You are on page 1of 2

PANANDAAN (algebra) = sangay ng sipnayan

kung saan karaniwan ang mga titik ay ginagamit


bilang "pananda" upang kumatawan sa mga
bilang o halaga. Kaya kung hihimayin: pananda +
-an
SINING (art/s) = taal na salitang Tagalog
BILNURAN (arithmetic) = sangay ng sipnayan na
pumapakitungo sa mga bilang maging ng
kanilang pagdadagdag, pagbabawas, paghahati at
pagpaparami. Kaya kung hihimayin: bil(ang) +
panu(nuran). Ang panunuran ay ang Tagalog sa
salitang "order" na siyang mahalaga sa paggamit
ng mga sakilos (operations) upang magbigay ng
iisang sagot.
HAYKAPNAYAN (biochemistry) = [bu]hay +
kapnayan ("chemistry")
HAYNAYAN (biology) = Ang salitang biology ay
mula sa dalawang salitang Griyego na, bios,
"buhay" at, -logia, "pag-aaral (tungkol) sa." Kaya
kung hihimayin ang haynayan: [bu]hay +
[ha]nayan.
TAYAHAN (calculus) = Ang calculus ay mula sa
salitang Latin na, calx, "small pebble" na noo'y
pangkaraniwang ginagamit sa pagbibilang katulad
ng nasa abacus. Kaya ang tayahan ay mula sa
taya ("calculation; estimate") + -han.
KAPNAYAN (chemistry) = sangay ng agham na
pumapakitungo sa pagtukoy ng mga substances
na bumubuo sa matter. Paghihimay: [sang]kap +
[ha]nayan
ISIGAN (dynamics) = isig ("force") + -an
DAGIKAPNAYAN (electrochemistry) = dagi-
(unlaping nagpapahayag ng kaugnayan sa
dagitab o electricity) + kapnayan
DAGISIKAN (electronics) = dagisik ("electron") + -
an
SUKGISAN (geometry) = suk[at] + [hu]gis + -an
BALARILA (grammar) = "bala ng dila"
DANUMSIGWASAN (hydraulics) = danum-
(unlaping kinuha sa salitang Kapampangan na,
danum, "tubig") + sigwasan ("mechanics")
DALUBWIKAAN (linguistics) = dalub[hasa] + wika
+ -an
BALNIAN (magnetism) = balni- ("magneto-,"
halaw sa salitang balani) + -an
SIPNAYAN (mathematics) = Ang salitang
mathematics ay nag-ugat pa sa salitang Griyego
na, mathema, "agham, kaalaman, pagkatuto."
Pagsalin: [i]sip + [ha]nayan
SIGWASAN (mechanics) = sangay ng applied
mathematics pumapakitungo sa kilos/paggalaw
at sa mga puwersang nagdudulot nito.
Pinagmulan: [i]sig ("force") + [la]was ("body,"
buhat sa ETD**) + -an
MIKHAYNAYAN (microbiology) = mik[mik] +
haynayan ("biology")
LIKNAYAN (physics) = lik[as] + [ha]nayan
BUHAGSIGWASAN (pneumatics) = buhag-
("pneumato-," of or pertaining to gases) +
sigwasan ("mechanics")
AGHAM (science) = taal na salitang Tagalog
PALATANGKASAN (set algebra/theory of sets) =
pala- + tangkas ("set") + -an
TIGILAN (statics) = tigil + -an
PALAULATAN (statistics) = pala- + ulat ("report,
data") + -an
INITSIGAN (thermodynamics) = init- ("thermo-,"
heat) + [i]sigan ("dynamics")
TATSIHAAN (trigonometry) = sangay ng sipnayan
kung saan ginagamit ang ugnayan ng mga gilid
at sulok ng isang tatsulok sa tulong ng kaukulang
kabisa (function) ng kaukulang sulok. Ang
salitang trigonometry ay mula sa dalawang
salitang Griyego na, trigon, "tatsulok" at, metron,
"sukat." Sa paghihimay, ang tatsihan ay tatsiha +
-an. Dagdag kaalaman na rin, ang tatsiha ay
ibang katawagan sa tatsulok.

You might also like