You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Asian Development Foundation College


Tacloban City

ULAT PASULAT (WRITTEN REPORT)


Tagapag-ulat: Andrade, Hanna Joyce C.
Instruktor: Lionel A. Margallo
Asignatura: Sanaysay at Talumpati
Kurso: BSEd Filipino
Iskedyul: MWF 1:00 – 2:00
Paksa: Sanaysay , Kahulugan at Katangian

I. Panimula
Ang sanaysay ay mula sa wikang Ingles na “essay” at ito ay galling sa salitang Pranses na
“essai”, na nangangahulugan ng “pagsubok” o “pagsusumikap”, at iyan ang eksaktong ibig sabihin ng
isang sanaysay – isang pagtatangka na ipakita ang isang malinaw at maayos na pagsulat sa isang
argumento o punto tungkol sa isang particular na paksa.
II. Nilalaman
Kahulugan
Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na naglalayong magpahayag ng kaisipan, opinion, o
mga karanasan sa isang organisadong paraan. Karaniwang may layuning magbigay ng
impormasyon, maglahad ng mga saloobin at mag-aliw sa mga mambabasa.

Alejandro G. Abadilla
 Kilala sa palayaw na AGA
 Kinikilalang “Ama ng Makabagong Panulaang Tagalog”
 Isang makata, nobelista at kritikong pampanitikan.

- Pinagsanib niya ang mga salitang “pagsasalaysay ng isang sanay” o salaysay ng sanay.

Sanaysay

Salaysay ng Sanay
-pagpapahayag -kasanayan sa
wikang gamit
- Ayun din kay Alejandro G. Abadilla ang sanaysay ay isang malayang pagpapahayag ng
karanasan, damdamin, kuro-kuro ng isang manunulat at ito’y inilalahad sa isang
malinaw,lohikal at nakahihikayat na pamaraan.
- Sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista o pananaw ng may akda.

Michel De Montaigne

 Manunulat at pilosopo ng Renaissance


 Ang nagtatag ng genre ng sanaysay

- Ang sanaysay ay PAGTATANGKA O PAGSUBOK sa bagong larangan ng panitikan at


ginagamit upang direktang makipagtalastasan sa sinumang mambabasa.

Genoveva Edroza-Matute

 Isang bantog na kuwentistang Pilipino


 Isa rin siyang guro at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog

- Ang sanaysay ay PAGTATAYA sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang


naglalantad ng kaisipan, kuro-kuro, palagay at ng kasiyahan ng sumusulat, upang umaliw,
magbigay kaalaman o magturo.

Katangian

May apat na pangunahing katangian ang sanaysay bilang isang akdang pampanitikan.

1. Ito ay may uring personal. Madaling makilala ang sanaysay bilangpaglalahad ng naisin o mithiin ng
may-akda. Tila ba "pag-iisip nanaririnig."
2. Isa itong pagtatangka o paggalugad sa pagtalakay ng isang paksa otema.
3. Malaya ang manunulat sa pagtalakay sa kanyang paksa, anuman angmaging himig o tono niyon.
4. Ito'y paglalahad na may layuning magtimbang-timbang ng isang isyu

III. Sanggunian: https://filipino.net.ph/sanaysay


https://www.slideshare.net/allanortiz/sanaysay-37393240
https://www.scribd.com/doc/183567120/SANAYSAY-docx

You might also like