Professional Documents
Culture Documents
PANIMULA
▪ Paniniwala
▪ Panggagamot
▪ Paggawa
▪ Pagpapahayag ng kalikasan
▪ Pag-aasawa / Pagpapakasal
▪ Wika
__________________________________________________
BALANGKAS NG PAKSA
Aralin I
Ivatan ang nais kong tularan dahil sa sila ay mga relihiyoso, masisipag,
matitiyaga, magagalang at mapagkakatiwalaan. Dahil sa kanilang mga
katangian talagang payapa ang kanilang buhay dahil sa sila ay
magagalang at may takot sa Diyos, talagang malabaong magkaroon ng
alitan ang bawat isa.
Isa rin ang kalinga sa aking tutularan dahil sa paraan nila ng pananamit,
dahil para sakin isa ang pananamit sa mag lalarawan ng iyong pagkatao.
Gusto kong tularan ang mga Ilokano sapagkat sila kuripot o masinop sa
pera. Marahil sa ibang tao, mahirap maging kuripot dahil sa pagiging
maluho. Ngunit, kailangan itong ugaliin sapagkat hindi lahat ng araw ay
may pera tayong mawawaldas. Para sa oras ng kagipitan, tayo ay may
madudukot.
KABUUAN
KABUUAN
MAGBASA AT MAGNILAY-NILAY
LUZON
Ang mga Ilokano ay kilala bilang masisigasig at matitipid, na ang bawat sentimo ay
pawang mahalagang bagay na para sa kanila. Ang bawat segundo, minuto, oras at araw sa
paggawa ng anumang trabaho ay kanilang pinahahalagahan , sapagkat dito sila kumikita at
nabubuhay. Ang badyet sa isang taong konsumo ay para sa pagkain at sa iba pang
pangangailangan. Mahilig silang magtabi ng pera para magagamit nila sa mga hindi
inaasahang paggagastusan (emergency needs). Kapag may pagkakataon na sila’y kinakapos,
hangga’t maaari ay gagawa sila ng paraan para matugunan ang kanilang pangangailangan. Ito
ang mangingilan-ngilang katangian ng mga Ilokano. Sa Ilocos makikita ang karamihan sa
kanila.
Nasa mataas na lugar ng Acacia, Kahel at Kayapa, Nueva Vizcaya ang pook na
pinaninirahan o kinanalgyan ng mga Kalahan. Ang pook na ito ay mataas at buhat sa tuktok ng
bundok ay buong paghangang namamalas nang nakatayo ang kaakit-akit na kapaligirang iginuhit
ni Bathala. Ang mga Kalahan ay isa sa mga pangkat-etniko na naninirahan sa kabundukan ng
Nueva Vizcaya. Gaya ng ibang pangkat, ang grupong ito ay may kakantahan din. Kung
pananamit ang pag-uusapan, hindi rin sila pahuhuli sapagkat ang kanilang mga kasuotan ay
katulad din sa kasuotang sinusuot ng mga katutubo sa Baguio, bagamat ang iba’y gumagamit na
rin ng mga kasuotang karaniwang nakikita sa kabayanan.
Ang kasal para sa mga dalagang Ibaan ay isang tunay na kanilang pinapangarap . Ang
pangkat na ito ay matatagpuan sa Batangas. Ang pangarap nilang maikasal ay marahil dulot ng
kakaibang tradisyon nito na hanggang ngayon ay sinusunod ng mamamayan lalo na ng mga
tagabaryo. Sa mga kababaihan, ito ay isang pangarap, subalit para sa mga lalaki, ito ay
masasabing bangungot lalo na kung iisipin nila ang malaking halaga na kanilang magagastos sa
kasal.
