You are on page 1of 8

MAIKLING KWENTO O MAIKLING

KATHA
Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa
isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong
paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama
ng Maikling Kuwento."

Edgar Allan Poe

Si Edgar Allan Poe (Enero 19, 1809 - Oktubre 7, 1849) ay isang Amerikanongmanunulat.


Nakilala siya dahil sa pagsulat ng nakagigimbal na mga maiikling kuwento at mga tula. Ang
"The Raven" ang pinakakilala niyang tula, isang poesiyang nagsasalaysay tungkol sa ng
pagdadalamhati at kawalan ng isang lalaki. Kasama sa iba pa niyang mga akda ang "The Tell-
Tale Heart" at "The Cask of Amontillado." Gumanap ring patnugot at manunuring
pampanitikan si Poe, kaya itinuturing din siya bilang bahagi ng Kilusang Romantiko sa
Amerika. Kinikilala siya bilang imbentor ng uri ng salaysaying kathang-isip na pangdetektibo, at
isa ring kontributor sa lumalaganap nang henero ng salaysaying makaagham.[1] Siya ang kauna-
unahang kilalang Amerikanong manunulat na sumubok na maghanapbuhay sa pamamagitan ng
pagsusulat lamang, na naging sanhi ng kahirapang pangpananalapi  sa buhay at larangan.
Deogracias A. Rosario

Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila, siDeogracias A. Rosario ay ang Ama


ng Maiikling Kwentong Tagalog sa bansa. Sumusulat din siya sa ilalim ng mga alyas na Rex,
Delio, Dante A. Rossetti, Delfin A. Roxas, DAR, Angelus, Dario at Rosalino. Isa nang manunulat
sa gulang na 13, una siyang nagsulat para sa “Ang Mithi”, isa sa tatlong naunang pahayagan sa
bansa na nakatulong nang husto sa pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog. 

Naging manunulat siya ng "Ang Democracia" noong 1915 at nang kinalaunan ay nagsulat din
siya para sa Taliba, na naglulunsad ng buwanang patimpalak para sa tula at maiikling kwento.
Sa Taliba, tumaas ang kanyang posisyon bilang katulong ng patnugot at sa huli, ay naging
patnugot. Nagsulat din siya para sa Photo News, Sampaguita at Lipang Kalabaw. 

Kasama sina Cirio H. Panganiban, Amado V. Hernandez, Arsenio R. Afan at iba pa, si Rosario ay
isa sa mga pangunahing taga-ambag sa Liwayway. 

Naging myembro rin si Rosario ng iba't ibang asosasyon ng mga manunulat. Kabilang dito ay
angKalipunan ng mga Kuwentista, Aklatang Bayan, Katipunan ng mga Dalubhasa at
ang Akademya ng Wikang Tagalog. Nagsilbi siya bilang pangulo ng Ilaw at Panitik, na may mga
prominenteng kasapi tulad nina T.E. Gener, Cirio H. Panganiban, at Jose Corazon de Jesus. 

URI NG MAIKLING KWENTO


TRAHEDYA-sa trahikong kwent, hind nakaiiwas ang tao sa kapahamakan at pagbagsak,kahit
pa magpakita sya ng katatagan ng loob at tapang.

KOMEDYA-sa uring ito, dumaraan ang mga tauhan sa mga nakakatawa,kawili-wili,


okakatwang sitwasyon at kumplikasyon. at masayang wakas.
SATIRA-sartiriko ang kwento kung ginagawa miyong kalibak-libak ang tauhan.

ROMANSA-sa romantikong kwento,may maliwanag na pagkakaiba ang 'mabubuti' at


'masasamang' tao na sangkot sa mga pakikipagsapalaran at sa mga pangyayaring di kapani-
paniwala.

REALISMO-kabaligtaran ng romansa ang realistang naratib. sinasalamin nito ang tunay na


buhay . hindi ang buhay na gustong mangyari o hinihiling mangyari. sa kwentong ito umuiikot,
ang banghay sa mga pangyayaring hinaharap ng mga tao araw-araw. ang mga pangunahing
tauhan ay pangkaraniwan lamang. hindi sila kailangang maganda,gwapo,talentado, o mayaman.

Inuuri rin ang maikling kwento ayon sa estruktura, paksa, at teknika o (ayon sa genre). ilang sa
mga uring ito ang Picaresque, stream of consciousness, bildungsroman, rehiyonal (kasama na
ang local color) sosyal, detektib, psikolohiko, problema, sosyolohikal, tauhan, propaganda,
western, gothic (katatakutan) epistolaryo, science fiction, suspense at utopia.

