You are on page 1of 20

KULTURA AT LIPUNAN NG ILANG PANGKAT AT LUGAR SA

PILIPINAS
Aralin 8
___________________________________________________________________

PANIMULA

Hindi na lingid sa ating kaalaman na ang Pilipinas ay isang kilalang


bansa na mayaman sa wika, kultura at maraming iba’t ibang pangkat-etniko na
bumubuo rito. Ang bawat pangkat ay may natatanging o bukod-tanging kultura
kung kaya ito ay kanilang iniingatan, pinipreserba, pinahahalagahan at
ipinagmamalaki. Sapagkat, dito nakikilala ang kanilang pagkatao kung paano sila
nakikitungo sa ibang tao, paano sila nagdidiriwang ng mga mahahalagang
okasyon gaya ng Kapistahan, Kasal, Kaarawan at iba pa at gayundin ang
kanilang mga paniniwala at pamahiin na nagsisilbing gabay nila upang maiiwasan
ang anumang kapahamakan. Ang mga kulturang ito ay pinaniniwalaang
magpasahanggang ngayon ay ginagawa at sinusunod pa rin nila. Subalit,
mayroon din naman na hindi na nila sinusunod dahil na rin sa pagbabago sa
kapaligiran o lipunang kanilang ginagalawan. Hindi maitatatwang, ang
pagbabago ay naging isa sa mga salik na ang kulturang nakasanayan ng isang
indibidwal ay sadyang nagbabago. Sapagkat, ang kultura ay maituturing din na
isang dinamiko .

Sa araling ito ay matutunghayan ang tungkol sa iba’t ibang tribo sa


Pilipinas at ang kulturang mayroon sila. Ang mga impormasyong napapaloob dito
ay hango sa mga pananaliksik bilang batayan ng impormasyong nakalap.
MGA LAYUNIN

Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang;

a.) Natutukoy ang ilang mga pangkat sa Luzon.


b.) Nailalarawan ang pisikal na pangangatawan ng pangkat sa Luzon

c.) Natatalakay ang mga kultura ng ilang mga pangkat sa Luzon.

 Paniniwala
 Panggagamot
 Paggawa
 Pagpapahayag ng kalikasan
 Pag-aasawa / Pagpapakasal
 Wika

d.) Napahahalagahan ang natatanging kultura ng bawat pangkat sa


Luzon.

__________________________________________________

BALANGKAS NG PAKSA

Kultura at Lipunan ng Ilang Pangkat at Lugar sa Pilipinas

Aralin I

1.1. Ang mga Ilokano

1.2. Ilang Paniniwala ng mga Kalahan

1.3. Mga kaugalian sa Pag-aasawa sa Ibaan, Batangas

1.4. Ang Pagkakanyaw

1.5. Mga ita sa bundok ng Zambales


SUBUKIN NATIN !
PANUTO : Ayon sa iyong natutuhan, magtala ng iba’t ibang pangkat na taga-
Luzon at ilarawan ang kanilang katangian .

Mga Pangkat sa Luzon Deskripsiyon/ Katangian

1. Mangyan Ang mga Mangyan ay nakatira sa mga liblib na pook


ng Mindoro. Sila ay mahiyain, kulay kayumanggi, itim
ang buhok, maamong mata, at may katamtaman ang
tangkad.
2. Kalinga Sila ay naninirahan sa pinakahilagang bahagi ng
Luzon. Sila ay mahilig sa makukulay na pananamit at
pampaganda.
3. Ivatan Ang pangkat etniko na ito ay mga mamamayan ng
Batanes. Sila ay relihiyoso, masisipag, matitiyaga,
magagalang at mapagkakatiwalaan.
4. Tinguian Matatagpuan ang mga Tinguian sa Abra. Naglalagay
sila ng tattoo na itim sa ngipin upang akitin ang
napupusuan. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng isang
asawa lamang at pinapatawan ng malaking multa ang
pagtataksil sa asawa.
5. Ibaloi Matatagpuan sa Timog Silangan ng Benguet. Kasama
sa wika ng mga Ibaloi ang ilang salitang Ilokano at
Pangasinense. Masisipag na mga kaugalian sa kasal,
diborsyo, pagmamana at mga krimen. Kinikilala din
nila ang Pambansang Pamahalaan.

Gusto kong tularan ang mga Ilokano sapagkat sila ay kuripot o masinop sa
pera. Marahil sa ibang tao, mahirap maging kuripot dahil sa pagiging
maluho. Ngunit, kailangan itong ugaliin sapagkat hindi lahat ng araw ay
may pera tayong mawawaldas. Para sa oras ng kagipitan tayo ay may
madudukot.
Gusto ko ring tularan ang mga Kalinga dahil mahilig sila sa mga
makukulay na kasuotan at pampaganda. Ipinapakita nito ang likas na
pagiging masiyahin nila at sila ay maalaga sa kanilang sarili.

