You are on page 1of 4

KABANATA I

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Ang kabanatang ito ay ilalahad ang lugar kung saan nakatira ang Tribong
Maguindanaon, etimolohiya ng salitang Maguindanaon at ano ang ibig sabihin ng
salitang ito. Tatalakayin rin dito ang populasyon ng lugar kung saan naninirahan
ang tribo at kung ilan ang gumagamit ng wikang Maguindanaon.

I. Etimolohiya

(ARMM). Na naitatag noong Nobyembre 22, 1973. Ang Tribong


Maguindanaon ay isang etnolingwistikong grupo na naninirahan sa timog-sentral
ng Mindanao, ang pinakamalaking isla sa timog ng Pilipinas. Ang pangalang
Maguindanaon ay nangangahulugang "mga tao ng mababang lupain" o “people
of the floodplain”. Kinuha ang pangalang Maguindanaon sa salitang ugat na
“danaw” na ang ibig sabihin ay lawa, kaya maaari ring kahulugan ng
Maguindanaon ay “mga tao ng lawa” o “people of the lake”.
Ang Maguindanaon ay isang wikang Awstronesyo na sinasalita ng karamihan ng
populasyon ng lalawigan ng Maguindanao sa Pilipinas. Ito ay sinasalita din ng
ilang minorya sa iba't ibang bahagi ng Mindanao. Ito ang naging wika ng
makasaysayang Sultanato ng Maguindanao, kung saan ito'y umiral bago at sa
panahon ng mga Kastila mula 1500 hanggang 1888 (Gorlinski, 2019).

Figyur 1. Mapa ng Isla ng Maguindanao at mga Kalapit na Lugar


(mula sa www.googlemap.com)
II. Lugar

Figyur 2. Provincial Capitol, Maguindanao


(mula sa www.pressreader.com)

Ang Maguindanaon, o Maguindanaw, ay kilalang naninirahan sa North


Cotobato, South Cotobato, Sultan Kudurat, Zamboanga del Sur, at
Maguindanao. Ang Maguindanao ay isang probinsya sa Pilipinas na
matatagpuan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM. Mula noong
2014 ang panlalawigang kabisera ng Maguindanao ay Buluan ngunit ang
lehislatibong sangay ng pamahalaang panlalawigan, ang Sangguniang
Panlalawigan, ay nag titipon-tipon sa lumang kapitolyo sa bayan ng Sultan
Kudarat. Ang mga hangganan nito Lanao del Sur sa hilaga, Cotabato sa
silangan, Sultan Kudarat sa timog, at ang Illana Bay sa kanluran. Ang lugar ng
Maguindanao ang may pinakamalaking konsentrasyon ng tribong Maguindanaon
(Aquino, 2016).

Ang mga Maguindanaon ay nahahati sa dalawang pangunahing pangkat,


bawat isa ay may sariling diyalekto at tradisyunal na lokasyon: Ang Tau-sa Ilud o
“mga tao ng ibabang lambak” at ang Tau-sa Laya o “mga tao ng kanang itaas na
lambak”. Ang Tau-sa Ilud ay naninirahan sa paligid ng Cotabato City at umaabot
sa South Dinaig. Ayon sa kaugalian, binubuo nila ang Sultanate ng Maguindanao
na nakabase sa Lungsod ng Cotabato. Ang Tau-sa Laya, sa kabilang banda, ay
makikita sa lugar ng Datu Pian na umaabot sa timog na kinabibilangan ng
Buluan. Bilang isang grupo, itinatag nila ang Rajah ng Buayan na nakabase sa
kasalukuyang bayan ng Datu Piang (Ethnic Groups Philippines, 2019).
III. Populasyon

Figyur 3. Sultan Hassanal Bolkiah Masjid, Maguindanao


(mula sa nojuanisanisland.com)

Ayon sa 2015 census ay umabot nasa 1,173,933 ang populasyon ng


Maguindanaon. Ang lugar ng Maguindanaon ay may lawak na 4,871.60 km2
(1,880.94 sq mi) at pinalolooban ng 36 na munisipalidad ang Ampatuan, Barira,
Buldon, Buluan, Datu, Abdullah, Sangki Datu, Anggal, Midtimbang, Datu Blah T.
Sinsuat, Datu Hoffer Ampatuan, Datu Montawal, Datu Odin Sinsuat, Datu
Paglas, Datu Piang, Datu Salibo, Datu Saudi-Ampatuan, Datu Unsay, General
Salipada K. Pendatun, Guindulungan, Kabuntalan, Mamasapano, Mangudadatu
Matanog, Northern Kabuntalan, Pagalungan, Paglat, Pandag, Parang, Rajah
Buayan, Shariff Aguak Shariff Saydona Mustapha, South Upi, Sultan Kudarat,
Sultan Mastura, Sultan sa Barongis, Sultan Sumagka, Talayan at Upi (Ilao,
2019).
BIBLIOGRAPIYA

AQUINO, A.L. (2016). Maguindanao. Mula sa:


https://prezi.com/_4zjglodxxmn/maguindanao/

ETHNIC GROUPS PHLIPPINES. (2019). Maguindanaon. Mula sa:


http://www.ethnicgroupsphilippines.com/people/ethnic-groups-in-the
philippines/maguindanaon/

GORLINSKI, V. (2019). Maguindanao. Encyclopedia Britannica.


Mula sa: https://www.britannica.com/topic/Maguindanao-people

ILAO, L. (2019). Maguindanao “People of the Floodplains”. Mula sa:


https://www.academia.edu/32016639/MAGUINDANAO_People_of_the_Fl
ood_plain_

You might also like