You are on page 1of 3

KALAGAYAN NG DULA SA KASALUKUYANG PANAHON

 ANG DULA AY Isang uri ng sining na nagsasalaysay ng isang kwento sa pamamagitan ng


pagsasalita at pagkilos ng mga gumaganap na tauhan. Bagamat ang dula ay isang uri rin ng
panitikan, masasabing ito ay naiiba sa ibang mga katha dahil sa paraan at istilo ng paglalahad
nito.

 Ang dula sa alinmang panahon ay ginagamit ng manunulat sa pagpapahayag ng kanilang


kaisipan at damdamin. Higit na epektibo, sapagkat bukod sa usapan, ang tagpo at kilos ng mga
tauhan ay malinaw na nagbabadya ng nais ipaabot sa manonood.

 Makikitang may higit na pagkakahawig ang dula sa pelikula lalo na ngayong may mga dula na
ring ipinalalabas sa telebisyon. Datapwat ang pelikuula sa sinehan ay maaring ulitin ang
panunuod ngunit ang sa telebisyon ay hindi.Ngunit sa pamamagitan ng pag-unlad ng
teknolohiya, ang dula ay maari na ring ulit-ulitin sa pamamagitan naman ng internet.

 Mayroong yugto sa buhay ng dula na halos ito ay nawala na sa larangan dahil sa


pamamayagpag ng pelikula. Sinasabing ang pelikula raw ang pumatay sa dula. Ngunit sa
paglipas ng panahon, na halos mamatay na rin ang pelikula dahil naman sa pagpasok ng mga
telenobela mula sa iba’t ibang bansa gaya ng Korea.

 Unti-unti namang umuusbong o maaring sabihing muling namumulaklak ang dula sa panahong
ito dahil naman sa pagpasok ng mga namimirata. Sa kabila ng malaking gastos ng mga
prodyuser sa paggawa ng pelikula, tila nakikipagagawan naman sila sa mga pirate kung kailan
ipapalabas ang isang pelikula. Dahil dito, muling umusbong ang dula dahil ito ay hindi maaring
ibenta ng basta lamang sa bangketa.

 Sa panahong kasalukuyan, may mga samahan o pangkat na nagbigay ng mga parangal sa


mahuhusay na akda ng dula. Ilan sa mga akdang nagkamit ng unang gantimpala ay ang mga
sumusunod:

Dulang may isang yugto:


 1990- “Usapang Babae” ni Cris Millado
 1992- “ Daigdig Dinaig ng Makamundong Pananalig ni Abel Molina
 - “Dalawang Mukha ng Kagubatan” ni Emelina G. Regis
 Dulang May Tatlong Yugto
 1990 – “Deuterium” ni Bienvenido M. Noriega Jr.
 1991 – “ Baclaran” ni Wilfredo S. Victoria

Dulang Pantelebisyon
 1990- “ Patay-Bata” ni Manuel R. Buising
 “ Ang Pagbabalik ni Kiwada” ni Emmanuel Quindo Palo
 1992- “ Walang Lunas” ni Ronaldo Tumbokon
KALAGAYAN NG DULA SA KASALUKUYANG PANAHON

 Sa kasalukuyang panahon, mas umunlad, maraming nagbago at marami na tayong


iba't- ibang dula gaya ng panradyo,pantelebisyon at pampelikula.
Sa panahong ito, ang mga dula ay itinatanghal sa mas malalaking entablado at
aktwal nang napapanood ng mga tao. Sa panahong kasalukuyan may mga Samahan o
pangkat na nagbigay ng mga parangal sa mahuhusay na akda ng dula. Dahil dito maraming
manunulat ang nagnais na makapagambag sa pagsulat ng dula.

 Ang salitang telenobela ay hango sa dalawang salitang telebisyon at nobela.


