You are on page 1of 34

Yunit 2

Aralin 6
MGA KAIBIGAN
KO
KAIBIGAN?
Tatlong Uri ng Kaibigan Ko
1. Kaibigan sa panahon ng
pangangailangan
-Kahit hindi kami madalas magkasama ay
darating sila sa panahon na kinakailangan ko ang
tulong nila.
Tatlong Uri ng Kaibigan Ko
2. Kaibigan sa kasiyahan
- nakakasama ko tuwing may lakad ang grupo.
- Batid kong hindi sila permanenteng kaibigan
dahil kung walang lakad, wala rin sila.
Tatlong Uri ng Kaibigan Ko
3. Kaibigang panghabambuhay
- Kahit saan ay kasama ko
- Kahit anong problema ang mayroon ako, lagi siyang nasa
tabi ko para ako ay tulungan
- Kapatid ang aming turingan
- Alam niya lahat sa buhay ko.
Tatlong Uri ng Kaibigan Ko
3. Kaibigang panghabambuhay
- Alam niya kung tunay o peke ang ngiti ko
- Alam niyang nasasaktan ako kahit hindi ko sabihin
- Sa kaniya ko nakita ang lahat ng katangian ng tunay na
kaibigan.
Gabay na tanong:
• Ano-ano ang tatlong uri ng kaibigan? Ano ang kahulugan ng bawat isa?
• May mga kaibigan ka ba na kabilang sa mga uring nabanggit sa teksto?
Paano sila mauuri at ano-ano ang kanilang mga katangian.
• Magbigay ng isang karanasan kung saan lubos mong nakilala ang
itinuturing mong pinakamatalik mong kaibigan.
• Ano ang iyong pagkakaunawa sa sinabi ni Hesus na “Walang hihigit pa sa
pag-aalay ng kaniyang buhay sa kaniyang mga kaibigan.
• Anong uri ka ng kaibigan? Bakit mo ito nasabi.
Akdang Pikdyon at Di-piksyon
Piksyon – kathang bunga lamang ng imahinasyon ng
may-akda. Kinapapalooban ito ng mga tao,
pangyayari, lugar o gampanin ng walang katotohan.
Hal:
alamat, pabula, kuwentong bayan
Akdang Piksyon at Di-piksyon
Di-piksyon – ito ay batay sa totoong buhay; may
totoong tauhan, pangyayari, gampanin o estadistika.
Hal:
talambuhay, balita, pananaliksik
Original Pilipino Music:
Pagpapahalaga sa Wikang Filipino
Mga karaniwang paksa:
1. Pagmamahal sa bansa
Lupang Hinirang
2. Pagmamalaki sa bansa
Pilipinas Kong Mahal
Original Pilipino Music:
Pagpapahalaga sa Wikang Filipino
Mga karaniwang paksa:
3. Pag-ibig
Ikaw ni Yeng Constantino
4. Galit o hinanakit
Luha ng Aegis
Original Pilipino Music:
Pagpapahalaga sa Wikang Filipino
Mga karaniwang paksa:
5. Pag-asam o pagsusumamo
Kunin Mo na ang Lahat sa Akin ni Angeline
Quinto
6. Pag-asa
Maghintay Ka Lamang ni Roel Manlangit
Original Pilipino Music:
Pagpapahalaga sa Wikang Filipino
Mga karaniwang paksa:
7. Pagtupad sa Pangarap
Sa Isang Pangarap ni Angeline Quinto
8. Panghihinayang
Nanghihinayang ng Jeremiah
Original Pilipino Music:
Pagpapahalaga sa Wikang Filipino
Mga karaniwang paksa:
9. Paghingi ng tawad
Bakit Pa Ba ni Jay-R
10. Pagkakaisa
Pananagutan
Naglaba naglalaba
perpektibo imperpektibo