BAHAGI NG MAIKLING KWENTO


Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento. 
Saglit na Kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot
sa suliranin. 
Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan. 
Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao
laban sa kapaligiran o kalikasan. 
Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban. 
Kakalasan- Tulay sa wakas. 
Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento. 
Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin
ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. 
Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kwento. 
kaisipan- mensahe ng kwento. 
Banghay- pangyayari sa kwento.
PINGKAW
ni: Isabelo S. Sobrevega

Naalimpongatan ako sa pagtulog nang hapong iyon sa sigawan at nanunuyang


tawanan ng mga bata sa kalsada. Dali-Dali akong bumangon, nagpahid ng
pawis at dumungaw sa bintana. Si Pingkaw pala na sinusundan ng mga bata.
Gula-gulanit ang kanyang damit na ilang ulit nang tinagpian at may medyas
ang isang paa na ewan kung asul o berde. Malayo siya kaya't di ko Makita
nang mabuti. Sa kabilang binti, may nakataling pulang papel de Hapon na
may kabit na lata sa dulo. Sa kanyang ulo, may nakapatong na palara na
kumikinang tuwing tinatamaan ng sinag ng araw. 
"Hoy, Pingkaw," sigaw ng isang bata na nakasundong abot sa tuhod at may
itinatawing-tawing sa daga. "Sige nga, kumanta ka ng blak is blak." 
"Ay, hiya ako," nag-aatubiling sagot ng babae, sabay subo sa daliri. 
"Kung ayaw mo, aagawin namin ang anak mo," nakangising sabat ng
pinakamalaki sa lahat, mahaba ang buhok at nakakorto lamang. At
umambang aagawin ang karga ni Pingkaw. 
Umatras ang babae at hinigpitan pa ang yapos sa kanyang karga. 
"Sige agawin natin ang kanyang anak," sabi nilang pahalakhak habang
pasayaw-sayaw na pinalilibutan si Pingkaw. 
Maya-Maya'y nakita kong lumuhod si Pingkaw sa lupa at nag-iiyak na parang
bata. 
"Huwag niyo naming kunin ang anak ko. Isusumbong ko kayo sa meyor."
Patuloy pa rin ang panindyo ng mga bata kahit na lumakas ang hagulhol ni
Pingkaw. 
Nakadama ako ng pagkaawa kay Pingkaw at pagkainis sa mga bata. Kaya't
sumigaw ako para takutin sila. "Hoy mga bata, salbahe n'yo! Tigilan n'yo ang
pagtukso sa kanya." 
Ewan kung sa lakas ng pagsigaw ko'y natakot ang mga batang isa-isang nag-
aalisan. Pagkaalis nila, tumingala si Pingkaw sa akin at nagsabi: 
"Meyor, kukunins nila ang aking anak." 
Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti. May koronel, may sergeant, may
senador siyang tawag sa akin. Ngayon meyor na naman. "O sige, Hindi na nila
kukunin yan. Huwag ka nang umiyak." 
Ngumiti siya sa akin. Inihele ang kayang karga. Nahulog ang basahang
ibinalot sa lata ng biskwit. Dali-Dali niya itong pinulot at muling ibinalot sa
lata. 
"Hele, hele tulog muna, wala ditto ang iyong ina…" ang kayang kanta habang
ang lata'y ipinaghele at siya'y patiyad na nagsasayaw. 
Natigilan ako. 
At naalala ko ang Pingkaw na dati naming kapitbahay sa tambakan, nang
Hindi pa siya ganito. 
Ang paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (sa amin ang
tambakan ng syudad) at ditto nagmumula ang kanyang makakain, magagamit
o maipagbili. Madalas siyang umawit dati-rati. Hindi naman kagandahan ang
kanyang tinig -basag at boses-lalaki. Subalit kung may ano itong gayuma na
bumabalani sa pandinig. Ewan kung dahil sa tila malungkot na tinig ng
kanyang paghehele o kung dahil sa pagtataka sa kanyang kasiyahan gayong isa
lamang siyang naghahalukay ng basura. 
Kadalasan, pabalik na siya niyang galling sa tambakan. Ang kariton niya'y
puno ng kartong papel, bote, mga sirang sapatos, at sa loob ng bag na burin a
nakasabit sa gilid ng kanyang kariton, makikita mo ang kanyang
