You are on page 1of 20

WIKA AT KULTURA

SA MAPAYAPANG LIPUNAN CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

KURSO
( Subject) FIL101 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan

KABANATA/YUNIT
( Chapter) YUNIT 3

PAMAGAT NG ARALIN
( Lesson Title) Wika at Edukasyon

LAYUNIN NG ARALIN Sa loob ng isang linggo (Nov. 3-9,2020) ang mga mag-aaral ay
( Lesson Objectives)
inaasahang:

1. nakatutukoy sa kahulugan ng wika at edukasyon.


2. nakatutukoy sa papel ng wika at edukasyon sa panahon ng
pandemya.
3. nakatutukoy at nakapagpapaliwanag sa kaugnayan ng wika at
edukasyon sa pamamagitan ng pagguhit ng editoryal na karton.
4. nakatutukoy at nakapaglalahad ng sariling pananaw hinggil sa
gampanin ng wika at edukasyon sa talakay ni Raymond Henry
Williams.

LAGOM NG PANANAW Tatalakayin sa yunit na ito ang kahulugan ng wika at edukasyon,


(Overview/Introduction) ganoon din ang kahalagahan at kaugnayan ng wika at edukasyon.

PANGGANYAK WIKA AT EDUKASYON SA PANAHON NG PANDEMYA


(ACTIVITY) https://www.youtube.com/watch?v=ZIZ-IWVme3k

Panuto: Panuorin ang panayam sa youtube at sagutin ang mga


katanungan sa ibaba sa patalatang paraan. ( isang talata bawat
bilang).

PAGSUSURI
(Analysis) 1. Ano ang pinakamainam na armas nating lahat ngayong
nahaharap tayo sa krisis dulot ng pandemyang Covid 19?
2. Ano ang instrumento na ginagamit upang magsiwalat ng tamang
kaalaman?
3. Paano maisasabuhay ang Bayanihan to Heal as One Act-Batas
Republika Bilang 11469?

PAGLALAHAD
(ABSTRACTION) WIKANG PAMBANSA

Ayon kay Arthur Cassanova, Akting Tagapangulo ng KWF, sa


kanyang pahayag sa pagdiriwang ng buwan ng wika 2020, mahalaga
ang pagsulong, pagpapayaman, pagpapayabong ng ating wikang
Pambansa dahil ang Filipino ang siyang simbolo ng ating pagka-
Pilipino. Ang wika at kultura ay magkakabit, hindi pwedeng ihiwalay
ang wika sa kultura. Sa kasalukuyan ang wikang pambansang Filipino
ay maituturing nang isang intelektuwalisado- ibig sabihin may
kakayahan na ang ating wikang pambansang Filipino na gamit sa
akademya sa lalong mataas na edukasyon.

Kung kaya’t hinihimok ni Cassanova ang mga mag-aaral, hindi


lamang sa Basic Education sa mababang paaralan, junior high school,
senior high school at maging sa kolehiyo na gamitin ang wikang
Filipino sa pakikipagtalastasan, talakayan, sa mga forum; sa pagsulat
ng ating mga papel: ng mga disertasyon ng mga nagpi-Phd at tesis
ngmga nag-i-MA. Dagdag pa niya na sa basic education ay mahalaga
na sa murang edad ng mga bata na ating tinuturuan ay maisapuso na
nila ang pagmamahal sa sariling wika dahil kung maihahatid sa mga
kabataan, sa mga guro, sa mga kawani ng paaralan ang mga kabatiran
at impormasyon hinggil sa pandemyang corona virus ay higit pang
mauunawaan ng ating mga kababayan kung ano ang dapat gawin,
kung ano ang mga dapat iwasan, kung paano tayo makasusulong sa
pagsapit ng bagong normal na tinatawag natin.

Ayon pa rin kay Cassanova ang ating pagmamahal sa sariling wika


ay mahalaga. Ito ang ating kakanyahan. Bahagi ito ng ating kultura.
Kung kaya’t bilang Akting Tagapangulo ng KWF, hinihimok niya ang
mga mag-aaral, guro, at kawani ng mga paaralan sa buong kapuluan
na gamitin ang wikang pambansa sa araw-araw nating pamumuhay,
maging sa mga usaping may kinalaman sa suliraning panlipunan. Iginiit
niya na mas naisasapuso at mas naiintindihan natin ang mga isyu, ang
mga usapin kung ang wikang pambansa natin ang ating gagamitin.
Dahil kung sa wikang banyaga gagamitin ang ating mga kaisipan at
ang ating mga pananaw, hindi magiging madali dahil ang Ingles ay
pangalawang wika lamang natin. Paalala niya sa mga kabataang nasa
elementarya, junior high school, senior high school maging sa kolehiyo
ay palaganapin ang wikang pambansa. Dahil kapag nasa puso’t isipan
na nila, higit nilang mapahahalagahan ang pagkatuto at pagtuturo ng
guro sa wikang Filipino.

WIKA/WIKANG PAMBANSA
EROS ATALIA
Premyadong Manunulat

Kinakatawan ng mga katutubong wika sa Pilipinas ang kabuuan ng


karanasan, kasaysayan at reyalidad nating mga Pilipino. Sa mga
wikang ito makikita ang nagaganap na reintroduksyon,
reinterpretasyon, redipinisyon at renegosasyon ng mga konseptong
kakambal ng pamumuhay ng higit na nakararaming mga Pilipino.