Ang kultura rin ng mga Ivatan ay magandang tularan. Sila ay masipag,


relihiyoso, at mapagkakatiwalaan. Ito ang mga katangiang sumisimbolo sa
kanila at bilang isang Pilipino lubos na kahanga-hanga na matuklasang ang
mga tribong katulad ng mga Ivatan ay may ganitong uri ng katangian.

Panghula, ang kultura ng mga Tinguian sa pag-aasawa ay sadyang


nakakamangha at dapat na tularan. Sa kanilang kultura, kailangang isa
lamang ang maging asawa dahil kung hindi masusunod, lalapatan ang
nagkasala ng kaukulang parusa. Sa aking palagay, ito ay mainam na
kultura na dapat tularan sapagkat ganoon naman dapat kapag nag-asawa,
huwag ng maghanap ng iba.
RUBRIKS
Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsulat ng komposisyon, talata at sanaysay .
Napakahusay Katamtaman Di-gaanong
Pamantayan (5) (3) Mahusay Marka
(2)
Napakalinaw at Hindi gaanong Mahirap
1.Sistematiko at malinaw sistematiko ang malinaw at maayos maintindihan ang
paglahad ng ang pagkalahad ng ipinahahayag na
na pagkalahad ng detalye detalye detalye detalye
Angkop ang Hindi gaanong Walang ibinigay na
2.Kaangkupan sa nilalaman ng angkop ang bago at angkop sa
paksa nilalaman ng paksa nilalaman ng paksa
nilalaman ng paksa
Mahusay na Hindi gaanong Hindi mahusay ang
3. Pagsunod sa tuntuning nasunod ang nasunod ang ilang pagsunod sa
tuntuning tuntuning tuntuning
panggramatika panggramatika panggramatika panggramatika
Napakalinis at Maayos subalit Madumi at magulo
4.Kalinisan at kaayusan napakaayos ang hindi gaano malinis ang paraan ng
pagkakasulat ang pagkakasulat pagkakasulat
sa pagsulat

KABUUAN

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsagot ng mga pagsasanay .

Napakahusay Katamtaman Di-gaanong


Pamantayan (5) (3) Mahusay Marka
(2)
Malinaw na Hindi gaanong Mahirap
1.Malinaw ang pagkalahad ng malinaw ang malinaw ang intindihin ang
pagkalahad ng pagkalahad ng ipinahahayag
detalye. detalye detalye na detalye
Nasunod nang Hindi gaanong Hindi nasunod
3. Nasunod nang wasto ang wasto ang nasunod ang ang panuto
panuto panuti
panuto
Napakalinis at Maayos Madumi at
4.Kalinisan at kaayusan sa napakaayos subalit hindi magulo ang
ang gaano malinis paraan ng
pagsulat pagkakasulat ang pagkakasulat
pagkakasulat

KABUUAN
MAGBASA AT MAGNILAY-NILAY

LUZON

7.1 ANG MGA ILOKANO


( Ni : Teresita I. Abrea mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan )

Ang mga Ilokano ay kilala bilang masisigasig at matitipid, na ang bawat sentimo ay
pawang mahalagang bagay na para sa kanila. Ang bawat segundo, minuto, oras at araw sa
paggawa ng anumang trabaho ay kanilang pinahahalagahan , sapagkat dito sila kumikita at
nabubuhay. Ang badyet sa isang taong konsumo ay para sa pagkain at sa iba pang
pangangailangan. Mahilig silang magtabi ng pera para magagamit nila sa mga hindi
inaasahang paggagastusan (emergency needs). Kapag may pagkakataon na sila’y kinakapos,
hangga’t maaari ay gagawa sila ng paraan para matugunan ang kanilang pangangailangan. Ito
ang mangingilan-ngilang katangian ng mga Ilokano. Sa Ilocos makikita ang karamihan sa
kanila.

7.2. ILANG PANINIWALA NG MGA KALAHAN


( Ni : Lyd Fer Gonzales mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan )

Nasa mataas na lugar ng Acacia, Kahel at Kayapa, Nueva Vizcaya ang pook na
pinaninirahan o kinanalgyan ng mga Kalahan. Ang pook na ito ay mataas at buhat sa tuktok ng
bundok ay buong paghangang namamalas nang nakatayo ang kaakit-akit na kapaligirang iginuhit
ni Bathala. Ang mga Kalahan ay isa sa mga pangkat-etniko na naninirahan sa kabundukan ng
Nueva Vizcaya. Gaya ng ibang pangkat, ang grupong ito ay may kakantahan din. Kung
pananamit ang pag-uusapan, hindi rin sila pahuhuli sapagkat ang kanilang mga kasuotan ay
katulad din sa kasuotang sinusuot ng mga katutubo sa Baguio, bagamat ang iba’y gumagamit na
rin ng mga kasuotang karaniwang nakikita sa kabayanan.

