You are on page 1of 13

WIKA AT KULTURA SA MAPAYAPANG LIPUNAN

KABANATA 1

_________________________________________________________________

ARALIN 1: BISYON, MISYON, MITHIIN AT LAYUNIN

Aralin 1

PANIMULA

Bawat organisasyon, kapisanan maging mga pamantasan ay mayroong bisyon, misyon,


tunguhin at layunin (VMGO) na isinasaisip at isinasapuso. Ito ang nagsisilbing direksyon nais
patutunguhan kaya napakahalagahang maging malinaw ang mga ito sa bawat kasapi upang
magkaroon sila ng iisang landas na tatahakin.

Ang Pampamahalaang Pamanatasan ng Kanlurang Mindanao (WMSU) ay mayroon ding


inilahad na VMGO na nararapat lamang na sa simula pa lang ay maunawaan na ng mga kasapi nito,
lalo na ang mga mag-aaral at guro ng Pamantasang ito. Lahat ng mga kolehiyo ay mayroong iisang
bisyon at misyon na batay din sa Bisyon at Misyon (BM) ng ating pamantasan. Ngunit bawat kolehiyo
ay may mayroong magkakaibang mithiin at layunin na nakaangkla naman sa BM ng WMSU.

Mga Layunin

Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipaliliwanag sa sariling pag-unawa ang VMGO ng pamantasan.


2. Nakapagbibigay ng sariling paraan kung paano maisasagawa ang mga bagay na
nakalahad sa VMGO ng pamantasan.
3. Nasasabi ang kahalagahan ng pagkakaroon ng WMSU ng sariling VMGO.
4. Naisasaulo at naisasapuso ang bisyon, misyon ng WMSU, mithiin at layunin ng
kolehiyo.
BALANGKAS NG PAKSA

Aralin 1: Bisyon, Misyon, Mithiin at Layunin (VMGO)

1.1 Bisyon ng WMSU

1.2 Misyon ng WMSU

1.3 Mithiin ng Kolehiyong Kinabibilangan

1.4 Layunin ng Departamentong Kinabibilangan

SUBUKIN NATIN!

Panuto: Batay sa ating naging talakayan sa VMGO, gumawa ng poster na nagpapakita ng estado ng
WMSU 10 taon mula ngayon. Maaaring digital o manual ang inyong gagawing poster.

.
Rubrik ng gawain:

Kategorya 10 puntos 6 puntos 3 puntos Iskor


Kalinawan Napakalinaw ng Malinaw ang mensahe ng Hindi malinaw ang
ng mensahe mensaheng nabuong poster ngunit may mensaheng ipinaparating
ipinaparating ng kulang na elemento ng nabuong poster
nabuong poster
Lay –out at Magkakaugnay ang Magkakaugnay ang mga Walang kaugnayan ang
Disenyo mga grapikong grapikong ginamit ngunit hindi mga grapikong ginamit at
ginamit na nagbibigay masyadong mahusay ang magulo ang mga disenyo
ng isang kahulugan pagkakadisenyo

PAG-ISIPAN MO!

Upang mas lalong mapahusay ang VMGO ng ating pamantasan, bumuo ng isa pang bisyon at
misyon ng ating pamantasan at mithiin at layunin ng inyong kolehiyo na sa iyong palagay ay
mahalagang makamit para sa lalong pagpapahusay ng kalidad ng edukasyon tatamasahin ng mga
mag-aaral na WMSU.

Bisyon

Ang Pampamahalaang Pamantasan ng Kanlurang Mindanao ay naglalayong linangin ang


intelektuwal moral, at pisikal na kakayahan ng mag-aaral. Upang maging kinakatawan
sa pagbabago dala-dala ang responsibilidad, hangad ang makatarungan na hustisya, at
komitment nito sa kabuuang pag-unlad ng indibidwal at lipunan. ___________________

Misyon

Makapagbunga ng mag-aaral na may mataas na kalidad na edukasyon at tumatanaw sa


hinaharap bilang bilang isang propesyunal na indibidwal na may pamantayang pandaigdig.
Sa industriya at sosyo-ekonomikong pag unlad ng Mindanao na may ibat-ibang kultura, sa
pamamagitan ng mga programang may kaugnayan sa pagtuturo at pakikilahok sa mga
gawaing panlipunan.
___________________________________________________________________________
Layunin

 Pahalagahan ang pag=aaral


 Gamitin ang kaalaman sa tamang paraan
 Isabuhay ang misyon bisyon
 Linangin ang moral na aspeto ng tao

Mithiin

Makapaglaan ng isang akmang lugar kung saan maaaring paganahin ng mga mag-
aaral ang kanilang isip, imahinasyon, katawan, lakas sa mga gawaing kapakipakinabang.