Karaniwang Pilipino- na may karaniwang pangarap, sapat at


masustansiyang pagkain, simpleng tahanan kasama ang buong
pamilyang hindi na kailangang hanapin sa ibang bansa ang
kasaganahan. Makaagham, makabayang edukasyon, makabuluhang
paglilibang at sapat na pahinga; ligtas na hangin, tubig, lupa at
baybaying maituturing na atin. Mga katutubong wika sa Pilipinas ang
ang midyum upang maglikom at magpasa ng kaalaman. Ito rin ang
ginagamit para ang mga mamamayan ay maaaring makinabang sa
karunungan ng bawat isa.

Maaasahan natin ang literatura na magsadokumento ng ating


panahon, ilalarawan at hahamunin nito ang ating panahon. Maaaring
hindi tayo komportable nito at kampante dahil isa ito sa kanyang mga
papel. At papaanong magagawang itawid ng literatura ang
kasalukuyang panahon sa mga darating na henerasyon?- sa wikang
higit na naiintindihan at ginagamit ng higit na nakararami, ang wikang
Filipino at mga katutubong wika sa Pilipinas.

Kung ganoon, hindi lamang pang-klasrum o pangbuwan ng mga


wika sa Pilipinas o buwan ng wikang Pambansa ang Filipino at iba
pang katutubong wika sa Pilipinas. Dahil ito ang wika ng karaniwang
tao sa karaniwang buhay at karaniwang sitwasyon. Tumatalon ito mula
sa pader ng eskwelahan; tatakbo sa lansangan; papanhik sa mga
overpass; lulusot sa mga underpass; makikipagpatentero sa mga
sasakyan; susugatan ang mga bukid at palayan; magtatampisaw sa
tabing dagat; dederetso sa mga tindahan, palengke, talipapa,
barberya, karenderya, pagawaan, pandawan at pandayan. Sisingit sa
mga madidilim na eskinita hanggang sa makarating sa ating mga
tahanan. Walang duda, ito ang wika ng mga karaniwang Pilipino.
Hahanapin natin ito sa mga bibig ng mga maykapangyarihan, ng ating
mga pinuno, ng mga intelektuwal at iskolar ng mga kumakatawan sa
atin.

Ngayong nahaharap tayo sa krisis na dulot ng Covid-19, tamang


kaalaman, tamang gawi at tamang impormasyon ang pinakamainam
na armas nating lahat. Tanging sa wikang Filipino at mga katutubong
wika sa Pilipinas lamang higit na epektibong mapapadaan ang dapat
nating malaman nang malinaw, malapit sa puso, tagos sa isip at kadikit
ng bituka. Bakit? Dahil ang mga katutubong wika din lang ang
puwedeng kumatawan sa lahat ng ating nararamdaman-gutom, takot,
pangamba,, pag-aalala, pag-asa, pagsusumikap, pakikipaglaban, pag-
ibig at pangarap.

Kung iisa ang wika ng karaniwang tao at nasa kapangyarihang


intelektuwal, at mga kumakatawan, baka higit tayong
magkakaintindihan. Mapabilis ang paglaban sa pandemya at sabay-
sabay tayong bumangon at gumaling, tayong lahat, bilang isang bansa.

WIKA SA PAKIKIPAG-USAP/WIKA SA AKADEMYA

Binanggit ni Jun Cruz Reyes, Ama ng Panitikang Pilipino sa


kanyang pahayag na ang ating panahon ay panahon ng inseguridad-
panahon ng pandemya. Sa pakikipag-usap sinabi niya na gamitin ang
wikang alam natin- iyong wika na nauunawaan ng nakararami sa atin.
Iyong laman ay karanasang pambansa, mula sa karanasan ng mga
Lumad (halos di na natin nababalitaan) hanggang sa akademya.
Dagdag pa niya, puwede ring mga kuwento mula sa bukid, pabrika,
mula kanto, palengke, kalsada pati na iyong mga leksyon natin sa ating
mga klasrum.

Ayon pa rin kay Reyes, mahalagang nag-uusap tayo para


magkaintindihan at kapag nag-uusap tayo, dapat ang isa sa atin ay
nakikinig. Walang silbi ang pag-uusap kapag hindi nagkakaintindihan,
kapag walang nakikinig. Hindi kailangang sumigaw, magmura, at
magalit. Mag-uusap tayo ng puso sa puso para magkaunawaan, para
huwag maghati-hati, para mabuo natin ang adhikain ng sambayanan-
adhikaing makabubuti para sa mas lalong nakakarami, ito ang halaga
ng wika.

Binanggit rin ni Reyes na ang wika’y hindi lang salita, laman din
nito ang ating kasaysayan, ang simpatya, ang adhikain ng isang
panahon. Inirerekord ng panulat ang lahat ng diskurso. At bilang
estudyante, bukod sa pag-uusap lalo na sa panahon ng pandemya na
bawal makipag-usap nang walang social distancing at face mask,
maaari tayong magbasa, maaari tayong magguhit.