7.3. MGA KAUGALIAN SA PAG-AASAWA SA IBAAN, BATANGAS


( Ni : Maria Bondoc-Ocampo mula sa aklat ng Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan )

Ang kasal para sa mga dalagang Ibaan ay isang tunay na kanilang pinapangarap . Ang
pangkat na ito ay matatagpuan sa Batangas. Ang pangarap nilang maikasal ay marahil dulot ng
kakaibang tradisyon nito na hanggang ngayon ay sinusunod ng mamamayan lalo na ng mga
tagabaryo. Sa mga kababaihan, ito ay isang pangarap, subalit para sa mga lalaki, ito ay
masasabing bangungot lalo na kung iisipin nila ang malaking halaga na kanilang magagastos sa
kasal.
7.4. ILANG MGA KATANGIAN NG MGA KANKANA-EY
( ni Florencia C. Victor mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Ang Benguet ay isa sa mga lalawigan ng bulubundukin sa bahaging norte ng Luzon.


Ito ay may labintatlong munisipalidad tulad ng Bakon, Kibungan, Manyakan, Bugnias,
Kapangan, Bukod, Tublay, Itugon, La Trinidad, Sablan, Tuba, Atok, Kabayan at Siyudad ng
Baguio. Ang lugar ng Benguet ay isang tahimik at may napakagandang klima dahil sa malamig
na klima nito. Tahimik ang mga tao dito at sila ay mapagmahal sa kapayapaan. Bukod dito,
ang Benguet ay binansagang “Salad bowl of the Philippines” sapagkat makikita rito ang iba’t
ibang uri ng gulay na pampalusog. Dahil sa klima rito, sagana ang mga berries na gaya ng
strawberries, mulberries at blueberries. Mayaman sa mina ang mga bundok dito gaya ng
tumbaga o tanso, plata at ginto. Kankana-ey din ang tawag sa kanilang wika.

7.5. ANG PAGKAKANYAO


( ni Edgar Daniel mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

May mga dahilan kung bakit naisasagawa ang pagpadit o pagkakanyao. Una ay ang
pagpapasalamat sa pagkakaroon ng kayamanan at ang ikalawa ay bunga ng kahilingan ng isang
patay na miyembro ng pamilya na naipababatid sa pamamagitan ng panaginip o kapag ang
isang karamdama’y matagal na sa isang miyembro ng pamilya ay hindi mapagagaling ng mga
gamut , sa gayo’y tumatawag na sila ng nakaalam sa gawaing ito na kilala sa katawagang hi-
bok o anop para malaman kung magpapadit ang pamilya.

7.6. MGA ITA SA BUNDOK NG ZAMBALES


( ni Ligaya T. Rubin mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Ang Ita ayon sa kasaysayan ng Pilipinas ay itinuturing na kauna-unahang mga pangkat


ng tao na naninirahan sa bansang ito. Ang mga Ita ay itinaboy ng sibilisasyon kaya ang
kanilang pangkat ay matatagpuan sa kabundukan na walang kaalaman. Sila ay patuloy na
nagpapalipat-lipat na kung saan sila mabubuhay.

Ang dalawang baryo na Napucol at Naguisguis ay mga baryo na kung saan


matatagpuan ang karamihan sa mga Ita. Ito ay matatagpuan sa kalagitnaan ng mga
bulubundukin ng Zambales. Ang mga Ita ay walang ulam-ulam kung sila’y kumakain, kanin
lamang ang kanilang kinakain at kung minsa’y nilagang kamote lang. Ang kanilang pisikal na
pangangatawan ay : kulot na kulot ang buhok, sunog na sunog ang balat, pandak na pandak,
sarat ang ilong at makapal na makapal ang labi.
7.7 Pagkakaroon ng Kapayapaan sa Kabila ng Pagkakaiba

Ang Mga Pangkat Etniko na Nagsama-Sama sa Malalaking Lungsod

(mula sa pag-aaral na “Ang Balangkas Ng Multikulturalismo At Ang Pagbubuo Ng Bansang


Pilipino” (Demeterio III, 2009)

May malaking pagkakaiba ang sitwasyon ng isang grupo ng mga Maranao


halimbawa, o ng Ifugao, na naninirahan sa sarili nilang heograpikal na teritoryo, sa
sitwasyon ng katulad na grupo ng mga Maranao, o ng Ifugao, na naninirahan sa isang
malaking lunsod, tulad ng Metro Cebu o Metro Manila, na hindi na sakop ng kanilang
heograpikal na teritoryo. Pero sa dalawang sitwasyong ito, dapat umiiral pa rin ang
multikultural na kamalayan. Para maging mas lilinaw ang pagkakaiba ng naturang mga
sitwasyon, mahalagang banggitin natin ang binaryo na binuo ni Kymlicka tungkol sa mga
nasyonal na minorya na nasa loob ng isang multinasyonal na estado, at mga pangkat
etniko na nasa loob ng isang multi-etnikong estado.