pananghalian. Ito'y mga tira-tirang sadinas, karne norte o kaya'y pork and
beans, pandesal na kadalasa'y nakagatan na at kung minsan, kung sinuswerte,
may buto ng fried chicken na may lamang nakadikit. Sa kanyang yayat na
katawan masasabing tunay na mabigat ang kanyang tinutulak, ngunit
magugulat ka, tila nagagaanan siya at nakakakanta pa ng kundimang Bisaya. 
Pagdating niya sa harap ng kanilang barung-barong, agad niyang tatawagan
ang kanyang anak: "Poray, Basing, Takoy, nandito na ako." At ang mga ito,
Dali-daling nagtakbuhan pasalubong sa kanya habang Hindi makaringgan sa
pagtatanong kung may uwi ba raw siyang dyens na estretsibol; ano ang
kanilang pananghalian, nakabili ba raw siya ng bitsukoy? 
Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit Hindi ko man lamang nalaman
ang kanyang tunay na pangalan. Pingkaw ang tawag ng lahat sa kanya, b'yuda
na s'ya. Namatay ang kanyang asawa sa sakit ng epilepsy habang dinadala
niya sa kanyang sinapupunan ang bunsong anak. Samantala, si Pisyang Tahur
ay sumusumpa sa kanyang paboritong santo na Hindi raw kailanman nakasal
si Pingkaw. Iba-iba raw ang ama ng kanyang tatlong anak. Ang kanyang
panganay, si Poray, ay labis na mataas para sa kanyang gulang na labintatlong
taon at masyadong payat. Tuwing makikita mo iting nakasuot ng estretsibol
na dala ng ina mula sa tambakan, maaalala mo agad ang panakot-uwak sa
maisan. Si Basing, ang sumunod, sungi ngunit mahilig pang pumangos tubo
gayong umaagos lamang ang katas sa biyak ng kayang labi. Ang bunsong ewan
kung tatlong taon pa lamang ay maputi at guwapung-gwapo. Ibang-iba sa
kanyang mga kapatid kaya kung minsa'y naisip mong totoo nga ang sinasabi
ni Pisyang Tahur. 
Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni Pingkaw ang mga laman ng kariton,
ihihiwalay ang mga lata mga bote, mga kariton at iba pang nakalagay rito sa
napulot sa tambakan katulong ang kayang mga anak. Kinasanayan na ni
Pingkaw na umawit habang gumagawa. Kung minsan, sumasabay ang kayang
mga anak at ang sungi ang siyang may pinakamataas na tinig,. Pagkatapos,
itutulak na niya ang kariton patungo sa Tsino na tagabili. 
Talagang mahal ni Pingkaw ang kanayang mga anak. Sa tambakan,
karaniwang makikita mo na sinasaktan ng mga ina ang kanilang mga anak,
ngunit Hindi mo man lamang makikita si Pingkaw na inaambaan ang kanyang
mga anak. "Ang mga bata," nasabi niyang minsang bumili siya ng tuyo sa
talipapa at nakitang pinapalo ng isang ina ang maliit na anak na nahuli nitong
tumitingin sa malalaswang larawan, "Hindi kailangang paluin, sapat nang
turuan sila nang malumanay. Iba ang batang nakikinig sa magulang dahil sa
paggalang at pagmamahal. Ang mga bata, kung saktan, susunod sa iyo subalit
magrerebelde at magkimkim ng sama ng loob." 
Sa tunggalian ng pamumuhay sa tambakan na roo, ang isang tao'y handing
tumapak sa ilong ng kapwa tao mabuhay lamang. Nakapagtataka si Pingkaw.
Lubha siyang matulungin lalo na sa katulad niyang naghahalukay lamang ng
basura. Madalas siyang tumutulong sa pagtutulak ng kariton ng iba lalo na ng
mga bata at matatanda. Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing Linggo
Hindi kukulangin sa piseta anf kayang ipinamamahagi sa mga nagpapalimos. 
Alam ng lahat sa tambakan ang pangyayaring ito. Minsan, nagkasakit ng el to
rangsunging anak ni Pingkaw. Nagtungo ang babae sa suking Tsino. Nakiusap
na pautangin siya. Magpapahiram naman daw ang Tsino ngunit sa isang
kondisyon. Bukambibig na ang pagkagahaman sa babae ng Tsino na ito:
pinagdugtung-dugtong ng mga tagatambakan kung ano ang kondisyong iyon
sapagkat wala naman talagang nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa. Nalaman na
