You are on page 1of 6

_________________________________________________________________

PANIMULA

Bawat organisasyon, kapisanan maging mga pamantasan ay mayroong bisyon, misyon,

tunguhin at layunin (VMGO) na isinasaisip at isinasapuso. Ito ang nagsisilbing direksyon nais
patutunguhan kaya napakahalagahang maging malinaw ang mga ito sa bawat kasapi upang
magkaroon sila ng iisang landas na tatahakin.

Ang Pampamahalaang Pamanatasan ng Kanlurang Mindanao (WMSU) ay mayroon ding

inilahad na VMGO na nararapat lamang na sa simula pa lang ay maunawaan na ng mga kasapi
nito, lalo na ang mga mag-aaral at guro ng Pamantasang ito. Lahat ng mga kolehiyo ay
mayroong iisang bisyon at misyon na batay din sa Bisyon at Misyon (BM) ng ating pamantasan.
Ngunit bawat kolehiyo ay may mayroong magkakaibang mithiin at layunin na nakaangkla naman
sa BM ng WMSU.

Mga Layunin

Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipaliliwanag sa sariling pag-unawa ang VMGO ng pamantasan.

2. Nakapagbibigay ng sariling paraan kung paano maisasagawa ang mga bagay na nakalahad
sa VMGO ng pamantasan.

3. Nasasabi ang kahalagahan ng pagkakaroon ng WMSU ng sariling VMGO.

4. Naisasaulo at naisasapuso ang bisyon, misyon ng WMSU, mithiin at layunin ng kolehiyo.

BALANGKAS NG PAKSA

Aralin 1: Bisyon, Misyon, Mithiin at Layunin (VMGO)

1.1 Bisyon ng WMSU

1.2 Misyon ng WMSU

1.3 Mithiin ng Kolehiyong Kinabibilangan

1.4 Layunin ng Kolehiyong Kinabibilanga

SUBUKIN NATIN!

Panuto: Batay sa ating naging talakayan sa VMGO, gumawa ng poster na nagpapakita ng estado
ng WMSU 10 taon mula ngayon. Maaaring digital o manual ang inyong gagawing poster.

Rubrik ng gawain:

Kategorya 10 puntos 6 puntos 3 puntos Iskor

Kalinawan Napakalinaw ng Malinaw ang mensahe ng Hindi malinaw ang
ng mensaheng nabuong poster ngunit mensaheng
mensahe ipinaparating ng may kulang na elemento ipinaparating ng
nabuong poster nabuong poster
Lay –out Magkakaugnay Magkakaugnay ang mga Walang kaugnayan
at Disenyo ang mga grapikong grapikong ginamit ngunit ang mga grapikong
ginamit na hindi masyadong mahusay ginamit at magulo ang
nagbibigay ng ang pagkakadisenyo mga disenyo
isang kahulugan
PAG-ISIPAN MO!

Upang mas lalong mapahusay ang VMGO ng ating pamantasan, bumuo ng isa pang
bisyon at misyon ng ating pamantasan at mithiin at layunin ng inyong kolehiyo na sa iyong
palagay ay mahalagang makamit para sa lalong pagpapahusay ng kalidad ng edukasyon
tatamasahin ng mga mag-aaral na WMSU.

______Misyon_________________________________________________________
_____________________________________________________________________

__

______Bisyon_________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__

______Mithiin_________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__

_layunLayunin_________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
MAGBASA AT MAGNILAY-NILAY

Aralin 1 : Bisyon, Misyon, Mithiin at Layunin

WMSU Bisyon

Ang Pampamahalaang Pamantasan ng Kanlurang Mindanao ay magiging sentro ng

kahusayan at pangunahing institusyon sa paglinang ng mga kakayahang pantao at pananaliksik
sa bansa at sa mga rehiyon ng Timog-Silangang Asya nang may pagkilala ng mga bansa sa
daigdig.

WMSU Misyon

Linangin ang isipan at moral na aspekto ng tao at makapagpabunga ng mga mag-aaral na

mahusay na sinanay, nilantad sa pag-unlad, at tumatanaw sa hinaharap bilang propesyunal na
may kakayahang teknikal para sa sosyo-ekonomiko, pulitikal at teknolohiya na pag-unlad ng
rehiyon at ng bansa. Pagsisiskapan nitong palawakin ang tagapagpauna ng karunungan at ang
mga tulong nito sa lipunan sa pamamagitan ng pananaliksik sa teknolohiya at mga agham
pampisikal at panlipunan.

MGA MITHIIN SA KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGGURO

a. Ipagpatuloy ang kahusayan sa pagtuturo na may malikhaing pamamaraan sa pagtuturo,

kurikulum batay sa pananaliksik, teknolohiyang multimedia na makalilikha ng mga batak
na pantas at tagapagturo.

b. Palakasin ang kakayahan sa pananaliksik ng mga mag-aaral upang makasabay sa mga

mahuhusay na pananaliksik na umaayon sa adyenda ng pananaliksik ng Pamantasan.

c. Makalikha ng mga panggrawadong mag-aaral na magiging mga epektibong pinunong

nakatutugon sa lipunan, isinasaalang-alang ang magkakaibang kultura upang matugunan
ang pangangailangan ng lipunan na magdadala ng kapayapaan at kaunlaran sa buong
rehiyon.

d. Sasanayin ang mga panggrawadong mag-aaral sa paglikha at pangangasiwa ng

produktong pangkalaaman sa edukasyong pangguro at sa mga katulad na larang ng
edukasyon.
MAGNILAY-NILAY

Batay sa mithiin ng inyong koleyo, Magibigay ng sariling paraan kung paano maisasagawa ang
mga bagay na nakalahad sa bawat mithiin.isa-isahin at magbigay ng halimbawa.
SUBUKIN NATIN

A. Isaulo ang misyon, bisyon ng wmsu at ang mithiin ng inyong kolehiyo. Maghanda para sa
oral na pagbigkas dito.

B. Magsaliksik at isulat ang layunin ng kolehiyong inyong kinabibilangan. Pumili ng isang

layunin na sa tingin mo pinakakailangan ng isang mag-aaral at ipaliwanag kung bakit?

You might also like