You are on page 1of 13

YUNIT 3: ARALIN 1

EKO-SANAYSAY
Pangkalahatang-ideya

• Ano ang eko-sanaysay?

• Ano-ano ang mga katangian ng sanaysay sa pagbabasa nito?

• Bakit mahalaga ang eko-sanaysay sa konsepto ng ekokritisismo?


ETIMOLOHIYA NG SANAYSAY
Ang sanaysay o essay sa ingles ay nagmula sa salitang Pranses na ‘essai’, na ang
ibig sabihin ay subukin o pagtatangka, at nalinang ito sa salitang ‘essayer’.
Nanggaling sa Latin na ‘exagium’, at nangangahulugan itong pagtimbang o
pagsubok na siyang nakabase sa salitang ‘exigere’ na ang ibig sabihin ay tumiyak
o manigurado.

Isa sa mga pinaka makabuluhang Tinaguriang “Ama ng


pilosopo ng French Renaissance. Makabagong Panulaang Tagalog,”
Kilala siya sa pagpapauso ng at lumikha sa salitang “sanaysay”.
sanaysay bilang isang uri ng Sya ay isang Pilipinong makata at
panitikan. Ginamit nya ang manunulat. Nagpasimuno sa
kanyang istilo sa pagsulat ng paggamit ng malayang taludturan,
sanaysay sa pagtanong ng mga diin sa metro, at paggamit ng labis
ideya sa lohikal na paraan. na romantisismo.
Michel de Montaigne Alejandro G. Abadilla
Philosopher (1533–1592) (1906-1969)
SANAYSAY
- Ang sanaysay ay isang malayang pagpapahayag ng karanasan, damdamin, kuro-kuro ng
isang manunulat at ito’y inilalahad sa isang malinaw, lohikal at nakakahikayat na
pamamaraan. Kapag sumulat ka ng isang sanaysay, gumagawa ka ng ideya para sa isang
partikular na pananaw, pagsusuri, interpretasyon, o hanay ng mga katotohanan o
pamamaraan.
Ano ang eko-sanaysay?
- Isang uri ng panitikan kung saan ang lahat ng agham ay nagsasama-sama upang suriin
ang kapaligiran at konstruktibong pag-iisip ng mga posibleng solusyon para sa
pagwawasto ng kontemporaryong sitwasyon sa kalikasan.

- Ang paghahanap ng kabuluhan ng akda ay nakasentro sa talakay tungkol at para sa


kalikasan at kapaligiran. Nagpapaliwanag ito tungkol sa halaga at epekto ng palibot sa
isang tao at ang epekto ng tao sa kanyang palibot.
Mga katangian sa pagbabasa
ng sanaysay
A. May boses ang sanaysay.

- Ito ay tungkol sa tamang pagtuon o pagbibigay ng pansin sa akda. Pagkilala ito sa boses ng
sanaysay sa pamamagitan ng pag-alam kung sino ang taong kumakausap sa atin.

- Ang awtor ang tagapagsalita ng sanaysay na nagsisiwalat sa mga mambabasa ng


damdaming personal. Tinitingnan dito kung ano ang karanasan na nais iparating ng awtor
mga karanasang bunga ng patuloy na pakikihalubilo niya sa kanyang kapaligiran.
B. May Tono ang Sanaysay.

- Nagmumula ito sa boses ng awtor. Ang tono na tinutukoy rito ay maaaring makukuha sa
pamamagitan ng anyong pag- uutos, pagsusumamo, pangangaral, o pagsasalitang
nagsasaad ng kawalang pakialam. Ito ay mapapansin mula sa pagpili ng salita, pamamaraan
ng paglalahad, at uri ng pagpapaliwanag ng awtor.
C. May Ugnay ang Sanaysay.

- Ito naman ay pag-alam sa nilalaman at estilo ng sanaysay. Itinuturing dito na ang


sanaysay ay laging umuugnay sa mga tao sa lipunan at sa mga usaping panlipunan.
D. May Kuro-kuro sa Sanaysay.

- Taglay ng sanaysay ang kaisipan at ideya tungkol sa paksang tinalakay Ito ang dahilan
para kailangang paraanin sa palitang- kuro mula sa iba pang nakabasa nito. Ang
pagkakaroon ng palitang ideya tungkol sa sanaysay ay hindi laging nagmumula sa
kaisipang inilahad ng awtor. Ang talakayan na gagawin ay maaaring nakasentro at ituon
sa paksain at sa mga sinasabi tungkol sa paksang ito.
Ilan sa mga eko-sanaysay

Ursula K. Heise

Ecocritical Explorations in Literary and Sense of Place and Sense of Planet: The
Cultural Studies: Fences, Boundaries, and Environmental Imaginationof the Global
Fields Ursula Heise (2008)
Patrick Murphy (2009)
Kahalagahan ng eko-sanaysay sa konsepto
ng ekokritisismo
Layon nito ang mabigyang solusyon ang mga isyu pang-kapaligiran at maglahad ng
kasagutan ukol sa mga katanungan hinggil sa kung anong kontribusyon ng tao sa
kung bakit nagaganap ang mga ganitong pangyayari o sakuna. Sa madaling salita,
ang misyon ng disiplinang ito ay lutasin ang problemang pang-kapaligaran gamit
ang pagsusulat sa lohikal na pamamaraan. Matapos makalap ang mga
impormasyon at kaalaman mula sa mga sulatin ay ibabahagi ito upang maging
gabay sa pagbabago.
MARAMING SALAMAT!

You might also like