Ang mga nasyonal na minorya ay ang mga pangkat na may sariling kasaysayan,
teritoryo, wika at kultura na napasama sa estado sa pamamagitan ng kongkista,
kolonisasyon, o di kaya sa proseso ng federasyon. Para kay Kymlicka may karapatan ang
mga nasyonal na minorya para sa sariling pamamahala at espesyal na representasyon. Ito ang
sitwasyon na naaangkop para sa nabanggit na nating mga Maranao o Ifugao na namamalagi
sa kani-kanilang teritoryo. Dahil nasyonal na minorya sila, ang kani-kanilang teritoryo
ay dapat may naangkop na antas ng awtonomiya.

Ang mga pangkat etniko para kay Kymlicka ay ang mga grupo ng mga imigrante, na
dahil kusa silang lumipat ng tirahan ay nangangahulugang dapat kusa din silang
makikibagay at makiki-isa sa mayoryang pangkat na naninirahan sa nililipatan nilang
teritoryo. Dahil sa pagkukusang ito, ang karapatan ng mga pangkat etniko ay hindi
kasinglawak at kasinglalim sa mga karapatan na naaangkop para sa mga nasyonal na
minorya. Ngunit naniniwala si Kymlicka na dapat pa rin silang bigyan ng mga karapatan
tulad ng proteksyon mula sa diskriminasyon, pagkikilala bilang isang kultural na pangkat,
eksempsyon sa mga patakarang lumalabag sa kanilang mga relihiyosong paniniwala, at
pondo para sa kanilang mga kultural na gawain.

Ito naman ang sitwasyong naaangkop para sa nabanggit na nating mga Maranao o
Ifugao na naninirahan sa isang malaking lungsod na hindi na sakop ng kanilang heograpikal
na teritoryo. Dahil nasa labas na sila ng kani-kanilang teritoryo, hindi na awtonomiya ang
dapat pag-uusapan, kung hindi sapat na respeto para sa kanilang kultura at sapat na espasyo
para mapapangalagaan pa rin nila ang kani-kanilang kultural na kaakuhan.

Para madalumat pa natin ng mas malalim ang uri ng multikulturalismong


nararapat sa multi-etnikong istraktura ng mga malalaking lunsod maari nating pag-aralan ang
teorya ng isang sosyolihistang Ingles na si John Rex. Ang modelo ng
multikulturalismong iminungkahi ni Rex ay humati sa lipunan ayon sa binaryo ni Max
Weber na pribado at publikong mga domeyns, at ayon sa binaryo ni Ferdinand Tonnies na
”Gemeinschaft” at ”Gessellschaft.”
Si Weber ay isang tanyag na Alemang sosyolohista. Ang kanyang pribadong domeyn
sa kanyang binaryo ay tumutukoy sa tahanan; at ang publikong domeyn naman ay
tumutukoy sa lipunan labas ng tahanan, kung saan ang batas, ang kalakalan ng merkado, at
ang trabaho ay ang nangingibabaw. Personal ang interaksyon sa loob ng pribadong domeyn,
habang impersonal naman ang interaksyon sa publikong domeyn. Si Tonnies naman ay isa
ring tanyag na sosyolohistang Aleman. Ang ”Gemeinschaft” sa kanyang binaryo ay
tumutukoy sa uri ng lipunan kung saan personal ang pakikitungo ng mga tao. Ito ay
matatagpuan sa tahanan, sa iilang mga kapitbahayan, at sa iilang maliliit na bayan kung saan
magkakakilala ang mga tao. Ang ”Gesellschaft” naman ay tumutukoy sa isang uri ng
lipunan kung saan impersonal ang pakikitungo ng mga tao. Katulad ito sa publikong
domeyn ni Weber kung saan ang batas, ang kalakalan sa merkado, at ang trabaho ay ang
nangingibabaw.

Ang modelong isinusulong ni Rex ay nagmumungkahi na sa pribadong domeyn at sa


lebel ng ”Gemeinschaft,” ibig sabihin sa tahanan, kapitbahayan, maliliit na komunidad,
at simbahan, ay maaaring pa-iralin ang ang pagiging multikultural at multi-etnikal. Habang
sa publikong domeyn at sa lebel ng ”Gesellschaft,” ibig sabihin sa batas,edukasyon, merkado,
trabaho, at estado, ay dapat iiral ang monokultural na demokrasya, kapitalismo, biyurokrasya,
at ang pagkakapantay-pantay ng lahat.

Makikita natin na ang modelo na iminumungkahi ni Rex ay mahalaga hindi lamang sa


konteksto ng mga nagsama-samang pangkat etniko sa loob ng malalaking lunsod; ito rin
ay may malaking mai-aambag sa usapin kung paano hanapin ang tamang balanse sa pagitan
ng pang-estado at rehiyonal na kultura. Binigyang diin na nina Anderson, Gellner at
Kymlicka na para sa kabuoang pagsasabansa natin, dapat merong mga kultural na
elementong dumadaloy sa buong kapuluan. Kung ano dapat ang magkakaparehong
kultural na elemento, o pang-estadong kultura, at ang magkaka-iba-iba, o rehiyonal na
kultura, ay maaaring balangkasin gamit ang modelo ni Rex.

