Professional Documents
Culture Documents
Maguindanao.
Introduksyon:
PAGPAPAKASAL
A. Kabpangengedung
Ang unang-unang prosseso ay tinatawag nilang “kabpangengedung” na ang ibig
sabihin ay pupuntahan ng mga magulang ng lalaki (Kamaman) at ibang kamag-
anak na siyang magiging tagapagsalita. At kapag dumating na sila sa bahay ng
dalaga ay maguusap-usap na sila at magsasalita ang kasama nilang tagapagsalita,
sasabihin niya sa mga magulang ng dalaga ang kanilang pakay, at dito na
nagsisimula kombersasyon o ang kanilang pag-uusap. Magtatanong sila kung wala
bang nagkakagusto o nag-alok ng kasal sa dalaga dahil kung wala pa ay sasabihin
nilang gusto ng kanilang anak na pakasalan ang dalaga. At pagkatapos nilang
maihayag ang kanilang pakay ay magsasalita na naman ang mga magulang ng
babae. Sasabihin nila na kung papayag ba sila o hindi. Kung papayag naman sila
sa alok ng mga magulang ng binata ay pag-uusapan na nila kung kailan at saan
nila ito pag-uusapan muli. Ngunit ang ibang magulang sa kababaihan ay
magtatanong pa sila kung ano ba ang natapos ng binata at kung ano ba ang itsura
nito gwapo bai to o pangit. Ang mga katagang iyon ay minsan ay nagiging basihan
din at minsan naman hindi. Ito ay naka-depende sa mga napagkakasunduan ng
mga magulang.
B. Kapanalangguni
Naglalagay sila ng mga pandala o dekorasyon sa tabi ng daan at ang iba ay
naglalagay ng larawan o tarpaulin ng magkasintahang ikakasal upang ipaalam sa
karamihan ang magaganap na Salangguni. Ang pangalawang pag-uusap ay
tinatawag naman nilang “Kapanalangguni o Salangguni” na ang ibig sabihin ay dito
na pag-uusapan ang “Wata na tamok o Sunggudan” na ang ibig sabihin ay Dowry.
Ang Sunggudan o dowry ay nagkakahalaga ng Tatlumpu’t libong (30,000) piso na
ibinibigay ng kamaman kasabay narin dito ang tinatawag nilang “Kawa” na ang ibig
sabihin ay magbibigay pa ng pera na nagkakahalaga ng labindalawang libong
(12,000) piso ang Kamaman ngunit ibinabalik rin ng Kababayan ang tatlong libong
(3000) piso. At ang siyam na libong (9,000) piso na natira ay mahahati ng mga tito,
tita at iba pang mga taong malalapit sa dalaga. Ang dowry naman ay hindi pwedeng
bawasan at mapupunta lamang ito sa babaeng pakakasalan. Pinag-uusapan din
ang tinatawag na Igan o higaan at kailan sila bibili, mga gastusin at kung saan
gaganapin ang kasal. At Pagkatapos ng Salangguni ay magkakaroon na ng
preperasyon ang mga pamilya ng ikakasal. Ang kamag-anak at mga kaibigan ng
lalaki ay tutulong ganun din sa babae mayroon ding preperasyon para sa kasalan
ang iba ay mangangahoy upang gawing panggatong at magamit sa kanilang
pagluluto, ang iba naman ay gagawa ng parang bahay upang doon nila ilalagay
ang mga pagkaing lulutuin pa.