7.4. ILANG MGA KATANGIAN NG MGA KANKANA-EY
( ni Florencia C. Victor mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)
May mga dahilan kung bakit naisasagawa ang pagpadit o pagkakanyao. Una ay ang
pagpapasalamat sa pagkakaroon ng kayamanan at ang ikalawa ay bunga ng kahilingan ng isang
patay na miyembro ng pamilya na naipababatid sa pamamagitan ng panaginip o kapag ang
isang karamdama’y matagal na sa isang miyembro ng pamilya ay hindi mapagagaling ng mga
gamut , sa gayo’y tumatawag na sila ng nakaalam sa gawaing ito na kilala sa katawagang hi-
bok o anop para malaman kung magpapadit ang pamilya.
Ang mga nasyonal na minorya ay ang mga pangkat na may sariling kasaysayan,
teritoryo, wika at kultura na napasama sa estado sa pamamagitan ng kongkista,
kolonisasyon, o di kaya sa proseso ng federasyon. Para kay Kymlicka may karapatan ang
mga nasyonal na minorya para sa sariling pamamahala at espesyal na representasyon. Ito ang
sitwasyon na naaangkop para sa nabanggit na nating mga Maranao o Ifugao na namamalagi
sa kani-kanilang teritoryo. Dahil nasyonal na minorya sila, ang kani-kanilang teritoryo
ay dapat may naangkop na antas ng awtonomiya.
Ang mga pangkat etniko para kay Kymlicka ay ang mga grupo ng mga imigrante, na
dahil kusa silang lumipat ng tirahan ay nangangahulugang dapat kusa din silang
makikibagay at makiki-isa sa mayoryang pangkat na naninirahan sa nililipatan nilang
teritoryo. Dahil sa pagkukusang ito, ang karapatan ng mga pangkat etniko ay hindi
kasinglawak at kasinglalim sa mga karapatan na naaangkop para sa mga nasyonal na
minorya. Ngunit naniniwala si Kymlicka na dapat pa rin silang bigyan ng mga karapatan
tulad ng proteksyon mula sa diskriminasyon, pagkikilala bilang isang kultural na pangkat,
eksempsyon sa mga patakarang lumalabag sa kanilang mga relihiyosong paniniwala, at
pondo para sa kanilang mga kultural na gawain.
Ito naman ang sitwasyong naaangkop para sa nabanggit na nating mga Maranao o
Ifugao na naninirahan sa isang malaking lungsod na hindi na sakop ng kanilang heograpikal
na teritoryo. Dahil nasa labas na sila ng kani-kanilang teritoryo, hindi na awtonomiya ang
dapat pag-uusapan, kung hindi sapat na respeto para sa kanilang kultura at sapat na espasyo
para mapapangalagaan pa rin nila ang kani-kanilang kultural na kaakuhan.
Ngunit ayon sa postkolonyal na teorisistang si Epifanio San Juan, ang teorya ni Rex
ay may daladala ring mga problemang dapat din nating bantayan. Una rito ay ang hindi
malinaw na pagkakahiwalay ng pribado at publikong mga domeyn sa totoong buhay.
Halimbawa, ang pagkatay, pagluto, at pagkain ng aso, na isang gawain ng marami
nating pangkat etniko ay magiging problematiko sa konteksto ng Metro Manila kung saan
mas mahigpit na ipinagbabawal ng ganitong kaugalian. Ibig sabihin, hindi maaring
maging lubusang malaya ang pribadong domeyn, o ”Gemeinschaft,” na sinisilongan ng
mga minoryang pangkat, sa publikong domeyn, o ”Gesellschaft,” na hinuhugis ng
mayoryang pangkat. Gayunpaman, magagamit pa ring isang mahalagang inisyal na
balangkas ang modelo ni Rex na maaaring palalakasin batay sa unang puna ni San Juan sa
ating pagdadalumat tungkol sa ating pangestado at rehiyonal na mga kultura.