Ngunit ayon sa postkolonyal na teorisistang si Epifanio San Juan, ang teorya ni Rex
ay may daladala ring mga problemang dapat din nating bantayan. Una rito ay ang hindi
malinaw na pagkakahiwalay ng pribado at publikong mga domeyn sa totoong buhay.
Halimbawa, ang pagkatay, pagluto, at pagkain ng aso, na isang gawain ng marami
nating pangkat etniko ay magiging problematiko sa konteksto ng Metro Manila kung saan
mas mahigpit na ipinagbabawal ng ganitong kaugalian. Ibig sabihin, hindi maaring
maging lubusang malaya ang pribadong domeyn, o ”Gemeinschaft,” na sinisilongan ng
mga minoryang pangkat, sa publikong domeyn, o ”Gesellschaft,” na hinuhugis ng
mayoryang pangkat. Gayunpaman, magagamit pa ring isang mahalagang inisyal na
balangkas ang modelo ni Rex na maaaring palalakasin batay sa unang puna ni San Juan sa
ating pagdadalumat tungkol sa ating pangestado at rehiyonal na mga kultura.

Ang pangalawang puna ni San Juan ay ang kawalan ng paki-alam ng teorya ni Rex sa
katotohanang ang ibat-ibat pangkat etniko sa loob ng estado ay may di pantay-pantay na
kapangyarihan.Hindi masyadong nababalisa si San Juan sa mga pagkakataon ng
lantarang pang-aapi ng mga mayorya sa minorya, kaysa hindi lantaran ngunit tuloy-tuloy na
pagbubura ng mayoriyang kultura sa minoryang kultura sa pamamagitan ng proseso ng
hegemonya.Ibig sabihin, kapag pinagtabi-tabi ang mga kultural na elemento mula sa
minorya at mayoryang pangkat, dahil sa kapangyarihang taglay ng mayorya ang kanilang
kultural na elemento ay mag-aanyong kanais-nais palagi, habang hindi kanais-nais namang
ang mga kultural na elemento ng mga minorya. Inaasahan natin na ang multikultural
na kamulatang ipapalaganap ng tunay na multikultural na edukasyon at mas midya
kasabay sa pagpapalakas ng awtonomiya ng mga rehiyon ay maaaring magbigay remedyo sa
kakulangan ng teorya ni Rex.

Ang artikulong ito ay mainam na pagnilayan anoman ang kulturang iyong


kinabibilangan, maging mayorya man o minorya. Kung tutuusin walang dapat tatawagin na
mayorya at minorya sapagkat ang ating kultura ay pare-parehong nagmula sa ating mga
ninuno, iisa lamang ang lahing ating pinagmulan. Nagkakaiba lamang tayo sa bilang ng dami
sa pangkat na kinabibilangan ngunit hindi ito nangangahulugang ang mas marami ay mas
nakaaangat sapagkat anoman ang ating kultura ay pare-pareho lamang ang ating estado. Iisa
lamang ang hinahangad natin sa ating pangkat, ito ang pagkakaroon ng KAPAYAPAAN,
hindi lamang sa ating pangkat, kung hindi maging sa lahat ng kapwa natin.

GAWAIN 1 (CMO 2 S.2019)

PANUTO : Ipaghambing ang mga sumusunod na pangkat ayon sa kanilang


pagkakatulad at pagkakaiba sa kanilang kultura. Bumuo ng Venn Diagram kung
kinakailangan,

ILOKANO AT KALAHAN

Pagkakaiba (Ilokano)
 Taga Ilocos
 Masinop, masipag, mabait
 Kumukonsulta sa albularyo o baglan kung may miyembro man ng pamilya ang nagkasakit.
 Ang patay ay nilalamayan ng ilang araw

Pagkakaiba (Kalahan)
 Taga Nueva Vizcaya
 Naniniwala sa mga anito
 Bago lumisan sa isang panibagong lugar, tinatawag ng mga katutubo ang kanilang mga
anito.

Pagkakatulad
 Mahilig gumawa ng mga crafts
 Parehong kabilang ang mga magulang sa pagdedesisyon sa pag-aasawa.
 Parehong may natatanging mga kultura at tradisyon.

IBAAN AT KALAHAN
IBAAN AT KALAHAN

Pagkakaiba (Ibaan)
 Taga Batangas
 Iba ang pananaw ng babae at lalaki sa pag-aasawa o kasal.

Pagkakaiba (Kalahan)
 Taga Nueva Vizcaya
 Naniniwala sa mga anito
 Bago lumisan sa isang panibagong lugar, tinatawag ng mga katutubo ang kanilang mga
anito.
 Ang mga magulang ang nagnenegosasyon sa kasal ng kanilang mga anak.

