You are on page 1of 4

Fil 2 Module 2 Filipino sa Disiplina ng Mga Likas na Agham

Layunin : malaman ang kahalagahan ng Wikang Filipino sa mga akdang may kaugnayan sa mga likas na
agham

Pahalagahan ang pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan.

Mga tanong sa talakayan:

1.Ano ang nangyayari sa tao sa sandaling imulat niya ang kanyang mga mata? Bakit?

2. Anong bahagi ng kalikasan ang unang nagpaparamdam nito? Talakayin ang mga simbolismo nito sa
buhay ng tao.

3.Paano nakatutulong ang mga bahaging ito ng kalikasan sa mga gawain ng tao?

4. Bakit sinasabing ang buhay ng isang tao ay tila isang panahon? Sang-ayon ka ba? Bakit?

5. Bakit mahalagang magkaroon ng mabuting ppananaw at kaalaman sa panahon at klima?

PAG-BASA

Sadyang mapamihag ang kalikasan. Nabibighani nito ang isang nilalang sa sandaling imulat nito ang
kanyang mga mata at masalamin ang kagandahan ng kapaligiran. Sinisundan ito ng dakilang araw sa
kanyang dahan-dahang pagsabog ng kanyang liwanag. Ang malamig na hanging nadarama ay
nakagaganyak sa kanya upang isagawa ang kanyang pang araw-araw na gawain.

Ang paglubog ng araw ay nagpapahiwatig ng panibagonng bukas na punong-puno ng pag-asa. Ang


kahanga-hanga at sari-saring kulayng bahaghari ang dumadantay na lamig at pabago-bagong kalagayan
ng panahon ay dal ng hanging bumabalot sa mundo.

Ang panahon ay bahagi ng buhay ng isang tao. Kapag maganda ang pagdating, pinagagaan nito ang
nagpupuyos na damdamin. Minsa nama”y nagdudulot nng pagkawasak sa mga ari-arian ng mga tao. Ang
mga pagbabago ng panahon ay natitiyak sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga ulap, pagdama sa
halumigmig ng hangin, paiba-ibang paghihip nito, pagbabago ng temperatura at iba pang kalagayan
panghimpapawid.

Sa ngayon madalaing napapaabot ng media sa kinauukulan ang pagdating nng isang malakas na
bagyo at iba pang kalamidad sa bansa. Naisusulat ito sa pamamagitan ng mga makabagong kagamitano
kasangkapang ginagamit sa pagtaya ng panahon.

Samakatwid ang panahon ay epekto ng ppagsasama-samang magkakaibang elementong


panghimpapawid sa loob ng isang oras, araw, lingo, buwan at taon. May anim na magkakaug-nay na
salik na tumitiyak sa kalagayan ng panahona; temperature, puwersa{pressure}, halumigmig ng hangin,
hihip ng hangin, mga ulap at presipitasyon. Mahalaga ang pagkakaroon ng mabuting kaalaman at
pananaw sa ibat-ibang salik na ito ng panahon at klima dahil ditto nakasalalay amg tagumpay ng ating
gawain. Ang klima ay kabuuan ng magkakaibang tularan ng panahon sa ibinibigay na pook sa loob ng
mahabang pagitan ng oras. Kung gayon ito ay katangi-tangingsalik sa pagitan ng panahon at klima.

Ito ay mga bahagi ng kalikasang nararapat pag-ukulan ng pansin upang lingapin si Inang Mundo.
Pabasa blg 2. Sanaysay

ANG TAO AT ANG POLUSYON

Nakalulungkot isipin na maaaring maglaho ang daigdig nang dahil sa polusyon. Ang mundong nilikha
ng Diyos ay tuluyang mawawasak kung hindi aalagan ng mga tao tulad ng hinahangad NIYA, Tao ang
inaasahang magpapala sa magandang daigdig na kanyang binuo. Sa mga nagaganap na pang-aabuso sa
kapaligiran, paano makatutulong ang tao upang maiwasan ang mga sumusunod:

Kumakalat na ang polusyon sa ating bansa at sa iba pang dako ng daigdigdahil sa ating kapabayaan at
walang disiplina sa sarili.

Kahindik-hindik an gating sasapitin kung hindi masusugpo ang polusyon.

Ayon sa mga dalubhasa , lumalaki ang butas ng ating “ozone layer”dahil sa matinding polusyon
nagduduloot sa atin ng mga nakamamatay na sakit katulad ng kanser.

Nagduduloot naman ng sakiit na TB at iba pang karamdaman ang mga usok at nakalalasong hangin.

Masakit din ang sinapit ng mga kagubatan. Wala na ang mga punog nakapagpapadalisay sa hanging
nalalanghap.

Ganito rin ang sinapit ng ating yamang-tubig na bukod sa tinatapunan ng mmga basura ay
hinahagisan pa ng mga dinamitang pumapatay sa maliliit na isda at nagwawasak ng mga batong tirahan
ng mga lamang-dagat.

