You are on page 1of 6

Panitikan inggil sa Kahirapan

Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang


isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi.[1]Ang absolutong kahirapan ang
kalagayan o katayuan ng hindi pagkakaroon ng paraan o pamamaraan upang
makayanan o makapagdulot magkaroon ng payak o basikong mga
pangangailangang pantao, katulad ng malinis na tubig o naiinom na
tubig, nutrisyon, pangangalagang pangkalusugan, kasuotan, at
tirahan. Ang relatibong kahirapan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng mas
kakaunting mga mapagkukunan o mas kakaunting kitang salapi kaysa ibang mga
tao sa loob ng isang lipunan o bansa, o kapag inihambing sa mga karaniwang
bilang sa buong mundo. Ang suplay ng mga pagkain na pangangailangan ay
maaaring malimitahan ng mga limitasyon sa mga serbisyo ng pamahalaan gaya
ng korupsiyon, ilegal na paglisan ng kapital, mga kondisyonalidad sa utang at sa
pagkaubos ng utak ng mga propesyonal na pang-edukasyon at pangkalausugan.
Panitikan inggil sa Karapatang Pantao

Ayon kay Alejandro Abadilla, ang kahulugan ng salitang sanaysay ay nakasulat na karansan ng isang sanaysay at
pagsasalaysay. Ito ay panitikang tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksiyon at
iba pa ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu.

Naituturing na sanaysay ang talambuhay dahil ito ay isang paglalahad tungkol sa buhay ng gak na siya mismo
ang may akda.

Ang naging tunguhin ng sanaysay sa kasaysayan ng panitikang Filipino sa panahon ng katutubo, karamihan sa
mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mg panitikan ring nasulat sa mga piraso ng kawayan matitibay na kahoy at
makikinis na bato.

Nilikha ang sanaysay para makapagnilay-nilay sa mga pangyayari at maihatid ang kahalagahan ng kasayasayan
bilang bahagi ng panitikang Filipino.

Naging ambag ng sanasaysay bilang anyong pampanitikan noong unang panahon, masasabing ang ating mga
ninuno ay may panitikan ng dahil sa mga awitin, tula at ang alpabetong kanilang ginamit, alibata. Sa pagdating ng
mga dayuhan sa ating bansa, partikular na ang mga kastila. Sinunog ng mga ito ang mga katibayan na ang ating
mga ninuno ay mayroon talaganv panitikan at saka nila unti-unting binago ng ating mga ninuno at di nagtagal at
tuluyan na itong nabago.

Mayroong dalawang pangunahing uri ang sanaysay; ang pormal at impormal na sanaysay.
Sa pormal o maanyong sanaysay na tinatawag din na impersonal, kung ito ay maimpormasyon. Katulad ng
paghahatid ng mahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga
materyales para sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay. Habang sa Impormal o di-pormal naman, ay
mapang-lungkot. Nagbibigay lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pangaraw-araw at
personal o isyung maaaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niy sa mga mambabasa.
Panitikan inggil sa Isyung manggagawa

Mga 20 taon na mula nang ilimbag ang una kong koleksyon ng tula, may pamagat na Biyahe,
nang magtapos ako sa Philippine High School for the Arts sa Mt. Makiling, Laguna noong 1996.
Pagpasok ko sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa Diliman, naging fellow ako ng isang writers’
workshop, nakapaglathala ng pailan-ilang tula sa mga pahayagan, magasin at dyornal,
nagpasali-sali sa mga patimpalak sa pagtula sa kolehiyo, at nagpatambay-tambay na rin kung
saan nagsususuot ang mga tinaguriang artist. Dahil naging iskolar sa pagsusulat kahit na nga sa
mura kong edad na iyon, at dahil na rin sa ang mga magulang ko ay mga manunulat din na
kahalubilo ng mga makata, pintor, musiko, artista sa teatro at artista sa showbiz sa kani-
kanilang mga sirkulo – ganito ang daigdig, at ninais nating magbiyahe para makita pa ang mas
malawak.

Noong taong 2000, habang ako’y editor ng pahayagang pangkampus ng UP, ang Philippine
Collegian o Kule at naghahanda para sa paglalathala – sana – ng susunod kong koleksyon ng
mga tula, dinampot ako ng militar sa Delfin Albano, Isabela at ikinulong. Magkakalahating-taon
pa lang ako noon sa Isabela nang maudlot ang pakikipamuhay sa mga magsasaka nang dahil sa
engkwentrong iyon. Nagtagal lang ako ng kulang sa isang buwan sa bilangguan dahil sa maagap
na kampanya para sa pagpapalaya, pero naroon na ang ilegal na aresto, detensyon, at kaso sa
korte na tumagal nang mahigit dalawang taon bago tuluyang naibasura.

