You are on page 1of 4

Bansot

Ni: Aurora I. Cruz


Pamamaraan
 Palarawan
Pagdulog
 Realismo at Sosyolohikal

Pagdulog Realismo - Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao,
anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan
o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa paksang sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.

Pagdulog Sosyolohikal - Ang teoryang sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa
kwento. ang akda rin ay nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan.

Uri ng Banghay
 Linear

Uri ng tauhan
 Bilugang Tauhan (Round)

Uri ng Paningin
 Paningin sa pangatlong panauhan

MGA SANGKAP NG MAIKLING KWENTO

Tauhan -Isang taong likha ng imahinasyon na gumagalaw o gumaganap sa kwento. Sila ay may mga
motibasyon o sapat na dahilan upang kumilos ayon sa dapat nilang gampanan.

 Lani –ang labintatlong taong gulang na batang bansot


 Kaloy at mga barkada- mga batang tumatawag ng bansot kay Lani
 Kabesang Pilo –ang nagmamay-ari ng lupang kinatitirikan ng moog o mataas at malaking pader
 Mang Indo –ang nagmamay-ari ng hasaan na hiniram ni Lani

Tagpuan - Tumutukoy ito sa pook at panahong pinangyarihan ng mga tagpo sa akda, naglalarawan ito ng ginagalawan o
kapaligiran ng mga tauhan. Inilalarawan ito ng buong linaw, pati na ang kaugalian ng mga nasa kapaligiran ay masisinag
sa mabisang pamamaraan.

Sa isang Nayon
 Sa gilid ng moog
Banghay –
tumutukoy ito sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
Panimula - Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan
ng kwento.
 Nakisilong si Lani sa lilim ng moog.

Saglit na Kasiglahan - naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.


 Ang pagpupumilit ni Lani na sumama sa pangingisda nina Kaloy at doon ay sinabihan siya ng mga batang iyon na
sa liit ni Lani hindi niya kailangan sumama baka siya raw ay liparin ng hangin at mahulog sa tubig.

Kasukdulan - Dito nagwawakas ang tunggalian. Pinaka- masidhing pananabik ang madarama ng mga mambabasa
sa bahaging ito sapagkat dito pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing tauhan o ng bayani sa kuwento.
Subalit bago sumapit ang pinakarurok na ito ng kasabikan, kailangang magduyan muna ang pananabik ng
mambabasa sa isang lundo na sa ilang saglit, mabibitin ang tinurang pananabik sa kahihinatnan ng pangunahing
tauhan.
Habang natutulog ang kanyang ama palihim niyang kinukuha ang mga pait at martilyo para sa kanyang
binabalak gawin.

Kakalasan - Tulay sa wakas ng Kwento


 Minarkahan at binutasan niya ang pader.
Wakas - Bagama’t ang isang maikling kuwento ay maaari nang magwakas sa kasukdulan, may mga pagkakataong
kailangan pa rin ang isang katuusan upang ipahayag ang mga pangyayari pagkatapos ng kasukdulan. Maaari ritong
ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng pangunahing tauhan sa halip na ipaubaya na lamang sa mga
mambabasa.

 Natuklasan niyang sa likod ng mataas na pader na iyon ay isang malawak na tubuhan lamang.

Tunggalian - Ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang
mga pangyayari kaya’t sinasabing ito ang sanligan ng akda. Nagsisimula ito sa paghahangad ng pangunahing tauhan na
hahadlangan ng sinuman o anuman sa katuparan. Ang sagabal o katunggaling lakas ay dapat na nababagay sa kahalagahan
ng layunin; at dapat na magdulot ng pananabik at kasiyahan sa mga mambabasa sa dakong huli.
 Tauhan laban sa tauhan

Suliranin - Problemang haharapin ng tauhan.


 Gustong malaman ng mga tauhan sa kwento kung anong meron sa kabilang bahagi ng
moog.
 Gustong patunayan ni Lani na hindi lang siya isang simpleng batang bansot
Tema o Paksang Diwa - pinakakaluluwa ng maikling kwento.
 Hindi basehan ang pisikal na anyo ng isang tao.
Uri ng Kwento

 Kwento ng Tauhan

Pagsusuri:

Pagdulog Realismo

 Paniniwala sa mga maligno


Patunay:
“…,Marahil ay may tumatangkilik dito na masamang espiritu: marahil ay anito, o kapre o matanda sa punso. Ang
punlang galit ay iginitgit at isiniksik ng dambuhalang takot sa isang liblib na sulok ng kanyang puso…”
(talata,11)
“Sabi ng inangn ko ay may lamang-lupang naninirahan sa loob ng bakurang iyon. Madalas daw niyang masamyo ang
amoy ng patis kung siay’y nagdaraansa tapat ng pader.”
(talata,24)

Pagdulog Sosyolohikal

 Diskriminasyon sa pisikal na anyo at kakayahan ng isang tao

Patunay:
Maliit na bata lamang si Lani. Labintatlong taon, ngunit lubha siyang maliit para sa kanyang gulang. Ito ang
pinaghihinanakit ni Lani: lalo’t kung naririnig niya ang taguring bansot.
(talata 2)

“Ang liit mong ‘yan. Parang papel kang ililipad ng hangin paghihip nang malakas.”
(talata 15)

