You are on page 1of 5

FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY

DEREGULATED STATUS- CHED PAARALANG GRADWADO


Lungsod ng Roxas
Tel No. (036) 6212-317, Fax No. (036) 6213-057
Website: http://www.filamer.edu.ph/

JAYRHA GRACE I. ANDRADE, LPT GNG. MARIBEL N. BUENAVIDES


MAT-Filipino Propesora

FIL - 414
(PANULAANG FILIPINO)

YUNIT 2 KASAYSAYAN NG PANITIKAN

MGA URI AT ANYO NG PANITIKAN

Ang PANITIKAN ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga


damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang
pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at
patula. Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an " na kung
saan ang unlaping " pang " ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik"
naman ay na ngangahulugang literatura (literature), na ang literatura ay
galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik.

Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya


at mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam,
sindak at pangamba.

PANGKAHALATANG URI NG PANITIKAN

1. KATHANG-ISIP (FICTION) - ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula


sa kanilang imahanisyon. Ang mga kuwento ay hindi totoo kagaya ng
maikling kuwento, nobela at epiko.

2. HINDI KATHANG -ISIP (NON-FICTION) - ang mga panulat na batay sa tunay na


pangyayari katulad ng talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay
ang mga akdang pangkasaysayan.

ANYO AYON SA PAGHAHALIN

1. PASALINDILA - Ang paraan ng paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig


ng tao. Noong hindi pa marunong magsulat ang mga ninuno ng mga
makabagong Pilipino, binibigkas lamang ang mga panitikan.

2. PASALINSULAT - Isinatitik, isinulat, inukit, o iginuhit ng mga Pilipino ang


kanilang panitikan. Naganap at nagsimula ito noong matutunan nila ang
sinaunang abakada o alpabeto, kabilang na ang mas naunang baybayin
at mga katulad nito.
3. PASALINTRONIKO - Pagsasalin ng panitikan sa pamamagitan ng mga
kagamitang elektroniko na dulot ng teknolohiyang elektronika. Ilan sa mga
halimbawa nito ang paggamit ng mga diskong kompakto, plaka, rekorder
at ang kompyuter.

ANYO NG PANITIKAN

1. Tuluyan o Prosa (prose) - Paggamit ng mga salita sa isang pangungusap na


walang kinakailangang pagtutugma o pagbilang ng mga pantig upang
magkaroon ng parehong tunog sa huli ng tauludtod.

2. Patula o panulaan (poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng


salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at
nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-
tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.

TULUYAN O PROSA (PROSE)

• NOBELA - isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t


ibang kabanata.
• MAIKLING KWENTO - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan.
• DULA - Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado
• ALAMAT - isang uri ng panitikan na nagkukwento sa pinagmulan ng
mga bagay,lugar at pangyayari.
• PABULA - isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga
hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na
mga tauhan.
• PARABULA - mga kwentong hango sa Bibliya.
• ANEKTODA - tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring
naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao.
• SANAYSAY - isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman
ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
• TALAMBUHAY - nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao
hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
• BALITA - mga iba’t-ibang makatotohanang pangyayari na
nagaganap sa isang lugar o bansa.
• TALUMPATI - isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na
pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.

PATULA O PANULAAN

1. TULUYANG PASALAYSAY
- Ito naman ay nakatuon sa pagkukuwento o pagpapakita ng balangkas
ng isang pangyayari. Walang bilang ng taludtod, saknong, o pantig ang
tulang pasalaysay.

Maaari itong mga akdang mahaba o maikli na nagbibigay ng simple o


komplikadong mga pangyayari tulad ng daloy ng buhay pag-ibig o
pakikipagsapalaran ng isang tao o bayani.

Mayroong tatlong uri ang tulang pasalaysay: ito ang epiko, awit at korido.

• Epiko - kung saan may mga tema ang kuwento ng kadakilaan ng


kabayanihan.
• Awit - ay sa bawat taludtod, may labing dalawang pantig, na
itinutula/ binigbigkas nang pasalaysay ngunit may himig na may
bagal o tinatawag na adante, at mayroong makatotohanan at
malapit sa katotohanang kuwento at mga tauhan and kanilang
pakikipagsapalaran.
• Korido - ay nagmula sa impluwensiyang Kastila, may walong pantig
kada linya at apat na linya naman sa isang saknong. 'Di tulag ng
Awit, ang Korido ay binibigkas naman nang may kabilisan na
sinusundan ang pattern ng march/martsa.

2. TULUYANG PANDAMDAMIN O TULUYANG LIRIKO


-Ito ay sumasalamin lamang sa damdamin ng makata o sumusulat ng tula.
Walang anumang konsiderasyon sa pagsulat nito ngunit ang damdamin o
emosyon lamang ng sumusulat.

Hindi nito kinakailangan na mayroong tauhan o karakter sa isusulat na tula.


Tumatalakay lamang ang tulang ito sa perspektibo, pagpapahalaga,
emosyon, o iniisip ng makata.

Mayroong iba’t ibang uri ang tulang liriko: Awit, Soneto, Elehiya, Dalit,
Pastoral at Oda.