Dagdag ni Reyes, anuman ang itinatanong natin, malamang ay


naisulat na o may nagsulat na. Noong nagsusulat si William
Shakespear, may panahon ng pandemya at siya ay nakagawa ng
pinakamagandang akda ng mundo. Si Rizal noong nagsulat ay may
pandemya rin. Mayroon noong kolera. Ganoon ang background kung
paano niya sinulat ang Noli. Si Tols Toy at Hemingway, kahit “The
Great Gatsby” isinulat din noong panahon ng pandemya. Mas marami
tayong panahon ngayon na magbasa para mag-usisa at sumagot

WIKA BILANG KASANGKAPAN SA PAGTUTURO NG PANITIKANG


PAMBATA
Luis P.Gatmaitan
Premyadong Manunulat ng Kwentong Pambata

Malaki ang ambag ng mga panitikang pambata sa literasi na


kailangan ng mga bata ngayong panahon ng pandemya. Kung
titingnan ngayon, ang mga bata ay nasa bahay lamang. Ito ang
magandang pagkakataon na ang mga magulang ay kasama nila na
magbasa ng mga aklat. Lalo na ngayon na ang panitikang pambata sa
Pilipinas ay buhay na buhay. Ang mga librong pambata ngayon ay
tumatalakay sa iba’t ibang aspekto ng buhay tulad ng karanasan ng
mga batang Pinoy. Ang mayamang ani ng panitikang pambata sa
bansa ay may mga kuwentong tumatalakay sa pagkakasakit, tungkol
sa relasyon ng mga magulang at mga anak pati LGBTQ na isyu ay
may mga existing story books na ngayon. Ito ang magandang panahon
para mapag-usapan ang mga kakaibang paksa na ito. Dahil may
kwentong hatid ang panitikang pambata, hindi napapansin ng mga
bata na natuto na rin silang bumasa at magsulat at napapabuti na rin
ang kanilang bokabularyo dahil na rin sa kawili-wili ang mga kwentong
pinababasa sa kanila.

Sa literasi, mahalaga ang kapasidad nila at abilidad nilang


makasulat, makapagbasa, pagpapayaman ng bokabularyo at pagiging
magaling sa wika sa pagsasalita. Karamihan sa mga librong pambata
ay bilinggwal- dalawang wika ang pinapakita- may Filipino at Ingles.

Ngayong panahon ng pandemya, mahalagang magpokus tayo sa


mga aklat pambata na may kinalaman sa kalusugan ng katawan dahil
alam naman natin ang pandemyang dinaranas natin.

Maganda rin ang digital literacy. Panahon ngayon ng online


education kung kaya hinihikayat ng DEPED na lahat ay matutong
gumamit ng kompyuter at mga bagay-bagay na magagamit sa online
learning. Dagdag pa ni Gatmaitan, dahil digital natives ang mga bata,
hindi magiging mahirap para sa kanila ang digital literacy. Ito ang dapat
na bigyang diin sa panahong ito, dahil marami na tayong mga guro na
bukod sa broadcasters ay nagiging teacher-author na rin na ipinalabas
ng DEPED. Ang mga guro ay maaaring gumawa o sumulat ng sariling
kwentong pambata na maitutulong nila para lumawak ang kaalaman ng
mga bata sa panahon ng pandemya. Halimbawa, bakit kailangang
manatili sa loob ng bahay? Bakit kailangang magtakip ng bibig at ilong
kapag bumabahin o umuubo? Bakit kailangang maghugas ng kamay?
Kung bakit kailangan nating malaman ang mga sintoma ng Covid-19?
Lahat ng ito ay makatutulong sa literasi at malaki ang ambag ng
panitikang pambata sa pag-unlad ng karanasan ng mga batang Pinoy
sa panahon ng pandemya.
EDUKASYON SA PANAHON NG PANDEMYA

Sa pahayag ni Diosdado M. San Antonio, ikalawang Kalihim,


Tanggapan ng Kurikulum at Instruksyon:

Bilang ahensiya ng pamahalaang nakatutok sa edukasyon,


pangunahing tupdin nito ang mandating nakasaad sa kurikulum na
makapaghubog ng mga buo at ganap na mga mag-aaral na may
kapaki-pakinabang na literasi na magagamit sa pang- araw-araw na
buhay, higit ngayong panahon ng pandemya. Kaya nga sa
pamamagitan ng DEPED Order Bilang 74 na nilabas noong 2009 na
Mother Tongue-Based Multilinggual Education (MLE) na paggamit sa
unang wika ng mga bata sa unang taon ng kanilang pag-aaral.

Pinatutunayan ng maraming internasyonal at lokal na saliksik na


mahalagang mapatatag muna ang pundasyon ng unang wika bago
tumawid sa ikalawa at iba pang mga wika. Dulot nito, nakita ng KWF
ang ginagampanang papel ng mga wika sa Pilipinas, hindi lamang ang
wikang Filipino sa pagpapalaganap ng wastong impormasyon hinggil
sa pag-iwas at pagsugpo sa lumalaganap na sakit ng Covid-19. Sa
pamamagitan ng kani- kanilang mga unang wika, higit na mauunawaan
ng mas maraming mag-aaral ang kahulugan at kabuluhan ng salitang
BAYANIHAN na mula mismo sa ating Batas Republika Bilang 11469 o
mas kilala sa tawag na BAYANIHAN TO HEAL AS ONE ACT na
kailangang isabuhay sa panahon ng pandemya. Gayundin ang
pagkilala ng Kagawaran sa pagkilala ng mga katutubong wika na
nakasaad sa DEPED Order Bilang 32, 2015. Isinasaad ng polisiyang
ito ang malalim at sensitibong kasaysayan ng bawat indigenous people
8ab anta na mahalagang maunawaan ng higit na nakararaming mga
Pilipino.
Tandaan natin, magkabuhol ang wika sa kultura at identidad ng
bawat lahi. Mas may kahulugan ang bawat simbolo, sayaw,
pagdiriwang at may mga natatanging katangian na unique sa bawat isa
na mahalagang maging mala yang lahat. Higit sa lahat ang paggamit
ng mekanismo ng Kagawaran, ang mga paaralan at dedikadong mga
guro sa buong bansa, patuloy ang pakikipagtulungan ng aming mga
kaguruan at paaralansa kani-kanilang local government units para sa
information drive para maging mala yang bawat mag-aaral sa
pandemyang dulot ng Covid-19.

