You are on page 1of 17

ANG MGA DRAMA SA

WIKANG INGLES
•Dumagsa ang mga dulang
Ingles sa mga paaralang pribado
gayundin naman sa mga
Unibersidad.
Mga grupong nagtanghal ng mga dulang ingles:

1. UP Dramatic Club – sa pamamahala ni Wilfredo Ma. Guerrero


2. Ateneo Player’s Guild – sa pamamahala nina Padre Henry
Irwin at James B. Reuter atbp.
3. Arena Theater ng PNC- sa pamamahala ni Severino Montano
4. Aquinas Dramatic Guild ng UST – sa pamamahala ni Daisy
Hontiveros Avellana
5. Paulinian Prayer’s Guild
6. FEU Dramatic Club – sa pmamahala ni Nick Agudo
7. UE Dramatic Club – sa pamamahala ni Joey
Gosiengfiao
8. Manila Theater Guild – na hanggang ngayon ay
nagtatanghal pa rin ng mga dula s Army and Navy Club
sa Roxas Boulevard
9. Union College of Laguna Dramatic Group – sa
pmamahala ni Mario Carlos
•Karamihan sa mga itinanghal ng mga
grupong ito ay mga dula ni Shakespeare
at broadway musical o kaya’y mga
dulang sinulat ng mga batikang
manunulat sa Amerika tulad nina
Eugene O’neil, William Inge , at
Tennessee Williams.
• Nangunguna sa uri ng mg dulang ito ay ang Ateneo
Dramatic Guild: namutiktik sa panahon ni Padre Henry L.
Irwin ang mga dula ni Shakespeare tulad ng HAMLET,
MCBETH at RICHARD III; broadway musicals naman noong
panahon ni Padre James Reuter na karamihan sa mga
dulang kaniyang pinamamahalaan ay ang mga sinulat nina
Rodgers at Hammerstein gaya ng SOUTH PACIFIC at
OKLAHOMA, at SHOWBOAT ni Keon na ipinalabas niya sa
pagtataguyod ng St. Paul’s College sa Quezon City at sa
Manila kung saan itinanghal din ang CAROUSSEL nina
Rodgers at Hammerstein sa pamamahala naman ni Onofre
Pagsanghan.
 Nagtanghal din ang mga broadway musicals ang
U.E. Dramatic Club tulad ng GIGI at MY FAIR LADY
na parehong sinulat nina Lerner at Loewe at
pinamahalaan naman nina Joey Gosiengfiao at
Nick Lizaso. Gayon din ang F.E.U. Dramatic Club
na nagpalabas naman ng FLOWER DRUM SONG
sa pakikipagtulungan ni Julie Borromeo.
 Sa kabilang dako, patuloy na nagtanghal ang Manila
Theater Guild ng mga dulang Ingles tulad ng GLASS
MENAGERIE, DEATH OF SALESMAN, at ARSENIC AND
OLD LACE. Itinanghal din ng UP Dramatic Club ang TEA
AND SYMPATHY at GUYS AND DOLLS. Ang F.E.U.
Dramatic ay nagpalabas din ng SUDDENLY, LAST
SUMMER.
 Sa mga probinsiya rin, may mga grupong patuloy
pa ring nagtanghal ng ganitong uri ng dula sa
Ingles tulad ng Union College of Laguna Drama
Group sa Sta. Cruz, Laguna at ng Players’ Company
ng Mindanao State University sa Marawi City. Ang
mga grupong ito ay nagtanghal ng mga dulang
iyon noong huling bahagi ng 1960’s at unang
bahagi ng 1970’s.
 Itinatag din ni Wilfredo Ma. Guerrero ang U.P. Mobile
Theater. Karamihan sa mga dula ng grupong ito’y
itinanghal sa mga lalawigan at mga baryo. Maganda ang
pangyayaring ito sapagkat dinala nila ang kanilang uri ng
teatro sa masa. Dulang mga sinulat ni Guerrero sa Ingles
ang kanilang itinanghal tulad ng HALF AN HOUR IN A
CONVENT at FOREVER.
Ang dulang Ingles sa mga baryo’t lalawigan
ay hindi gaanong matagumpay. Ang dahilan,
ang wikang Ingles ay hindi nila maunawaan
sapagkatkaramihan sa kanila ay hindi
nakapagsasalita at nakauunawa ng wikang
Ingles.
 Ganoon din ang ginawa ng Arena Theater ni
Severino Montano. Mga dulang tulad ng LOVES
OF LEONOR RIVERA. SABRINA, at MERRY
WIDOWS OF MANILA na pawang isinulat ni
Montano ang kanilang itinanghal sa mga
lalawigan. Naglalarawan ang mga ito ng buhay-
Pilipino subalit wikang Ingles pa rin ang kanilang
ginamit.
Ang Barangay Theater Guild sa pamumuno
nina Lamberto V. Avellana at Daisy H.
Avellana ay naging matagumpay sa
pagtatanghal ng PORTRAIT OF AN ARTIST
AS FILIPINO ni Nick Joaquin. Ang dulang
ito’y itinuring ng mga kilalang kritiko na isa
sa “pinakadakilang dula sa Ingles na
naisulat ng isang Pilipino.”
Nag-ibayo ang pagdagsa ng mga dulang
Pilipino na isinulat sa Ingles nang
magsimula ang timpalak pagsulat ng
dulang iisahing yugto sa Ingles, tulad ng
Arena Playwriting Contest at ng Palanca
Memorial Awards Foundation ng La
Tondeña, Inc. noong 1954.
 Sa panahong ito ang mga nagsipagwaging mga
dula ay hindi naitatanghal dahil nakatago
lamang sa cabinet at nakatala sa antolohiya ng
Palanca Memorial Awards Foundation. May
ilang nagsipagwaging nagpunyagi na
maitanghal ang kanilang dula sa mga paaralan.
 Sa pagpasok ng dekadang ’6O’ hanggang sa
kasalukuyan, binigyang-pansin ng Palanca Komite
ang badyet ng pagsasadula ng mga dulang
nagwagi. Kabilang sa mga nanalo rito ay sina
Alberto Florentino, Wilfredo Nolledo, Nestor Torre,
Jesus Peralta, Fidel Sicam, Virginia Moreno at
Estrella Alton.
SANGGUNIAN
Cassanova, Arthur P.  Kasaysayan at Pag-unlad ng Dulaang Pilipino, Manila
Philippines, Rex Book Store, 1984

You might also like