• Awiting Bayan - ay isa sa mga kultura na pinangalagaan mula sa


ating mga ninuno. Ito rin ay tinatawag na “kantahing bayan” ng
iilan.
• Soneto - ay isang uri ng tulang may 14 na taludtod tungkol sa
damdamin at kaisipan, may tugma, at may mapupulot na aral ang
mambabasa.
• Elehiya - Isang uri naman ng malungkot at pagdadalamhating
babasahin ang elehiya. Ito ay tulang damdamin na may temang
kamatayan o pagluluksa.
• Dalit - Tumutukoy naman ito sa isang uri ng tulang damdamin na
nagpapakita ng luwalhati, kaligayahan, o pagpapasalamat.
Karaniwang para ito sa mga diyos o pinaniniwalaang panginoon
upang magpakita ng pagsamba. Karaniwan din itong isang
saknong lamang.
• Pastoral - ay isang uri ng tula na kung saan itinatampok ang simpleng
pamumuhay sa lugar na bukirin. Karaniwang inilalathala ang mga
gawain na kung saan isinasalaysay ang kadakilaan at kagiingan sa
maghapong pagbubungkal, pagtatanim at pag-aani ng mga
pananim.
• Oda - Nakatuon naman sa pagbibigay ng papuri o dedikasyon sa
isang tao, bagay, o anumang elemento ang oda.

3. TULUYANG PADULA O PANTANGHALAN


- Ito ay mga piyesa o tulang itinatanghal sa mga dulaan o teatro.
Karaniwan itong binibigkas ng patula sa saliw ng tunog o musika upang
mas maging kagiliw-giliw sa mga manonood.
- Ito ay mga itinatanghal sa entablado.

Limang uri ng Dulang Pangtanghalan:

• Senakulo(Cenaculo) - isinadulang buhay ni Hesukristo.


• Tibag - isang pagsasadula kung saan tinitibag ang bundok upang
hanapin ang krus na kinamatayan ni Hesus.
• Panunuluyan - ipinapakita rito ang mag-asawang Birheng Maria at
San Jose sa paghahanap ng kanilang matutuluyan.
• Comedia o Moro-moro - isang uri ito ng maikling dula na may
dramatikong elemento na nakasulat sa orihinal na Kastila na may
elementong panrelihiyon, may sukat na pito o walo o kaya sa
labing-apat na pantig.
• Sarsuwela - ang sarsuwela'y walang tiyak na anyo, ang pagkanta'y
malaya at imahitibo.

4. TULUYANG PATNIGAN (JOUSTIC POETRY)


-Ito naman ay isang uri ng tula na nakatuon sa pagbibigay ng damdamin
habang mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-kuro. Karaniwang
tinitignan ito bilang isang tulang nasa anyong padebate o pagtatalo. Ang
kaibahan lamang nito sa karaniwang debate ay gumagamit pa rin ito ng
tugma, ritmo, at taludturan.

Mayroong tatlong uri ng tulang patnigan ang kinikilala: ang Balagtasan,


Karagatan, at Duplo.

• Balagtasan - ay uri ng debate o pagtatalo ng dalawang


magkasalungat na panig tungkol sa isang paksa. Ipinahahayag ng
dalawang panig ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng
pagtula.
• Duplo - naman ay isang paligsahan sa pagtula. Ang paksa ng
pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro ng hari o kaya naman ay
magsusumbong ang bilyako sapagkat hinamak ng isang bilyaka.
• Karagatan - ay isang matandang panitikan. Ito ay tulang padula
sapagkat ang mga ito ay nasusulat at ginagampanan ng tauhan.
Batay sa alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa gitna ng
dagat.
MGA SANGGUNIAN

Bandril, L.T, “Espesyalisasyon” - Filipino (Panitikan), Philippine Normal University: The


National Center for Teacher Education, Manila

https://www.academia.edu/36790153/Ang_dalawang_uri_o_anyo_ng_Panitikan
_ay_ang_tinatawag_na_Tuluyan_at_Prosa?fbclid=IwAR1c6q3z3H8rjvtr9p8fTJPYB-
J-NDLUlmLz65croaJqO7vPKLruSYDWPU

https://www.coursehero.com/file/75228052/3-ANYO-AT-URI-NG-PANITIKAN
PPTpdf/?fbclid=IwAR2FFv4PfwH_CEs7lwLnJlUWfzPxLb9lTFxFQqYlw5WLG8GddGnE
K-Y3S4

https://fdocuments.net/document/uri-
ngpanitikan.html?page=14&fbclid=IwAR1t1VntCTxXpLRFWolPZGmNMQsJnpWJo
DF3Uxy--WybMsMXc4ih1FFUos

https://www.coursehero.com/file/75228052/3-ANYO-AT-URI-NG-PANITIKAN-
PPTpdf/?fbclid=IwAR1G24G2z8PIXky5WIHcwxgAcfvT4dvwhwVmH6rfWkOdcYXVh
7Vvh-26D1c

https://fdocuments.net/document/uri-ng
panitikan.html?page=14&fbclid=IwAR3SLy1QdBiIwNyKc1aNuCyTOUokee03-U-
13pHBEkgR13O3jS5c0jCJ_ow

https://tl.wikipedia.org/wiki/Panitikan?fbclid=IwAR3-tzBoun09Q2
Nh976obDcfvEHxGJHLPUEAqqcXaRrPbZHvHgSoywRPzA#Mga_uri_ng_panitikan

https://brainly.ph/question/7848917?fbclid=IwAR2_ouhvo9n22ChXTR9dnEbbLney
ISj2OG6jaLraCiwjG5lWhtQSUcsMN38

https://www.panitikan.com.ph/mga-uri-ng-tula

https://brainly.ph/question/573908

https://www.panitikan.com.ph/mga-uri-ng-tula

https://www.slideshare.net/ManuelDadeaDaria/panitikan-52237416

https://www.slideshare.net/ExoDus012/2-15261537

You might also like