ng lahat ang mga naganap; ang pagkabasag ng kawali na inihambalos ni
Pingkaw sa ulo ng Tsino. 
Hindi rin nadala ni Pingkaw ang kanyang anak sa doctor. Pag-uwi niya,
naglaga siya ng dahon ng bayabas at ipinainom sa anak. Iyon nalamang ang
nakapagpabuti sa bata. 
"Nagpapakita rin na may awa ang Diyos. Kung ninais Niyang mamatay ang
aking anak, sana'y namatay na. ngunit dahil naisip pa Niyang mabuhay ito,
nabuhay rin kahit Hindi naipadoktor," ang sabi ni Pingkaw nang magpunta
siya sa talipapa bago pa man gumaling ang kanyang anak. 
Minsang nag-uusap ang mga nagsisipagtipon sa talipapa tungkol sa bigas
relip, at iba pang bagay na ipinamimigay ng ahensya na nangangalaga sa mga
mahihirap. Sumabat si Pingkaw na nagkataong naroroon, "Bakit iaasa ko pa sa
ahensya ang aking pamumuhay? Malusog at masigla pa naman ako sa
pagtutulak ng aking kariton upang tulungan. Marami pa riyang iba na higit na
nararapat tulungan. Ang hirap lang sa ating pamahalaan, kung sino ang dapta
tulungan ay Hindi tinutulungan. Ngunit ang ibang mabuti naman ang
pamumuhay, sila pa ang nakatatanggap ng tulong. Kabaliwan…" 
Iyan si Pingkaw. Kontento na siya sa kanyang naabot sa buhay. 
Naganap ang sumunod na pangyayai kay Pingkaw nang ako'y nasa bahay ng
aking kapatid na may sakit. Isinalaysay ito ng aking mga kapitbahay pagbalik
ko, at matinding galit ang aking nadama. 
Isang araw, matapos silang mag-agahan ng kayang mga anak, bigla na lamang
namilipit ang mga bata sa sakit sa tiyan. Ewan kung dahil sa sardines o sa
kung ano mang panis na kanilang nakain. 
Natuliro si Pingkaw. Nagsisigaw. Tumakbo siya sa mga kapitbahay upang
humingi ng tulong. Ngunit wala silang maitulong maliban sa pagsabihan
siyang kailangan dalhin ang mga anak sa ospital. 
Walang nagdaraang mga saasakyan sa kalyehon kaya sa kariton isinakay ni
Pingkaw ang kanyang mga anak. Nagtungo siya sa bahay ng isang doktor na
malapit lamang, ngunit wala ang doktor at naglalaro ng golp, ayon sa
katulong. 
Itinulak niyang muli ang kariton at nagpunta sa bahay ng isa pang doktor.
Matagal siyang tumimbre nakita niyang may sumisilip-silip sa bintana. 
Kaya nagugulkuhang itinulak na naman ni Pingkaw ang kanyang kariton
papuntang bayan. May doktor doon ngunit wala naming gamut para sa
nalason. 
Halos Hindi makakilos sa pagod si Pingkaw, bukod pa sa kanyang lubhang
pagkalumbay sa pagiging maramot ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang
pagtulak ng kariton. 
Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming sasakyan ang kanyang
pinahinto upang isakay ang kanyang mga may sakit na anak ngunit wala ni isa
sa mga ito ang tumigil. Maya-Maya napansin niyang Hindi na kumikilos ang
kanyang panganay. Para siyang sinakluban ng langit nang mabatid niyang
Hindi na ito humihinga. Umiiyak siyang nagpatuloy sa pagtulak ng kariton
para iligtas ang buhay ng natitira pa niyang dalawang anak. Maraming tao ang
may pagkamanghang nagmasid sa kanya, subalit wala kahit isa mang
lumapiot upang tumulong. Tumalbug-talbog ang katawan ng kanyang mga
anak sa kariton habang nagdaraan ito sa mga lubak-lubak ng kalsada. 
Pakiramdam niya'y isang daang taon na siya nang makarating sa pambansang
ospital. Matapos ang pagtuturuan ng mga doktor at narses na ang tinitingnan
lamang ay mga pasyenteng mayayaman na wala naming sakit, binigyan din ng
gamut ang dalawang anak ni Pingkaw. 
Nang gumabi'y namatay si Poray, ang pinakamatanda. Dalawang araw pa ang
lumipas, sumunod namang namatay ang bunso. 
Nakarinig na naman ako ng kaguluhan. Muli akong dumungaw. Si Pingkaw na
nagbalik, sinusundan na naman ng mga pilyong bata. 
"Hele-hele, tulog muna, wala dito ang iyong nanay…" ang kanta niya, habang
ipinaghehele ang binihisang lata. 

You might also like