniyang karera sa pagsulat
si Neruda bilang kontribyutor
sa pahayagang La Manana.
 Noong 1927 nagsimula ang
kaniyang karera bilang
diplomat at siya ang naging
dahilan ng kanyang
paglalakbay sa iba’t ibang
panig ng mundo.
 Naging bahagi rin siya ng
partidong komunista ng Chile
noong 1945.
 Nagkamit siya ng
gantimpalang Nobel at
kinilala bilang ang
“pinakadakilang makata ng
kahit na anong wika” noong
siglo 20.

Siya ay si Pablo Neruda.

Uumpisahan ko ang pagbasa,


pagkatapus ay tatawag ako ng
susunod na magbabasa, maliwanag Opo, ma’am!
ba?

Kung Lilimutin Mo Ako


Ni: Pablo Neruda
Salin ni: Corazon Lalu-Santos

Kapag pinagmamasadan ko ang


kristal na buwan, sa mapupulang
sanga ang mabining taglagas, sa
aking bintana
Kapag dinarama ko
ng nariyang apoy
ang ibong mailap
o ng tuyot na punongkahoy
Inihahatid ako sa lahat ng ito
patungo sa iyo.
Wari ba lahat ng umiiral,
Ang aroma,liwanag,mga metal
Ay mumunting bangkang
Naglalakbay
Patungo sa iyong kandungang
naghihitay sa akin.
Ngayon
Kung unti-unti’y maglalaho ang
pag-ibig mo sa akin,
Unti-unti’y gayon din akong bibitiw
sa pag-ibig mo

Kung dagling
Ako’y iyong kinaligta
Huwag mo akong hanapin
Sapagkat ika’y limot ko na

Kung iyong lilimiing Mabuti


Ang hangi’y nagdaraan sa aking
buhay,
At nagpasya kang iwan sa
dalampasigan
Ng puso, kung saan ako umuugat

Pakatandaan sa araw na iyon,


Sa sandalling iyon,
Pasisiglahin ko ang aking mga bisig
Upang umugat sa ibang lupain.
Napakahusay ng inyong
pagkakabasa! Bigyan naman natin
sila ng birtwal na palakpak!

Sabi sa saknong na aking binasa


ay, kapag pinagmamasdan ko ang
ating pag-ibig tila ba
nakakaramdam ako ng init ng iyong
pagmamahal, masasayang ala-
alang ating binuo ay biglang
naglaho at ako’y unti-unti nang
bumibitaw.
Sinabi pa niya dito na “ kung
dagling ako’y iyong kinaligta huwag
mo akong hanapin sapagkat ika’y
limot ko na”, ibig sabihin ng may
akda dito ay,
“kung ako ay nakalimutan mo na
huwag mo na akong hanapin dahil
kinalimutan na kita”.
Magaling!

“Kung iyong lilimiing Mabuti


Ang hangi’y nagdaraan sa aking
buhay,
At nagpasya kang iwan sa
dalampasigan
Ng puso, kung saan ako umuugat”,
ma’am ibig sabihin po dito ay,
“kung iisipin niyang Mabuti na
bawat dumaang pagsubok sa
kanya ay wala ng saysay dahil
pinipilit na niyang bumangon”.

Mahusay! Ang iyong pagkaunawa!

Sa saknong naman na Ma’am, na kahit ako ay iniwan, sa


“Pakatandaan sa araw na iyon, pagkakataong ito ay babangon
Sa sandaling iyon, akong muli at ibabalik ko sa dati
Pasisiglahin ko ang aking mga bisig ang aking sigla.
Upang umugat sa ibang lupain.”
Napakahusay naman Ninyo.

Ngayon naman Ano o tungkol saan Ma’am, tungkol po sa pag-ibig.


ang Tulang ating binasa?

Mahusay!

Ang tulang ating binasa ay tungkol


sa pag-ibig na kung saan ay
pinipilit ng may-akda na kalimutan
ang kanyang nakaraang pag-ibig.

Bago tayo dumako sa ikalawang


parte ng ating talakayan.
Ma’am, dapat kalimutan na ang
Ano ang napulot ninyong aral mula mapait na nakaraan.
sa Tula?
Ma’am, bumitaw na sa pag-ibig o
Sino pa ang pakapagbibigay ng karanasan kapag nasasaktan na.
kanyang aral?

Napaganda ng inyong mga sinabi!


Mukhang ako’y nakakaramdam ng
paggaan ng aking loob dahil sa
inyong mga sinabi.