Sa pahayag ni Jocelyn DR. Andaya, Direktor IV Beureau of


Curriculum Development:

Bago pa man ang pandemya, nagkaroon na ng mga hakbang at


inisyatiba ang Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng Beureau
Of Curriculum Development upang mapaunlad at mapahusay ang
nilalaman ng K+12 Curriculum Guide, katuwang ng mga eksperto sa
pandemya at mga tagapagpatupad ng iba’t ibang disiplina, aming
tinukoy ang mga Most Essential Learning Competencies (MELCS) o sa
Filipino ay mahahalagang kasanayan na dapat taglayin ng mga mag-
aaral gamit ang intended curriculum. Ang mga kompetensing ito ay:
(1.) Ito ay naka-allign o nakahanay sa pangkalahatan o pambansang
pamantayan, (2.) Ito ang nag-uugnay sa nilalaman at sa matataas na
konsepto ng iba’t ibang disiplina, (3.) Ito ay nagagamit sa mga iba’t
ibang sitwasyon, (4.) Ito ay magagamit at mapapakinabangan pa rin
ng mga mag-aaral kung sakaling sila ay tumigil ng pag-aaral, (5.) Ito
ang mga kompetensi na karamihan ay natutunan sa loob ng paaralan.
Ang prosesong ito ay aming inihanda para sa ating mga mag-aaral sa
pangkaraniwang panahon. Ngunit dala ng pandemya ay kailangan
naming ilapat an gaming nasimulan sa napapanahon at kagyat na
pangangailangan ng ating mag-aaral. Kung kaya naman ay iniluwal
ang tinatawag na MELCS.
Ang dating napakaraming bilang ng essential learning
competencies na kasanayan ay lumiit na ngayon ang bilang sa ating
MELCS. Ito ay sa pagnanais nating tukuyin lamang ang
pinakamahalagang kasanayan na dapat malinang o matutunan ng mga
mag-aaral lalo pa at isinaalang-alang natin ang iksi ng panahon ng
kanilang pag-aaral at ang maraming magiging sitwasyon nila sa
panahon ng pandemya.

Ipinaliliwanag naman namin na sa pamamagitan ng iba’t ibang


mga oryentasyon, magmula sa mga kinatawan at mga namamahala ng
mga rehiyon at dibisyong kawanihan kung paanong gamitin ng ating
mga guro ang MELCS at paano ito ikinukonteksto ayon sa
pangangailangan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan naman ng
Beureau of Learning Delivery at Beureau of Learning Resources na
aming katuwang sa BCD upang maging materyal ang nilalaman ng
kurikulum ay nagsagawa na rin ng mga hakbang kung paano gagawin
ang iba’t ibang pamamaraan sa pagtuturo at kung paano maging
possible ang pagkatuto.

Tunay ngang ang panahon ngayon ay talaga naming mapanubok


at mapanghamon kung kaya kinakailangan at inaasahan natin ang
inyong pakikiisa at pakikilahok. Tandaan natin na mangyayari lamang
ang tunay na Bayanihan sa panahon ng pandemya kung tayo ay
sama-sama.

KAHULUGAN NG EDUKASYON

https://www.pinoynewbie.com/kahulugan-kahalagahan-ng-edukasyon/

Sa pangkalahatang kahulugan, ang edukasyon ay ang proseso


ng pagbabahagi, pagkuha at pag-iipon ng kaalaman. Ito ay tumutulong
sa tao upang mapaunlad ang kanyang kakayahan, pang-unawa at
pagkatao. Ito rin ay tumukoy sa pag-aaral ng iba’t ibang asignatura
upang matuto ng iba’t ibang kasanayan para magamit sa pang-araw-
araw na buhay at para sa kinabukasan.
Ang edukasyon ay maaring maganap sa pormal at di-pormal na
pamamaraan. Hindi lamang sa paaralan naka-sentro ang edukasyon.
Ito ay makikita rin maging sa ating tahanan at kapaligiran. Simula pa
man noong tayo ay mga bata pa, tinuturuan na tayo ng ating mga
magulang ng mabuting asal. Tinuruan din nila tayo kung paano
magsalita, magsulat at magbilang. Patunay lamang ito na sa labas ng
paaralan mayroon ding edukasyon.

Ang edukasyon ay hindi laging nabatay sa laman ng libro. Ito ay


matatagpuan mismo sa ating mga buhay. Natututo tayo mula sa ating
mga ginagawa at mga karanasan. Sa pamamagitan ng ating mga
magkakamali, natututo tayong umisip ng mga paraan kung paano natin
maiiwasan ang mga hindi kanais-nais na pangyayari sa hinaharap.

