You are on page 1of 3

URI NG PANITIKAN

-Batay sa Pagsasalin
 Pagsalin-Dula
 Pasulat
-Batay sa Anyo
 Tuluyan
 Patula
AKDANG TULUYAN- Nagpapahayag ng kaisipan na isinusulat ng
patalata.
Nobela- Mahabang kwentong piksyon na may iba’t-ibang kabanata.
Binubuo ng mga kabanata, may maraming tauhan at pangyayari, at
kinasasangkutan ng dalawa o higit pang mga tauhan. Ang halimbawa nito
ay Noli Me Tangere.
Maikling Kwento- Maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o higit pang katauhan. Ito ang
masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela, ito ay panggagagad ng
realidad.
Dula- Itinatanghal sa mga teatro. Layuning nitong itanghal ang mga tagpo
sa isang tanghalan o entablado.
Alamat- Nagkwekwento ng pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Pabula- Katang-isip na panitikan kung saan mga hayop o mga bagay na
walang buhay ang gumaganap na tauhan.
Tinatawag rin itong “kathang-kwentong nagbibigay aral”.
Parabula- May aral na hinahanggo mula sa bibliya.
Anekdota- Akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang
pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala o tanyag na tao.

Talambuhay- Nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao.


Balita- Mga pangyayaring nagaganap sa loob at labas ng bansa.
Talumpati- Opiniyon ng isang tao na ipinapahayag sa harap ng entablado.
Komunikasyong pampubliko.
TULANG PASALAYSAY- Mga tulang may balangkas.
Epiko- Kabayanihan, pakikipagtungali sa ibang tao, o pakikipagaway sa
kaaway.
Awit- Musikang magandang pakinggan. Binubuo ito ng labingdalawang
pantig. Kadalasang nasa anyong tula. May mga marelihiyoso o malayang
prosa.
Korido- Isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng Espanyol.
Binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula.
TULANG PANDAMDAMIN- Nagpapahayag sa isang kwento. Ang
makata ang directang pagpapahayag sa makikinig ang kanyang iniisip or
sariling damdamin.
Awiting Bayan- Maikling tulang binibigkas na may himig na inilalarawan
ang pamumuhay ng mga Pilipino.
Soneto- Tulang may labingapat na linya, hinggil sa damdamin at kaisipan,
may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
Elehiya- Guni-guni tungkol sa kamatayan
Dalit- Tulang panrelihiyon, layuning pagpuri, pagsamba, at
pagpanalangin. Karaniwan ay ipadala sa isang diyos o isang kilalang
pigura o maliwanag na halimbawa. May kahalong pilosopiya sa buhay.

Pastoral- Paglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran.


Oda- Liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao o
kinukuha ang interes ng makata o insipirasyon para sa Oda.
TULANG PADULA/DRAMATIKO- Itinatanghal sa entablado,
Patulang binibigkas na sinasabayan minsan ng ritmo o melodiya ng isang
awitin. Nagpapahayag ng mga tagpong lubhang-madula na maaaring
magkatulad o di kaya’y naiiba sa mga nagaganap sa pangaraw-araw na
buhay.
TULANG PATNIGAN- Ito ay isang uri ng pagtatalong patula na
ginagamitan ng pangangatwiran at matalas na pag-iisip. Ito ay ang
Karagatan, Duplo, at Balagtasan.
Balagtasan- Ang pumalit sa Duplo at Tagisan ng talino sa pagbigkas ng
tula bilang pangangatwiran sa isang paksang pinagtatalunan. Ito ay sa
karangalan kay Francisco Balagtas Salazar.
Karagatan- Isang laro na tula o isang paligsahan sa pagtula. Ito ay dulang
pantahanan sapagkat kadalasan ito ay idinaraos sa loob ng bahay o sa
bakuran ng namatay. Kadalasan itong ginaganap sa namatayan o may
lamay at may matandang ipapaliwanang ang laro. Mayroong tabong
papaikutin, at kung sino ang tapatan nito, Tatanungin siya ng dalaga ng
matalinhagang tanong at matalinhagang sagot ang isasagot ng binata.Ang
kwentong ito ay batay sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na
nahulog sa gitna ng dagat. Pakakasalan ng dalaga ang binatang
makakakuha ng singsing.

Duplo-Ang pumalit sa Karagatan at Isang paligsahan sa husay sa


pagbigkas at pangangatwiran ng patula. Ang mga pagbigkas ay galing sa
mga kasabihan, salawikain, at Bibliya. Ito ay madalas laruin tuwing may
lamay sa patay.

Karagatan
Duplo
Balagtasan

You might also like