maglalaba
kontemplatibo
Pandiwa
– anumang salitang nagsasaad ng salitang kilos o galaw.
Nabubuo ang pandiwa sa pamamagitan ng paggamit ng
panlaping makadiwa o ng pagtatambal ng salitang-ugat at
panlapi na kilala sa tawag na pawatas.
Aspekto ng Pandiwa
1. Aspektong Pangnagdaan (Perpektibo)
kilos o galaw na natapos nang gawin.
Hal:
sumakay naglinis nakita nagbukas
Aspekto ng Pandiwa
2. Aspektong pangkasalukuyan (imperpektibo) kilos
o galaw na kasalukuyang ginagawa.
Hal:
sumasakay naglilinis makikita
Aspekto ng Pandiwa
3. Aspektong panghinaharap (kontemplatibo)
kilos o galaw na gagalawin pa lamang.
Hal:
sasakay maglilinis makikita
Ating subukin!
Hanap
Kain
Takbo
Lakad
Iyak
Kailanan ng Pandiwa
1. Isahan. Ang kilos o pandiwa ay nasa pangkaraniwan
o payak na anyo.
hal:

Si Sen. Miriam Defenson-Santiago ay nagkukuwento


ng kaniyang karanasan.
Kailanan ng Pandiwa
2. Maramihan. Ang pandiwa ay tumutukoy sa higit sa
isang simuno.
hal:

Ang mga guwardiya ay nagsisipagbantay sa mga


lupain ng hasyendero.
Magbigay ng
halimbawa!
Pagbabanghay ng mga Pandiwa
1. Pandiwa sa ma- nagsasaad ito ng kasadyaan o ikaaari.
hal:

Pawatas Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo


magamit nagamit nagagamit magagamit
magawa nagawa nagagawa magagawa
Pagbabanghay ng mga Pandiwa
2. Pandiwa sa ipa- nagsasaad ito ng isang mungkahi o
utos.
hal:

Pawatas Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo


ipagamit ipinagamit ipinagagamit ipagagamit
ipagawa ipinagawa ipinagagawa ipagagawa
Pagbabanghay ng mga Pandiwa
3. Pandiwa sa ipag- nagbibigay ito ng utos o nakikiusap
hal:

Pawatas Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo


ipagtimpla ipinagtimpla ipinagtitimpla ipagtitimpla
ipagtanggol ipinagtanggol ipinagtatanggol ipagtatanggol
Pagbabanghay ng mga Pandiwa
4. Pandiwa sa mag- nagbibigay ng diwa sa pagganap.
hal:

Pawatas Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo


magpalit nagpalit nagpapalit magpapalit
magtinda nagtinda nagtitinda magtitinda
Pagbabanghay ng mga Pandiwa
5. Pandiwa sa maki- nagsasaad ito ng pakikisama sa
isang Gawain o trabaho.
hal:

Pawatas Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo


makitulog nakitulog nakikitulog makikitulog
makikain nakikain nakikikain makikikain
Pagbabanghay ng mga Pandiwa
6. Panlaping mapa- nagpapahiwatid ng maaaring
mangyari o maganap.
hal:

Pawatas Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo


mapatayo napatayo napatatayo mapatatayo
mapaibig napaibig napapaibig mapapaibig
Pagbabanghay ng mga Pandiwa
7. Panlaping magka- ginagamit ito para sa di-kusang
pagkilos.
hal:

Pawatas Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo


magkapantay nagkapantay nakakapantay magkakapantay
Magkagulo nagkagulo nagkakagulo magkakagulo
Pagbabanghay ng mga Pandiwa
8. Panlaping magsi- ginagamit ito para sa pagkilos nang
sabay-sabay.
hal:

Pawatas Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo


magsikain nagsikain nagsisikain magsisikain
magsitalon nagsitalon nagsisitalon magsisitalon
Pagbabanghay ng mga Pandiwa
9. Panlaping maka- nagpapahayag ito ng sadyang
pagkilos.
hal:

Pawatas Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo


makain nakain nakakain makakain
makasulat nakasulat nakasusulat makasusulat
Pagbabanghay ng mga Pandiwa
10. Panlaping magsa- magkatulad na pagkilo ang
isinasaad nito.
hal:

Pawatas Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo


magsagawa nagsagawa nagsasagawa magsasagawa
Magsapelikula nagsapelikula nagsasapelikula magsasapelikula
Aktibiti

Sagutan pah. 116-118

You might also like