You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

GRADE 12
Ika-1O ng Enero 2022

Inihanda ni:
KATRINA V. VILLASPIN

Inihanda para kay:


DR. MICHELLE MEDINA
Propesor

Banghay-Aralin sa Filipino 12

I. Layunin
A. Naibibigay ang kahulugan ng wika.
B. Naiuulat ang iba’t ibang teorya ng pinagmulan ng wika.
C. Naipapakita ang pagpapahalaga sa kultura at sining tulad ng wika.
II. Paksang-Aralin
A. Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika
B. Sanggunian: K-12 Teacher’s Guide Filipino Grade 12, Pinagyamang
Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino nina
Alma M. Dayag at Mary Grace G. del Rosario, pahina 76-78.
C. Kagamitan: Kartolina, at mga flashcards

III. Pamamaran

Gawaing Guro Gawaing Mag-Aaral

A. Panimula
1. Panalangin Magsisitayo ang mga mag-aaral para sa
Bago tayo magsimula, maaari bang isang maikling panalangin.
magsitayo ang lahat para sa isang
maikling panalangin.
Angelica, pakipangunahan mo ang
panalangin.
Magandang umaga sa inyo. Magandang umaga rin po sa inyo Ginang
Villaspin.

Maaari na kayong magsiupo. Salamat po, Maam.

2. Pagtetsek ng Attendance
Wala bang may pagliban sa araw na ito? Wala po. Lahat po ay narito, Maam.

3. Pagganyak
Kung makikita Ninyo may naipaskil ako Ang mga mag-aaral ay nakikinig na
dito sa harapan na isang bilog na mabuti.
ginupitang kartolina na may nakasulat na
Wika. Ngayon ang gagawin Ninyo ay
magsabi kayo ng mga salita na may
kaugnayan sa wika at atin itong isusulat
sa paligid ng bilog hanggang sa makabuo
tayo ng isang web.
Umpisahan na natin. Sino ang gustong Ang mga mag-aaral ay nagtataas ng
mauna sa pagbanggit ng salita kamay.

Ikaw, Yssa. Ano ang naisip mong salita Yssa: letra, Maam

Magaling! Sino pa ang maaaring Ang mga mag-aaral ay nagtataas ng


magsalita. kamay.

Ikaw naman Harry, ano ang iyong naisip Harry: tunog po , Maam

Ang mga mag-aaral ay nagtataas ng


kamay.

O ikaw Angeline. Ano ang iyong sagot


Angeline: Maam, ang naisip ko po ay
komunikasyon.

Magaling Angeline, sino pa ang maaaring Ang mga mag-aaral ay nakikinig na


dumagdag sa ating web? mabuti.

Ikaw Anna? Anna: Kultura po Maam

Magaling! Ikaw naman Robby, ano ang Robby: lipunan Maam


iyong naiiisip

Napakagaling! Ngayon siguro ay tama na Ang mga mag-aaral ay nakikinig.


ang lima upang makabuo tayo ng ating
sariling depinisyon ng Wika gamit ang
mga nabanggit nating mga salita.
Sino ang maaaring makapagbigay ng
isang depinisyon batay sa mga salitang
nakapaligid sa salitang Wika?
Very good JK! Ano ang iyong sagot? Jk: Ang wika ay binubuo ng mga letra at
tunog, na ginagamit ng lipunan upang
umusbong ang kanilang kultura at upang
makipagkomunikasyon sa iba.

Napakagaling JK! Last, sino pa ang


maaaring bumuo ng sariling kahulugan
ng wika batay sa mga salita sa pisara. Ryan: Ang wika ay mga salitang binubuo
Ikaw Ryan. ng letra at tunog upang magamit ng isang
lipunan sa pakikipagkomunika at isang
parte na rin ng kanilang kultura.

Napakagaling mga Anak! Tama ang mga Nakikinig ang mga estudyante.
sagot Ninyo. Maraming salamat sa
pagsagot! Ngayon ay dadako na tayo sa
ating Talakayan na may kaugnayan sa
aktibiti na ating ginawa. Ating tatalakayin
ang Wika at mga Teorya nito.

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad ng Aralin

Ayon sa mga propesor sa komunikasyon


na sina Emmert at Donaghy (1981), ang
wika, kung ito ay pasalita, ay isang
sistema ng mga sagisag na binubuo ng Ang mga mag-aaral ay nakikinig nang
mga tunog; kung ito naman ay pasulat, ito mabuti.
ay iniuugnay natin sa mga kahulugang
nais nating iparating sa ibang tao.

Ngunjt ang isa sa mga katanungang


kailangan nating alamit ay kung saan nga
ba nagmula ang wika? Walang Ang mga mag-aaral ay nakikinig na
nakaaalam kung paano ito nagsimula mabuti.
ngunit maraming teorya ang nakalap ng
mga linggwista ang maaaring magbigay-
linaw sa pinagmulan ng wika.

2. Pagsusuri

Mayroon akong mga dalang box dito na


may lamang flashcards at bawat isa sa
kanila ay naglalaman ng iba’t ibang
teorya ng pinagmulan ng wika. Ang mga mag-aaral ay nakikinig na
Tatawag ako ng mga estudyante at mabuti.
bubunot siya dito sa box at isasalaysay
nya ang teoryang kanyang nabunot. Akin
naming ibaba ang kartolinang naglalaman
ng paliwanag ng kanyang nabunot na
teorya na aking ididikit sa pisara

Umpisahan natin kay Jeff. Ano ang Jeffrey: Ang nilalaman po na ito na aking
nilalaman ng iyong nabunot na flashcard? napili ay ang Teorya ng Paniniwala sa
Banal na Pagkilos ng Panginoon o Divine
Theory.

