You are on page 1of 14

ELEMENTO NG DULA AT

URI NG DULA AYON SA

PAKSA O NILALAMAN
Hiraya Manawari
ELEMENTO NG DULA
Iskrip o nakasulat na dula
– ito ang pinakakaluluwa ng isang dula;
lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula
ay naaayon sa isang iskrip; walang dula
kapag walang iskrip
Gumaganap o aktor
– ang mga aktor o gumaganap ang
nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila
ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang
nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila
ang pinanonood na tauhan sa dula
Tanghalan
– anumang pook na pinagpasyahang
pagtanghalan ng isang dula ay
tinatawag na tanghalan;tanghalan ang tawag sa
kalsadang pinagtanghalan ng isang dula,
tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga
mag-aaral sa kanilang klase
Tagadirehe o direktor
– ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang
iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa
pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga
tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at
pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa
interpretasyon ng direktor sa iskrip
Manonood
– hindi maituturing na dula ang isang
binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood
ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula
sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at
kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong
makasaksi o makanood.
URI NG DULA AYON SA
PAKSA O NILALAMAN
Komedya
– katawa-tawa, magaan sa loob
dalhin ang tema, at ang mga tauhan
ay lagging nagtatagumpay sa wakas.
Trahedya
– kung ang tema nito’y mbigat o nakasasama ng
loob kaya nakaiiyak, nakalulunos ang mga tauhan,
karaniwang sila ang nasasadlak sa kamalasan,
kabiguan, kawalan at maging sa kamatayan, kaya
nagwawakas na malungkot
Melodrama
– o soap opera, ito’y sadyang namimiga ng
luha sa manonood na parang wala ng
masayang bahagi sa buhay ng tahanan kundi
pawang problema na lamang ang nangyayari
sa araw-araw
Tragikomedya
– magkahalo ang katatawanan at
kasawian gaya ng mga dula ni
Shakespeare
Ang dula ay mauuri sa anyo nito na maaaring
maikli lamang at maari rin namang
napakahaba. Yaong maikli na binubuo lamang
ng isang yugto ay tinatawag na IISAHING
YUGTONG DULA o DULA-DULAAN. Iyon
namang mahaba na binubuo ng tatlong yugto
ay tinatawag na TATLUHING YUGTONG
DULA.
Salamat sa pakikinig!
Group 3 - Hiraya Manawari:
Princess Jerrymie Lim
Frances Aliyah Manguerra
Chris Ongineb Aguilar
Savannah Cunanan
Via Vanessa Bucu
Sharie Mae Garcia
Cindy Panlilio
Yeshia Gabrielle Tan

You might also like