ANG PAPEL NG WIKA SA ATING PAGKATUTO

https://www.pressreader.com/
Ang wika ay ang pangunahing instrumento nating mga tao
sa pakikipag-ugnayan, sa pagkalap ng kaalaman, sa komunikasyon
at sa marami pang aspeto ng buhay. Samakatuwid, malaki ang
ginagampanan ng wika sa ating buhay dito sa lupa at maging ang
magiging buhay natin kapag tayo ay namatay na. Una, ang wika ay
nagsisilbing kasangkapan ng tao sa pakikipagkomunikasyon. Ito ay
isang mahalagang instrument upang ang bawat bansa ay
magkaroon ng pambansang kaunlaran.
Ang bawat bansa o nasyon ay may sari-sariling wikang
isinasalita ngunit mayroon pa rin tayong tinatawag na “universal
language o isang lenggwaheng dapat alam ng lahat at ito ay ang
wikang Ingles. Pangalawa, ang wika ay isang kasangkapan sa
pagkalap ng kaalaman. Sa pamamagitan ng wika ay nagkakaroon
tayo ng kakayahan na umintindi ng mga bagay-bagay at ipaliwanag
ang kahulugan ng mga ito.
Sa paaralan, ang wika ang nagsisilbing tulay sa pagkatuto
hindi lamang ng mga mag-aaral kundi maging ng mga guro.
Nakasalalay ang epektibong pagkatuto at matagumpay na
paghahatid ng mga ideya sa ibang tao sa pamamagitan ng wika. At
ito ay lubos na magiging matagumpay kung ang guro ay bihasa o
may sapat na kaalaman sa pakikipag-ugnayan. Kinakailangang
maging mahusay ang isang indibidwal sa pagsasanay ng wika
upang magamit ito nang maayos.
Sa makabagong panahon, dapat maisaalang-alang ng bawat
paaralan ang pag-aaral ng wikang Filipino bilang midyum sa
pagtuturo ng edukasyon o wikang panturo. Sa ganitong paraan,
hindi mawawala ang pagkakaroon ng halaga ng ating wikang
pambansa at maitatanim pa natin sa utak at puso ng bawat
kabataan ang imporatnsya ng wikang Filipino. Ang papel na
ginagampanan ng wikang Filipino sa edukasyon ay hindi
matutumbasan ng kahit ano. Katulad ng mga nabanggit ito ay tulay
na magdudugtong tungo sa kaunlaran ng mga nasyon at
kalagayang panlipunan ng isang bansa.

KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO SA EDUKASYON

https://www.panitikan.com.ph/kahalagahan-ng-wika

Mayroon ding mahalagang papel ang wika sa pag-aaral at


edukasyon sa bansa. Sa Pilipinas, isang asignatura ang tumututok sa
kasanayan ng mga mag-aaral sa wikang Filipino. Dito ay inaalam ng
mga mag-aaral ang wastong baybay, balarila, at pagkakabuo ng mga
salita at pangungusap upang magkaroon nang maayos na talastasan.

Bagaman maraming negosyo sa Pilipinas ang nakatuon sa


paggamit ng wikang Ingles sa araw-araw na transaksiyon, hindi
maiaalis na ang wikang Filipino ang mabisang ginagamit upang
maabot ang lahat ng uri ng mamamayan sa lipunan. Bawat isa ay
nakauunawa ng Filipino—mayaman man o mahirap dahil ito ang
pangunahing wika sa bansa. Dahil dito, mabisang naipahahayag ang
layunin ng mga negosyo sa mga mag-aaral, mamamayan, at mamimili.
Mahalaga rin ang wikang Filipino at iba pang wika sa bansa sa
pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa kasalukuyang kurikulum na K-12,
ginagamit ang mother tongue o kinalakihang wika sa isang lugar sa
pagtuturo ng karamihan sa mga aralin at asignatura. Sa ganitong
paraan daw kasi ay mas nauunawaan ng mga bata ang aralin at hindi
na kailangan pang matuto ng ibang wika, lalo na ang mga musmos pa.
Mas mabisa raw ito dahil mas gagaan ang pasanin at responsibilidad
ng isang mag-aaral sa pag-unawa sa kaniyang aralin.

KARAGDAGANG BABASAHIN

“EDUCATION “ NASA KEYWORD NI RAYMOND


WILLIAMS

https://infed.org/raymond-williams-and-education-a-slow-reach-again-for-control/

Raymond Williams and education – a slow reach again for control


https://infed.org/raymond-williams-and-education-a-slow-reach-again-for-control/

Raymond Williams and education – a slow reach again for control. Raymond Williams was
a literary critic, cultural historian, cultural and political theorist, novelist, dramatist, and the
virtual inventor of the interdisciplinary field known as ‘cultural studies’. Josh Cole explores
his little appreciated contribution as an educational thinker.

Raymond Henry Williams (1921-1988) wrote little directly related to education


during his long career, and has rarely been thought of as an educational thinker.
Despite this, education courses through his work, and if one looks carefully, much
can be found within it to enrich pedagogical thought and practice.

In what follows, I will describe Williams’ cultural roots and early educational
experiences, his thoughts on adult education and lifelong learning, his concern with
informal education and public pedagogy, and his general thinking about the
transformative power of culture, perhaps his greatest contribution to pedagogy in the
widest sense.