Pagkakatulad
 Pagkakaroon ng mabuting ugali gaya ng paggalang sa mga nakatatanda, atbp.
 Naniniwala sa mga pamahiin

ITA AT KANKANA-EY

Pagkakaiba (Ita)
 Taga Zambales
 Pinaglalamayan ang mga namatay

Pagkakaiba (Kankana-ey)
 Taga Benguet
 Ang ilan sa kanila ay pumasok na sa Katolisismo

Pagkakatulad
 Mahusay sila sa pangangaso
 Ang mga magulang ang taga pamagitan sa ikakasal.
 Gumagamit ng mga herbal na gamot sa panggagamot
 Parehas silang magagaling maghabi.
GAWAIN 2

Magtala ng karagdagang impormasyon tungkol sa Pagkakanyaw. Ilapat ito sa


nakalaang espasyo ng flow chart.

3. Madalas, ito naman


1. Isinasagawa ang ay ginagawa upang
pagkakanyaw upang 2. Isinasagawa rin ito magkonsulta sa mga
magpasalamat sa alinsunod sa bunga ng ninuno tungkol sa mga
pagkakaroon ng kahilingan ng isang dapat gawin ng isang
kayamanan. patay na miyembro ng bayan.-
pamilya.

4. Ang pamilyang nais 6. Nakadepende sa


5. Nagpapakatay ng
magtanong ay unang sadya ng kanyao ang uri
sampung baka o baboy,
lumalapit sa kadangyan ng sayaw o tayaw.
depende sa kahilingan
(isang uri ng pari). umano ng diwata.
Paghahandog na rin ito
sa mga diwata.

7. Madalas na ginagamit
ang mga gongs at mga 8. Sa pagsasagawa ng
tambol/solibao habang kanyao, nakapaloob dito
nagkakasiyahan at ang matalinghagang
pinagsasaluhan ang sabi ng mga ninuno.
watawat (karne ng
baboy).

Gawain 3
Panuto: Magsaliksik tungkol sa mga kadalasang dahilan ng mga hidwaan o kaguluhan sa
ating bansa. Bilang isang mag-aaral, magbigay ng mga posibleng solusyon kung saan maaari
kang makilahok at maging bahagi ng paglutas ng suliraning ito.

Dahilan ng Hidwaan

1. Madadaan naman ito sa


. mabuting usapan at pagpapakita
Pag-aaway dahil sa
ng mga sapat na ebidensya o
lupa, kung sino nga ba
kung sino ang mga titulo at
ang nagmamay-ari nito.
karapatan sa lupa.

Dahilan ng Hidwaan
Matutong magpakumbaba at
2. pumalakpak para sa tagumpay
. ng iba. Kailangang ang
Pag-aaway dahil sa
pride, inggit, at pagbabago ay magmula sa ating
insekuridad sa kapwa. sarili at ito ay ang pagiging
kuntento at kalmado.

MGA KARAGDAGANG GAWAIN

A. Magsaliksik ng mga karagdagang impormasyon ayon sa mga sumusunod ;

a. Ilokano e. Mga Ita ng Zambales

- Lokasyon - Lokasyon
- Angkan - Angkan
- Kultura sa pag-aasawa - Kultura sap ag-aasawa
- Panggagamot - Panggagamot
- Siklo ng buhay - Siklo ng buhay
- Paggawa - Paggawa
- Kapistahan - Kaugalian at paniniwala
- Kaugalian at paniniwala - Kapistahan
- Paglilibing - Paglilibing

b. Kalahan
- Lokasyon
- Angkan
- Kultura sa pag-aasawa
- Panggagamot
- Siklo ng buhay
- Paggawa
- Kapistahan
- Kaugalian at paniniwala
- Paglilibing

c. Ibaan

- Lokasyon
- Angkan
- Kultura sa pag-aasawa
- Panggagamot
- Siklo ng buhay
- Paggawa
- Kapistahan
- Kaugalian at paniniwala
- Paglilibing

d. Kankana-ey

- Lokasyon
- Angkan
- Kultura sa pag-aasawa
- Panggagamot
- Siklo ng buhay
- Paggawa
- Kapistahan
- Kaugalian at paniniwala
- Paglilibing

B. Matapos magsaliksik, pipili ng isang pangkat at gagawan ng malikhain at


impormatibong poster tungkol dito. Ito ay upang malahad ang mga nakalap
na impormasyon tungkol sa napiling pangkat.
A. Magsaliksik ng mga karagdagang impormasyon ayon sa mga sumusunod ;
a. Ilokano b. Kalahan c. Ibaan