Ngayon iyong basahin ang


pagpapaliwanag ng iyong nabunot.
( ibababa ang kartolina ng Teorya ng Jeffrey: Ang mga teologo ay naniniwalang
paniniwala sa Banal na pagkilos ng ang pinagmulan ng wika ay matatagpuan
Panginoo o Divine Theory) sa Banal na Aklat. Sa Genesis 2:20, ayon
sa bersong ito magagamit kasabay ng
pagkasilang sa tao ay ang pagsilang din
ng wika na ginagamit sa
pakikipagtalastasan.

Ang mga mag-aaral ay nakikinig na


mabuti.

Maraming salamat, Jeffrey. Sa Genesis


2:20 ang nakasulat ay ganito “at
pinangalanan ng lalaki ang lahat ng mga
hayop, at mga ibon sa himpapawid, at
ang bawat ganid sa parang”.

Dianne, ikaw naman ang pumili. Dianne: Maam, ang laman po ng


Ano ang nilalaman ng iyong napiling flashcard na aking napili ay ang Teorya
flashcard? ng Tore ng Babel o Babel Tower Theory.

Ngayon iyong basahin ang paliwanag sa Dianne: Isa lamang ang wika noon.
kartolina Nagkaroon ng iba’t ibang wika dahil na rin
sa kapangyarihan ng Diyos na lituhin ang
bawat taong nabuhay noong unang
panahon.

Ang sabi kasi ng Diyos ay dapat Ang mga mag-aaral ay nakikinig na


magsipangalat ang mga tao sa panahong mabuti.
iyon. Pero dahil sa katigasan ng ulo at
pagmamataas kaya yun ang naging
parusa sa kanila.

Maraming salamat, Dianne. Jomar: Ang teoryang nilalaman po ng


Ang pangatlo at panghuli, ikaw Jomar. flashcard na ito ay ang Teorya ng
Anong teorya ang nilalaman ng flashcard Ebolusyon.
na iyan?

Ngayon iyong basahin. Jomar: Ayon sa mga antropologo,


masasabing sa pagdaan ng panahon ang
mga tao ay nagkaroon ng mas
sopistikadong pag-iisip. Umunlad ang
kakayahan ng taong tumuklas ng mga
bagay na kakailanganin nila upang
mabuhay kaya sila ay nakadiskubre ng
mga wikang kanilang ginamit sa
pakikipagtalastasan.

Maraming salamat, Jomar. At mula sa Ang mga mag-aaral ay nakikinig na


Ebolusyon ay nagkaroon pa ng ibang mabuti.
mga sanga o teorya tungkol sa
pinagmulan ng wika. Matatalakay natin
iyan sa mga susunod pa nating pag-
aaral.

3. Paglalapat
Ang mga mag-aaral ay nagtataas ng
Itanong: Kung bibigyan ka ng kamay.
pagkakataong gumawa ng sarili mong
teorya tungkol sa wika, ano ang
ipapangalan mo dito at bakit?
Sherwin: Kung bibigyan ako ng
Tatawag ng isang mag-aaral: Sherwin, pagkakataon ang itatawag ko sa sarili
ano ang iyong masasabi? kong teorya ay teorya ng pag-ibig.
Sapagkat para sa akin, ang pag-ibig ay
may sariling wika.

Magaling! Naibigan ko ang iyong sinabi.

4. Assessment

Itanong: Sa inyong pananaw, alin sa mga Ang mga mag-aaral ay nagtataas ng


teoryang ating pinag-aralan ang pinaka kamay.
malapit sa katotohanan?

Jaydee: Maam, para po sa akin mas


Tatawag ng isang mag-aaral: Jaydee, malapit sa katotohanan ang tore ng Babel
maaari ko bang marinig ang iyong sapagkat dahil sa katigasan ng ulo ng
kasagutan? mga sinaunang tao, nilito ng Diyos ang
kanilang wika kaya tayo nagkaroon ng
iba’t ibang wika sa daigdig.

Maraming salamat. Napakainam ng iyong


kasagutan Jaydee.

C. Paglalahat Ang mga mag-aaral ay nakikinig na


mabuti.
Ang wika ay totoong mahalaga sa ating
pang araw-araw na pamumuhay
sapagkat ito ang ating ginagamit sa
pakikipagtalastasan. Bagaman at hindi pa
rin matiyak kung saan at paano ito
nagsimula, isang katotohanan na ang
wika ay umuunlad at nagbabago kasabay
ng pagbabago ng panahon at lipunan.

IV. Ebalwasyon

Para sa 15 puntos, gamit ang ikaapat na bahagi ng papel:

Anu-ano ang mga teoryang sinasabing pinagmulan ng wika? Ibigay ang


maikling paliwanag ng bawat isa.

V. Takdang-Aralin

Ilagay sa short sized na bond paper, encoded.

Magsaliksik tungkol sa mga sumusunod na iba pang teorya ng wika:

1. Teoryang Ding Dong


2. Teoryang Bow-Wow
3. Teoryang Pooh-Pooh
4. Teoryang Ta-Ta
5. Teoryang Yo-He-Ho
Inihanda ni:
Katrina V. Villaspin
BSED 3-Filipino

You might also like