 Ang nobela ay isang akdang pampanitikan na nasusulat sa mga aklat. Hindi ito
kinakayang basahin sa iisang upuan lamang dahil sa haba nito. Binubuo ito ng
ilang yugto o tagpo.
 Kinalaunan umusbong ang telebisyon sa ating bansa dahil pumasok na ang
makabagong teknolohiya na nag-ambag ng malaking pagbabago sa ating
panitikan.

 Ang dula na dati-rating nasa radyo ay tinangka ring ipalabas sa telebisyon na umani naman ng
di-matatawarang suporta ng mga tagatangkilik.. Dito nagsimulang magkaroon ng
napakaraming linya ng iba’t ibang panooran na ang naging tagapanood ay
karaniwang mga maybahay na noon ay hindi nagtatrabaho sa labas bagkos ay
naiiwan sa mga tahanan at siyang naglilinis, at nangangalaga sa mga anak.

 Di naglaon, naihambing ang dula at labas ng telebisyon sa sabong pambahay. Sa kadahilanang


madalas pakinggan ng mga maybahay ang mga opera sa radyo ay tinawag ng Soap Opera.
Hanggang nagsimulang ipinalaganap ang telebisyon dito sa Pilipinas sa 50’s at kanilng isinalin
sa telebisyon ang mga dula-dulaan. Dekada 70’s sumikat ang mga soap opera ng mga iba’t
ibang istasyon.

 Nagmarka sa isang simple at nasisimula pa lamang na istasyon ang mga soap


opera. Isa ang ABS-CBN noon sa mga nagsimula ng mga bagong soap opera na
panghapon sa telebisyon. Sumunod sa mga pinasikat nilang drama noon ay ang
Gulong ng Palad at Ana Luna.

 Dekada 70 sumikat ang mga soap opera ng mga iba’t ibang istasyon Kabilang dito
ang Analiza ni Julie Vega nakinumpitensya ang kasabayang Flor de Luna ni
Janice de Belen. Dekada 90 nang nagpasimulang sumikat at nakilala sa highest
rated at longest soap opera sa bansa, ang Mara Clara na nagpasikat kayJudy Ann
Santos. Sunod-sunod na inilunsad ng network ang MULA SA PUSO, Esperanza
at Marinella.
KALAGAYAN NG DULA SA KASALUKUYANG PANAHON

 Pumasok sa bansa ang kauna-unahang serye na nagmula sa Mexico na may


pamagat na Marimar. Isang panooring ginagampanan ng mga puti ngunit ang
maririnig ay boses at salin sa wikang Filipino. Tinanggap ito ng marami at nag-
ugat sa pagsunod pa ng ibang mga palabas gaya ng Maria La Del Barrio at
Maria Mercedez.

 Nasundan pa ito ng panooring mula sa iba’t ibang bansa ngunit higit na tinangkilik ang
mga nobelang mula sa Korea gaya ng Jumong, Meteor Garden, Stairway to Heaven, Coffee
Prince at marami pang iba.

 Sa kasalukuyan, kilalang-kilala ang mga panooring pantelebisyon sa tawag na


KOREANOBELA. Ang dating Soap Opera na naging teleserye at naging telenobela na naging
koreanobela na sa ngayon. Bilang isang Pilipino, nakakalungkot isipin na mas tinatangkilik na
ang mga panitikan lalong-lalo na ang dula ng mga taga ibang bansa partikular na ang mga
koreanobela. Mas malakas ito sa mga kabataan ngayon. Nakakalimutan at namamatay ang mga
dulang Pilipino na kung saan gawa ng mga manunulat na Pilipino.

 Ang pagusbong ng internet ay patuloy na bumago sa takbo ng panitikan partikular na sa Dula.


Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito
ng ating tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay identidad sa mga Pilipino. Sa
paglipas ng mga taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit isa
ang layunin ng mga mandudula: ang mag bigay aliw sa mga mamamayang
Pilipino, at higit sa lahat, ang bigyang buhay ang mga pangyayari sa buhay
Pilipino.

1.

You might also like