Ang pangalawang puna ni San Juan ay ang kawalan ng paki-alam ng teorya ni Rex sa
katotohanang ang ibat-ibat pangkat etniko sa loob ng estado ay may di pantay-pantay na
kapangyarihan.Hindi masyadong nababalisa si San Juan sa mga pagkakataon ng
lantarang pang-aapi ng mga mayorya sa minorya, kaysa hindi lantaran ngunit tuloy-tuloy na
pagbubura ng mayoriyang kultura sa minoryang kultura sa pamamagitan ng proseso ng
hegemonya.Ibig sabihin, kapag pinagtabi-tabi ang mga kultural na elemento mula sa
minorya at mayoryang pangkat, dahil sa kapangyarihang taglay ng mayorya ang kanilang
kultural na elemento ay mag-aanyong kanais-nais palagi, habang hindi kanais-nais namang
ang mga kultural na elemento ng mga minorya. Inaasahan natin na ang multikultural
na kamulatang ipapalaganap ng tunay na multikultural na edukasyon at mas midya
kasabay sa pagpapalakas ng awtonomiya ng mga rehiyon ay maaaring magbigay remedyo sa
kakulangan ng teorya ni Rex.
ILOKANO AT KALAHAN
Pagkakaiba (Ilokano)
• Taga Ilocos
• Masinop, masipag, mabait
• Kumukonsulta sa albularyo o baglan kung may miyembro man ng pamilya ang nagkasakit.
• Ang patay ay nilalamayan nang ilang araw
Pagkakaiba (Kalahan)
• Taga Nueva Vizcaya
• Naniniwala sa mga anito
• Bago lumisan sa isang panibagong lugar, tinatawag ng mga katutubo ang kanilang mga
anito.
Pagkakatulad
• Mahilig gumawa ng mga crafts
• Parehong kabilang ang mga magulang sa pagdedesisyon sa pag-aasawa.
• Parehong may natatanging mga kultura at tradisyon
A. IBAAN AT KALAHAN
Pagkakaiba (Ibaan)
• Taga Batangas
• Iba ang pananaw ng babae at lalaki sa pag-aasawa o kasal.
Pagkakaiba (Kalahan)
• Taga Nueva Vizcaya
• Naniniwala sa mga anito
• Bago lumisan sa isang panibagong lugar, tinatawag ng mga katutubo ang
kanilang mga anito.
• Ang mga magulang ang nagnenegosasyon sa kasal ng kanilang mga anak.
Pagkakatulad
• Pagkakaroon ng mabuting ugali gaya ng paggalang sa mga nakatatanda, atbp.
• Naniniwala sa mga pamahiin
A. ITA AT KANKANA-EY
Pagkakaiba (Ita)
• Taga Zambales
• Pinaglalamayan ang mga namatay
Pagkakatulad
• Mahusay sila sa pangangaso
• Ang mga magulang ang taga pamagitan sa ikakasal.
• Gumagamit ng mga herbal na gamot sa panggagamot
• Parehas silang magagaling maghabi.
GAWAIN 2
Pagkakanyaw
Haday ng tawag sa
Pasasalamat sa Hi-bok o onop ang pagbabaon ng isang
pagkakaroon ng tawag sa taong alam ang maliliit na bilog na bato
kayamanan o bunga ng gagawin sa mga taong sa ilalim ng hagdan sa
kahilingan ng isang may sakit na hindi na tuwing nagkakanyao o
meyembro ng pamilya. maagapan upang nag papadi.
malaman kung
magpapadit ang
pamilya.
Gawain 3
Panuto: Magsaliksik tungkol sa mga kadalasang dahilan ng mga hidwaan o kaguluhan sa
ating bansa. Bilang isang mag-aaral, magbigay ng mga posibleng solusyon kung saan maaari
kang makilahok at maging bahagi ng paglutas ng suliraning ito.
Dahilan ng Hidwaan
2.
Matutong magpakumbaba at pumalakpak para
Pag-aaway dahil sa sa tagumpay ng iba. Kailangang ang pagbabago
pride, inggit, at ay magmula sa ating sarili at ito ay ang
insekuridad sa kapwa. pagiging kuntento at kalmado.
Dahilan ng Hidwaan
3.
. Isa sa mga nagiging hidwaan sa ating bansa
ay ang mga ari-arian tulad ng lupa.