Lokasyon Ilocos Nueva Vizcaya Batangas


Sub group ng mga
Angkan Iloko Batangueño
Ifugao/Igorot
Kung ang isang “Kaihing” ang Pangarap ng mga
magkasintahan ay tawag sa maagang babae ang maikasal
Kultura sa pag- gustong magpakasal, negosasyon ng ngunit sa mga lalaki,
aasawa ang humihingi ng dalawang pamilya isa itong bangungot
permiso sa kanilang para sa kasal ng dahil sa magagastos
mga magulang. kanilang anak. sa kasal.
Isinasagawa ng
isang mambonong Paggamit ng mga
Sa albularyo (baglan)
Panggagamot ang mga ritwal ritwal o tradisyunal
sila kumokonsulta.
dipende sa kaso o na panggagamot
sakit ng pasyente.
Pagkasilang Pagkasilang
Pagkasilang hanggang
Siklo ng buhay hanggang sa hanggang sa
sa pagkamatay
pagkamatay pagkamatay
Paghabi ng “inabel” at Paggawa ng mga
Paggawa ng mga
Paggawa paggawa ng “burnay” lokal na produkto,
basket at walis
jars pagsasaka
Pista ng Pamulinawen,
Kapistahan Pista ng Bac-Bacarra, Cañao Kulambo Festival
Pista ng Mannalon
Kaugalian:
Pagmamano sa
Kaugalian:
matatanda at
“Balhan”
Kaugalian: Pagiging paggamit ng po at
(solicitation),
kuripot, masipag, at opo.
honesty
mabait Paniniwala:
Kaugalian at Paniniwala:
Paniniwala: Pamahiin tulad ng
paniniwala Bago lumisan sa
Kailangang magbigay “Hindi dapat
isang panibagong
ng lalaki ng dote sa makabasag ng
lugar, tinatawag ng
magulang ng babae. pinggan sa araw ng
mga katutubo ang
okasyon dahil ito ay
kanilang mga anito.
simbolo ng
kamalasan”.
Ang patay ay Nagtatawag sila ng
pinalalamayan ng ilang mambonong upang
araw. Ang mga magsabi ng dasal.
miyembro ng pamilya Isinasama rito ang
ay pinagbabawalang paghingi ng tawad Paglalamay ng ilang
Paglilibing
gumawa ng gawaing para sa mga araw.
bahay sa kalagitnaan ng kasalanan ng
lamay. Nakadipende sa namatay at
dahilan ng pagkamatay pagbendisyon sa
ang araw ng lamay. pamilyang naiwan.
Inililibing sa ilalim ng Ang namatay ay
kusina ang patay, kung binabalutan ng
saan matatagpuan ang espesyal na tapis o
tubig. tela at dinaragdagan
ang mga bagay na
mahalaga sa kanya.

d. Kankana-ey e. Ita

Lokasyon Benguet Zambales

Angkan Igorot Aprika


“Parental marriage” ay kanila Kahit na monogamy ang
ring sinusunod. Ang kasal ay umiiral sa mga Aeta,
ipinagdiriwang kasama ang maaaring mag asawa ng higit
Kultura sa pag-aasawa
maagarbong piging at ritwal sa isa ang isang lalaking Aeta
na ginagawa bago and sa kung kaya niyang makalap
mismong kasal. ang bandi (bride price).
Isinasagawa ng isang Gumagamit sila ng mga
mambonong ang mga ritwal herbal na gamut gaya ng
Panggagamot dipende sa kaso o sakit ng “subusob” (camphor leaves),
pasyente. “kalulong leaves”, “sahagubit
roots”.
Pagkasilang hanggang sa Pagkasilang hanggang sa
Siklo ng buhay
pagkamatay pagkamatay
Babae: Pinakamagaling na Babae: naghahabi ng mga
maghahabi sa Benguet winnows at mats
Province. Gumagawa sila ng Lalaki: gumagawa ng mga
Paggawa
mga sweaters, shirts, kumot, sandata para sa pangangaso
baskets, pots, at iba pang
mga furnitures.
Pagsasayaw na ginagaya ang
Kapistahan Cañao
mga hayop
Kaugalian: Kaugalian:
Mahiyain at mapag sarili Pangangaso at paghahanap
ngunit konserbatibo. ng makakaing halaman sa
Paniniwala: kapaligiran.
Ang iba sa kanila ay naging Paniniwala:
Kaugalian at paniniwala Katoliko at pumasok sa ibang Naniniwala sila sa mga
mga relihiyon ngunit diwata, engkanto, anito, at
isinasagawa pa rin nila ang iba pang mga supernatural na
mga ritwal na pang pagano mga elemento. (Animismo)
tuwing kasal, pagtanim at
pag ani, at iba pa.
Nagtatawag sila ng Noon, inaabandona ng mga
mambonong upang magsabi Aeta ang bahay ng yumao at
Paglilibing
ng dasal. Isinasama rito ang binabalot ang katawan nang
paghingi ng tawad para sa pahaba. Nakasanayan na ring
mga kasalanan ng namatay at mangaso ang mga lalaki.
pagbendisyon sa pamilyang Ngayon, kapag may namatay,
naiwan. Ang namatay ay ang mga babae ay
binabalutan ng espesyal na nagluluksa. Ang mga kamag-
tapis o tela at dinaragdagan anak ay umupo sa nang
ang mga bagay na mahalaga palibot na kumakanta ng mga
sa kanya. Tagalog at Ilokano na mga
kanta upang maitaboy ang
mga masasamang espiritu.
Inililibing sa ilalim ng lupa
ang katawan at sinasabihang
“agkayna mag-orong” o wag
ka ng bumalik. Tinatapakan
nila ang lupa upang mailabas
ang kanilang pasakit.
KABANATANG PAGSUSULIT

