You are on page 1of 1

“Sanaysay”

Kahulugan ng sanaysay:
Sa diksyunaryo- Ang sanaysay ay isang komposisyong pampanitikan sa
isang natatanging paksa na higit na maikli at pormal kaysa alinmang akda.
Ayon kay Michael Montaigne (lumikha ng sanaysay)- Ang sanaysay ay
isang pagtatangka o pagsubok sa bagong larangan ng panitikan ang mga
kaisipan ay maaaring makipagtalastasan sa kanino mang mga kaibigan o
kakilala. Kung ang liriko ay para sa panulaan ang prosa ay para sa
sanaysay.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla (kilalang makata, mananaysay at
tinaguriang ama ng makabagong sanaysay)- Ang sanaysay ay
pagsalaysay ng isang sanay. Sanay sa kabatirang may kaalaman sa
nasusulat sa anyong tuluyan. Lahat-lahat sa kapaligiran ay maaaring
maging paksa ng sanaysay. Ang sanaysay ay dapat na kayang unawain ng
damdamin at abot ipaliwanag ng isip. Ipinahahayag ito ayon sa kaalaman,
karanasan at kakayahan ng mananaysay. Ang sanaysay ay kuha sa
kahulugan ng pagsasalaysay o nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay. Idinugtong pa niya na walang iniwan sa tulang liriko sa
larangan ng panunugma o pagtula at madalas ay sentido, komon, at nasa
awtor.
Ayon kay Genoveva E. Matute (premyadong manunulat at mananaysay)-
Ang sanaysay sa makitid na kahulugan ay pagtataya sa isang paksa sa
paraang maglalantad ng kaisipan, kuru-kuro, palagay at ng kasiyahan ng
sumusulat, upang umaliw, magbigay kaalaman o magturo. Idinugtong pa
niya na ang sanaysay ay isa na sa mga anyong higit na nagpapaisip,
nagpapalawak, at nagpapalalim sa pang-unawa, bumubuo at nagpapatibay
sa isip at damdaming-bayan.

You might also like