Bansot (Buod)
Ni Aurora I. Cruz
Ang kwentong Bansot ay patungkol sa isang batang nagngangalang Lani. Si lani ay isang batang tinawag na

Bansot dahil sa kanyang gulang na labing tatlo ay sobrang liit nito. Lagi nitong naitatanong sa sarili kung ano ang mali sa

pagiging maliit na inaapi siya lagi. Si Lani ay walang naging tunay na kaibigan dahil halos ng mga kabataan sa kanilang

nayon ay inapi siya. Nakahiligan ni Lani na magpasilong sa likod ng bakod nina Kabesang Pilo. Ang bakod ay kilala sa

kanilang Nayon dahil sa mga kumakalat na mga balitang pinaninirhan umano ang malaking puno sa loob niyon na mga

malign, anito at kung anu-anong mga katatakotan. Bunga noon ay tumubo ang kuryosidad sa utak ni Lani ninais niyang

malaman kung ano nga ba talaga ang mayroon sa loob ng bakod na iyon. Buhat sa isiping iyon ay nakabuo siya ng plano.

Planong tanging siya lang ang nkakaalam. Papangiti nalang siya ng lihim. Nang mga sumunod na mga araw ay hindi na

siya nakabalik pa sa moog na batong iyon dahil sa malimit na pag-ulan sa kanilang Nayon. Dahil dito ay nakahiligan

niyang mangisda sa ilog ng kanilang Nayon. Habang siya ay nasa kalagitnaan ng pangingisda, dumating sina Kaloy

kasama ng mga barkada nito. Nakahumalingan niya ang panghuhuli ng isda sa kabila ng makulit na pagtutol ng barkada

nina Kaloy.

“Huwag ka nang sumama. Walang sasagip sa iyo kung mahulog ka sa tubig. Madulas at maputik ang mga pilapil

kung ganitong tag-ulan.” “Ang liit mong ‘yan. Parang papel kang ililipad ng hangin paghihip nang malakas.” Iyan ang

mga katagang sinabi nito sa kanya. Habang nasa ganoong usapan sila ay nadako ang kanilang usapan sa moog nina

Kabesang Pilo. Napag-usapan nila ang mga katatakotan umanong nanyayari sa likod ng bakod na iyon. Tinanong si Kaloy

ng isa sa kanyang kaibigan nito kung nasilip na ba nito kung ano ang nasa likod ng bakod. Maagap itong nakasagot na
hindi pa dahil sa taas at madulas ito. Bumalik sa ala-ala ni Lani ang plano niya. Nasambit na lamang niya sa isip “maliit

man ako magagawa kong alamin ang nasa luob niyong bakod na iyo. Umuwi siya. “Isang linggong singkad na hindi

naglalayo ng bahay si Lani. Sa tahilan ng bahay nila’y palihim na isinuksok niya ang isang pait na nakakapitan ng

makapal na kalawang at ang kaputol na hasaang baton na hiniram niya kay Mang Indo.” Si Lani’y sumasalok ng tubig sa

balon ng kanilang kapitbahay. Maingat niyang ibinababa ang pait at hasaan mula sa tahilang kahoy at nauupo siya sa

isang bangkitong mababa. Katabi niya ang isang tabong pingas na may lamang kaunting tubig na sinalok niya sa balon at

isang kabibing matalim ang labi. Matiyaga niyang kinukudkod ng kabibi ang nagsingit na kalawang sa lukong ng pait, at

banayad na ininahasa ang dulo upang manauli ang makislap na talim.”

Makaraan ang ilang araw na pagpaplano sa binabalak. Isasakatuparan na ni Lani ang binabalak. Maaga siyang

bumangon, hindi pa tuluyang sumisisikat ang araw ay nagtungo na si lani sa daanang papunta sa sinasabing bakod.

Naglalaro sa kanyang balintataw ang namumulang mukha ng Amang niya, ang nakatawang may bahagyang pagkahukot,

at ang nakataas na kanang bisig na may kamay na nakakuyom sa paligid ng isang putol na yantok. Kailanman ay hindi

madudulas ang kanyang dila sa pangangahas niya sa martilyong nakaligpit sa bayong sa may kakalanan.” Nakarating na si

Lani sa sinasabing Bakod. Tinanaw niya ang kahabaan nito, hinihintay niya ang mga malignong sinasabi ng

magbarkadang sina Kaloy ngunit wala. Wala ni isang nagparamdam. Sinimulan niya na ang binabalak. Tinandaan ni Lani

nang pantay-mata ang dalawang bilog na sinlalaki ng pera sa pamamagitan ng kapirasong uling. Masigla niyang iniunat at

ibinaluktot ang mga batibot na bisig saka itinuon ang dulo ng pait sa isang bilog na may tanda. Palalo ang igkas ng

kanyang bisig, ngunit tinanggap ng kaliwa ang kakayahan ng una nang ito’y mayanig sa sunud-sunod na bayo ng

martilyong tumatama sa dulo ng puluhan ng pait. Matigas ang batong ito. Lalong matigas ang katiting ng bakal.

At nagtagumpay siya nagawa nga niyang mabutasan ito, upang masilip kung ano ang nasa loob nito. Napangiti

siya, namalas niyang ang likod pala nang bakod na iyon na sinasabing pinamumugaran na mga maligno ay isang malawak

na tubuhan lang pala.

You might also like