Professional Documents
Culture Documents
Renato R. Santillan
Kung susuriin ang sukat ng anlong sa itaas may pito itong pantig sa bawat
taludtod. Kung papansinin naman ang tugma nito, ang taras, melamelag, ak at arap
sang-ayon kay Dr. Jose Rizal ay nasa anyong malakas na katinig ang tugmaan.
Malinaw sa halimbawang ito na ang anlong ng Pangasinan ay walang pinagkaiba sa
tugmaan ng tula sa Tagalog. Gaya ng ibang wika sa Filipinas, umusbong ang panulaan
ng Pangasinan bago pa dumating ang mga Kastila. Subalit habang nasasakop ang
bansa ng mga dayuhan unti-unting napag-iwanan at naglalaho ang panulaan ng
Pangasinan sa iba pang wika ng Filipinas. Ito ang malaking paniniwala ni F. Sionel
Jose, Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura. Ayon sa kanya: “Pangasinan as a
literary language is waning.”
Sonito 1
Sonito 64
Hindi iisa o dadalawang ulit na nangyari na walang sesura ang tula ni Villafania.
Upang mapatotohanan ang aking sinasabi. Narito ang ilang mga halimbawang tula:
sonito 180
sonito 181
sonito 165
Sonito 158
Sa unang saknong, hindi nagtugmaan ang mga huling salita ng mga taludtod
nito. Gayundin ang ikalawang saknong maliban sa ikatlong saknong na nasa
tugmaang /g, g/. Para lalong mapatunayan ang aking sinasabi basahin ang ilang soneto
niya at husgahan niyo kung tama an gang aking sinasabi. Isa sa mga tulang
nakapaloob sa Malagilion ni Villafania ay ang villanelle. Ang villanelle ay tulang liriko na
may labinsiyam na taludtod, may dalawang tugma lamang at inuulit ang ilang linya. Ang
una ay nauulit sa ikaanim, at ikalabindalawang taludtod. Samantala ang ikatlong
taludtod nito ay nauulit sa ikasiyam at ikalabinlimang taludtod. Sa huling dalawang
taludtod, pinagsasama ang una at ikatlong taludtod. Sa aklat ni Villafania mayroon
siyang koleksyon na limampu (50). Pansin ang halimbawa sa ibaba:
Villanelle 1: Talabay
“Education’s only,the Envelope –
Give,me,the,Letter.” – Jose Garcia Villa
(1) say talabay et sobri lambengat (A1)
(2) ya anggapo’y iyan ono karga (b)
(3) iter o yawat yo’d siak so sulat (A2)
Kung susuriin ang tugmaan ng villanelle 4 nasa iisang tugmaan ito. Mayroon
itong sampung pantig sa bawat taludtod. Sa una at ikalawang taludtod, tama ang
sesura nito dahil sa unang taludtod nahahati ito sa pagitan ng salitang binta at na.
Gayundin sa ikalawang taludtod nasa pagitan ng salitang ka at na. Mali naman ang
sesura ng ikatlong taludtod dahil nahahati ito sa salitang ipapatnag (ipa/patnag). Sa
ikalawang saknong, may tamang sesura ang ikaapat na taludtod at ikaanim na taludtod.
Samantalang ang ikalimang taludtod ay mali ang sesura nito. Dahil nahati ang taludtod
sa salitang amin (a/min). Sa kabuuan, karamihan sa villanelle sa Malagilion ay walang
sesura ngunit natupad nito ang pag-uulit-ulit na taludtod na kailangan sa isang
villanelle.
Kung susuriing mabuti ang saknong ang tinitukoy na personang ko’y sa taludtod
na: singa bukbukor ko’y mibabakal ay dalawa ang pakahulugan una ay ang taong
taga-Pangasinan na nagmamalasakit sa wikang Pangsinan at ang pangalawa ay ang
may-akda. Sa tingin ng may-akda ay nag-iisa siyang nagmamalasakit sa wikang
Pangasinan. Bunga nito, lalong humihina ang wikang Pangasinan dahil sa
impluwensiya ng mga wikang Ingles at Filipino. Kaya nga wika niya sa soneto 128:
Ayon pa sa kanya ay nakalimutan hindi lang ang wika ng Pangasinan kundi ang
lumang pangalan nito. Mapapansin ito sa soneto 104. Ang tinutukoy niya ritong lumang
pangalan ay Caboloan.