Ngayon naman dumako na tayo sa


Mga Elemento ng Tula.
Ang mga element ng tula ay sukat,
Ano ang mga element ng tula? tugma, at saknong, ma’am!

Tama! Ngunit ito ay mayroong


walong(8) element, narito ang…
Sukat, saknong,tugma, kariktan,
talinghaga, anyo, tono o dayalogo,
at persona. Ngunit sa ating
tatalakayin ay magpopokus lamang
tayo sa apat(4) na elemento, ito ay
ang sukat, tugma, talinghaga at
persona ng tula.
Ito po ang bilang ng pantig sa
Ano ang sukat? bawat taludtod ng saknong, ma’am!
Tama! Ito ay bilang ng pantig sa
bawat taludtod. Ang sukat na
ginagamit ay lalabindalawahin,
lalabing-animin at lalabing
waluhing pantig. Ito ay isang
mahalagang elemento ng tula.

Pumunta naman tayo sa tugma!


Ma’am, ang tugma ay
Ano ang tugma? nakakahalina sa pandinig at may
katuturan!

Tama ang iyong sagot!

Ang tugma ay nakakahalina sa


pandinig at may katuturan dahil
pare-pareho o halos
magkakasintunog sa dulong pantig
ng bawat taludtod ng tula.

May dalawang uri ng tugma:


1. Tugmang panitig- ito ay mga
salitang nagtatapos sa iisang
patinig na may pare-pareho
ring bigkas na maaaring
mabilis.
Ma’am, a,e,I,o,u po ang mga letrang
Ano ang mga letrang patinig? patinig!

Tama!

Halimbawa:
May katawan walang mukha,
Walang mata’y lumuluha

2. Tugmang katinig- ito ay mga


salitang nagtatapus sa mga
katinig.
Ma’am, b,d,g,h,k,l,m,n,p,r,s,t,w,y
Ano naman ang mga letrang po ang mga letrang katinig po
katinig? ma’am!
Halimbawa:
Nagmamatandang kulit,
Nagmumurang kalumpit.

Dumako naman tayo sa talinghaga!

Ano ang talinghaga? Ang talinghaga po ay ang higit na


malalim sa literal na ipinapahayag
ng tula, ma’am,

Mahusay! Ang talinghaga ay higit


na malalim sa literal na
ipinapahayag ng tula at ito ay lipon
ng mga salitang may ibang
kahulugan.

Halimbawa:
Butas ang bulsa- walang pera
Ma’am, nagsusunog ng kilay- nag-
Ngayon kayo naman ang magbigay aaral ng Mabuti po!
ng halimbawa,klas!
Ma’am, nagbibilang ng poste-
Sino pa ang gustong magbigay ng walang trabaho!
halimbawa?

Napakahusay klas!

Sa pagkakataong ito dumako na


tayo sa persona!

Ang persona ay tumutukoy sa


nagsasalita sa tula.

Napakagaling! Dito na nagtatapus


ang ating talakayan sa araw na ito.
Maraming salamat sa inyong
aktibong pakikibahagi klas!

f. Pagtataya sa Aralin
Sa inyong Gawain, bumuo ng
limang saknong na tulang
tradisyunal. Pumili ng alinman sa
sumusunod ng mga paksa:
kalikasan, pag-ibig sa minamahal/
taong natatangi at pag-ibig sa
bayan.
Ito ay inyong ipapasa hanggang
biyernes lamang sa ating Google
Classroom.

Pamantayan:
Nilalaman – 20
Orihinalidad (originality) – 15
Kaugnayan sa paksa– 15

Kabuan – 50 puntos

Maraming salamat sa aktibong


partisipasyon niyo 10-1. Kahit na
ang iba sa inyo ay mahina ang
internet ay gumagawa pa rin ng
paraan upang makasabay lamang
sa klase at na-appreciate ko ang
inyong mga effort. Lahat kayo ay
magagaling. Ipagpatuloy niyo ang
inyong aktibong pakikilahok sa
lahat ng inyong klase, maliwanag Maraming salamat din po, ma’am!
ba?

IV. TAKDANG-ARALIN:
Para sa ating susunod na talakayan, maaari bang basahin at unawain niyo
ang “ Kompleksidad: Pagkatapos ng Teatro” sa pahina 142- 153 sa inyog
aklat upang maging maayos ang ating talakayan sa susunod na pagkikita.

V. MGA TALA O PUNA

VI. REPLEKSYON
Inihanda ni:
Bb. Monica B. Haduca
Iniwasto ni:
Bb. Jessa Viray

You might also like