You are on page 1of 9

WMSU-ISMP-GU-003.

00
Effective Date: 7-DEC-2016

FILIPINO 200
KASAYSAYAN NG PAGKAKALINANG NG WIKANG FILIPINO

________________________________________________________

Sanayang Aklat sa Kasaysayan sa Pagkakalinang ng Wikang Filipino

Prof. Ednalyn D. Cadapan

Ipinasa ni:
Rhea Jane M. Bautista

Page 1 of 9
WMSU-ISMP-GU-003.00
Effective Date: 7-DEC-2016

GAWAIN 1

I. Introduksyon

Bawat organisasyon, kapisanan maging mga pamantasan ay mayroong bisyon, misyon, tunguhin
at layunin (VMGO) na isinasaisip at isinasapuso. Ito ang nagsisilbing direksyon sa nais
patutunguhan kaya napakahalagang maging malinaw ang mga ito sa bawat kasapi upang
magkaroon sila ng iisang landas na tatahakin.

II. Layunin

Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipaliliwanag sa sariling pag-unawa ang VMGO ng pamantasan.

2. Nakapagbibigay ng sariling paraan kung paano maisasagawa ang mga bagay na


nakalahad sa VMGO ng pamantasan.

3. Nasasabi ang kahalagahan ng pagkakaroon ng WMSU ng sariling VMGO.

4. Naisasaulo at naisasapuso ang bisyon, misyon ng WMSU, mithiin at layunin ng kolehiyo.

III. Konsepto/Paliwanag

Ang Pampamahalaang Pamanatasan ng Kanlurang Mindanao (WMSU) ay mayroon ding inilahad


na VMGO na nararapat lamang na sa simula pa lang ay maunawaan na ng mga kasapi nito, lalo na
ang mga mag-aaral at guro ng Pamantasang ito. Lahat ng mga kolehiyo ay mayroong iisang
bisyon at misyon na batay din sa Bisyon at Misyon (BM) ng ating pamantasan. Ngunit bawat
kolehiyo ay may mayroong magkakaibang mithiin at layunin na nakaangkla naman sa BM ng
WMSU

Rubrik ng gawain:

Kategorya 10 puntos 6 puntos 3 puntos Iskor


Kalinawan Napakalinaw ng Malinaw ang mensahe ng Hindi malinaw ang
ng mensahe mensaheng nabuong poster ngunit may mensaheng ipinaparating
ipinaparating ng kulang na elemento ng nabuong poster
nabuong poster
Lay –out at Magkakaugnay ang Magkakaugnay ang mga Walang kaugnayan ang
Disenyo mga grapikong grapikong ginamit ngunit hindi mga grapikong ginamit at
ginamit na nagbibigay masyadong mahusay ang magulo ang mga disenyo
ng isang kahulugan pagkakadisenyo

Page 2 of 9
WMSU-ISMP-GU-003.00
Effective Date: 7-DEC-2016

PAG-ISIPAN MO!

IV. Gawain

Upang mas lalong mapahusay ang VMGO ng ating pamantasan, bumuo ng isa pang bisyon at
misyon ng ating pamantasan at mithiin at layunin ng inyong kolehiyo na sa iyong palagay ay mahalagang
makamit para sa lalong pagpapahusay ng kalidad ng edukasyon tatamasahin ng mga mag-aaral na WMSU.

Mi

MISYON

Hikayatin ang mga mag-aaral na pagbutihin at payabungin ang kanilang akademikong


pagganap, mapahusay ang mga kasanayan at mapaunlad ang kanilang pagkatao.
Hangarin ng institusyon na tulungan ang mga mag-aaral na makamit ang kanilang
mga pangarap sa paraan ng wastong paggabay at disiplina upang maging handa bilang
isang propesyunal.

BISYON

Tinatanaw ng institusyong ito na lalong mahubog ang kakayahan at malinang ang


karunungan ng bawat mag-aaral upang maipamalas ang kagalingan hindi lamang sa
lokal, maging sa internasyonal o pandaigdigang lebel. Upang sanayin ang bawat isa
na magkaroon ng disiplina at matuwid na moralidad tungo sa pagpapalawig ng
katalinuhan sa pag-iisip at kagalingan sa paggawa para mapayabongang institusyon,
pamayanan, at maging ang bansa.