Sayang na mga bahagi ng kalikasan!. Sayang na daigdig ng mga tao.,kung mapipinsala lamang dahil sa
mga duming ikinakalat sa paligid. Kung pagyayamanin ito, tao ang makikinabang. Kung lalahok ang mga
tao sa mga proyekto ng pamayanan at pamahalaan tungkol sa kampanya sa polusyon, tao rin ang
makikinabang. Paano maisasakatuparan ang mga ito?.Maisasagawa ito sa pamamagitan ng sama-
samang pakikiisa sa pangangalaga sa kapaligiran ng daigdig. Tao kalian ka kikilos? Hihintayin mo pa bang
tuluyang mawasak ang iyong daigdig?

Mga Gawain:

TAKDA BLG I

Pag-basa blg1Mga Likas na Agham

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod. Isulat ang katumbas na salita sa Ingles bago ang depinisyon sa
wikang Filipino 2pts each

1.Panahon - Weather

ay isang bahagi ng sistemang pansukat para malaman ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at
mga patlang sa gitna nila at kung gaano katagal ang isang pangyayari. Ang panahon ay mahalaga sa pag-
aaral ng relihiyon, pilosopiya at agham. Sa kasalukuyan, hindi pa rin mabigyan ng kahulugan ang
panahon na magagamit sa lahat ng mga sangay ng agham at sipnayan (matematika) sapagka't kahit ang
mga dalubhasa ay nahihirapan.

2 Klima - Climate =
Ang klima ay ang pangkaraniwan at pangmatagalang kalagayan at katangian ng panahon sa isang
takdang lugar o rehiyon

3.Temperatura - Temperature

Ang temperatura o kaintan ay ang sukat ng kasidhian ng kainitan o kalamigan ng isang bagay, katulad ng
mula sa katawan ng isang tao[1] at sa lagay ng panahon.[2] Sa kahulugang makaagham, ang temperatura
ay ang pisikal na dami o kantidad na naglalarawan kung gaano kabilis gumagalaw ang mga molekula sa
loob ng isang materyal o bagay.

4.Halumigmig - Humidity

Ang ibig sabihin ng halumigmig ay mainit at nakakapawis na klima. Ito ay ang pagiging mamasa-masa ng
hangin o ng isang pook. Kapag ang isang pook ay mayroong ganitong uri ng klima ay kadalasang
iniiwasan ng mga taong magsuot ng mga de-manggas na mga kasuotan

5.Presipitasyon - Precipitation

Ito ay, ayon sa agham pandaigdig, ang siklong biyoheokimikal o ang pagpalit ng substansya o ang siklo ng
substansya na isang daan kung saan ang sustansyang kemikal ay dumaraan sa parehong buhay
(biosphere) at hindi buhay (litospera, atmospera, at hidrospera) na bahagi ng mundo.

6.Puwersa - Forces

lakas o kapangyarihan

7.Polusyon - Pollution

Ang polusyon ay mga hindi kanais-nais na kalagayan ng likas na kapaligiran na nahawahan ng


mapaminsalang mga sangkap bilang resulta ng mga gawain ng tao. Ito ay nauuri sa ibat-ibang klase ng
bagay na kung saan nagdudulot ng pinsala sa ating katawan, pamayanan at sa buong mundo. Ang mga
polusyon ay maaring sa hangin, tubig, pagkain,at sa lupa.

8. Likas na Agham - Natural Science

Ang mga Agham Panlipunan ay isang pangkat ng mga disiplinang akademiko na pinag-aaralan ang mga
aspekto ng tao sa mundo.

9 -10 {2pts} Mensahe o kaisipan ng sanaysay

Ang mensahe ng sanaysay na pangalagaan natin ang nilikha ng ating Diyos na kalikasan. Kung
ipagpapatuloy nating mga tao sa buong mundo na sirain, wasakin, babuyin ang ating kalikasan tayo rin
ang papatay sa ating mga sarili.

Pagbasa blg2 Ang Tao at Polusyon


1. Sumulat ng isang slogan na nanawagan ng pagmamahal at pangangalaga sa Inang Kalikasan o
Inang Mundo dapat orihinal at hindi lalampas sa sampung salita {10 words slogan/ sa Wikang
Filipino} Ipaliwanag 10 pts

"Maging matalino sa paggamit ng kalikasan, wag abusuhin, kundi ito'y sinupin at pagyamanin."

Dahil pag hindi natin ito ginamit sa pamamaraan ng talino , magiging bara bara ang magiging resulta.
halimbawa kung tapos na natin kunin ang pangangailangan ng puno, dapat ito at taniman natin ng bago
ng gayon ito ay umusbong .

2. Sa iyong palagay may kaugnayan ba ng Covid 19 na psndemya sa kapabayaan sa Inang


Kalikasan at Mundo? Bakit? May patunay ba ? 10 pts

Hindi. Dahil tao mismo ang gumawa ng pandemya at sakit . Walang kinalaman ang kalikasan , Tao lang
mismo ang gumagawa ng problema at solusyon.

You might also like