You are on page 1of 3

ANG MGA DULAANG PANGKAUNLARAN NG PAMAHALAAN

Ito ay ang kusang paggamit ng teatro upang palaganapin ang mga kaisipang
pangkaunlaran. Bunga ng pagkatatag ng Pamantasang ng Bagong Lipunan, sumibol
ang isa pang pangkat pandulaan. Binansagan itong Dulaang Bayan.

 Dulaang Bayan ng University of Life – batay sa paniniwalang ang sining ay di


lamang para magbigay-aliw kundi upang magsilbi sa pangangailangan ng mga
mamamayan, isinilang ang Dulaang Bayan ng University of Life sa ilalim ng
pangangasiwa ng UL Continuing Education Program noong 1980.

 Phoebe Torres-Anderson- kinilalang ‘ina’ ng dulaang bayan dahil siya ang


nagsilang sa ideya ng pagbubuo ng isang samahang pandulaan na gagamiting
isang mabisang makinarya sa Continuing Program ng University of Life.

 Johnny Jose Cruz- ay nagpamalas na ng hilig sa larangan ng drama – lagi


siyang laman ng lumang sinehang Cine Estrella at hindi nawawala sa mga
libreng pelikulang Ingles na itinatanghal sa patio sa pagtataguyod ng Cortal.

 Marcelino Cavestany Jr.- higit na kilala sa palayaw na Mars. Ang pagiging


matiyaga niya at matatag ay mga katangiang taglay ni Mars, bagay na nagdala
sa kanya sa landas tungo sa pananagumpay sa nga gawaing pangtanghalan.

 Dulaang U.P- ang ideya ng pagkatatag nito ay nag-uugat sa isang matinding


pangangailangan sa isang tunay na karanasan sa kalagayang propesyunal ang
mga estudyanteng kumukuha ng kurso ng pag-arte sa Pamantasan ng Pilipinas.
Nabuo ang Dulaang U.P noong ikalawang semester ng panuruang taon 1975-
1976.

 Dulaang Guro Paglingkod Bayan- ang Dulaang Guro Paglingkod Bayan ng


Dalubhasaang Normal ng Pilipinas (Phil. Normal College), ay lalong kilala sa
pangalang Teachers Community Theater. Ito ay itinatag n Propesor Natividad
Crame-Rogers noong 1976 upang maging instrumento sa pagpapaunlad sa mga
guro sa sining ng pakikipagtalastasan dahil sa ang pagtuturo ay isang sining na
pasalita.

Mga Gantimpala sa mga taong:

1971-1972:

1. Ang Unang Pagtatanghal Ng ‘Ang Huling Pasyon ni Hermano Pule’ ni


Rosauro dela Cruz
2. Ang Katwiran Ay Katwiran ni Rolando S. Tinio
3. Kompensasyon ng mga Halimaw ni Rey dela Cruz

1972-1973:

1. “Si Jesus at si Magdalena” ni Ruth Elynia S. Mabanglo


2. “Ang daga sa hawla” ni Wilfredo Pa. Vertusio
3. “Maskara” ni Frank G. Rivera
Inampalan : Dionisio S. Salazar, Rustica Carpio, Fernando L. Samonte

1973-1974:

1. (Wala)
2. (Wala)
3. “P. Paulino Prito, S.J.”ni Tony Perez

Karangalang banggit:
“Daigdig Ng Mga Pangarap” ni Nervido Rivera

“Basurahan” ni Nonilon V. Queano

“Ama” ni Frank G. Rivera

1974-1975:

Mga Tanging Gantimpala:

“Sidewalk Vendor” ni Reuel Molino Aguila

“Isang Palabas”ni Marcelino D. Cavestany

“Kulay Rosas Na Mura And Isang Pangarap” ni Bienvenido M. Noriega

“Luha Para Sa Isang Yumao” ni Benjamin P. Pascual

1975-1976:

1. Nang pista sa aming bayan ni Nonilon Queano


2. Ang daigdig sa isang handaan ni Mariano Calingasanan
3. Ang kanal ni Rolando P. Bartolome

You might also like