Page 3 of 9
WMSU-ISMP-GU-003.00
Effective Date: 7-DEC-2016

MITHIIN

Ang mithiin ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro ay maging sentro ng produksiyon


ng mga magagaling na guro. Mahubog ang bawat isa bilang produkta na may
kakayahang makipgsapalaran hindi lamang sa lokal, maging sa pandaigdigang lebel.

LAYUNIN

Layunin ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro ang magbigay ng dekalidad na


edukasyon sa bawat mag-aaral na magsasanay sa kanila na maging prouktibong
mamamayan. Maghatid ng kaalaman at mga programang lilinang sa kakayahan
upang maihanda sa realidad. Makapagbibigay ng oportunidad sa mga mag-aaral na
malinang ang kakayahang pangkomunikasyon at pagkamalikhain

Page 4 of 9
WMSU-ISMP-GU-003.00
Effective Date: 7-DEC-2016

SUBUKIN NATIN!

Panuto: Batay sa ating naging talakayan sa VMGO, gumawa ng poster na nagpapakita ng estado ng WMSU
10 taon mula ngayon. Maaaring digital o manwal ang inyong gagawing poster.

Page 5 of 9
WMSU-ISMP-GU-003.00
Effective Date: 7-DEC-2016

GAWAIN 1

Panuto ; Ipaliwanag ayon sa sariling pag-unawa ang Bisyon at Misyon ng WMSU.

BISYON

 Nais ng institusyon na maging isang mahusay at kamangha-manghang


unibersidad na magbibigay ng malaking oportunidad sa mga mag-aaral ng
Kanlurang Mindanao para sa kanilang kalidad na edukasyon sa kolehiyo. Nais ng
Unibersidad na mahubog ang bawat isa na napapaloob sa  institusyon na maging
magaling sa anumang aspeto ng buhay mapasarili man o mapa-edukasyon, Isa sa
hangarin ng pamantasan ay lahat ng magtatapos dito ay buo ng handa na  
sumabak sa anumang trabaho mapalokal man o pandaidigan at subok na ang mga
kakayahan na natataglay ng  bawat isa.

MISYON

Ang misyon ng WMSU ay isa mga pundasyon kung papaano palalawakin ang
kaisipan at kagalingan ng mag-aaral sa   pamamagitan ng dekalidad na pagtuturo ,
layunin nito na hubugin  ang mga mag-aaral upang maging isang propesyonal
namay  kakayahang teknikal para sa sosyo-ekonomiko, pulitikal at   teknolohiya na
pag-unlad ng rehiyon at ng bansa. Isa sa pinaka  mahalagang aspeto ng
pagkakaroon ng misyon ay upang may palatandaan ang bawat isa na may
makakamit itong tagumpay sa  kasalukyan pati na rin sa hinaharap.

Page 6 of 9
WMSU-ISMP-GU-003.00
Effective Date: 7-DEC-2016

GAWAIN 2

I. Introduksyon

Ang wika ay ang pinkalamahalagang sangkap na ginagamit ng indibidwal sa pakikipag-usap sa


kapwa. Ito rin ay nagsisilbing midyum ng paghahatid ng ideya ng tao patungo sa ibang tao. Taglay
ng wika ang iba’t ibang katangian na madalas nakikita at nagagamit sa pang-araw-araw na
Gawain. Kung wala ang wika walang mga mahahalagang konsepto na maibabahagi sa bawat
henerasyon. Ayon nga kay Mangahis, ang wika ay isang Sistema na ginga

II. Layunin

Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipahahayag at nailalahad ang sariling kaisipan hinggil sa kahulugan ng wika, katangian


at kahalagahan ng wika.

III. Konsepto/Paliwanag

Ang mga gawain sa ibaba ay tataya sa inyong pag-unawa sa natalakay na lektura tungkol sa Sanligang
kabatiran sa kahulugan wika, katangian at kahalagahan.

Rubrik ng gawain:

Kategorya 10 puntos 6 puntos 3 puntos Iskor


Kalinawan Malinaw na nailahad nailahad ang saloobin at Hindi malinaw na
ng mensahe ang saloobin at kaisipan. nailahad ang saloobin at
kaisipan. kaisipan.
Mekaniks Walang pagkakamali Halos walang pagkakamali sa Maraming pagkakamali sa
sa mga bantas, estruktura ng mga estruktura ng mga
kapitalisasyon at pangungusap at gamit ng mga pangungusap at gamit ng
pagbabaybay. salita. mga salita.
Gamit Walang pagkakamali Halos walang pagkakamali sa Maraming pagkakamali sa
sa estruktura ng mga estruktura ng mga estruktura ng mga
pangungusap at gamit pangungusap at gamit ng mga pangungusap at gamit ng
ng mga salita. salita. mga salita.