Bunga nito, ang mga tulang nalikha bago dumating ang mga Kastila ay tuluyan
ng nawala. Gayundin ang mga tumutula ay kasabay na naglaho ng Caboloan. Makikita
ito sa soneto 94 at villanelle 23.
Sonito 94
villanelle 23
Magkagayon man, malakas pa rin ang loob ni Villafania na muling babangon ang
wikang Pangasinan dahil naniniwala siya na buhay pa rin ang panitikan ng Pangasina n.
Naniniwala siya na ang magpapabangon ay ang kagaya niya manunulat. Hanggat may
nagsusulat sa wikang Pangasinan na gaya niya hindi kailan man mamatay ang wika ng
Pangasinan Ito ang kanyang sinabi sa villanelle 46 at soneto 248
Villanelle 46
sonito 248
Malakas ang kaniyang loob na ibigay ang mga aklat na bunga ng mga
reklamasyon ng pag-iisip na nagpapatunay na buhay ang panulaan ng Pangasinan sa
kaniyang pangunahing kritiko na si Virgilio Almario. Makikita ito sa soneto 164.
Sonito 164
(para ed si Virgilio S. Almario)
Hindi naman porke wala ng nagsusulat sa wikang ito ay patay na ito. Lalo na at
sa kasalukyang panahon ay ipinapatupad ang K-12 kung saan gagamitin ang wikang
bernakular sa pakikipagtalastasan sa antas ng elementarya kaya naman ito ang
magbibigay daan upang mahalin at tangkilikin hindi lamang ng mga Pangasinense
gayundin ang iba pang nagsasalita ng bernakular na wika ang wika at panitikan ng
Pangasinan. Ito ang magtutulak sa lalong pagpapaunlad ng kulturang kinagisnan ng
mga Pangasinense. Kaya naman, hindi na masasabing namamatay na wika ito kundi ito
ay pagpupursigeng mapalawak pa at muling maitayo ang bandera ng panitikang
kikilalanin pa ng mga kaapu-apuhan ng mga ninunong nagsikap mapaunlad at
mapayabong ang kulturang kinasanayan.
Nawa’y ang akdang ito ang magpanibago sa pananaw ng mga taong pilit na
ibinabaon sa limot at huwisyo ang literaturang nagpaging sa atin. Literaturang kung ako
ang tatanungin ay magiging sandata sa pakikipagsapalaran sa daigdig ng katotohanan
at pag-asa.
Ang pag-ibig sa sariling dugo’t laman ng buhay ang siyang instrumento sa pag-
unlad hindi lamang ng iyong bayan kundi ng iyong sarili. Bago mo pag-aralan ang
panitikan ng iba, pag-aralan mo muna ang panitikan mo upang hindi ka maging
mangmang sa sarili mong teritoryo at sa sarili mong kaligiran. Amayamay so ibabagak
diad salita, iner so mansimula? Sa pinanggalingan natin, hindi masamang lumingon
dahil ang paglingon ay tanda ng paggalang sa pinagmulan.
Kumbaga sa multo, unti-unti itong susulpot hindi para takutin ka kundi upang
ipaaalala sa iyo na “Hoy, buhay ko yang kinakalimutan mo”. Patuloy kitang mumultuhin
at uusigin hanggang sa ikaw ang magsawa at lumingon sa iyong pinanggalingan.
Ang kultura ng tao ay dumaraan sa dilim ngunit unti-unting mahahawi ito tulad ng
lunar eclipse na sandaling iimbulog sa iyong kinang subalit aalpas pa din ang awit ng
buhay na puno ng pagbabanyuhay sa soneto at villanelle.