You are on page 1of 8

“Apat na

Kombensyon ng
Dula”
Ang dula ay isang kathang ang
layunin ay maitampok sa
tanghalan ang isang kawil ng
mga pangyayaring nahahayag
ng isang kapana-panabik na
bahagi ng buhay ng tao.
Kombensyon sa Panahon

Kombensyon sa ikaapat na Dingding

Kombensyon ng Pananalita o Wika

Kombensyon ng pagsasalita sa Sarili


Kombensyon sa Panahon –
Naniniwala o kaya’y ang manonood
sa loob ng ilang oras ay nabubuhay
siya sa loob ng isang araw, lingo o
buwan o taon, na kasa-kasama ng
mga tauhang kanyang pinapanood sa
tanghalan.
Kombensyon sa Ikaapat na Dingding –
Tinatanggap ng manonood na tulad sa
isang tanghalan, sa totoong buhay ay
may tatlong dingding lamang ang isang
bahay. Ang ikaapat na dingding ay bukas
kayat namamalas at naririnig niya ang
lahat ng sinasabi at kinikilos ng mga nasa
loob ng bahay na nasa kanyang harapan.
Kombensyon ng Pananalita o Wika –
Tinatanggap ng manonood na kung
ano ang pananalitang binigkas ng
tauhan sa dula ay ganyon ding
pananalita ang kanilang binigkas at
ginagamit sa tunay na buhay.
Kombensyon ng pagsasalita sa Sarili –
Ang pag sasalita na parang sa sasarili
lamang ng tauhan, ay tinatanggap ng
manonood na kailangan o mahalaga
upang malaman niya ang iniisip ng isang
gumaganap sa tanghalan at upang
maunawaan niya ang ilang pangyayaring
hindi maaring ipakita o itanghal.
Maraming Salamat
sa Pakikinig…

You might also like