Lumipas ang mga taon, mawawala na ako sa sirkulasyon – dahil makakabalik at makakarating
pa ako sa iba’t ibang lugar sa ating mga kanayunan para ipagpatuloy ang naudlot na
pakikipamuhay sa ating mga magsasaka. Pero ang tuluyan na ngang naudlot ay ang paglalathala
ko ng koleksyon ng mga tula, na kahit handa na ang manuskrito ay hindi ko lang talaga
naipursigi. Ngayon, may mga makakasalubong ako na nagtatanong: “nagsusulat ka pa ba ng
tula?” o kaya “maglalabas ka na ba ng libro”? Tumutugon ako minsan ng diretsahang “hindi,” at
sila’y manghihinayang. Sayang naman anila.
Panitikan inggil sa Isyung Kasarian.

” Lalaking Macho! Babaeng Sexy!


Babaeng Macho? Lalaking Sexy?
Si Malakas! Si Mahina!
Si Gwapo at Si Maganda.

Paano nga ba nagkapantay? Sabi nila ang lalaki daw ay haligi ng tahanan. Paano kung mawala
ang haligi? Ano na kaya ang mangyayari? Magiging pilay na ba ang bahay o babagsak na ba ito
dahil walang sumusuporta dito at ang ilaw ng tahanan ay mababasag na lamang ng tuluyan
kapag bumagsak ang tahanan? Masisira na ba ang lahat ng mga gamit na nasa loob ng tahanan
kapag nawala ang haligi? Paano naman kung ang ilaw ng tahan ang mawala? Magiging madilim
na ba ang tahanan? Hindi na ba makakakita ng liwanag ang mga gamit nito sa loob ng tahanan?
Hindi na ba nito maliliwanagan ang haligi ng tahanan at hindi na ba nito makikita ang liwanagng
kanyang tahanan? Paano nga ba ito nagkapantay?!

Sabi nila ang mga babae daw dapat ay nasa loob ng bahay lamang at taga pag alaga ng mga
anak. Minsan nga ang tawag sa mga babae ay "tiga o taga", tiga hugas ng plato, tiga luto ng
pagkain, taga linis ng bahay at iba pa. Ang babae daw ay dapat taga gabay lang sa mga anak nito
at palakihin nito ang kanyang mga anak nga maayos. Ang babae daw ay dapat nasa bahay
lamang at hindi maaring magtrabaho. Kailan nga ba nagkapantay?!

Ang lalaki daw ay dapat tagapagdisiplina sa mga anak nito. Siya din daw ang magtratrabaho sa
pamilya nito. Siya ang dapat magdesisyon sa bahay, kung baga ang lalakidaw ay ang dapat
masunod sa lahat ng bagay. Kailan nga ba nagkapantay?!

Minsan sinsabi nila na kapag si misis ang masusunod sa tahanan ay " Under de Saya" si mister.
Kapag si mister naman ang nasusunod lagi sa bahay ay "Hari" naman kung tawagin ang lalaki.

Paano at kailan ba magkakaroon ng pagkakapantay na pagtingin sa babae at lalaki?


Magkakaroon pa nga ba ng pagkakapantay na pagtingin sa magkaibang kasarian? Ito ang mga
tanong na maiiwan sa ating isipan kaya ito ay ating dapat tuklasin.
Panitikna inggil sa Sitwasyong Pangkat Minorya

Ang PANITIKAN ay isang pinakapayan na paglalarawan ang panitikan o panulat ay


ang pagsulat ng tuwiran o tulayan at patula na nauugnay

2 Uri ng Migrasyon:

1. Push Factoror - ito ang mga negatibong salik na nagtutulak sa mga


nilalang upang maglipat o mandayuhan at umalis sa kasalukuyang tinitirahang
lugar. Ginagawa ito dahil sa paghahanap ng kapayapaan, o dahil may kalamidad,
pagputok ng bulkan, o ang lugar ay nasalanta ng bagyo. Maaari ring dahil sa
paghahanap ng makakain o mapagkukunan ng yaman para manatiling buhay.

2. Pull Factor - ito ang mga positibong salik na humihikayat sa tao na mandayuhan
sa ibang lugar. Pagdayo ang layunin nito upang magtamo ng kaunlarang
pangkabuhayan. Para sa mga tao, sila ay lumilipat para magamit ang kanilang mga
pinag-aralan na hindi nila magamit sa sariling bayan
AL- HASAN I. MOHAMMAD
BSBA HRDM 1D

PORTFOLIO SA FILIPINO

IBA'T IBANG URI NG


PANITIKAN

You might also like