PANUTO : Kilalanin ang kultura ng mga sumusunod na pangkat-etniko. Isulat sa patlang kung
ito ay kultura ng ; Ilokano, Kalahan, Ibaan , Kankana-Ey o Ita

Ibaan 1. Pangarap ng mga dalaga ang isang kasal, subalit sa mga kalalakihan naman
ito’y isang bangungot.
Kankana-ey 2. Sila ay mga tahimik at mapagmahal sa kapayapaan. Ang kanilang lugar ay
tinaguriang “Salad Bowl of the Philippines” .
Ilokano 3. Sila ay kinikilalang mga masisipag, matitipd at masinop.
Kalahan 4. May tinatawag silang tagapamagitan upang tumuklas kung sino ang sanhi
ng karamdaman at kung paano magagamot ang karamdaman.
Ita 5. Ayon sa pagpapahayag ng kanilang kalikasan, may mga pahiwatig din ang
mga hayop tungkol sa kalagayan ng kanilang panahon.
Ilokano 6. Ang pangkat na ito ay nagtatabi ng pera upang may magagamit sa hindi
inaasahang pagagastusan.
Kankana-ey 7. Nisanan ang tawag sa kanilang pamamanhik ng mga magulang ng
kalalakihan sa magulang ng kababaihan.
Kankana-ey 8. Ang kanilang wika ay isa sa mga wikang ginagamit sa mga lalawigan ng
bulubundukin.
Ita 9. Noong unang panahon, ang pangkat na ito ay hindi nakakapagpahayag ng
kanilang ideya at damdamin kundi sa pamagitan lamang ng pagsasalita.
Ilokano 10. Kung may patay man sa kanilang lugar, ito ay pinaglalamayan ng ilang
araw.
Ita 11. Sila ay patuloy na nagpalipat-lipat sang-ayon na kung saan sila
mabubuhay.
Ita 12. Karamihan sa kanila ay naninirahan sa Zambales .
Ilokano 13. Nakaugalian nila ang magbungkal ng lupa hanggang sa kasalukuyan.
Ibaan 14. Ang kanilang wika ay Tagalog at may pekyularidad depende sa
komunidad na gumagamit nito dahil sa leksikon at ponolohiya.
Ita 15. Mga kauna-unahang pangkat ng mga tao na nanirahan sa Pilipinas.
RUBRIKS
Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsulat ng komposisyon, talata at sanaysay .
Napakahusay Katamtaman Di-gaanong
Pamantayan (5) (3) Mahusay Marka
(2)
Napakalinaw at Hindi gaanong Mahirap
1.Sistematiko at malinaw sistematiko ang malinaw at maayos maintindihan ang
paglahad ng ang pagkalahad ng ipinahahayag na
na pagkalahad ng detalye detalye detalye detalye
Angkop ang Hindi gaanong Walang ibinigay na
2.Kaangkupan sa nilalaman ng angkop ang bago at angkop sa
paksa nilalaman ng paksa nilalaman ng paksa
nilalaman ng paksa
Mahusay na Hindi gaanong Hindi mahusay ang
3. Pagsunod sa tuntuning nasunod ang nasunod ang ilang pagsunod sa
tuntuning tuntuning tuntuning
panggramatika panggramatika panggramatika panggramatika
Napakalinis at Maayos subalit Madumi at magulo
4.Kalinisan at kaayusan napakaayos ang hindi gaano malinis ang paraan ng
pagkakasulat ang pagkakasulat pagkakasulat
sa pagsulat

KABUUAN

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa pagsagot ng mga pagsasanay .

Napakahusay Katamtaman Di-gaanong


Pamantayan (5) (3) Mahusay Marka
(2)
Malinaw na Hindi gaanong Mahirap
1.Malinaw ang pagkalahad ng malinaw ang malinaw ang intindihin ang
pagkalahad ng pagkalahad ng ipinahahayag
detalye. detalye detalye na detalye
Nasunod nang Hindi gaanong Hindi nasunod
3. Nasunod nang wasto ang wasto ang nasunod ang ang panuto
panuto panuti
panuto
Napakalinis at Maayos Madumi at
4.Kalinisan at kaayusan sa napakaayos subalit hindi magulo ang
ang gaano malinis paraan ng
pagsulat pagkakasulat ang pagkakasulat
pagkakasulat

KABUUAN

You might also like