You are on page 1of 15

Ang Teatro o

Tanghalan
 Katuturan
 Katangian
  Uri
 Ang Tanghalan o “Theater Space”
Kahulugan
Sangay ng ginaganap na sining na may
kinalaman sa pag- arte ng mga kuwento sa
harap ng mga nakikinig na ginagamit ang
magkahalong salita, galaw, musika, sayaw,
at tunog.
Ang Tanghalan o “Theater Space”
Anumang pook na pinagpasyahang
pagtanghalan ng isang dula; noong unang
panahon itinuturing na tangahalan ang
kalsada kung saan idinadaos ang
pagtatanghal ng dula gayundin naman ang
silid na pinagtanghalan ng mga mag- aaral
sa kanilang klase.
Katangian
Sa teatro, tatlo ang dimensyon ng espasyo
at maaaring makapamili ang manonood
kung ano at paano ipopokus ang kanilang
atensyon. Gayunpaman, isang saradong
espasyo (Closed space) ang teatro –
pagkaraang lumabas sa tanghalan ang mga
artista o aktor ay nakakalimutan na sila
sa teatro, wika ang pangunahing gamit
nito sa pagpaparating ng kahulugan sa mga
manonood bagamat may mga teatrikal na
produksyong gumagamit ng mga multi-
midya at mga video bilang bahagi ng
produksyon
Nakapokus ang teatro sa mga karakter at
mga relasyon sa loob ng isang may
kaliitang espasyo.
Ang director pantanghalan ay limitado sa
kanilang paglikha ng dula sa entablado.
Sa teatro, maaaring baguhin ng direktor ang
isang eksena o mga eksena sa panahon ng
rihersal ngunit sa panahon ng palabas, wala
na halos kontrol ang direktor sa nagaganap
sa entablado.
Tagpuan- limitado ang espasyo
sa tanghalan o entablado.
Kasuotan - sa pelikula at teatro, ginagamit
ang kasuoytanupang masapol ang mga
historical o cultural na konteksto, gamit ang
mga kasuotan upang ipahayag ang kalikasan
ng pangkasaysayang panahon: mga antas ng
lipunang ginagalawan ng mga karakter,
kasarian, edad, erotisismo, atityud/estilo –
kadalasan sa pamamagitan ng kulay o tabas o
identidad at personalidad — eksentrik,
kumbensyunal, akma, elegante, atbp.
TATLONG URI NG DULA
1. PANTAHANAN
isinasagawa sa tahanan,
halimabawa nito ay ang
pamamanhikan.
2. PANLASANGAN
Isinasagawa sa lansangan,
halimbawa ay ang panunuluyan.
3. PANTANGHALAN
ìsinasagawa sa loob ng tanghalan.
TATLONG BAHAGI NG DULA

1. YUGTO
- Ang bahaging ito ang ipinanghahati sa dula.
Inilalahad ang pamukhang tabing upang
magkaroon ng panahong makapagpahinga
ang mga nagsiganap gayundin ang mga
manonood.
2. TANGHAL
- Ipinanghahati sa yugto kung
kinakailangang magbago ng ayis ng tanghalan.
3. TAGPO
- Ito ang paglabas masok sa tanghalan ng
mga tauhang gumaganap sa dula.
URI NG DULA AYON SA ANYO

1. TRAHEDYA
2. KOMEDYA
3. MELODRAMA o SOAP OPERA
4. SAYNETE
5. SENAKULO
SANGGUNIAN
Cassanova, Arthur P.  Kasaysayan at Pag-unlad ng Dulaang Pilipino, Manila
Philippines, Rex Book Store, 1984

https://vdocuments.mx/ang-teatro-at-pelikula-bilang-sining-biswal.html

You might also like