Early encounters with community and schooling

Raymond Williams was born in 1921 in Pandy, Wales to a working class, politically-
left-leaning family (his father, a railway worker, was also the secretary of the local
Branch Labour Party in the 1920s) (see Smith 2008). He was an exceptional student,
attending Llanfihangel elementary school before winning a prestigious scholarship to
King Henry VIII Grammar School in Abergavenny in 1932. The notion of education
and intellectualism were central to Williams’ Welsh village community. Unlike other
working-class students he later met in university, he was always encouraged in his
intellectual pursuits. As he later explained, he attributed this to Wales’ unique cultural
climate:

there was absolutely no sense in which education was felt as something curious in
the community…There was absolutely nothing wrong with being bright, winning a
scholarship or writing a book…Historically, Welsh intellectuals have come in very
much larger numbers from poor families than have English intellectuals, so the
movement [into intellectual life] is not regarded as abnormal or eccentric…The typical
Welsh intellectual is—as we say—only one generation away from shirt sleeves.
(Williams 1979: 29)

That said, as child in Wales, Raymond Williams learned more than just an
appreciation for the life of the mind. He also began to see education and politics as
deeply intertwined, a lesson that marked him deeply. In the Wales of Williams’
boyhood, formal schooling served as a means of supplanting local cultures with the
official culture of the British Empire. Children in Pandy were punished for speaking
Welsh in schools, and were taught, above all else, about the glories of ‘English
Civilization.’ As he was finishing at King Henry VIII, Raymond Williams’ father and his
headmaster colluded to send him to Cambridge University without his consultation.
He later recognized that this educational official played a small but important role in
the colonizing process, by identifying talented local children and whisking them away
to elite English universities, thus neutralizing their potential anti-colonialist
tendencies. (Williams 1979: 37)

Raymond Williams began reading the ‘English Tripos’ (modern languages, history,
and classics) at Cambridge in 1941, before being called to service during World War
II. After serving as a wireless operator and tank operator, he returned to Cambridge
in 1946 to finish his studies. Immediately after, he was appointed as a Staff Tutor in
the Oxford University Tutorial Classes Committee—also known as the Extra-Mural
Delegacy and Workers Education Association (WEA).

Raymond Williams, adult education and lifelong learning

As an adult educator, Raymond Williams began to reconcile the schism between the
community-based informal education he received in Pandy, and the ‘official,’ elite
education bestowed upon him through English schooling and higher education. He
did so by attempting to use Oxford’s adult education programme to actualize a
process of lifelong learning conducive to a radical expansion of community and
democracy. Williams insisted that ‘education was ordinary,’ and was a means through
which people of all ages could both immerse themselves in a common culture, and
refine and sharpen that culture against their own individual experiences. (Morgan
2002: 253) Adult education offered a unique means of deconstructing the social
hierarchies created by other forms of education, rather than reinforcing those
hierarchies in the name of private or commercial interests. In adult education, people
could cultivate critical skills by interacting with others whom they might not normally
encounter (a factory labourer and a physician could engage in philosophical
discourse, for instance) and thus create a concrete, working model for a future
democratic society (Williams 1993: 221; 219) Education as a mere means of post-war
material advancement–a means of creating a “newly mobile and varied elite”–was
anathema to Williams’ conception of lifelong learning. (Williams 1993: 223)
For Raymond Williams, adult education as a means of expanding democracy
meant all involved would be educated—including the educators. Anticipating Paulo
Freire’s great work Pedagogy of the Oppressed (published in 1968), Williams argued
in the early 1960s that the educational process cuts both ways. The adult instructor
has much to learn about herself and her discipline from her students. Ideally, through
adult education, instructors and students would ‘meet as equals’ in the classroom,
and share fully in the process of democratic learning. (This is not to suggest that
Raymond Williams assumed that students automatically knew more about a teaching
subject than their instructors—his was not an uncritical version of ‘student-centred
learning’–rather, he simply took it as given that the instructor is not beyond reproach:
the educator “may not know the gaps between academic teaching and actual
experience among many people; he may not know when, in the pressure of
experience, a new discipline has to be created.” Interaction with adult students could
give educators that experience) (Williams 1993: 225)

One experiment in democratic learning made possible through adult education


involved using technology to transcend the physical confines of the classroom. For
Raymond Williams, adult education offered a unique opportunity to marry new
communications media and pedagogy, expanding the democratic reach of
educational practice. As he wrote in 1959:

There is no necessary opposition between (education) through the small group and
the use of such new media as broadcasting and television. We all live at different
levels of community, and a healthy culture needs a corresponding scale and variety
of institutions. Broadcasting has helped adult education both directly and indirectly.
Television, at worst, has not harmed it. (Williams 1993: 220)

The virtues and dangers of public pedagogy

Raymond Williams was an important (if largely unrecognized) theorist and proponent
of ‘public pedagogy.’ Public pedagogy is an approach to education that (in the words
of the American educational historian, Lawrence Cremin) “projects us beyond the
schools to a host of other institutions that educate: families, churches, libraries,
museums, publishers, benevolent societies, youth groups, agricultural fairs, radio
networks, military organizations, and research institutes.” (Cremin 1970: xi; see also
Gramsci 1995: 249; Giroux 2006: 70) This expansive notion of education, in which
Williams saw great democratic potential, ran counter to education as traditionally
conceived from the nineteenth-century forward; that is, as either the perpetuation of
elite culture, or as a means of vocational training. Both reproduced social inequalities,
and did so partially through their confinement to the controlled environment of the
school-house. In addition to this, both were fatally nostalgic, failing to take
contemporary realities into account. Raymond Williams saw modern people as
swimming in a veritable sea of new information and modes of communication—all of
which educate. As he wrote in 1953, in defence of the study of film as an adult
educational subject:

[F]or conservatives and reformers alike [film] is shorthand for depravity and cultural
decay. Many fear that if education touches it, the taint will be indelible. It is a pretty
fear; but if adult education cannot handle and access an institution which weekly
serves the leisure of twenty-five million British adults, and which deals well or badly,
but at least with great emotive power, with the values of man and society, then adult
education deserves to fade. (Williams, 1993: 186)

Though he saw modern media such as film as intrinsically educational, this alone did
not guarantee it democratic status. The new information environment was (and is) all
too often inordinately influenced by interests that care little for education or
democracy. (McGuigan 1993: 168) A paradigmatic example of Raymond Williams’
approach to new media as public pedagogy, and the dangers that unequal access to
the means of information production hold for public pedagogy, can be seen in his
analysis of the commercialization of the printing press. The press, from its advent in
the sixteenth-century, was a mixture of public and private, commercial and non-
commercial elements. It was educative from the start, spurring on “the formation of
opinion, the training of manners, the dissemination of ideas.” (Williams 1961: 175)
That said, ratio of the commercial and non-commercial, and thus the educative and
the non-educative, was seriously upset in the 1890s due to the introduction of mass
advertising. Through advertising, the share of potentially liberating information in
newspapers was dwarfed by that that of commercial ‘persuasion.’ As a result, the
press became a medium dominated by a “selection of facts and opinions” related
primarily to capitalist expansion. The promise of an informed, critically engaged
populace suffered as a result. (Williams 1993: 123)

Characteristically for Raymond Williams, all is never lost, and the seeds of renewal
are never far from the surface. Mass media, though subject to anti-educational
interests, can still be rescued for the purposes of democracy. For instance,
centralized forms of information such as the press–which are likely to be overtaken
by singular interests–could usefully be combined with, and offset by, regionally-based
means of public education, such as “theatres, orchestras, county societies, the great
voluntary organizations, local authorities, and the minority national cultural
organizations.” (Williams 1993: 220) Similarly, a medium like television could be
utilized for the public interest (as it was in the heyday of the Open University, a
project for which Williams was an early, if not uncritical champion). If the entire
informational environment were directed towards education and by extension
democracy, and if the “extreme hostility which has been all too common in education
towards the general communications services” could be overcome, Raymond
Williams believed that the political dividends would be enormous, and what we now
conceive as ‘education’ could be superseded by something altogether more ‘public’
and effective (Williams 1993: 230)

Culture as a medium for political transformation

On the most basic level, perhaps Raymond Williams’ most important lesson for
educators is the deep and continuous emphasis he placed upon culture as both a
constitutive element of society, and as a potential means for social transformation.
Unlike many writers and thinkers on culture, who seal off it from the rest of society,
Raymond Williams refused to divorce culture from other concerns. For him, culture
cannot be understood in isolation from the social ground from which it springs, or
from the reciprocal effects it has upon the social environment. He stated this still
sadly unorthodox position as early as 1947 in a journal he edited entitled Politics and
Letters:
If a critic of literature is genuinely interested in the contemporary and traditional work
which he criticizes, then he cannot fail to be concerned about much more than
literature itself. He is obliged to enquire particularly into what modern literature
reflects of contemporary social experience and into the way in which social life
influences the subject, form, and language of literature. But beyond these
researches, he must accept the responsibility for whatever it is that
literature represents in society. (Williams 1993: 34)

This marriage of culture and politics did not ingratiate Raymond Williams to England’s
academic elite. As Terry Eagleton points out, Williams politicized culture just enough
to alienate him from his peers, and to have his version of culture “thrown back in his
face by the cultivated.” (Eagleton 1989: 5)

As Raymond Williams moved further to the left in the 1970s, his notions of culture
moved with him—and so did the controversy he generated. Unlike many leftists of the
time, Williams refused to treat culture as a second-order political concern. The
simplified version of Marxism then fashionable all too often subordinated culture to a
mere reflection (or ‘superstructure’) of the economic mode of production (or ‘base’)
practiced in a given period. Drawing on the work of the Italian cultural and political
theorist Antonio Gramsci, Williams rejected this ‘economistic’ view of society. Instead,
he advanced a position which had culture, economics, and politics in deep and
shifting interaction with one another. A social formation at a given historical moment
was for Williams a “complex interlocking of political, social, and cultural forces.”
(Williams 1977: 108) In such a situation, culture is, if anything, the key constituent.
Culture—particularly in institutional forms such as schooling and higher education—is
crucial to rendering economic and political arrangements ‘natural,’ and thus
‘inevitable’ and ‘unchangeable.’ Culture ‘internalizes’ political arraignments, and
makes them a vital part of public and private experience. (Williams 1977: 110) Once
naturalized through culture, such an arrangement gains immeasurably in influence.

But for Raymond Williams, if culture is a key factor in modern political arrangements,
it also contains their potential undoing. Within any cultural and political formation,
nodes of resistance are ever-present. The dominant formation always contains
remnants of the cultural past (or, the ‘residual’), and generates new cultural forces
(the ‘emergent’) which can be turned against an existing cultural and political order.
Human agency always shadows domination. As he emphatically stated in
1977’s Marxism and Literature: “no mode of production and therefore no dominant
social order and therefore no dominant culture ever in reality includes or exhausts all
human practice, human energy, and human intention.” (Williams 1977: 125) Thus,
within the culture that oppresses, lies the ‘imminent critique’ that can be used to
overthrow oppression in the name of a deeper and more total form of democracy.
Educators play an obvious and essential role in such a project.