Page 7 of 9
WMSU-ISMP-GU-003.00
Effective Date: 7-DEC-2016

PAG-ISIPAN MO!

IV. Gawain

I. Ilahad ang iyong sariling kaisipan hinggil sa kahulugan wika.

Bawat tao sa daigdig ay may sinasalitang wika, hindi man tayo magkaintindihan, ngunit
ito’y isang dahilan kung bakit nagkakabuklod-buklod ang bansa.
Ang wika nga ay sinasabing kaluluwa ng isang indibidwal, na siyang pinagkaloob ng
Diyos sa atin. Sumasalamin ito ng ating pagkatao – damdamin, emosyon, iniisip, na siyang
nagpapakita kung anong nilalaman ng ating sarili. Isa itong kasangkapan sa komunikasyon na
maari ring maging sandata, dahil ito man di’y may malaking epekto sa pagpapalabas ng sariling
ideya o maaring masabi sa isang bagay.

SUBUKIN NATIN!
Panuto: Ilahad ang iyong opinion hinggil sa katangian ng wika

Ang wika ay masistemang balangkas na kung saan ay isinasaayos sa isang masistematikong


paraan upang makalikha ng makahulugang tunog, saita, parirala, pangungusap at panayam. Ay
wika ay isang kasangkapan sa pakikipagkimunikasyon o pakikipagtalastasan na nagpapahayag
ng damdamin o kaisipan ng dalawa o higit pang taong nag-uusap. Ito ay dinamiko, nagbabago
at nakikiayon sa panahon na kinabibilangan nito. Ang wika at kultura ay magkatambal, hinding
hindi mapaghihiwalay sapagkat ang kultura kumbaga ay isang tala ng karanasan ng tao sa tiyak
na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ang kultura ng isang
bansa at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki sa buong daigdig. Ang wika y
ginagamit o sinasabi ngang instrumento ng komunikasyon at kung ang wika ay
makakalimmutan na at unti-unting hindi ginagamit ay maaari itong mawala o mamatay. Ang
wika ay natatangi, walang wikang nakahihigit sa isa – daahil may sariling kalakasan at kahinaan
ang isang wika na nagpapakita ng pagkakatangi nito sa bawat isa. Anumang wika sa daigdig ay
Pagekatapusang
likas na maabilidad na nakabubuo ng walang 8 of 9 bagong salita kung kaya’t ang wika ay
buhay kahit saang lupalop ka pa man ng daigdig pumunta.
WMSU-ISMP-GU-003.00
Effective Date: 7-DEC-2016

GAWIN MO!
Panuto: Ipaliwanag ang kahalagahan ng wika.

Ang wika ay sadyang napakahalaga sapagkat ito ang kasangkapan natin sa komunikasyon, ito
ang ginagamit sa pakikipagtalastasan, pagpapalitan ng kuro-kuro. Sa pamamagitan nito
naiintindihan natin ang gustong ipahiwatig ng ibang tao – nabubuksan ang ating isipan sa
pagpapahayg nila ng kanilang saloobin at kaisipan sa pamamagitan ng wika. Ito ang dahilan
kung bakit nagkakabuklod-buklod ang bawat tao sa bansa, hindi lamang sa Pilipinas ganoon din
sa iba pang mga bansa.

Rubrik ng gawain:

Kategorya 10 puntos 6 puntos 3 puntos Iskor


Kalinawan Malinaw na nailahad nailahad ang saloobin at Hindi malinaw na
ng mensahe ang saloobin at kaisipan. nailahad ang saloobin at
kaisipan. kaisipan.
Mekaniks Walang pagkakamali Halos walang pagkakamali sa Maraming pagkakamali sa
sa mga bantas, estruktura ng mga estruktura ng mga
kapitalisasyon at pangungusap at gamit ng mga pangungusap at gamit ng
pagbabaybay. salita. mga salita.
Gamit Walang pagkakamali Halos walang pagkakamali sa Maraming pagkakamali sa
sa estruktura ng mga estruktura ng mga estruktura ng mga
pangungusap at gamit pangungusap at gamit ng mga pangungusap at gamit ng
ng mga salita. salita. mga salita.

Page 9 of 9

You might also like