MAGBASA AT MAGNILAY-NILAY

Aralin 1 : Bisyon, Misyon, Mithiin at Layunin

WMSU Bisyon

Ang Pampamahalaang Pamantasan ng Kanlurang Mindanao ay magiging sentro ng kahusayan at


pangunahing institusyon sa paglinang ng mga kakayahang pantao at pananaliksik sa bansa at sa mga
rehiyon ng Timog-Silangang Asya nang may pagkilala ng mga bansa sa daigdig.
WMSU Misyon

Linangin ang isipan at moral na aspekto ng tao at makapagpabunga ng mga mag-aaral na


mahusay na sinanay, nilantad sa pag-unlad, at tumatanaw sa hinaharap bilang propesyunal na may
kakayahang teknikal para sa sosyo-ekonomiko, pulitikal at teknolohiya na pag-unlad ng rehiyon at ng
bansa. Pagsisiskapan nitong palawakin ang tagapagpauna ng karunungan at ang mga tulong nito sa
lipunan sa pamamagitan ng pananaliksik sa teknolohiya at mga agham pampisikal at panlipunan.

GAWIN NATIN!

A. Panuto ; Ipaliwanag ayon sa sariling pag-unawa ang Bisyon at Misyon ng WMSU.

BISYON :

Ayon sa aking sariling pag-unawa, ang bisyon ng Pampamahalaang Paaralan ng


Kanlurang Mindanao ay nagsisilbing instrumento sa paglilikha ng mga propesyonal na may
pananagutan sa paglinang ng sankatauhan, ekolohikal na pagpapanatili, kapayapaan at
seguridad sa loob at sa labas ng rehiyon.

MISYON

Ayon sa aking sariling pag-unawa, ang misyon ng Pampahalaang Paaralan ng Kanlurang


Mindanao ay tiyaking maipagpapatuloy ang pagsisilbing tagapagpauna ng karunungan at ang
mga tulong nito sa lipunan at ang mga matitingkad na sosyo-ekonimikong adyenda.
A. Ibigay ang Mithiin ng inyong sariling kolehiyo at ipaliwanag ito.

MGA MITHIIN SA KOLEHIYO NG MALALAYANG SINING

a. Maging sentro sa Pagpapahusay sa larangan ng Sining sa Komunikasyon at Humanidades gayundin sa mga


agham panlipunan ng Kanlurang Mindanao, ng bansa at ng global na kumunidad.

b. Masanay ang mga mag-aaral na maging produktibong mamamayan at may sapat na kabatiran sa kanilang
tungkulin at pakikilahok sa komunidad, global na nakatutugon sa mga isyung nakaaapekto sa kanila, sa bayan
at sa komunidad.

c. Maiangat ang kakayahang ng mga mag-aaral sa bawat programa upang maihanda sila sa makabagong
mundo ng paggawa para sa mas mabuti at kapaki-pakinabang na kalidad ng buhay.

d. Makapagbibigay ng oportunidad sa mga mag-aaral na malinang ang kakayahang pangkomunikasyon at


pagkamalikhain.

e. Makalilikha ng mga makabagong panlipunang siyentipiko na may kakayahan at hitik sa mataas na


panlipunang responsibilidad ayon sa kani-kanilang larangan ng espesyalisasyon upang makatugon sa
pangangailangan ng iba’t ibang lokal at global na komunidad.

f. Mapalakas ang kultura, moral, pisikal at ang kahalagahang ispiritwal ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
tamang pag-akay sa pagbibigay payo, interaksyon at inter-cultural dialogue.

g. Mabigyang gabay ang mga mag-aaral na makagawa ng mga awtput sa pananaliksik at ekstensyon na may
kaugnayan sa kanilang larangan o espesyalisasyon.

h. Maibahagi ang kaalaman tungkol sa “gender sensitivity” at “eco-friendly environment” ng mga mag-aaral
upang magkaroon ng pangkalahatang panlipunang kabatiran sa lahat ng sitwasyon.

Sagot:

Ayon sa aking naunawaan, ang mithiin n gating sariling kolehiyo ay makapaglaan ng mataas na uri ng
edukasyon para sa pang-insutriya at sosyo-ekonomikong pag-unlad ng Mindanao na may iba-ibang kultura sa
pamamagitan ng mga programang may kaugnayan sa pagtuturo, pananaliksik, ekstensyon, at pakikilahok sa
mga sa mga gawaing panlipunan.

You might also like