Conclusion: Raymond Williams and education

As mentioned in the beginning of this piece, Raymond Williams’ influence upon


educators and pedagogical theorists has been indirect, if not slight. Considering that
in education, more than in most activities, culture and politics come together in a
radically concrete fashion, and that education is, by its very nature, a site in which
‘human practice, human energy, and human intention’ can flourish or be stifled,
Williams’ absence from pedagogical debate is genuinely unfortunate. But as more
than one cultural worker has discovered, Williams has a way of making his presence
known eventually. Stuart Hall has written as much: “I have often had the uncanny
experience of beginning a line of thought or inquiry, only to find that, apparently
coincidentally, he had not only been travelling much the same road but had given the
issues a clearer, more forceful and clarifying formulation.” (Hall 1989: 55) Educators
would benefit immeasurably by acquainting themselves with his rich and endlessly
rewarding work, and by doing so sooner rather than later.

DAGDAG PANG BABASAHIN NA NAKA-PDF KASAMA NG MODYUL NA


ITO

Ang Gamit at Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Pagtuturo ng Agham:


Panayam kay Prop. Fortunato Sevilla III
https://hasaan.ust.edu.ph/wp-content/uploads/2019/04/HASAAN-Journal-Tomo-II-
2015-116-123-2-8.pdf

MGA SANGGUNIANG:
WIKA AT EDUKASYON SA PANAHON NG PANDEMYA
https://www.youtube.com/watch?v=ZIZ-IWVme3k

PetRonila P, 2018-02-06.https://www.pressreader.com/

Brian Carlo, January 4, 2019 https://www.pinoynewbie.com/kahulugan-


kahalagahan-ng- edukasyon/

https://hasaan.ust.edu.ph/wp-content/uploads/2019/04/HASAAN-
Journal-Tomo-II-2015-116-123-2-8.pdf

Panuto: Gumuhit ng editoryal na karton na nagpapakita ng ugnayan


PAGLALAPAT
ng wika at edukasyon. Bigyan ng kahulugan o simbolismo ang mga
(Application)
tinutukoy na tauhan, bagay at mga salita mula sa iginuhit na karton.
Tukuyin din ang mensaheng nais nitong iparating. Gawing batayan sa
paggawa ang rubric na nasa ibaba.

MODIFIED RUBRIC SA PAGGAWA NG EDITORYAL NA KARTON


https://www.slideshare.net/jcmendoza18/q3-module-1
PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula PUNTO

20 15 10 5

Lubhang Akma sa Bahagyang Walang


nakaakama sa paksa ang umakma sa kaugnayan sa
NILALAMAN paksa ang larawang paksa ang paksa
AT larawang naiguhit naiguhit na
5
KAUGNAYAN naiguhit larawan
SA PAKSA
Lahat ng Marami sa Ilan lamang sa Walang
simbolong mga mga simbolong kahulugan at
SIMBOLONG ginamit ay simbolong napili ang di-maunawaan
GINAMIT malinaw, orihinal napili ay may makabuluhang ang mga
at makabuluhan kabuluhang nagamit sa simbolong
sa larawan nagamit sa larawan ginamit 5
paglalarawa
n

Napahusay ng Mahusay Medyo mahusay Walang


pagguhit. Lahat ang ang kahusayan ang
KAHUSAYAN SA ng simbolo ay pagkakaguhi pagkakaguhit, pagkakaguhit.
PAGGUHIT AT napagsama- t, may 1-2 may 3-4 na mga Lahat ng mga
PAGKAMALIKHA sama ng salita at mga salita at mga salita at mga
IN maayos simbolo ang simbolo ay hindi simbolo ay pilit
hindi napagsama- na pinagsama-
napagsama- sama ng sama kahit 5
sama ng maayos. hindi maayos.
maayos. Walang
Walang sariling konseptong
Nagpapakita opinyong nais ipahiwatig.
ng sariling ipinakita
pananaw

PAGPAPALIWAN Naihatid ng Maayos ang Bahagyang Walang


AG AT larawan ang paliwanag at naibigay ang kaayusan ang
PAGBIBIGAY mensahe. kakikitaan ng paliwanag at paliwanag.
KAHULUGAN paghahanda kinakikitaan ng Walang
May analohiya 5
kakulangan sa paghahanda.
ang larawan sa paghahanda
konseptong nais
iparating

KALINISAN AT Malinis ang Malinis ang Malinis ang 50% 25% lamang
ANYO NG GAWA pagkakagawa. 75% ng ng larawan ang malinis na
larawan, gawa.
Malinaw ang May malaking
lahat ng detalye May ilang bahagi ang May detalyeng 5
bahagi ang marumi. malabo.
marumi
May mga
May ilang detalyeng
detalye na Malabo ang
wala sa pagkakaguhit
larawan

25X2=

Panuto: Batay sa Education na nasa Keywords ni Raymond Williams,


PAGTATAYA
(Evaluation) sagutin ang tanong sa ibaba. Magsipi ng bahagi sa kanyang talakay at
ipaliwanag sa isang (1) talata. Isulat sa FORUM ng moodle (VLE).

Batay sa iyong nabasa, sa iyong sariling pananaw, paano


ipinakita ni Raymond Williams sa kanyang talakay ang ugnayan ng
wika at edukasyon?
Inihanda ni:

MARICHU V. FALSARIO

You might also like