Relihiyon
Upang maiwasan ang
hidwaan maaring magkaroon ng mga
organisasyon na kung saan sila ang titingin
ng mga ari-arian at sila ang gagawa ng
matibay na kasulatan ng sagayon ay walang
malabong pagkakaintindihan
ang mangyari.
MGA KARAGDAGANG GAWAIN
- Lokasyon - Lokasyon
- Angkan - Angkan
- Kultura sa pag-aasawa - Kultura sap ag-aasawa
- Panggagamot - Panggagamot
- Siklo ng buhay - Siklo ng buhay
- Paggawa - Paggawa
- Kapistahan - Kaugalian at paniniwala
- Kaugalian at paniniwala - Kapistahan
- Paglilibing - Paglilibing
b. Kalahan
- Lokasyon
- Angkan
- Kultura sa pag-aasawa
- Panggagamot
- Siklo ng buhay
- Paggawa
- Kapistahan
- Kaugalian at paniniwala
- Paglilibing
c. Ibaan
- Lokasyon
- Angkan
- Kultura sa pag-aasawa
- Panggagamot
- Siklo ng buhay
- Paggawa
- Kapistahan
- Kaugalian at paniniwala
- Paglilibing
d. Kankana-ey
- Lokasyon
- Angkan
- Kultura sa pag-aasawa
- Panggagamot
- Siklo ng buhay
- Paggawa
- Kapistahan
- Kaugalian at paniniwala
MGA KARAGDAGANG GAWAIN
A. Magsaliksik ng mga karagdagang impormasyon ayon sa mga sumusunod
PANUTO : Kilalanin ang kultura ng mga sumusunod na pangkat-etniko. Isulat sa patlang kung
ito ay kultura ng ; Ilokano, Kalahan, Ibaan , Kankana-Ey o Ita
Ibaan 1. Pangarap ng mga dalaga ang isang kasal, subalit sa mga kalalakihan naman ito’y isang
bangungot.
Kankana-ey 2. Sila ay mga tahimik at mapagmahal sa kapayapaan. Ang kanilang lugar ay
tinaguriang “Salad Bowl of the Philippines” .
Ilokano 3. Sila ay kinikilalang mga masisipag, matitipd at masinop.
Kalahan 4. May tinatawag silang tagapamagitan upang tumuklas kung sino ang sanhi ng
karamdaman at kung paano magagamot ang karamdaman.
Ita 5. Ayon sa pagpapahayag ng kanilang kalikasan, may mga pahiwatig din ang mga hayop
tungkol sa kalagayan ng kanilang panahon.
Ilokano 6. Ang pangkat na ito ay nagtatabi ng pera upang may magagamit sa hindi inaasahang
pagagastusan.
Kankana-ey 7. Nisanan ang tawag sa kanilang pamamanhik ng mga magulang ng kalalakihan sa
magulang ng kababaihan.
Kankana-ey 8. Ang kanilang wika ay isa sa mga wikang ginagamit sa mga lalawigan ng
bulubundukin.
Ita 9. Noong unang panahon, ang pangkat na ito ay hindi nakakapagpahayag ng kanilang ideya at
damdamin kundi sa pamagitan lamang ng pagsasalita.
Ilokano 10. Kung may patay man sa kanilang lugar, ito ay pinaglalamayan ng ilang araw.
Ita 11. Sila ay patuloy na nagpalipat-lipat sang-ayon na kung saan sila mabubuhay.
Ita 12. Karamihan sa kanila ay naninirahan sa Zambales .
Ilokano 13. Nakaugalian nila ang magbungkal ng lupa hanggang sa kasalukuyan.
Ibaan 14. Ang kanilang wika ay Tagalog at may pekyularidad depende sa komunidad na
gumagamit nito dahil sa leksikon at ponolohiya.
Ita 15. Mga kauna-unahang pangkat ng mga tao na nanirahan sa Pilipinas.
RUBRIKS
Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsulat ng komposisyon, talata at sanaysay .
KABUUAN
KABUUAN